You are on page 1of 15

IKALAWANG LINGGO NG

PASKO NG PAGKABUHAY (Puti)


“Panginoon ko at Diyos ko” ( Mt.27-54 ) Katulad ni Tomas
samasama tayong magbalik sa Panginoon at kilalanin Siya bilang
ating Diyos.

Ika-16 ng Abril 2023

1
PASIMULA
Pari:

Sa ngalan ng Ama , at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


Bayan:
Amen.
Pari:

Ang pagpapala ng ating Panginoong


Jesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.
Bayan:
At sumaiyo rin.

PAMBUNGAD NA PANANALITA
Mga kapatid, ngayon ang ikawalong araw ng
Pagkabuhay ng Panginoong at Linggo ng Mabathalang
Awa ng Diyos. Upang maging marapat tayong gumanap sa
Banal na Pagdiriwang, aminin natin ang ating mga
kasalanan.
Sandaling katahimikan, pagkaraan ang lahat ay sabay-sabay na aamin sa nagawang kasalanan.
Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos,
at sa inyo, mga kapatid,
na lubha akong nagkasala
sa isip, sa salita, sa gawa
at sa aking pagkukulang.
Kaya isinasamo ko
sa Mahal na Birheng Maria,
sa lahat ng mga anghel at mga banal
at sa inyo, mga kapatid,
na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Pari:
Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos,
patawarin tayo sa ating mga kasalanan,
at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen.
KYRIE

2
Pari:
Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami.
Pari:
Kristo, kaawaan mo kami.
Bayan:
Kristo, kaawaan mo kami.
Pari:
Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami.

GLORIA

Pari: Gloria in excelsis Deo


PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari:
Manalangin tayo.
Sandaling katahimikan.

Ama naming makapangyarihan,


sa pagdiriwang naming ito ng Pasko ng Pagkabuhay ng Anak Mo
pinag-alab Mo ang pananalig namin sa Iyo.
Ang kagandahang loob Mo sa amin ay lalo Mo pang pag-ibayuhin
upang maisaloob na mabuti ng lahat
ang kadalisayang dulog ng binyag,
ang Espiritung bigay Mo sa Iyong mga anak,
ang Dugong dumanak upang kami’y maligtas
sa pamamagitan ni Jesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B: Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG
KAALAMANG PAMBIBLIYA DIYOS
Sa Unang Pagbasa, isinasalaysay ang bunga ng mga himalang nagawa ng Panginoong muling
nabuhay sa pamamagitan ng mga Apostol. Dahil din sa kanilang buhay ng pagbabahaginan,
araw-araw ay nadaragdagan ang mga inililigtas

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 2, 42-47
Ang Salita ng Diyos mula sa mga Gawa ng mga Apostol
Ang mga kapatid ay nanatili sa itinuro ng Ipinagbibili nila ito at ang
mga apostol, sa pagsasama-sama bilang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon
sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-
araw, sila’y nagkakatipon sa templo,3
naghahati-hati ng tinapay sa kanilang
magkakapatid, sa paghahati-hati ng tinapay, at
sa pananalangin.
Dahil sa maraming himalang nagawa sa
pamamagitan ng mga apostol, naghari sa lahat
ang magkahalong pitagan at takot. At nagsama-
sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa
lahat ng kanilang ari-arian.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 117, 2-4. 13-15. 22-24
Butihing Poo’y purihin,
pag-ibig n’ya’y walang maliw.
Ang taga-Israel, bayaang sabihi’t kanilang Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng
ihayag, “Ang pag-ibig ng Diyos, ay hindi tirahang-bahay, sa lahat ng bato’y higit na
kukupas.” Mga saserdote ng Diyos na mahusay. Ang lahat ng ito ang nagpamalas
Panginoon, bayaang magsaysay: “Ang pag-ibig ay ang Panginoong Diyos, kung iyong
ng Diyos, walang katapusan.” Lahat ng may mamasdan ay kalugud-lugod.
takot sa Panginoong Diyos, dapat magpahayag,
“Ang pag-ibig niya’y hindi magwawakas.” Butihing Poo’y purihin,
pag-ibig n’ya’y walang maliw.
Butihing Poo’y purihin,
pag-ibig n’ya’y walang maliw.
Sinalakay ako’t halos magtagumpay ang mga
kaaway, dahilan sa roon sila’y napipilan.
Dahilan sa roon ako’y pinalakas, at ako’y
tumatag; Siya, sa buhay ko, ang Tagapagligtas.
Dinggin ang masayang sigawan sa tolda ng
mga hinirang: “Panginoo’y siyang lakas na
patnubay.”
Butihing Poo’y purihin,
pag-ibig n’ya’y walang maliw.

