You are on page 1of 132

Ang

Kumpisal
Luwalhati sa
Diyos
UNANG PAGBASA
|Mikas 5:1-4|
Mga taga-Jerusalem,
tipunin ninyo ang
inyong mga hukbo
sapagkat kinukubkob
na tayo
ng mga kaaway.
Sinasalakay na nila
ang pinuno ng Israel!
Sinabi ni Yahweh,
Ngunit ikaw,
Bethlehem Efrata,
bagama't pinakamaliit
ka sa mga angkan ng
Juda ay magmumula
sa iyong angkan
ang isang mamumuno
sa Israel. Ang kanyang
pinagmulan ay buhat
pa noong una, noong
unang panahon pa.
Kaya nga, ang bayan
ni Yahweh ay ibibigay
niya sa kamay ng mga
kaaway hanggang sa
isilang ng babae
ang sanggol na
mamumuno.
Pagkatapos, ang mga
Israelitang binihag ng
ibang bansa
ay kanyang ibabalik
sa kanilang mga
kababayan.
Pagdating ng
pinunong iyon,
pamamahalaan niya
ang kanyang bayan
sa pamamagitan ng
kapangyarihan ni
Yahweh sapagkat
taglay niya ang
kadakilaan ng
pangalan ni Yahweh
na kanyang Diyos. At
ang Israel ay
mamumuhay na ligtas,
sapagkat kikilalanin
ng buong daigdig ang
haring iyon.
Ang Salita ng
Panginoon
Salamat sa
Diyos!
SALMO RESPONSORIO
O YAHWEH, IKA'Y AKING
AAWITAN,
DAHIL SA IYONG
MASAGANANG KABUTIHAN.
IKALAWANG PAGBASA
|Roma 8:28-30|
Alam nating sa lahat
ng bagay ay
gumagawa ang Diyos
para sa ikabubuti ng
mga nagmamahal
sa kanya, silang mga
tinawag ayon sa
kanyang layunin.
Sapagkat sa mula't
mula pa'y alam na
ng Diyos kung sino ang
magiging kanya at
ang mga ito'y pinili
niya upang maging
tulad ng kanyang
Anak. Sa gayon, ang
Anak ang naging
panganay sa lahat ng
maraming
magkakapatid.
Ang mga pinili niya
noon pang una ay
kanyang tinawag; at
ang mga tinawag ay
kanya ring
pinawalang-sala, at ang
mga pinawalang-sala ay
kanyang binahaginan ng
kanyang kaluwalhatian.
Ang Salita ng
Panginoon
Salamat sa
Diyos!
EBANGHELYO
| Mateo 1:1-16. 18-23|
Ito ang talaan ng mga
ninuno ni Hesukristo na
mula sa angkan ni
David na mula naman
sa lahi ni Abraham.
Mula kay Abraham
hanggang kay Haring
David, ang mga
ninuno ni Hesus ay
sina: Abraham, Isaac,
Jacob na ama ni Juda
at ng kanyang mga
kapatid, Juda, Fares at
Zara na mga anak ni
Juda kay Tamar,
Esrom na anak ni
Fares, Aram,
Aminadab, Naason,
Salmon, Boaz na anak
ni Salmon kay Rahab,
Obed na anak ni Boaz
kay Ruth, at Jesse na
ama ni Haring David.
Mula naman kay
Haring David
hanggang sa naging
bihag ang mga taga-
Juda sa Babilonia, ang
mga ninuno ni Hesus
ay sina:
David, Solomon na
anak ni Haring David
sa dating asawa ni
Urias, Rehoboam,
Abias, Asa, Jehoshafat,
Joram, Ozias, Jotam,
Acaz, Ezequias,
Manases, Amos,
Josias, Jeconias at ang
mga kapatid nito.
At pagkatapos na
sila'y maging bihag sa
Babilonia hanggang sa
ipanganak si Hesus,
ang mga ninuno niya
ay sina: Jeconias,
Salatiel, Zerubabel,
Abiud, Eliakim, Azor,
Sadoc, Aquim, Eliud,
Eleazar, Matan, Jacob,
