You are on page 1of 4

Votive Mass of the Holy Spirit

Nota Bene: This is the Mass to be followed on 28 July 2017, the schools foundation day. It
implores the help of the Holy Spirit to enlighten the minds everyone and fill with grace
from on high the hearts which thou hast created. (Veni Creator Spiritus)

PANALANGING PAMBUNGAD
Ama naming makapangyarihan
marapatin mong isugo sa amin ang Espiritu Santo
ayon sa ipinangako ng iyong Anak.
Liwanagin nawa niya ang aming isipan.
Akayin nawa niya kami sa katotohanan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama rin ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

UNANG PAGBASA (Gawa 2:1-12)


Ang Salita ng Diyos mula sa Gawa ng mga Apostol

Noong araw ng Pentekostes, nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang
araw ng Pentecostes. Walang anu-ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng
ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. May
nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, at silang lahat
ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa
ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.

May mga debotong Judio noon sa Jerusalem na nagmula sa bawat bansa sa buong
mundo. Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila
sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng mga nakikinig. Sa pagkamangha at
pagtataka ay kanilang nasabi, Hindi ba taga-Galilea silang lahat? Bakit sila
nakapagsasalita sa ating wika? Tayo'y mga taga-Partia, Media, Elam, Mesopotamia,
Judea at Capadocia, Ponto at Asia. Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Pamfilia, Egipto
at sa mga lupain ng Libya na malapit sa bayan ng Cirene, at mga nagmula sa Roma,
mga Judio at mga Hentil na naakit sa pananampalatayang Judio. May mga taga-Creta
at Arabia rin. Paano sila nakapagsasalita sa ating mga wika tungkol sa mga kahanga-
hangang ginawa ng Diyos?

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN (Salmo 103)


Tugon: Espiritu moy suguin, Poon, tanay yong panibaguhin

Pinupuri kita Poong Diyos nitong aking kaluluwa,


O Panginoong Dyos, kay dakila mong talaga!
Sa daigdig ikaw roon, kay raming iyong likha.
Sa daming nilikha moy nalaganapan ang lupa. (Tugon)

Natatakot mangamatay kung kitlin mo ang hininga;


Mauuwi sa alabok, pagkat doon sila mula.
Taglay mo ang Espiritu upang buhay ay ibalik,
bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig. (Tugon)

Sana ang yong karangalay manatili kailanman,


sa lahat ng iyong likha ang madamay kagalakan.
Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan
habang aking inaawit ang papuri sa Maykapal. (Tugon)
IKALAWANG PAGBASA
Ang Salita ng Diyos mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:

Alam nating hanggang ngayo'y dumaraing ang sangnilikha dahil sa matinding hirap na
tulad ng isang nanganganak. Hindi lamang ito, kundi tayong mga tumanggap na ng
Espiritu bilang unang kaloob ng Diyos ay dumaraing din habang hinihintay natin ang
paghahayag ng ating pagiging mga anak ng Diyos at ang paglaya ng ating mga
katawan. Naligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi iyon matatawag na pag-asa
kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sapagkat sinong tao ang aasa pa kung ito'y
nakikita na niya? Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, hinihintay natin iyon
nang buong tiyaga.
Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong
manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di
natin kayang sambitin. At ang Diyos na siyang nakakasaliksik sa puso ng tao, ang siyang
nakakaalam kung ano ang kalooban ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang
namamagitan para sa mga hinirang, ayon sa kalooban ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

MABUTING BALITA (Juan 20:19-23)


P: Sumainyo ang Panginoon.
L: At sumainyo rin.

+ Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


L: Papuri sa Iyo, Panginoon.

Kinagabihan ng araw ng Linggo, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakasara ang mga
pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si
Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila. Sumainyo ang kapayapaan! sabi niya. Pagkasabi
nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Nang makita nila
ang Panginoon, tuwang-tuwa ang mga alagad. Sinabi na naman ni Jesus, Sumainyo
ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.
Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang
patatawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga, subalit ang hindi
ninyo patatawarin ay hindi nga pinatawad.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari: Nakababatid na kailangan natin ang Espiritu Santo sa pagharap sa hamon ng ating
kapangakuang Kristiyano. Sa bawat panalangin, ating ipahayag: PANGINOON,
DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.

1. Para sa ating banal na Santo Papa Francisco, obispo Jose at ang hanay ng kaparian,
nawa patuloy na ipagkaloob ng Panginoon, bilang mga tagapagmana ng mga
apostol, ang ganap na tapang at katatagan upang ipahayag ang Mabuting Balita sa
lahat ng panig ng daigdig. Ating idalangin:
2. Para sa kapayapaan ng mundo at sa pagkakaisa ng lahat upang makamtan ang
mga mithiin, Ating idalangin:

3. Para sa lahat ng mga guro, punongguro at mga katuwang nito, nawa ay maipunla
nila sa lahat ng mag-aaral ang mga kaugaliang Kristiyano sa kabila ng laganap na
kasamaan. Ating idalangin:

4. Para sa mga mag-aaral, nawa ay magpatuloy ang kanilang sigasig sa pag-aaral at


maunawaan na ang pagsunod sa payo at gabay kanilang mga guro ay kapantay rin
ng pagsunod sa ating Panginoon. Ating idalangin:

5. Para sa paaralang ito, ng Mataas na Paaralan ng Vicente P. Trinidad, na nawa ang


kanilang mga nasimulan ay mas yumabong pa sa tulong ng grasya ng Panginoon. Ating
idalangin:

6. Nawa tayong lahat na nakasusumpong ng mga pagsubok sa buhay ay makahanap


ng kaginhawaan. Ating idalangin:

Pari: Ama naming makapangyarihan, alam naming iyong nababatid ang aming mga
kahilingan at daing. Gabayan Mo ang aming mga puso sa landas ng pag-ibig at
paglilingkod nang kamiy maging mabisang kasangkapan sa pagtatatag ng Kaharian
kung saan Ka nabubuhay at naghahari nang magpasawalang hanggan, kasama ni
Hesukristo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

L: Amen.

PANALANGIN SA MGA ALAY


Ama naming Lumikha,
tunghayan mo ang mga alay na nasa dambana
ngayong ang pahahain sa Espiritu Santo at katotohanan ay aming ginagawa
at ipinagkakaloob mong ang Espiritu na nagtuturo ng iyong adhika
ay mapangindapat na tanggapin ang mga ito at kaming nagpapakumbaba
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

IKALAWANG PREPASYO SA ESPIRITU SANTO SA SAMBAYANAN


Ama naming makapangyarihan
Tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan

Ikaw na nagtataguyod sa tanan


at sa maraming paraay iyong pinapatnubayan
ang iyong tinipong sambayanan.
Ang iyong Espiritu Santo ay laging kapiling
ng sambayanang kinabibilangan namin
upang ikaw ay sundin namin at mahalin.
Siya ang dumadalangin sa iyo upang dasal namiy dinggin mo
sa paghiling namin sa iyong saklolo.
Siya rin ang naglalahad nang lubos
sa pasasalamat namin at utang na loob
sa ligaya naming kinamit sa iyong tulong
sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kamiy nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Ama naming mapagmahal,
ang nag-uumapaw na Espiritu sa aming kalooban
ay siya nawang sa amiy dumalisay
at pausbungin nawa sa aming kaibuturan
ang kanilang dinidilig na kabutihang bigay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

You might also like