You are on page 1of 26

Pambungad Na Awit

Papasok ang Tagatanggap

ANG PAGHAHANDA

Commentator: Mga minamahal na kapatid sa pananampalataya


kay Kristo Hesus: Tayo’y magkakatipon-tipon dito ngayon
sa paningin ng Diyos at sa harap ng naririto, upang
pagbuklurin ang lalaki at babaeng ito sa Banal na
Sacramento ng Kasal.
Isang marangal na kalagayan na itinatag ng Diyos at
napapakilala ng mahiwagang pakikipag-ugnay ng ating
Panginoong Hesukristo sa kanyang simbahan. Na ang
kalagayang ito ay kanya rin naman pinabanal at pinaging-
dapat sa pamamagitan ng kanyang pagsaksi at
pagsagawa ng unang himala sa Canaan ng Galilea.
Ang pagsasama ng lalaki at babae sa puso, katawan, at
isip ay para sa kanilang kaligayahan; sa kasaganahan at
kalungkutan, at kung mamarapatin ng Diyos na sila’y
magkaroon ng mga anak, sa ikagagaling ng lahat ng tao,
na naayon din sa kanilang mabuting pagsasama.
Samakatuwid, ang Kasal ay hindi dapat pasukin ng
walang pagpapayo o walang pakundangan; ngunit nang
mayroong buong kabanalan, buong pag-iingat, buong
pag-aalala at buong pagkatakot sa Diyos.
At sa banal na Kalagayang ito ay narito sina Rodolfo at
Ericka upang pagbuklurin.

ANG SOLEMNANG PAGPASOK

Papasok ang bridal Entourage:


Papasok ang bride: “Beautiful in white”
Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo

Bayan: Amen.

Pari: Makapangyarihang Diyos, lahat ng puso ay nakahayag sa


Iyo, lahat ng nasa’t hangarin ay nababatid mo, at walang
lihim na nalilingid sa Iyo, linisin mo ang aming mga puso
sa pamamagitan ng iyong Espiritu Santo, upang kami ay
tapat na umibig sa Iyo, at marapat na pumuri sa Iyong
banal na pangalan, sa pamamagitan ni Kristo na aming
Panginoon.

Bayan: Amen.

Pari: Pakinggan ninyo ang sinasabi n gating Panginoong


Hesukristo: “Ibigin mo ang iyong Panginoong Diyos ng
buo mong puso, nang buo mong isip, at nang buo mong
lakas.” Ito ang una at dakilang utos. At ang pangalawa ay
tulad ng una: “Ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong
sarili.” Sa dalawang utos na ito napapaloob ang buong
Kautusan ng mga Propeta.

Priest: Pagsisihan natin an gating mga pagkakasala sa Diyos at


sa ating kapuwa.

Bayan: Tayo’y nangungumpisal sa Diyos na makapangyarihan,


sa lahat ng santo, at sa isa’t isa, na tayo’y nagkasala sa
ating naisip, sa ating nasabi, sa ating nagawa, at sa
nakaligtaan nating gawin; at ito’y sarili nating kamalian.
Kaya’t isinasamo natin sa Diyos na kaawaan tayo, at sa
lahat ng mga santo, na ipanalangin nila tayo sa ating
Panginoong Diyos. Amen.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin


tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa
buhay na walang hanggan; sa pamamagitan ni Kristo na
ating Panginoon.
PANGINOON MAAWA KA

Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka
Kristo, maawa Ka
Kristo, maawa Ka
Kristo, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka
Panginoon, maawa Ka

ANG LITURHIYA NG SALITA NG DIYOS

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Tayo’y manalangin Panginoon. Walang hanggang Diyos,


ikaw na lumikha at tagapagtaguyod ng sangkatauhan,
ikaw na magkakaloob ng biyaya at kaligtasan, isinasamo
namin na biyayaan mo sina Rodolfo II at Ericka upang sa
pamamagitan ng tunay na katapatan at pagmamahal ay
kanilang maigalang at maingatan ang mga pangako’t
panata sa kanilang gagawin ngayon, sa pamamagitan ng
Iyong anak na si Hesukristo na aming Panginoon, na
nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu
Santo ngayon at magpakailanman.

Bayan: Amen.

Lector: Uupo po ang lahat at makinig sa salita ng Diyos.


Unang Pagbasa mula sa Lumang Tipan
– Genesis 2: 18-24

Tagabasa:Isang pagbasa mula sa aklat ng Genesis, ika-2 kabanata,


nagsisimula sa ika-18 talata hanggang ika-24.

Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ni Yahweh, “Hindi


mainam na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng
makakasama at makakatulong.” Kaya lumikha siya ng
mga hayop sa parang at ibon sa himpapawid, inilapit sa
tao at ipinaubaya dito ang pagbibigay ng pangalan sa
mga iyon. Kung ano ang kayang itawag, iyon ang
magiging pangalan nila.