at si Jose na asawa ni
Maria. Si Maria ang ina
ni Hesusang
tinatawag na Kristo...
Ito ang naganap nang
ipanganak si
Hesukristo. Si Maria na
kanyang ina at si Jose
ay nakatakda nang
magpakasal.
Ngunit bago sila
makasal, nalaman ni
Maria na siya'y
nagdadalang-tao sa
pamamagitan
ng kapangyarihan ng
Espiritu Santo. Subalit
dahil isang taong
matuwid si Jose na
kanyang
mapapangasawa, at
ayaw nitong malagay
sa lubos na kahihiyan
si Maria, binalak
niyang hiwalayan
si Maria nang palihim.
Ngunit habang pinag-
iisipan ito ni Jose,
nagpakita sa kanya sa
panaginip
ang isang anghel ng
Panginoon. Sinabi nito
sa kanya, Jose, anak
ni David, huwag kang
matakot na pakasalan
si Maria, sapagkat ang
sanggol na dinadala
niya ay mula sa Espiritu
Santo. Magsisilang siya
ng isang batang
lalaki at Hesus ang
ipapangalan mo sa
sanggol sapagkat
ililigtas niya ang
kanyang bayan
sa kanilang mga
kasalanan. Nangyari
nga ang lahat ng ito
upang matupad ang
sinabi ng Panginoon
sa pamamagitan ng
propeta, Tingnan
ninyo; Maglilihi ang
isang birhen at
magsisilang ng isang
sanggol na lalaki, at
tatawagin itong
Emmanuel. (Ang
kahulugan nito'y Kasama
natin ang Diyos.)
Ang Mabuting Balita
ng Panginoon
Pinupuri ka namin
Panginoong
Hesukristo
PANANAMPALATAYANG
KRISTIYANO
Niceno 325 A.D.
Sumasampalataya
kami sa iisang
Diyos, Amang
makapangyarihan,
na Lumikha
ng langit at lupa,
at ng lahat na
nakikita
at di-nakikita.
Sumasamplataya
kami
sa iisang
Panginoong
Hesukristo,
bugtong na Anak ng
Diyos, nagmula sa
Ama bago pa
nagsimula
ang panahon, Diyos
buhat sa Diyos,
Liwanag buhat sa
Liwanag,
Diyos na totoo
buhat sa Diyos na
totoo, inianak,
hindi nilikha,
kaisa sa pagka-Diyos
ng Ama. Sa
pamamagitan
Niya ay nalikha
ang lahat.
Na para sa ating
mga tao at sa ating
kaligtasan ay
nanaog
Siya buhat sa langit:
sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng
Espiritu Santo
ay ipinanganak
Siya ni Mariang
Birhen, at naging
tao.
Ipinako sa krus
alang-alang sa atin
noong panahon ni
Poncio Pilato
nagpakasakit,
namatay, at inilibing.
At muling nabuhay
sa ikatlong araw
sa katuparan ng
mga Kasulatan.
Umakyat Siya
sa langit
at naluluklok sa
kanan ng Ama. At
muling darating na
maluwalhati
upang hukaman
ang mga buhay
at mga patay
at ang kaharian Niya
ay walang hanggan.
Sumasampalataya
kami sa Espiritu Santo,
ang Panginoon na
Tagapagbigay ng
buhay, na
nagbubuhat
sa Ama (at Anak.)
Sinasamba Siya at
niluluwalhating
kasama
ng Ama at Anak.
Nagsalita Siya sa
pamamagitan
ng mga
Propeta. Nananalig
kami sa Iglesyang
iisa, Banal, Katolika
at Apostolika.
Naniniwala kami
sa iisang
binyag sa
ikapagpapatawad
ng mga kasalanan,
at hinihintay namin
ang muling
pagkabuhay ng
mga namatay, at
ng buhay na
walang hanggan.
AMEN.
PANALANGIN NG BAYAN

