You are on page 1of 2

(Tatawagin ng lektor ang taong nakatalaga na magsisindi ng

kandila.)
Lektor: Ang paglalagay ng advent wreath ay bahagi
tradisyon ng simbahan. Kadalasan nagsisimula ito sa huling
ng buwan ng nobyembre at unang linggo ng disyembre. Ang
apat na kandila ng adbiyento ay simbolo ng bawat linggo
bago ang pagsapit ng kapanganakan ng ating Panginoong
Hesus. Ang bawat kandila ay may kahulugan na nais ikintal
sa ating mga Kristiyano. Sa bawat pagsisindi ng kandila ng
abdiyento ay paala-ala ito sa atin na dapat nating maihanda
ang ating sarili sa pagdating ng ating Hari.
Magsisindi ng Kandila:
“Sa kandila O Diyos, presensya mo ang nababanaag.” Ikaw
Panginoong Hesus na aming Panginoon ang pinagmumulan
ng pag-asa ng sanlibutan at ng bawat isa sa amin na
nananalig sa iyong kadakilaan.

1
Sa kabila ng mga pagsubok o suliranin na dumarating dulot
ng kalikasan, gawa ng pagdedesisyon ng aming kapwa-tao at
maging ng aming mga sarili ay nawawaglit itong pag-asang
hatid ng iyong pagbabalik samantalang napapalitan ng
pighati’t paghihirap.
Sa unang kandila nawa na ito na simbolo ay pag-asa na
maging instrumento kami ng pagpapadama nito sa aming
kapwa-tao na nakararamdam ng kawalan ng pag-asa sa
buhay dahilan sa hirap na kanilang nararanasan higit lalo sa
panahong ito na kami ay balot ng takot at pangamba dahlian
sa Covid-19 na kumikitil ng buhay, sa ngalan ni Kristo.
Lektor: Amen.
(Sisindihan ang kandila.)
Pari: Makalangit naming Ama, ang aming
pananampalataya ang nagtutulak sa amin na
umasa sa mga bagay na hindi namin nakikita.
Ang mga mabubuting bagay na nangyayari sa
kasalukuyan ay tanda ng iyong pagdating na
kung saan hamon sa amin na ipaggpatuloy
yaring mga mabubuting kaganapan upang
madama ng sambahayan ang iyong kaharian
dito sa lupa tulad ng sa langit.

Lektor: Amen.

(Susuuban ng Insenso ang advent wreath at wiwisikan ng


banal na tubig.)

You might also like