You are on page 1of 9

IKAAPAT NA LINGGO NG ADBIYENTO

Lector: Mapagpalang umaga/gabi sa inyong lahat.


Puno ng pagpapala ang mga sandaling ito
pagkat natitipon tayo sa pangalan ng
Panginoon upang mag-alay ng papuri at
pasasalamat sa Kanyangk kadakilaan.

Tampok sa ebanghelyo ang kwento ng Pamilya


nina Jesus, Maria at Jose. Subalit na kay Jose
ang hilig ng kwento. Si Jose, ang tumayong
Ama ng ating Panginoong Hesukristo na noong
una’y ibig tumalikod subalit matapos ang
kaganapan ng pagpapakita ng anghel ay buong
lugod na sumunod sa kalooban ng Dios.

Ang pagkakaroon ng gamapanin sa ngalan ng


Panginoon ay hindi madali, tulad ng naranasan
ni Jose, gayunpaman, lagi natin isipin ang
Emmanuel, na sa bawat hamon ng pagiging
Kristiyano lagi nating kasama ang Panginoon.
Tumayo po tayo sa pagsisimula ng Banal na
misa.

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.


Maaaring maglaan ng isang awit.

ANG NAKATAKDANG PANALANGIN

Pari: Makalangit naming Ama, sa panahong ito ng


ikaapat na lingo ng adbiyento, ibasan mo nawa
Page 1 of 9
ang pagkatakot na nagiging balakid sa aming
paglilingkod: upang tulad ni San Jose na
matapos buksan ang kanyang isipan ay buong
lugod Siyang gumampan sa Iyong kalooban;
ito’y hinihiling namin sa pamamagitan ni
Kristo na aming Panginoon na nabubuhay at
naghaharing kasama mo, kaisa ng Espiritu
santo, iisang Dios, ngayon at magpakailanman.
Amen.

Matapos ang panalangin ay uupo ang lahat upang


pakinggan ang mga Pagbasa.

ANG UNANG PAGBASA


| Isaias 7:1-16 |

Lector: Ipinahahayag sa pagbasa ang unang babala sa


hari ng Juda na si Ahaz. Halinat pakinggan
natin ang pagbasa.

Tagabasa: Ang unang pagbasa ay mula sa aklat ni Propeta


Isaias.

Nang ang hari ng Juda ay si Ahaz, anak ni Jotam na


anak ni Uzias, ang Jerusalem ay sinalakay ni Haring Rezin ng
Siria, at ng hari ng Israel na si Peka, anak ni Remalias, ngunit
hindi sila nagtagumpay. Nang mabalitaan ng sambahayan ni
David na nagkasundo na ang Siria at ang Efraim, ang hari at
ang buong bayan ay nanginig sa takot na parang mga puno
sa kakahuyan na hinahampas ng hangin. Sinabi ni Yahweh
kay Isaias: “Isama mo ang iyong anak na si Sear-Yasub at
salubungin ninyo si Ahaz. Matatagpuan ninyo siya sa may
dulo ng padaluyan ng tubig mula sa tipunan ng tubig sa itaas,
sa daang patungo sa dakong Bilaran ng Tela. Ganito ang
Page 2 of 9
sabihin mo sa kanya: ‘Humanda ka! Huwag matakot at
mabagabag. Huwag kang masisiraan ng loob dahil sa nag-
aalab na poot ni Rezin ng Siria at ni Peka na anak ni
Remalias; ang dalawang iyon ay parang dalawang putol ng
kahoy na umuusok ngunit walang apoy.’ Nagbalak ng
masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni
Remalias, at kanilang sinabi: ‘Lusubin natin ang Juda, at
sakupin ang Jerusalem. Gagawin nating hari doon ang anak
ni Tabeel.’ Ngunit sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi ito
mangyayari. Sapagkat ang Siria'y mas mahina kaysa
Damasco na punong-lunsod niya, at ang Damasco'y mas
mahina kaysa kay Haring Rezin. Ang Israel naman ay
mawawasak sa loob ng animnapu't limang taon, at hindi na
ito ibibilang na isang bayan. Malakas pa kaysa Israel ang
lunsod ng Samaria na punong-lunsod nito, at ang Samaria ay
mas mahina kaysa kay Haring Peka. Ikaw ay mabubuwal
kapag hindi naging matatag ang iyong pananalig sa Diyos.”
Muling nagsalita si Yahweh kay Ahaz: “Humingi ka ng
palatandaan kay Yahweh na iyong Diyos, maging ito ay
buhat sa malalim na libingan o sa kaitaasan ng
langit.” Ngunit sinabi ni Ahaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko
po susubukin si Yahweh.” At sinabi ni Isaias: “Makinig kayo,
sambahayan ni David! Hindi pa ba sapat na subukin ninyo
ang pagtitiis ng mga tao, at pati ang pagtitiis ng aking Diyos
ay inyong sinusubok? Dahil dito si Yahweh mismo ang
magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang
dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin
sa pangalang Emmanuel Gatas at pulot ang kanyang
kakainin kapag marunong na siyang umiwas sa masama at
gumawa ng mabuti. Sapagkat bago matuto ang bata na
umiwas sa masama at gumawa ng mabuti, ang lupain ng
dalawang haring kinatatakutan mo ay wawasakin.