Ang tao ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng ibon at


mga hayop, maging maamo o mailap. Ngunit wala sa isa
man sa mga ito ang angkop na kasama at katulong niya.
Kaya’t pinatulog ni Yahweh ang lalaki. Samantalang
nahihimbing ikinuha niya ang isang tadyang na iyo’y
ginawa niyang babae, at inilapit sa lalaki. Sinabi ng lalaki:
“Sa wakas, narito ang isang katulad ko, laman ng aking
laman, buto ng aking buto; babae ang itatawag ko sa
kanya, sapagkat sa lalaki nagmula siya.”

Ito ang mga salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.

Salmo Responsorio – Salmo 33: 2-3, 4-5, 6-7, 8-9

Bayan: Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng panahon.


(uulitin po)

Tagabasa:Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng panahon, laging


mamumutawi sa aking labi ang papuri sa kanya.
Ipagmamapuri ng aking kaluluwa ang Panginoon, makinig
at magalak ang mga aba.
Bayan: Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng panahon.

Tagabasa:Pupurihin ninyong kasama ko ang Panginoon, ipagbunyi


nating sama-sama ang Kanyang pangalan. Hinaharap ko
ang Panginoon, tinugon niya ako, at iniligtas sa aking mga
kinatatakutan.

Bayan: Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng panahon.

Tagabasa:Malasin ninyo siya at nang kayo’y lumigaya, huwag


mamula ang inyong mukha dahil sa hiya. Nang tumawag
sa kanya ang nagdurusa, sinagot ng Panginoon at
iniligtas sa lahat niyang hirap.

Bayan: Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng panahon.

Tagabasa:Ang anghel ng Panginoon ay nag-aalaga sa mga may


takot sa Diyos, iniligtas niya sila. Masdan ninyo’t tignan
kung gaano kabuti ang Panginoon; mapalad ang taong
napapa-ampon sa kanya.

Bayan: Pupurihin ko ang Panginoon sa lahat ng panahon.

Pagbasa mula sa Bagong Tipan – Cor. 3: 1-13

Tagabasa:Pangalawa Pagbasa Isang pagbasa mula sa unang sulat


ni san Pablo Apostol sa mga taga- Corinto, ika-3
kabanata, nagsisimula sa unang talata hanggang ika-13.

Makagsasalita man ako sa mga wika ng tao at anghel, kung wala


naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na
umaalingawngaw o pompiyang na tumataginting.
Kung ako man ay may kakayahang maghayag ng salita ng Diyos at
umunawa ng lahat ng hiwaga, kung mayroon man ako ng lahat ng
kaalaman at ng malaking pananampalataya, anupa at napalilipat ko
ang mga bundok, ngunit wala akong pag-ibig, wala akong
kabuluhan. Ipamigay ko man ang lahat kong ari-arian, at ialay ko
man ang aking katawan upang sanugin, kung wala akong pag-ibig,
walang kabutihang maidudulot ito sa akin.

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang loob, hindi nananaglihi,


nagmamapuri o nagmamataas, hindi magaspang ang ugali, hindi
makasarili, hindi magalitin, o magtanim sa kapuwa. Hindi nito
ikinatutuwa ang gawang masama, ngunit ikinagagalak ang
katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagunawa, mapagtiwala, puno ng
pag-asa at nananatili habang panahon.

Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil


ang kakayahang magsalita ng iba-ibang wika, mawawala ang
kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang katapusan. Hindi pa lubos
ang ating kaalaman at kakayahan sa pagpapahayag sa salita ng
Diyos, ngunit pagdating ng ganap, mawawala ang hindi ganap.

Noong ako ay bata pa, ako ay nagsasalita, nag-iisip at


nangangatuwiran ng tulad ng isang bata. Ngayong ako’y mayroon ng
sapat na gulang, iniwan ko na ang mga asal bata. Sa kasalukuyan,
tila Malabo ang larawan na nakikita natin sa salamin, ngunit darating
ang araw na mabubuo ang kaalamang ito, tulad ng pagkilala sa atin
ng Diyos.

Tatlong bagay lang ang mananatili: ang pananampalataya, pag-asa,


at pagibig.

Ito ang mga salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos.


PAGSISINDI NG MGA KANDILA

Lector: Tinatawagan sina Kent at Marie upang sindihan ang mga


kandilang pangkasal. Rodolfo at Ericka, sinisindihan ang
mga kandilang ito para sa inyo. Ikasisigasig ng liwanag
nito ang pag-ibig ni Kristo. At nawa tanglawan niya kayo
ng kaniyang liwanag upang inyong Makita ang
kagandahan at kabutihan ng isa’t isa. At sa oras ng
kadiliman at pagdududa, itong liwanag na ito ang siyang
gagabay sa inyo tungo sa katotohanan at ganap na pag-
unawa.

Requerdos

ACCLAMATION

Lector: Tatayo po ang lahat.

