You are on page 1of 12

ANG BANAL NA MISA

Commenator: Magandang umaga, ngaun tayo ay nasa ika-22 lingo sa


karaniwang panahon at bilang isang komunidad samahan natin si
FR.____________ namumuno sa ating pagdiriwang ng banal na misa.
Magsitayo ang lahat!

PAMBUNGAD NA AWIT

Pari:   Sa ngalan ng Ama, at ng anak, at ng Espiritu Santo.

Bayan: Amen

P.        Sumainyo ang Panginoon.

B.        At sumainyo rin.

P.        Mga kapatid, aminin nating ang ating mga kasalanan upang tayo’y
maging marapat sa pagdiriwang ng banal na paghahaing ito.

            Sinugong Tagapagpagaling sa mga nagsisisi,


            Panginoon, kaawaan mo kami.

B.        Panginoon, kaawaan mo kami.

P.        Dumating na Tagapag-anyayang mga makasalana’y magsisi,


            Kristo, kaawaan mo kami.

B.        Kristo, kaawaan mo kami.

P.        Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama para ipamagitan kami


            Panginoon, kaawaan mo kami.

B.        Panginoon, kaawaan mo kami.

P.        Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,


            Patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
            At patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

B.        Amen.

GLORIA/ LUWALHATI (Linggo at mga pista)

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya
Pinupuri ka namin
Dinarangal ka namin
Sinasamba ka namin
Ipinagbubunyi ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan
Panginoong Diyos Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama
maawa ka sa amin
Sapagkat Ikaw lamang ang banal
Ikaw lamang ang Panginoon
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

PANALANGING PAMBUNGAD
           

P.        Manalangin tayo. (mula sa Aklat ng Pagmimisa)

            Ama naming makapangyarihan… sa pamamagitan ni Hesukristo


            kasama ng Espiritu Santo  magpasawalang hanggan.

            Amen.

Commentator: Magsiupo at makinig sa salita ng Diyos

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA (mula sa Aklat ng mga


Pagbasa)                                                                         

Pagbasa mula sa…

           
           
            Ang Salita ng Diyos.

B.        Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN (batay sa Aklat ng mga Pagbasa)


                                                           

B: Nasa D’yos ang kaligtasan


ng mga mat’wid at banal.

Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin,


at mananahan kang ligtas sa lupain.
Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan,
at ang pangarap mo’y iyong makakamtan.

B: Nasa D’yos ang kaligtasan


ng mga mat’wid at banal.
Ang iyong sarili’y sa Diyos mo ilagak,
pag nagtiwala ka’y tutulungang ganap;
ang kabutihan mo ay magliliwanag,
katulad ng araw kung tanghaling-tapat.

B: Nasa D’yos ang kaligtasan


ng mga mat’wid at banal.

Ang mabuti’y gawin, masama’y itakwil,


at mananahan kang lagi sa lupain.
Pagkat yaong bayang wasto ang gawain,
ay mahal ng Poon, hindi itatakwil.
Sila’y iingatan magpakailanman,
ngunit ang masama ay ihihiwalay.

B: Nasa D’yos ang kaligtasan


ng mga mat’wid at banal.

Ililigtas ng Diyos ang mga matuwid,


iingatan sila pag naliligalig.
Ililigtas sila’t kanyang tutulungan
laban sa masama, ipagsasanggalang;
sapagkat sa Poon nangungubling tunay.

B: Nasa D’yos ang kaligtasan


ng mga mat’wid at banal.
Commentator: Magsitayo po ang lahat at makinig sa Mabuting balita

ALELUYA
           

MABUTING BALITA

P.        Sumainyo ang Panginoon.

B.        At sumainyo rin.

P.        + Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San …

            Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

B.        Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo

Commentator: Magsiupo po ang lahat at makinig sa Homiliya

Homily
Commentator: Magsitayo po ang lahat!
CREDO

Sumasampalataya ako sa Diyos


Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay
Hesukristo, iisang Anak ng Diyos,
Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya
lalang ng Espiritu Santo, ipina-
nganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao. Nang may ikatlong araw
nabuhay na mag-uli. Umakyat sa
langit. Naluluklok sa kanan ng
Diyos Amang makapangyarihan
sa lahat. Doon magmumulang
paririto at huhukom sa nangabu-
buhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman
ako sa Diyos Espiritu Santo, sa
banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal, sa
kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng na-
ngamatay na tao at sa buhay na
walang hanggan. Amen!

PANALANGING PANGKALAHATAN
           
Pari:   Manalangin tayo sa Amang Diyos upang ilapit niya tayo sa kahalagahan ng
Ebanghelyo para panibaguhin ang Simbahan at ang daigdig..
           

Bayan: Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.


o kaya
Panibaguhin Mo kami, O Panginoon.