Tagabasa: Ang salita ng Panginoon.

Page 3 of 9
Bayan: Salamat sa Diyos!

SALMONG TUGUNAN
| Awit 80 |

“PASTOL NG ISRAEL, AKAYIN MO KAMI”

Pastol ng Israel, ikaw na nanguna't umakay kay Jose, na


tulad sa kawan, ikiling sa amin ang iyong pandinig, kami ay
pakinggan; mula sa trono mong may mga kerubin, kami ay
tulungan. Ang iyong pag-ibig iyong ipadama sa angkan ni
Efraim, Manases at Benjamin, sa taglay mong lakas, kami ay
iligtas, sa hirap ay tubusin! TUGON!
Ibalik mo kami, O Diyos, at ipadama mo ang iyong
pagmamahal, iligtas mo kami, at sa iyong sinag kami ay
tanglawan. Yahweh, Makapangyarihang Diyos, hanggang
kailan ba patatagalin mo ang galit sa amin! Hanggang kailan
pa diringgin mo kami sa aming dalangin? TUGON!

Masdan mo nga kami sa tuwi-tuwina'y tinapay ng luha


yaong kinakain, luha ng hinagpis, ang inihanda mo na aming
inumin. Ang mga bansa sa paligid, hinayaan mong kami ay
kutyain, iyong pinayagang pagtawanan kami ng kaaway
namin. HULING TUGON!

IKALAWANG PAGBASA
| Roma 1:1-7 |

Lector: Ipinahahayag ni Apostol Pablo ang


kanyang panalangin at paghihikayat sa
mga taga-Roma na sila ay kabilang sa

Page 4 of 9
mga tinawag ni Kristo. Halinat
pakinggan natin ang pagbasa.

Tagabasa: Ang ikalawang pagbasa ay mula sa sulat


ni Apostol Pablo sa mga taga-Roma.