Aleluya, Aleluya – 1 Jn. 4:12


Kung nagmamahalan tayo, nanatili sa atin ang Diyos at sa
atin ay nagiging sukdulan ang kanyang pag-ibig. Aleluya.

Priest: Ang Panginoon ay sumainyo.

Bayan: At sumaiyo rin.

Priest: Ang banal na Ebanghelyo ng ating Panginoong


Hesukristo, ayon kay San Mateo, ika-19 na kabanata,
nagsisimula sa ika-3 talata hanggang ika-6.

Bayan: Luwalhati sa iyo, Panginoong Hesukristo.


Dumating ang ilang Pariseo at nagtanong. Ibig nilang
hulihin siya sa kanyang pananalita. “Marapat po ba sa
isang lalaki ang humiwalay sa kanyang asawa?” usisa
nila. Sumagot si Hesus, “Hindi ba ninyo nababasa sa
Kasulatan na nilalang ng Diyos ang lalaki at babae?” Ang
wika’y “Iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at
makikisama sa kanyang asawa, at magiging isang laman
lamang sila.” Kung ganon, hindi na sila dalawa kundi
isang laman.ang pinag-isa ng Diyos ay hindi maaaring
paghiwalayin ng tao.”

Priest: Ang Ebanghelyo ng Panginoon.

Bayan: Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

ANG SERMON O HOMILYA

Lector: Uupo po ang lahat.

Makatapos ang sermon.

Lector: Sa bahaging ito ay hinihiling na tumayo ang mga kapatid


nating ikakasal, habang mananatili pong nakaupo ang
lahat.

ANG KASAL

Ang Allocution

Priest: Ngayon, sa Pangalan ng Dakilang Maykapal at sa ilalim


po ng mga kautusan n gating bansa, magalang ko pong
sinisiyasat sa lahat ng mga naririto, lalong-lalo na sa mga
ikinakasal at gayon din sa mga ninong, mga ninang, mga
abay, mga taong magsisi-saksi, na hangga’t may
panahon pa, sila ay magtapat sa hayagang ito kung sila
ay mayroong nalalamang kadahilanan na maaaring
magpigil o makawalang kabuluhan sa kasal na ating
ginaganap sa kasalukuyan.
Mga bagay po na dapat nating panagutan hindi lamang sa
ating mga hukuman kundi sa hukuman ng Diyos. Gaya
halimbawa: ang bawat isa sa kanila ay mayroon ng asawa
sa lihim o hayagan sa ibang bayan, o kaya ang ikinakasal
ay sapilitan, o kaya ang ikinakasal ay malapit na malapit
na magkamag-anak.

Mga ninong? Mga ninang? Mga magulang? Mga abay?


Wala po bang tumututol sa hayagang ito? Alalahanin po
natin na ano mang paghahabol makatapos ang banal na
matrimonyo ay wala nang halaga.

Kung walang tutol ay magpapatuloy ang Pari.

Pari: Rodolfo II at Ericka, sumapit din ang maluwalhating araw


na lubos ninyong minimithi upang tanggapin ang
pagpapala ng Diyos sa inyong pagmamahalan. Akong
lingkod ng Diyos ay dumadalangin ng taimtim sa kanya ng
ipagkaloob nawa niya ang sa Inyo at sa Inyong magiging
angkan ang mahalaga at makalangit na pagpapala.

Ang Pagtatanong

Pari: Ngayong hinihiling ko sa inyong dalawa, na alang-alang


sa kabanal-banalang sakramento na ating gagawin,
sagutin ninyo nang buong katotohanan at katapatan ang
mga katanungang ito.

Rodolfo at Ericka: Opo.

Priest: Rodolfo II, tinatanggap mo bang kusang loob si Ericka, na


magiging asawa mo sa hirap at ginhawa, sa kahinaan at
kalakasan, sa kaligayahan at kalungkutan, sa harap ng
Diyos, ng iyong magulang, mga ninong, mga ninang, mga
abay, mga taong nagsisi-saksi sa ilalim ng kautusan ng
ating simbahan at batas ng ating bansa?
Rodolfo: Opo, tinatanggap ko po.
Pari: Ericka, tinatanggap mo bang kusang loob si rodolfo , na
magiging asawa mo sa hirap at ginhawa, sa kahinaan at
kalakasan, sa kaligayahan at kalungkutan, sa harap ng
Diyos, ng iyong magulang, mga ninong, mga ninang, mga
abay, mga taong nagsisi-saksi sa ilalim ng kautusan n
gating simbahan at batas n gating bansa?

Ericka: Opo, titanggap ko po.

Pari: Kayo ba ay nakahandang mangalaga at magturo sa mga


anak ninyo na ipagkaloob ng Diyos.

Rodolfo at Ericka: Opo, nakahanda po kami.

Pari: Kung ganon, maghawak kamay kayo bilang tanda ng


iyong pagsang-ayon at pagmamahalan.