1.  Ang Simbahan, ang Bayan ng Diyos at mga pinuno nito, nawa’y sundin ang pag-
akay ng Espiritu Santo upang ipahayag sa mga tao ngayon ang walang-kupas na
wika ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

B.        Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

2. Ang ating mga puso nawa’y ating buksan sa mapagligtas na kapangyarihan ng


Diyos na higit na mahalaga kaysa mga panlabas na gawain ng pagpapakabanal,
manalangin tayo sa Panginoon.

B.        Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

3. Atin nawang mapagtanto na laging mapangyayari ang himala ng pagbabago sa


lahat ng humihingi ng tulong ni Kristo na makamtan ito, manalangin tayo sa
Panginoon.

B.        Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

4. Sa mga maysakit, nawa’y maging daan tayo ng mapagpagaling na kamay ng


pagmamalasakit ni Kristo sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng pagmamahal at
kalinga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon

B.        Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

5. Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapahingahan sa piling


ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

P.        Ama naming nasa Langit, dinggin mo ang aming mga panalangin at turuan
mo kaming mamuhay bilang bagong bayan mo na pinalaya ng pag-ibig ni Jesu-
Kristo naming Panginoon.

B.        Amen.

Commentator: Magsiupo po ang lahat, at intayin ang mga teacher na


mag assist para sa mas maayos na pag-aalay

AWIT SA PAG-AALAY

Commentator: Magsitayo po ang lahat!

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

(tahimik na paghahaluin ng pari ang alak at tubig)


P.        Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.
            Sa iyong kagandahang-loob,
            narito ang aming maiaalay.
            Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
            para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
           
B.        Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

P.        Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


            Sa iyong kagandahang-loob,
            narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

B.        Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

            Pagkatapos, yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang


pabulong:

            Diyos Amang Lumikha


            nakikiusap kaming mga makasalanan.
            Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
            upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.

            Pagkatapos ang pari’y pupunta sa gilid ng dambana,


maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

            Diyos kong minamahal,


            kasalanan ko’y hugasan
            at linisin mong lubusan
            ang nagawa kong pagsuway.
           
P.        Manalangin kayo, mga kapatid,
            upang ang paghahain natin ay kalugdan
            ng Diyos Amang makapangyarihan.

B.        Tanggapin nawa ng Panginoon


            itong paghahain sa iyong mga kamay
            sa kapurihan niya at karangalan
            sa ating kapakinabangan
            at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN SA MGA ALAY (batay sa Aklat sa Pagmimisa)

P.        Ama naming…  magpasawalang hanggan.

B.        Amen.

PAGBUBUNYI O PREPASYO
(batay sa Aklat sa Pagmimisa – angkop sa okasyon)
P.        Sumainyo ang Panginoon

B.        At sumainyo rin.

P.        Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

B.        Itinaas na naming sa Panginoon.

P.        Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

B.        Marapat na siya ay pasalamatan.

P.        Ama naming makapangyarihan…


             
           
            Kaya kaisa ng mga anghel
            na nagsisiawit ng papuri sa iyo
            nang walang humpay sa kalangitan,
            kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

B.        SANTO… (aawitin or bibigkasin)

            Santo, Santo, Santo


Panginoong Diyos na makapangyarihan
Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian mo
Osana sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon
Osana sa kaitaasan

Commentator: Magsiluhod po ang lahat!


PANALANGING EUKARISTIKO II
           

P.        Ama naming banal,


            Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
            Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu
            gawin mong banal ang mga kaloob na ito

           
            Upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo +
            ng aming Panginoong Hesukristo.

           
            Bago niya pinagtiisang kusang loob
            na maging handog,
Hinawakan niya ang tinapay,
            pinasalamatan ka niya,
            pinaghati – hati niya iyon,         
            iniabot sa kanyang mga alagad
            at sinabi:
           

            TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


            ITO ANG AKING KATAWAN
            NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
           
           
Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,
hinawakan niya ang kalis,
            muli ka niyang pinasalamatan,
            iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
            at sinabi:

            TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


            ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
            NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
            ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
            PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
            SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

            GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALAALA SA AKIN.

           
            Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

B.        Si Kristo’y namatay!


            Si Kristo’y nabuhay!
            Si Kristo’y babalik sa wakes ng panahon.

           
P.        Ama,
            ginagawa namin ngayon ang pag – alala
            sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
            kaya’t iniaalay naming sa iyo
            ang tinapay na nagbibigay-buhay
            at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
            Kami’y nagpapasalamat
            dahil kami’y iyong minarapat
            na tumayo sa harap mo
            para maglingkod sa iyo.

            Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


            sa Katawan at Dugo ni Kristo
            ay mabuklod sa pagkakaisa
            sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
           
            Ama,
            lingapin mo ang iyong Simbahang
            laganap sa buong daigdig.
            Puspusin mo kami sa pag-ibig
            kaisa ni N., na aming Papa,
            at ni N., na aming Obispo
            at ng tanang kaparian.

