You are on page 1of 7

PANALANGIN SA UMAGA

L: Ihanda natin ang ating mga sarili para sa pagsisimula ng


pananalangin. Magsitayo tayo at damhin ang presensya ng Panginoon..

Ipinagdiriwang natin ngayon ang Kapistahan ni/ng __________


(Basahin Mula sa Simbahay/Gospel Diary)
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

L: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay….


R: Papuri sa’Yo Panginoon
( babasahin ang Ebanghelyo at saglit na hihinto )
L: Ang Mabuting Balita ng Panginoon
R: Pinupuri Ka naming Panginoong Hesukristo

L: Panalangin sa Umaga
L: O Hesus, sa pamamagitan ng kabanal-banalan at kalinis-linisang puso
ni Maria/ iniaalay namin sa iyo ang lahat ng aming panalangin/ mga
Gawain/ kasiyahan/ at pagpapakasakit sa araw na ito/ Sa pakikiisa sa
Banal na Misa sa buong daigdig/ iniaalay namin ang lahat ng ito/ para sa
lahat ng hangarin ng iyong Banal na Puso/ sa kaligtasan ng mga
kaluluwa/ sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan/ at sa pagkakabuklod
ng lahat ng mga Kristiyano/ Iniaalay din namin ito/ para sa panalangin ng
ating Arsopbispo/ at ng lahat ng mga Apostolado ng Panalangin/ lalung-
lalo na ang lahat ng inirekomenda/ ng Santo Papa para sa Buwang Ito/
Amen.

1
Basbas Dominiko

L: Basbasan nawa tayo ng Diyos Ama


Hilumin nawa tayo ng Diyos Anak
Patnubayan nawa tayo ng Diyos Espiritu Santo
Bigyan ng mga mata upang makakita
Mga tainga upang makarinig
Mga kamay upang gumawa
Mga paa upang makalakad
At bibig upang maipahayag ang mga salita ng Kaligtasan
Gabayan nawa tayo ng anghel ng kapayapaan
At dalhin sa Kaharian na handog ng Panginoon.
Amen.

L. Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo


B: Ipanalagin mo Kami
L. Santo Domingo de Guzman at Santo Tomas de Aquino
B: Ipanalagin mo Kami
L. Beato Mannes de Guzman aming pintakasi
B: Ipanalagin mo Kami
L. San/Santa_______________ (nagdiriwang ng kapistahan)
B: Ipanalagin mo Kami
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

Magandang Umaga sa Lahat!

2
ANGELUS
L: Ihanda natin ang ating mga sarili para sa pananalangin ng Angelus.
Magsitayo tayo at damhin ang presensya ng Panginoon.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

L: Binatì ng Anghel ng Panginoón si Santa María


B: At siya'y naglihi lalang ng Espíritu Santo.

Abá Ginoóng María, napupunô ka ng grasya, ang Panginoóng Diyos ay


sumasaiyo. Bukód kang pinagpalà sa babaeng lahat, at pinagpalà rin
naman ang iyong Anak na si Hesús.
Santa María, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon
at kung kami'y mamamatay. Amen.

L: Nárito ang alipin ng Panginoón.


B: Maganap nawâ sa akin ayon sa wikà mo.

Abá Ginoóng María…

L: At ang Salita ay nagkatawáng-tao,


B: At nakipamayan sa atin.

Abá Ginoóng María…

L: Ipanalangin mo kami, O Banal na Ina ng Diyos,


B: Nang kami'y maging dapat na makinabang sa mga pangakò ni
Hesukristong Panginoón.

Manalangin tayo: Panginoón, naming Diyos/


kasihan Mo nawâ ang aming mga káluluwâ/ ng Iyong mahal na grasya/
at yayamang dahilan sa pamamalità ng Anghel/
ay nakilala namin ang Pagkákatawang-tao ni Hesukristong Anak Mo;
pakundangan sa mahal Niyang Pagpápakasakit/ at Pagkamatay sa Krus/
ay papakinabangán Mo kami sa Kaniyang Pagkabuhay na Mag-uli/ sa
kaluwalhatian sa Langit/
Alang-alang kay Hesukristo ring Panginoón namin.
Amen.