Sa ngalan ng Diyos na makapangyarihan, kayo ay aking


ibinubuklod; at pinagtitibay ko sa inyo ang Banal na
Sakramento ito, sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng
Espiritu Santo. Amen.

Wiwisikan ng holy water at makatapos ay haharap ang mga


kinakasal sa tao upang
wikain ang mga sumusunod.

Rodolfo: Sa pagkakataong ito ay nananawagan kami sa aming


mga magulang, mga kamag-anak, mga kaibigan, at sa
lahat ng narito, na sa Dakilang pangalan ng ating
Panginoong Hesukristo, saksihan ang aming kasal. At sa
inyong pagsaksi, umaasa kami sa inyong matatag na
pananampalataya sa panahon ng pangangailangan.
Umaasa kami sa inyong payo sa panahon ng pagdududa.
Umaasa kami sa inyong pagmamahal at pagkalinga.
Rodolfo: Nais naming makibahagi kayo sa tuwang dulot ng aming
pag-iisang dibdib. Nais naming saksihan ninyo ang aming
taos-pusong pagnanasang makabuo ng isang pamilyang
nauugat sa pag-ibig ng Diyos at sambayanan.
Lector: Sa sandaling ito ay tinatawagan sina Adriel at Kian at
Raixen na may tangan ng mga singsing, aras, at Bibliya
na lumapit.

Roamnza

Pagbasbas ng mga singsing

Pari: Basbasan mo Panginoon ang mga singsing na ito upang


ang inyong mga anak na maghahandog at tatanggap nito
ay maging matapat sa kanilang mga pangako at patuloy
na mabuhay sa ngalan ng pag-ibig.

Bayan: Amen.

Pagbasbas ng Aras

Pari: Basbasan mo Panginon ang mga aras na ito na


sumasagisag sa mga material na pangangailangan,
upang ang iyong mga anak na maghahandog at
tatanggap nito ay patuloy na sumagana at magkamit ng
walang hanggang kaligayahan.

Bayan: Amen.

Pagbasbas ng Bibliya

Pari: Basbasan mo Panginoon ang Bibliyang ito. At sa tuwina


ito nawa’y kanilang makasama upang palagian nilang
makunan ng lakas at pag-asa sa kanilang buhay mag-
asawa.

Bayan: Amen.

Lector: Sa yugtong ito ay tinatawagan namin ang mga magulang,


mga ninong at ninang upang marinig nila ang mga
ipinangako ng mga ikinakasal.
Rodolfo: Tanggapin mo itong singsing na pinagkaugalian, na hindi
kayamanan, ibinibigay ko sa iyo ng buong-buo sapagkat
ang puso ng isang babaeng malinis ay tanging
makakamtan lamang sa pamamagitan ng pag-ibig na
dalisay.
Gayundin, ibinibigay ko sa iyo ang mga salaping ito at ako
ay nangangako na magsisikap akong maghanap-buhay
upang ikaw, sampu n gating mga magiging anak, ay
mabigyan ko ng magandang kinabukasan. O Diyos ko,
tulungan mo po kami.

Ericka: Tinatanggap ko ng magiliw, asawa kong tunay, itong


singsing at itong mga salapi at lalo’t higit na hihintayin ko
na matupad nawa ang iyong mga pinangako.
At bilang kahalili ng lahat ng bagay na binigay mo sa akin,
ibibgay ko naman sa iyo ang singsing na ito, at ako
naman ang nangangako, na magbuhat sa mga sandaling
ito, ang magulang mo, ang mga kamag-anak mo,
mamahalin ko, gagalangin ko. Ang pananampalataya mo,
maging pananampalataya ko, sa hirap at ganhawa, tayo’y
magsasama. O Diyos ko tulungan mo po kami.

Rodolfo at Ericka: (habang kapwa hawak ang Bibliya) Ipagkaloob


mo Panginoon, na kami’y magkaisa ng puso’t kaluluwa,
mula ngayon sa hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya, sa
karamdaman at kalusugan, sa paghihikahos at
kasaganahan, hanggang sa wakas ng aming buhay.

Pari: Mayroon pa ba kayong nais sabihin sa isa’t isa.

Walang Hanggan Paalam

Pari: Mga kagalang-galang na mga magulang, mga ninong at


ninang, ngayong napakinggan ninyo ang mga pangako
nina Rodolfo at Ericka sa isa’t isa, kayo naman ngayon
ang hinihiling kong mangako sa Diyos ukol sa
katungkulan na inyong gagampanan bilang mga saksi
nila.

Mga Magulang, Ninong at Ninang:


Napakinggan naming mga panunumpa nina Rodolfo at
Ericka sa ating Panginoon. Sa harapng Diyos at sa lahat
ng mga naririto, kami ay nangangako na magiging saksi
sa kanilang bagbubuklod at pagtutulungan naming
kalingain ang kanilang pagsasama sa mga darating na
araw. O Diyos ko tulungan mo po kami.