Mula kay Pablo na isang lingkod ni Cristo Jesus,


tinawag upang maging apostol at hinirang upang mangaral
ng Magandang Balita ng Diyos. Ang Magandang Balitang ito
na ipinangako niya noong una pa man sa pamamagitan ng
mga propeta, at sinasabi sa mga Banal na Kasulatan, ay
tungkol sa kanyang Anak, ang ating Panginoong Jesu-Cristo.
Tungkol sa kanyang pagiging tao, siya'y ipinanganak mula sa
lahi ni David; subalit tungkol sa kanyang pagka-Diyos,
pinatunayan ng Banal na Espiritu na siya ay Anak ng Diyos
sa pamamagitan ng isang makapangyarihang gawa, ang
kanyang muling pagkabuhay. Sa pamamagitan niya,
tinanggap namin mula sa Diyos ang kaloob na maging
apostol alang-alang kay Cristo, upang ang mga Hentil ay
akayin sa pagsunod na naaayon sa pananampalataya. Kayo'y
kabilang sa mga tinawag na maging mga tagasunod ni Jesu-
Cristo. Sa inyong lahat na nasa Roma, mga minamahal ng
Diyos at tinawag upang maging banal, sumainyo nawa ang
pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa
Panginoong Jesu-Cristo.

Tagabasa: Ang salita ng Panginoon.


Bayan: Salamat sa Diyos!

Matapos ang ikalawang pagbasa ay tatayo ang lahat


upang magbigay galang sa paghahatid ng Mabuting
Balita ng Panginoon. Maglalaan ng awit.

Page 5 of 9
ANG EBANGHELYO
| Mateo 1:18-25 |

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo!


Bayan: At sumainyo rin!

Pari: Pakinggan ang Mabuting Balita sang-


ayon kay San Mateo.
Bayan: Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si


Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang
magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nagdadalang-tao na si
Maria sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu
Santo. Subalit dahil isang matuwid na tao si Jose na kanyang
mapapangasawa, at ayaw nitong malagay sa kahihiyan si
Maria, binalak niyang hiwalayan si Maria nang palihim.
Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya
sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa
kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na
pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay
mula sa Espiritu Santo. Magsisilang siya ng isang batang
lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat
ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”
Nangyari nga ang lahat ng ito upang matupad ang sinabi ng
Panginoon sa pamamagitan ng propeta,  “Maglilihi ang isang
birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin
itong Emmanuel” (ang kahulugan nito'y “Kasama natin ang
Diyos”). Nang magising si Jose, sinunod niya ang utos ng
anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si
Maria. Ngunit hindi niya sinipingan si Maria hanggang
Page 6 of 9
magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang
ipinangalan ni Jose sa sanggol.

Pari: Ang mabuting balita ng Panginoon!


Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Uupo ang lahat upang pakinggan ang Homilya.

ANG PANALANGIN NG BAYAN

Luluhod ang bayan.

Pari: Sa ikaapat na lingo ng adbiyento, sama-sama


tayong manalangin para sa lahat nating mga
hangarin. Ang atintg sasambitin: PANGINOON,
KAAWAN MO KAMI!

N: Tulad ni San Jose na Iyong lingkod Panginoon,


maging matapang nawang lingkod ang aming
mga pinuno sa pamahalaan lalong-lalo na sa
pagtataguyod ng kapayapaan. Manalangin
tayo.

N: Maging daluyan nawa ng Yong dakilang pag-


ibig Panginoon ang aming mga Obispo, pari at
diyakono. Manalangin tayo.

N: Pagharian nawa ang puso ng bawat Kristiyano


ng katatagan at pagtitiis sa tawag ng
paglilingkod. Manalangin tayo.

Page 7 of 9
N: Lagi nawang madama ng mga kapatid naming
may karamdaman ang katangian ng Dios na
kailanman ay hiindi nang-iiwan bagkus laging
nariyan na umaagapay. Manalangin tayo.
N: Kaawaan mo nawa at patawarin Panginoon
ang kasalanan at pagkukulang ng aming mga
kapatid na namayapa upang sa gayon
mapasama sila sa Iyong walang hanggang
kaharian. Manalangin tayo.

N: Maglaan tayo ng saglit na katahimikan upang


idalangin ang ating mga pansariling kahilingan.

Pari: Amang banal, kalugdan mo po ang aming mga


panalangin. Kaming paging dapatin at turuang
sumunod sa banal mong layunin. Amen.

Page 8 of 9
Page 9 of 9

You might also like