Mariang napupuno ng
grasya, ipanalangin mo
kami.
ANG PANALANGIN SA ABULOY /
INDULHENSIYA

Maawaing Diyos,
Ipinagkaloob Mo sa amin
ang lahat ng bagay, sa
Iyong kasaganaan
ay ibinibigay Mo
ang lahat ng aming
pangangailangan.
Kami, na
Iyong mga
mapagkumbabang
lingkod, ay nag-aalay
sa Iyo nitong sagisag
ng aming pagtanaw
ng utang na loob sa
lahat ng Iyong
kaawaan. AMEN.
ANG PANALANGIN SA TINAPAY / OSTIA

Walang hanggang
Diyos, pinatubo Mo
ang butil, at mula rito
ay ginawa namin
ang Tinapay na ito;
Iniaalay namin ito sa
Iyo upang sa amin
ay maging Tinapay ng
Buhay. Ipagkaloob
Mo na
kaming tatanggap
nito ay mabuklod sa
bigkis ng pag-
iibigan. AMEN.
ANG PANALANGIN SA ALAK

Makapangyarihang
Diyos, tanggapin Mo ang
Alak na ito na aming
ginawa mula
sa Iyong mga
kaloob; Ito naway
maging aming
inuming
espirituwal upang
kaming tatanggap
nito, ay mapasigla
at mapanibago sa
paglilingkod sa Iyo.
AMEN.
Tanggapin nawa ng
Panginoon ang ating
hain, sa ikapupuri at
ikaluluwalhati ng
Kanyang
Pangalan, sa ating
ikabubuti at ng
buo Niyang Iglesia.
BANAL BANAL
BANAL
MISTERYO NG PANANAMPALATAYA
Si Kristoy namatay.
Si Kristoy nabuhay.
Si Kristoy muling
darating.
ANG AMA NAMIN
PATER NOSTER
KORDERO NG DIOS
PANALANGIN BAGO TUMANGGAP NG
KOMUNYON

Dumudulog kami sa
Iyong hapag,
maawaing Panginoon,
na hindi
nagtitiwala
sa sarili naming
pagkamatuwid,
kundi sa Iyong
maramit dakilang
awa. Hindi kami
karapat-dapat
na mamulot ng
mga mumo sa
ilalim ng Iyong
hapag.
Subalit likas
sa Iyo ang
pagkamaawain.
Ipagkaloob Mo sa
amin,
kung gayon,
butihing Panginoon,
na aming
tanggapin ang
Katawan ng Iyong
mahal na Anak
na si Hesukristo, at
inumin ang
Kanyang dugo,
upang kami na
pinalalakas at
pinagiging bago ng
Kanyang buhay,
ay manahan sa
Kanya, at
Siyay sa amin,
magpakailanman.
AMEN.
PANALANGIN MATAPOS TUMANGGAP NG
KOMUNYON

Makapangyarihan
at walang
hanggang
Diyos,
pinasasalamatan
Ka namin,
sapagkat kamiy
Iyong pinakain ng
pagkaing
espirituwal;
ang kamahal-
mahalang Katawan at
Dugo ng aming
Tagapagligtas na si
Hesukristo.
At sa mga Banal na
misteryong ito ay
tiniyak Mo
na kamiy
mga buhay na bahagi
ng katawan ng
Iyong Anak,
at mga
tagapagmana ng
Kanyang walang
hanggang kaharian.
Ngayon Ama,
isugo Mo kami upang
gawin namin
ang tungkuling
Iniatas Mo
sa amin,
ang Ikaw ay ibigin at
paglingkuran at ang
aming kapwa,
bilang mga tapat na
saksi ni Kristong
aming Panginoon:
sa Kanya,
sa Iyo, at sa Espiritu Santo,
ang lahat ng karangalan
at kaluwalhatian, ngayon
at magpakailanman.
AMEN.

You might also like