Magbabalik na ang mga ninong at ninang sa kanilang mga upuan at


ipagpapatuloy na ang
Banal na Misa.

Panunumpa

Lector: Sa pagpapatuloy, tatayo po ang lahat para sa Credo o


Sumasampalataya.

Ang Sumasampalataya (Credo)

Sumasampalataya tayo sa iisang Diyos, Amang makapangyarihan,


lumikha ng langit at
lupa at lahat ng nakikita at di-nakikita.
Sumasampalataya tayo sa iisang Panginoong Hesukristo, bugtong
na Anak ng Diyos, nagmula sa Ama bago pa nagsimula ang
panahon, Diyos buhat sa Diyos, Liwanag buhat sa Liwanag, Diyos
na totoo buhat sa Diyos na totoo, inianak, hindi nilikha, kaisa sa
pagka-Diyos ng Ama. Sa pamamagitan Niya ay nalikha ang lahat.
Na para sa ating mga tao at sa ating kaligtasan ay nanaog siya
buhat sa langit; sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu santo
ay ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, at naging tao. Ipinako sa
krus alang-alang sa atin sa panahon ni Pocio Pilato; nagpakasakit,
namatay at nalibing. At muling nabuhay sa ikatlong araw sa
katuparan ng mga kasulatan; umakyat siya sa langit at naluklok sa
kanan ng Ama. At muling darating maluwalhati upang hukuman ang
mga buhay at mga patay, at ang kaharian niya ay walang hanggan.
Sumasampalataya tayo sa Espiritu Santo, ang Panginoon na
tagapagbigay ng buhay, na nagbubuhat sa Ama at sa Anak.
Sinasamba siya at niluluwalhatig kasama ng Ama at ng Anak.
Nagsalita siya sa pamamagitan ng mga propeta. Nananallig tayo sa
iisang Iglesyang Banal, katolika at apostolika. Naniniwala tayo sa
iisang binyag sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan at hinihintay
natin muling pagkabuhay ng mga namatay. At ang buhay na walang
hanggan. Amen.

Pari: Walang pinakataimtim na kaligayahan gaya ng buhay ng


isa’t isa sa pagiisang dibdib, kasama ang lahat ng mga
hirap at ginhawa nito.
Ipinapanalangin natin ngayon ang ating mga kapatid at
kaibigan na pinag-iisang dibdib upang patnubayan sila ng
Poong Maykapal sa hinaharap.

Lector: Para sa mga mag-asawa sa buong Daigdig, upang pag-


ibayuhin ang mga tungkulin nila sa kanilang kabiyak at sa
kanilang mga supling, manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan: Panginoon, dinggin mo an gaming mga panalangin.

Lector: Para sa mga magulang at mga kapatid ng mga ikinakasal,


upang laging masubaybayan ang kanilang buhay at
panatilihin ang mabuting pakikitungo ng mga magkamag-
anak, manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan: Panginoon, dinggin mo an gaming mga panalangin.

Lector: Para sa ikinakasal, upang magkaroon sila ng masaya,


marangal at makataong kabuhayan, upang lagi silang
magmahalan at magtatag ng matibay na haligi ng lipunan
sa kanilang pamamahay, manalangin tayo sa Panginoon.

Bayan: Panginoon, dinggin mo ang aming mga panalangin.


Pari: Diyos na Tagapagligtas, ninais mong maitatag ang
pagsasama ng lalaki at babae, at binasbasan mo ang
kanilang pagsasama. Hinihiling nanin na dakilain mo sila
ng sapat na biyaya upang laging mamuhay ng tapat sa
iyong mga panukala, hinihiling naming itayo sa
pamamagitn ni Kristong aming Panginoon. Amen.

ANG BANAL NA EUKARISTIYA

Ang Kapayapaan

Priest: Mga kapatid, tayo ang katawan ni Kristo; sa pamamagitan


ng Espiritu tayong lahat ay pinag-isang katawan nang
tayo’y binyagan.

Bayan: Panatilihin natin ang pagkakaisa ng dulot ng Espiritu sa


bigkis ng kapayapaan.

Pari: Lagi nawang sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon.

Bayan: At sumaiyo rin.

Ang lahat ay magbibigayan sa isa’t isa ng Bati ng Kapayapaan.

Ang Pag-aalay (Opertoryo)

Priest: Ibigay sa Panginoon ang karangalang nararapat sa


kanyang pangalan. Magdala ng alay at pumaroon sa
kanyang harapan. Mag-aalay ako ng hain ng papuri at
pasasalamat at tatawag sa pangalan ng Panginoon. Mag-
aalay ako handog sa kanyang tahanan nang buong
kagalakan. Aawit ako at magsasalita ng papuri sa
Panginoon. Buong kagalakang ihandog natin sa
Panginoon ang mga alay ng ating buhay at Gawain.

Lector: Pwede na pong umupo ang lahat.


One Hand, One Heart

Lector: Tatayo po ang lahat.

