You are on page 1of 6

Griyegong Simbahang Orthodox ng

Efeso
Metropolitano ng Maynila at buong Pilipinas
MGA PAGBASA SA BANAL NA LITURHIYA
Ikaanim na Linggo ni San Lucas
Nobyembre 1, 2015
PROKEMEINON
T:
B:
T:
B:
T:
B:

Ang prokemeinon sa araw na ito ay


Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
Awitan ang hari, siyay papurihan!
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
Awitan ang hari, siyay papurihan!
Magdiwang ang lahat ng mga nilikha,
Pumalakpak kayong may awit at tuwa!
Bilang pagpupuri sa Diyos na Dakila!
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
Awitan ang hari, siyay papurihan!
Purihin ang Diyos, siya ay awitan,
Awitan ang hari, siyay papurihan!

PROKEMEINON
1 Cor. 12: 27-31, 13: 1-8
P:
T:

Karunungan!
Ang pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga tagaCorinto
P:
Tayoy makisama!
______________________________________________________________________________
Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo at bawat isay bahagi
nito. Naglagay ang Diyos sa iglesya, una, ng mga apostol; ikalawa, ng mga
propeta; at ikatlo, ng mga guro. Naglagay rin siya ng mga gagawa ng mga
kababalaghan, mga magpapagaling ng mga maysakit, mga tagatulong, mga
tagapangasiwa, at mga magsasalita sa ibat ibang wika. Hindi lahat ay
apostol, propeta, o guro; hindi lahat ay binigyan ng kakayahang gumawa ng
mga kababalaghan, magpagaling ng mga maysakit, magsalita sa ibat ibang
wika o magpaliwanag nito. Kayat buong taimtim ninyong nasain ang mga

kaloob na lalong dakila. At ngayoy ituturo ko sa inyo ang pinakamabuti sa


lahat.
Makapagsalita man ako sa mga wika ng mga tao at ng mga anghel,
kung wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na
umaalingawngaw o pompiyang na tumataginting. Kung ako man ay may
kakayahang maghayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga,
kung mayroon man ako ng lahat ng kaalaman at ng malaking
pananampalataya anupat napalilipat ko ang mga bundok, ngunit wala naman
akong pag-ibig, wala akong kabuluhan. Ipamigay ko man ang lahat kong ariarian, at ialay ko man ang aking katawan upang sunugin, kung wala naman
akong pag-ibig, walang kabutihang maidudulot ito sa akin! Ang pag-ibig ay
matiyaga at magandang-loob, hindi nananaghili, nagmamapuri, o
nagmamataas, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi
magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.
Hindi nito ikinatutuwa ang gawang masama, ngunit ikinagagalak ang
katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at
nagtitiyaga hanggang wakas. Matatapos ang kakayahang magpahayag ng
salita ng Diyos, titigil ang kakayahang magsalita sa ibat ibang wika,
mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan.
______________________________________________________________________________
P:
B:

Sumaiyo na nagbasa ang kapayaaan!


Aleluya, aleluya, aleluya.

MABUTING BALITA
Lucas 10:16-21
P:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
______________________________________________________________________________
May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganangsagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang
Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang
mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At dooy
nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang
pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang
mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala
ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling si Lazaro.
At sumigaw siya: Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan
ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin
ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito. Ngunit sinabi sa
kanya ni Abraham, Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa
ibabaw ng lupa, at si Lazaroy nagtiis ng kahirapan. Ngunit ngayoy inaaliw

siya rito, samantalang ikaw namay nagdurusa. Higit sa lahat, inilagay sa


pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay hindi
makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini. At sinabi ng
mayaman, Kung gayon po, Amang Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong
papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama, sapagkat akoy may limang
kapatid na lalaki. Paparoonin nga ninyo siya upang babalaan sila at nang
hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa. Ngunit sinabi sa kanya ni
Abraham, Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta;
pakinggan nila ang mga iyon. Hindi po sapat ang mga iyon, tugon niya,
ngunit kung pumunta sa kanila ang isang patay na muling nabuhay,
tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan.
Sinabi sa kanya ni Abraham, Kung ayaw nilang pakinggan ang mga
sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang
isang patay na muling nabuhay.
______________________________________________________________________________
B:

Papuri sa Iyo, O Panginoon, papuri sa Iyo!

Griyegong Simbahang Orthodox ng


Efeso
Metropolitano ng Maynila at buong Pilipinas
MGA PAGBASA SA BANAL NA LITURHIYA
Ikapitong Linggo ni San Lucas
Synaxis nina Arkanghel Miguel & Gabriel
Nobyembre 8, 2015
PROKEMEINON
Tagabasa: Ang ating Prokemeinon sa araw na ito:
Ang iyong pangako sa Poon, iyong Diyos,
Ay iyong tuparin nang tapat sa loob
Bayan:
Ang iyong pangako sa Poon, iyong Diyos,
Ay iyong tuparin nang tapat sa loob
T:
Tunay na si Yahwehy kilala sa Juda,
Sa buong Israel, dakilang talaga;
B:
Ang iyong pangako sa Poon, iyong Diyos,
Ay iyong tuparin nang tapat sa loob
T:
Ang iyong pangako sa Poon, iyong Diyos,
B:
Ay iyong tuparin nang tapat sa loob

PROKEMEINON
Hebreo 2:2-10
P:
T:

Karunungan!
Ang pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga tagaHebreo
P:
Tayoy makisama!
______________________________________________________________________________
Ang salitang ipinahayag ng mga anghel ay napatunayang totoo, at ang
bawat sumuway o lumabag dito ay tumanggap ng kaukulang parusa. Gayon
din naman, hindi tayo makaiiwas sa parusa kapag hindi natin pinahalagahan
ang kaligtasang ito na napakadakila. Ang Panginoon ang unang nagpahayag
ng kaligtasang ito, at ang mga nakarinig sa kanya ang nagpatunay sa atin na
itoy totoo.