            Alalahanin mo si N., na tinawag mo


            mula sa daigdig na ito.
            Noong siya’y binyagan,
            siya’y nakaisa ni Kristo sa pagkamatay.
            Ngayong siya’y pumanaw,
            nawa’y makaisa siya ni Kristo sa pagkabuhay.

            Alalahanin mo rin
            ang mga kapatid naming nahimlay
            nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
            gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
            Kaawaan mo sila
            ay patuluyin sa iyong kaliwanagan.
            Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
            na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
            Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
            kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal.
            Na namuhay dito sa daigdig
            nang kalugud-lugod sa iyo,
            maipagdiwang nawa naming 
            ang pagpupuri sa ikararangal mo,

            s pamamagitan ng iyong Anak


            na aming Panginoong Hesukristo.

           
            Sa pamamagitan ni Kristo,
            kasama niya, at sa kanya
            ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
            Diyos Amang makapangyarihan,
            kasama ng Espiritu Santo
            magpasawalang hanggan.

            Amen.

ANG PAKIKINABANG

Ipahahayag ng pari nang magkadaop ang mga kamay:


           
P.        Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
            At turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
            Ipahayag natin nang lakas-loob:

            Ama namin, sumasalangit ka.


            Sambahin ang ngalan mo.
            Mapasaamin ang kaharian mo.
            Sundin ang loob mo
            dito sa lupa para nang sa langit.
            Bigyan mo kami ngayon
            ng aming kakanin sa araw – araw.
            At patawarin mo kami sa aming mga sala
            para nang pagpapatawad namin
            sa nagkakasala sa amin.
            At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
            At iadya mo kami sa lahat ng masama.
            Hinihiling naming
            kami’y iadya sa lahat ng masama,
            pagkalooban ng kapayapaan araw – araw,
            iligtas sa kasalanan
            at ilayo sa lahat ng kapahamakan
            samantalang aming pinananabikan
            ang dakilang araw ng pagpapahayag
            ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

B.        Sapagka’t iyo ang kaharian


            at ang kapangyarihan at ang kapurihan
            magpakailan man! Amen.

P.        Panginoong Hesukristo,
            sinabi mo sa iyong mga Apostol:
            “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
            Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
            Tunghayan mo ang aming pananampalataya
            at huwag ang aming mga pagkakasala.
            Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
            at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.

            kasama ng Espiritu Santo


            magpasawalang – hanggan.

B.        Amen.

P.        Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

B.        At Sumainyo rin.


           
P.        Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

B.        Peace be with you.

Commentator: Magsiluhod po ang lahat!

Hahati-hatiin ng pari ang ostiya at isasawak niya ang kaputol sa


kalis habang pabulong niyang dinarasal:

            Sa pagsasawak na ito


            ng katawan sa Dugo
            ng aming Panginoong Hesukristo
            tanggapin nawa naming sa pakikinabang
            ang buhay na walang hanggan.
           
Samantalang ginaganap ang paghahati sa ostiya, aawitin o
darasalin ang paghulog na ito:

            Kordero ng Diyos,
            na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
            maawa ka sa amin.

            Kordero ng Diyos,
            na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
            maawa ka sa amin.
           
            Kordero ng Diyos,
            na nag – aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
            ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Magdaraop ang mga kamay ng pari sa pabulong ng pagdarasal:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot
            ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko.
            Alang – alang sa iyong dakilang pag-ibig
            nawa’y aking matanggap
            ang pagkupkop mo sa akin at kaloob
            mong lunas.

            ITO ANG KORDERO NG DIYOS,


            ITO ANG NAG-AALIS NG MGA KASALANAN NG SANLIBUTAN.
            MAPALAD ANG MGA INAANYAYAHAN
            SA KANYANG PIGING.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

            Panginoon, hindi ako karapat-dapat


            na magpatuloy sa iyo
            nguni’t sa isang salita mo lamang
            ay gagaling na ako
           
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana
habang pabulong na nagdarasal:

            Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


            para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na


magdarasal:

            Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


            para sa buhay na walang hanggan.
           
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Commentator: Magsiupo po ang lahat, at intayin ang mga teacher na


mag assist para sa mas maayos na pagtanggapan ng banal na
pakikinabang.
AWIT SA PAKIKINABANG

Sa bawat nakikinabang sasabihin ng pari:

            Katawan ni Kristo.

Ang nakikinabang ay tutugon:

            Amen

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

P.        Manalangin tayo. (batay sa Aklat ng Pagmimisa)


           
            Ama naming… magpasawalang hanggan.

B.        Amen.

PAGBABASBAS

P.        Sumainyo ang Panginoon

B.        At sumainyo rin.

P.        Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos


           (+) Ama, Anak at Espiritu Santo

B.        Amen.

P.        Tapos na ang Misa. Humayo kayo sa kapayapaan.

B.        Salamat sa Diyos.

PANGWAKAS NA AWIT

You might also like