Ang Pag-aalay ng Abuloy:

Walang hanggang Diyos, ipinagkaloob mo sa amin ang


lahat ng bagay, sa iyong kasaganahan ay ibinigay mo ang
lahat ng aming pangangailangan. Kami, na iyong mga
mapagkumbabang lingkod, ay nag-aalay sa’yo nitong
sagisag ng aming pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng
iyong kaawaan. Amen.

Sa Pag-aalay ng Tinapay:

Walang hanggang Diyos, Pinatubo mo ang butil, at mula


rito ginawa namin ang tinapay na ito. Iaalay namin ito sa
iyo upang sa amin ay maging tinapay ng buhay.
Ipagkaloob mo na kaming tatanggap nito ay mabuklod sa
bigkis ng pag-iibigan. Amen.

Sa Pag-aalay ng Alak:

Makapangyarihang Diyos, tanggapin mo ang alak na ito


na aming ginawa mula sa iyong mga kaloob. Ito nawa’y
maging inuming Espirituwal namin, upang kaming
tatanggap nito ay mapasigla at mapaging-bago sa
paglilingkod sa iyo. Amen.
Dito ay maaaring magsusuob ng Insenso habang umaawit ng isang
angkop na himno.

Of all the things

Ang Dakilang Pasasalamat:


Pari: Ang kagandahang loob ng Panginoon ay mananatiling
walang hanggan sa mga may takot sa kanya, at ang
kanyang pagkamatuwid sa salit-saling lahi.

Bayan: Maging sa mga sumusunod sa kanyang tipan, at makaka-


ala-alang sumunod sa kanyang mg autos.

Pari: Itinatag ng Panginoon ang kanyang luklukan sa langit, at


ang kanyang paghahari ay sumasaklaw sa lahat.

Bayan: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga


anghel niya, kayong may lakas at kapangyarihan na
tumatalima sa kanyang salita.

Pari: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na hukbo niya,


kayong mga lingkod niya na sumusunod sa kanyang
kalooban.

Bayan: Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat na Kanyang


nilikha, sa lahat ng dako ng kanyang nasasaklawan,
purihin ang Panginoon.

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Itaas ang inyong mga puso.

Bayan: Itinataas namin sa Panginoon.

Pari: Magpasalamat tayo sa Panginoon.

Bayan: Nararapat na siya’y ating pasalamatan at purihin.

Pari: Tunay na matuwid, aming tungkulin at kaligayahan, lagi at


saan man ay pasalamatan ka namin. O Panginoon, Banal
na Ama, makapangyarihan at walang hanggang Diyos.
Sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon;
nilikha mo ang tao dahil sa pag-ibig upang mabahagian
ng iyong banal na buhay. At mabatid na ang kanyang
dakilang layunin sa pagmamahalan ng mga mag-asawa,
ay tanda at tatak ng iyong banal na pag-ibig. Pag-ibig ang
pinagmulan ng tao, pag-ibig ang ikinabubuhay niya sa
lupa, at pag-ibig din ang maghihintay sa kanya sa langit.
Ang pagmamahalan ng lalaki at babae ay nagiging banal
sa sakramento ng kasal, at naglalarawan ng iyong walang
hanggang pag-ibig.

Kaya nga, kasama ng mga anghel at mga arkanghel, at


lahat ng kalipunan ng langit, buong kagalakan naming
ipinahahayag ang iyong kaluwalhatian, laging nagpupuri
sa iyo at nagsasabi:

Santo, Santo

Pari at Bayan: Banal, Banal, Banal, na Panginoon, Diyos ng


kapangyarihan at lakas, ang langit at lupa ay puspos ng
iyong kaluwalhatian. Osana sa kaitaasan. Mapalad siya
na dumarating sa pangalan ng Panginoon, Osana sa
kaitaasan.

PAGPAPATONG NG BELO

Lector: Sa yugtong ito ay luluhod na ang bagong kasal at


tinatawag na sina Jullian at Sheena Joy para sa
pagpapatong ng belo.
Ang belo ay ipapatong sa ulo ni Ericka na ang kahulugan
ay magmula ngayon, siya ay kusang-loob na
pumapailalim na makatuwirang pamamahala ng kanyang
asawa na si Ericka. Sinabi ni Apostol Pablo ang ganito,
“Ang isang mabuting asawang babae ay koronang ginto
ng kanyang asawang lalaki; datapwat ang masama ay
katulad ng uod na sumisira ng buto ng laman niya.” Nawa
ang belong iyan ay maging sagisag ng iyon g malinis na
pagkatao, sa ikararangal ng iyong mga magulang at
lalung-lalo na ng iyong kabiyak.