Pinatunayan din ito ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda at ibat


ibang himala, at sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu Santo na
ipinamahagi niya ayon sa kanyang kalooban.
Hindi sa mga anghel ipinailalim ng Diyos ang sanlibutan na nooy
kanyang lilikhainang sanlibutang tinutukoy namin. Sa halip ay ganito ang
patunay sa isang bahagi ng Kasulatan,
Ano ang tao upang siyay iyong alalahanin
O ang anak ng tao upang iyong pangalagaan? Sandaling panahong
siyay pinababa mo kaysa mga anghel, Ngunit pinagkalooban mo siya ng
kadakilaan at karangalang marapat sa isang hari, At ipinailalim mo sa
kanyang kapangyarihan ang lahat ng bagay. Nang ipailalim ng Diyos ang
lahat ng bagay sa kapangyarihan ng tao, walang bagay na di ipinailalim sa
kanya. Sa kasalukuyan, hindi pa natin nakikitang napapailalim sa kanyang
kapangyarihan ang lahat ng bagay. Subalit alam nating si Jesus, bagamat
sandaling panahong pinababa kaysa mga anghel, ay binigyan ng karangalan
at kadakilaan dahil sa kanyang pagkamatay.
Dahil sa pag-ibig ng Diyos, niloob niya na si Jesus ay mamatay para sa
ating lahat. Sa pamamagitan ng mga pagtitiis, siyay pinapaging-ganap ng
Diyos na lumikha at nangangalaga sa lahat ng bagay, upang makapagdala
ng marami sa kaluwalhatian. Marapat lamang na gawin niya iyon sapagkat si
Jesus ang pinagmumulan ng kanilang kaligtasan.
______________________________________________________________________________
P:
B:

Sumaiyo na nagbasa ang kapayaaan!


Aleluya, aleluya, aleluya.

MABUTING BALITA
Lucas 8:41-56
P:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
______________________________________________________________________________
Dumating naman ang isang lalaki na nagngangalang Jairo,
tagapamahala ng sinagoga. Nagpatirapa siya sa paanan ni Jesus at nakiusap
ditong pumunta sa bahay niya, sapagkat ang kaisa-isa niyang anak na babae
na maglalabindalawang taong gulang ay naghihingalo.
Samantalang naglalakad si Jesus, sinisiksik siya ng mga tao. Kabilang
sa mga ito ang isang babaing labindalawang taon nang dinudugo at hindi
mapagaling ninuman. [Naubos nang lahat sa kapapagamot ang kanyang
kabuhayan.] Lumapit siya sa likuran ni Jesus at humipo sa palawit ng
kanyang damit; at pagdakay tumigil ang kanyang pagdugo. Nagtanong
ngayon si Jesus, Sino ang humipo sa akin? Nang walang umamin, sinabi ni
Pedro, Guro, naliligid po kayo at sinisiksik ng mga tao!

Ngunit sinabi ni Jesus, May humipo sa akin! Naramdaman kong may


bisang lumabas sa akin. Nang malaman ng babae na hindi pala nalingid ang
kanyang ginawa, siyay nanginginig na lumapit at nagpatirapa sa paanan ni
Jesus. Pagkatapos, sinabi niya sa lahat ng naroon kung bakit niya hinipo si
Jesus, at kung paano siya gumaling agad.
Sinabi sa kanya ni Jesus, Anak, pinagaling ka ng iyong pananalig sa
akin. Umuwi ka nat ipanatag mo ang iyong kalooban. Samantalang
nagsasalita si Jesus, dumating ang isang lalaking galing sa bahay ng
tagapamahala. Patay na po ang inyong anak! sabi niya kay Jairo. Huwag
na ninyong abalahin pa ang Guro. Nang marinig naman ito ni Jesus, sinabi
niya kay Jairo, Huwag kang matakot. Manalig kat di siya maaano.
Pagdating ni Jesus sa bahay, wala siyang isinama sa loob kundi sina
Pedro, Juan at Santiago, at ang amat ina ng dalagita. Nananaghoy ang lahat
ng naroon at tinatangisan ang patay. Ngunit sinabi ni Jesus, Huwag kayong
tumangis. Hindi patay iyan; natutulog lamang. Siyay pinagtawanan nila
sapagkat alam nilang patay na ang dalagita. Ngunit hinawakan ni Jesus ang
kamay nito at sinabi, Ineng, bumangon ka. Nagbalik ang kanyang hininga,
at siyay bumangon. At pinabigyan agad ni Jesus ng pagkain ang dalagita.
Nanggilalas ang mga magulang nito, ngunit pinagbilinan sila ni Jesus na
huwag sabihin kaninuman ang nangyari.
______________________________________________________________________________
B:

Papuri sa Iyo, O Panginoon, papuri sa Iyo!

You might also like