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espíritu Santo,


Kapara noong una, ngayon at magpakailanman, at
mágpasawaláng-hanggán. Amen.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

3
PANALANGIN SA IKATLO NG
HAPON
L: Ang Ikatlo ng hapon ay ang oras ng dakilang Awa. Namatay sa oras na
ito ang ating Panginoong Hesukristo sa Krus upang tubusin ang
sangkatauhan mula sa kasalanan. Magsitayo tayong lahat at ialay ang
panalanging ito para sa kapayapaan at pagpapanibago ng polotikong
Sistema ng mga namumuno sa bansa sa diwang Kristiyano.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

L: Pumanaw Ka, Hesus/ subalit ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa


mga kaluluwa/ at ang karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan/

O Bukal ng Buhay/ Walang Hanggang Awa ng Diyos/ yakapin Mo ang


sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong Sarili/ para sa aming
lahat/

O Banal na Dugo at Tubig/ na dumaloy mula sa Puso ni Hesus/ bilang


Bukal ng Awa para sa aming lahat/ ako ay nananalig sa Iyo.

Banal na Diyos/ Banal na Puspos ng Kapangyarihan/ Banal na Walang


Hanggan/ maawa po Kayo sa amin/ at sa buong sansinukob. (3x)
AMEN.

O Hesus, Hari ng Awa, ako ay nananalig sa Iyo!

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Magandang Hapon sa lahat!

4
PANALAGIN PARA SA ATING BAYAN
(FLAG RETREAT)

L: Ihanda natin ang ating mga sarili para sa pananalangin. Magsitayo


tayo at damhin ang presensya ng Panginoon.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

L: PANALAGIN PARA SA ATING BAYAN

Ama naming makapangyarihan/ ito ang aming bayang sinilangan/ ang


bayang aming sinisinta/ Kami ay kabilang sa liping bumubuo nito/ Ikaw
ang lumikha/ at nagkaloob sa amin ang bayang ito/

Kaya naman/ maghari Ka nawa sa amin/ upang lagi naming pahalagahan


ang biyayang ito/ nang walang halong pagkamakasarili/ at pagiging
ganid/ Maghari ka rin nawa sa aming mga pinuno/ at patnubayan Mo sila
tungo sa daan ng katarungan/ at kapayapaan/

Ipaunawa Mo po sa amin/ na kami ay iyong tinatawag upang ipalaganap


ang Mabuting Balita/ hindi lamang sa aming bayan/ kundi sa buong
sanlibutan/ Kaya ipagkaloob Mong lumago kami sa pananampalataya/
pag-asa/ at pag-ibig/ upang kami ay maging matapat mong mga saksi/
Hinilihiling naming ito/ sa pamamagitan ni Hesukristo/ kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan/
Amen.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

5
REGINA COELI (CHELI)
L: Ihanda natin ang ating mga sarili para sa pananalangin ng Regina
Coeli (Cheli). Magsitayo tayo at damhin ang presensya ng Panginoon.
Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

N. O Reyna ng Langit, magalak ka. Aleluya.

L. Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan.


Aleluya.

N. Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng kanyang sinabi. Aleluya.

L. Ipanalangin mo kami sa Diyos. Aleluya.

N. Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria. Aleluya.

L. Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya.

N. Manalangin Tayo

L. O Diyos/ na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong


Anak/ na si Hesukristong Panginoon namin, ay minarapat
mong bigyan ng kagalakan ang buong daigdig/ Hinihiling
namin sa Iyo/ na alang-alang sa Birhen Maria na kanyang Ina/ ay
makamtan namin ang kaligayahan ng buhay na walang
hanggan/ Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon naming/
Amen.

Luwalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Espíritu Santo,


Kapara noong una, ngayon at magpakailanman, at mágpasawaláng-
hanggán. Amen.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

6
Magandang Hapon po sa Lahat!

You might also like