Ang belong ito ipinatong naman sa balikat ni Rodolfo na


ang kahulugan ay magmula ngayon, sa harap ng Diyos at
sa harap ng tao, siya’y may banal na pananagutan at
responsibilidad na magpasan ng krus ng buhay, na kahit
anong hirap ang kanyang matagpuan ay dapat siyang
magpatuloy hanggang sa katapusan. Sapagkat magiging
karangalan niya kung magdadala at mapapatnubayan
niya ang kanyang angkan sa buhay na sagana at
marangal.

PAGLALAGAY NG KORDON

Lector: Tinatawagan naman natin ngayon sina Jervel at Abbegail


para sa paglalagay ng kordon. Ang kordon ay sagisag ng
kanilang pagkakabigkis at pagbubuklod sa Banal na
Sakramento ng Kasal, na hindi maaaring lagagin sa
anumang kalagayan. Sa hirap at ginhawa, sa kaligayahan
at kalungkutan lagi silang dapat magkasama.

Pari: Lahat ng kaluwalhatian ay sa Iyo, Diyos na


makapangyarihan, Amang makalangit, nang dahil sa
iyong pag-ibig at kaawaan ay ipinagkaloob mo ang iyong
bugtong na Anak na si Hesukristo na maging tao na tulad
namin, at danasin niyang mamatay sa krus para sa aming
katubusan. Doon ay kanyang ginawa, sa pamamagitan ng
minsang pag-aalay ng kanyang sarili, ang isang buo at
ganap na hain para sa buong sanlibutan; at kanyang
itinatag at iniutos sa amin na ipagpatuloy ang isang
paggunita sa kanyang mahalagang kamalayan at hain,
hanggang sa muli Niyang pagdating.

Lector: Tatayo po ang lahat.


Pari: Sapagkat nang gabing siya’y ipinagkanulo kumuha siya
ng tinapay, at nang siya’y makapagpasalamat sa iyo, ito’y
kanyang piniraso at ibinigay sa kanyang mga alagad at
sinabi: “Kunin, kanin ito ang aking katawan na
ipinagkaloob ko sa inyo. Gawin ninyo ito sa pagalala sa
akin.”
Matapos ang hapunan ay kinuha niya ang kalis, at nang
siya ay makapagpasalamat sa iyo, ito’y kanyang ibinigay
sa kanila at sinabi: “Inumin ninyo ito, kayong lahat,
sapagkat ito ang aking dugo ng Bagong Tipan na
ibinubuhos sa inyo at para sa marami sa ikapgpapatawad
ng mga kasalanan. Kailanman at iinumin ninyo ito, ay
gawin sa pag-alaala sa akin.”

Ipahayag natin ang misteryo ng ating pananampalataya.

Pagpapahayag ng Pananampalataya

(Sasabihin ng Pari at ng Bayan)


Si Kristo ay namatay
Si Kristo ay muling nabuhay
Si Kristo ay muling darating

Pari: Kaya nga, Panginoon at Amang makalangit, ginaganap


namin na iyong mga abang lingkod ang pag-alaalang
iniutos ng Iyong Anak. Sa aming paggunita sa kanyang
pinagpalang pagpapakasakit na mag-uli at maluwalhating
pag-akyat sa langit, at sa aming paghihintay sa Kanyang
maluwalhating pagbabalik, ay aming iniaalay sa Iyo itong
tinapay ng buhay at itong kalis ng kaligtasan. At kasama
ang mga handog na ito ay iaalay namin ang aming sarili,
na isinasamo namin sa iyo na tanggapin sa iyong
makalangit na altar, itong aming hain, papuri at
pasasalamat.

Butihing Ama, sa kapangyarihan ng iyong Espiritu Santo


ay pagpalain mo at pakabanalin itong tinapay at alak,
upang para sa amin ay maging kamahal-mahalang
katawan at dugo ng iyong Anak na si Hesukristo. Ang
lahat nawa ng tatanggap ng banal na komunyong ito ay
mapuspos ng iyong biyaya at makalangit na pagpapala at
maging kaisan katawan niya, upang siya’y Manahan sa
amin at kani’y sa kanya.

At bagama’t kami’y hindi karapat-dapat na mag-alay sa


iyo ng anumang hain, gayon ma’y isinasamo namin sa iyo
na tanggapin itong aming tungkulin at paglilingkod, sa
pamamagitan niya, at sa kanya na kaisa ang Espiritu
Santo.

Itataas ng Pari ang Tinapay at Kalis

Ang lahat ng karangalan at kaluwalhatian ay sa iyo, O


Amang makapangyarihan, ngayon at magpakailanman.
Amen.

Bayan: Amen.

Ang Pater Noster

Pari: Ama namin sa langit, sambahin ang Ngalan mo, sumapit


nawa ang kaharian mo, sundin ang loob mo, dito sa lupa
gaya ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming
kakanin sa araw-araw. Patawarin mo kami sa aming mga
kasalanan gaya rin ng pagpapatawad namin sa mga
nagkakasala sa amin. Huwag mo kaming itulot sa
pagsubok kundi iadya mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat sa iyo ang kaharian, ang kapangyarihan, at ang
kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman. Amen.

Kordero ng Diyos
Pari: Kordero ng Diyos, ikaw na nagaalis ng kasalanan ng
sanlibutan.

Bayan: Maawa ka sa amin.

Pari: Kordero ng Diyos, ikaw na nag-aalis ng kasalanan ng


sanlibutan.

Bayan: Maawa ka sa amin.

Pari: Kordero ng Diyos, ikaw na nag-aalis ng kasalanan ng


sanlibutan.

Bayan: Ipagkaloob mo sa amin ang iyong kapayapaan.

Ang Banal na Komunyon

Pari at Bayan: Dumudulog kami sa iyong habag, maawaing


Panginoon, na hindi magtitiwala sa sarili naming
pagkamatuwid, kundi sa iyong marami’t dakilang awa.
Hindi kami karapat-dapat na mamulot ng mga mumo sa
ilalim ng iyong hapag. Subalit likas sa iyo ang
pagkamaawain; ipagkaloob mo sa amin, kung gayon
butihing Panginoon, na aming tanggapin ang katawan ng
iyong mahal na Anak na si Hesukristo, at inumin ang
kanyang dugo, upang kami na pinalalakas at pnagiging-
bago ng Kanyang buhay, ay Manahan sa kanya at siya’y
sa amin magpakailanman. Amen.

Ang kaloob ng Diyos para sa bayan ng Diyos. Kunin ang


mga ito sa pag-alaala ng binigay ni Kristo ang kanyang
sarili para sa inyo, at tanggapin ninyo siya sa inyong mga
puso sa pamamagitan ng pananampalataya, nang may
pasasalamat.

Pari: Ang katawan at dugo ni Kristo.

Nagkokomunyon: Amen.
Lector: Ang lahat po ay inaanyayahan na tumanggap ng Banal na
Komunyon, pipila po laman tayo ng dalawa sa likod ng
ikinakasal.

Babasbasan ng Pari ang bagong Kasal

Pari: Basbasan + Ingatan + at Kupkupin + nawa kayo ng Diyos


Ama, Anak, at Espiritu Santo; pagpalain nawa kayo ng
Panginoon at punuin kayo ng kanyang biyaya at
pagpapala upang maging matapat kayo sa isa’t-isa sa
buhay na ito sa darating na buhay na walang hanggan.

Rodolfo at Ericka: Amen.

lector: Tatayo po ang lahat.

Panalangin Pagkatapos ng Komunyon

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Tayo’y manalangin, Makapangyarihang Diyos, ikaw na


tagapagbigay ng lahat ng katotohanan, kaibig-ibig at
kalugod-lugod, pinasasalamatan ka namin sa amin sa
mga banal na hiawaga ng katawan at dugo ng iyong Anak
na si Hesukristo. Ipagkaloob mo sa pamamagitan ng
iyong banal na Espiritu, ang mga pinag-isa ngayon sa
kaluluwa. Mamuhay ng may kapayapaan at karapatan na
magkamit ng walang hanggang kaligayahan na inihanda
para sa lahat ng umiibig sa iyo. Alang-alang kay
Hesukristo na aming Panginoon. Amen.
Ang kapayapaan ng Diyos na di-malirip ng buong pang-
unawa, matatag na ingatan kayo sa kaalaman at pag-ibig
ng Diyos, at sa kanyang Anak na sa\i hesukristo na ating
Panginoon; at ang pagpapala ng makapangyarihang
Diyos, ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo, nawa’y
sumainyo at laging manatili sa inyo.

Bayan: Amen.

Pari: Ang Panginoon ay sumainyo.

Bayan: At sumaiyo rin.

Pari: Ngayon din ay humayo kayo upang ibigan at pagligkuran


an gating Panginoon.

Bayan: Salamat sa Diyos.

Ang Pagtatapos

Pari: Mga kapatid, sa ating pagtatapos, pahintulutan ninyong


maipahayag ko sa inyong lahat na sa kapangyarihang
ipinagkaloob sa akin ng batas at ng simbahan, si Rodolfo
at Ericka ay mag-asawa na. pasalubungan po natin ng
masigabong palakpakan ang mga bagong kasal.

Maaari mo ng halikan ang iyong asawa.

Mga angkop na awitin

Pagmamano at pagbibigay galang sa mga magulang,


mga ninong at ninang.
Pagpapapirma sa marriage contract.
Pagkuha na Larawan
Photography Sequence

 Couple with the Officiating Priest


 Couple
 Couple with Groom’s Family
 Couple with Bride’s Family
 Couple with Parents (both sides)
 Couple with Pricipal Sponsors
 Couple with Secondary Sponsors
 Couple with Flower Girls and Symbol Bearers
 Couple with Bride’s Relatives
 Couple with Groom’s Relatives
 Couple with Bride’s Officemates/Friends
 Couple with Groom’s Officemates/Friends
 Couple with the Coordinators

RECESSIONAL

You might also like