Sa Ikalawang Pagbasa, itinuturo ni Apostol San Pedro ang bunga ng muling pagkabuhay
ni Kristo: isang panibagong buhay na hindi masisira, na dapat lamang maging sanhi ng
kagalakan

Ikalawang Pagbasa
1 Pedro 1, 3-9
Ang Salita ng Diyos mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pedro
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating nakalaan sa inyo doon sa langit. Sapagkat
Panginoong Hesukristo. Dahil sa laki ng habag kayo’y sumampalataya, iingatan kayo ng
niya sa atin, tayo’y isinilang sa isang kapangyarihan ng Diyos samantalang
panibagong buhay sa pamamagitan ng muling hinihintay ninyo ang kaligtasang nakalaang
pagkabuhay ni Hesukristo. Ang bagong buhay ihayag sa katapusan ng mga panahon.
na iyan ang nagbigay sa atin ng malaking pag- Ito’y dapat ninyong ikagalak, bagamat
asa na kakamtan natin ang isang kayamanang maaaring magdanas muna kayo ng iba’t
walang kapintasan, di masisira, at di kukupas. ibang pagsubok sa loob ng maikling
Ang kayamanang iya’y panahon. Ang ginto, na nasisira, ay
pinararaan sa apoy upang malaman kung
talagang dalisay. Gayun din naman, ang inyong Dahil dito’y nag-uumapaw na sa inyong puso
pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa ang kagalakang di kayang ilarawan sa salita.
pagsubok upang malaman kung talagang tapat. Sa gayon,
kayo’y papupurihan, dadakilain, at pararangalan sa Araw Sapagkat inaani na ninyo ang bunga ng
na mahayag si Hesukristo. Hindi ninyo siya nakita inyong pananampalataya — ang inyong
kailanman, ngunit nananalig na kayo sa kanya. kaligtasan.
Ang Salita ng Diyos
BAYAN: Salamat sa Diyos
4
SA MABUTING BALITA isinasalaysay ang pagpapakita ni Jesus na muling
nabuhay sa mga alagad. Pinagkalooban Niya sila ng Espiritu Santo at ng kapayaan, at
kinilala naman Siya ni Tomas bilang Panginoong at Diyos.
ALLELUYA
Aleluya! Aleluya!
Mapalad at maligaya
ang sumasampalataya
sa di nakita ng mata!
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 20, 19-31

 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay
nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang
pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si
Hesus at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi
niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at
ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang
makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo
ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din
naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at
sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin
ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi
ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”
Ngunit si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa
Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Hesus. Kaya’t
sinabi sa kanya ng ibang alagad, “Nakita namin ang Panginoon!”
Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga’t di ko
nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at
naisusuot dito ang aking daliri, at hangga’t hindi ko naipapasok
ang aking kamay sa kanyang tagiliran.”
Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob
ng bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang
mga pinto, ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila.
Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!” Saka sinabi kay
Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang
iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran.
Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Sumagot si
5
Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Hesus,
“Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang
mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”
Marami pang kababalaghang ginawa si Hesus na
nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito.
Ang natala rito’y sinulat upang sumampalataya kayong si Hesus
ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos, at sa gayo’y magkaroon kayo
ng buhay sa pamamagitan niya.
P: Ang Mabuting Balita ng Panginoon
Bayan: Pinupuri ka namin Panginoong Jesukristo
Homiliya

PANALANGIN NG BAYAN
Pari: Mga kapatid, tayo ng manalangin sa Amang mapagmahal,
nang ang pananampalataya natin ay maging matibay sa hindi
mapag-aalinlangan Niyang kapangyarihan at pagmamahal, ating
sambitin:
PANGINOONG NAGTAGUMPAY, DINGGIN ANG
IYONG BAYAN
Bayan:
PANGINOONG NAGTAGUMPAY, DINGGIN ANG IYONG BAYAN
Lektor:
Para sa Banal na Simbahan, upang maakit niya ang lahat sa isang matibay na
pananampalataya at pagkakabuklod tungo kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon ,
PANGINOONG NAGTAGUMPAY, DINGGIN ANG IYONG BAYAN
Para sa mga nakatatanda sa pananampalataya, lalo na ang mga magulang, upang ang
kanilang halimbawa ng matibay na pananampalataya ay tularan ng mga nakakabata sa
pamumuhay bilang mga tunay na Kristiyano na pinaghaharian ng katohohanan,
katarungan at pag-ibig, manalangin tayo sa Panginoon,
PANGINOONG NAGTAGUMPAY, DINGGIN ANG IYONG BAYAN
Para sa mga taong nananatili pa sa kalungkutan ng Biyernes Santo, upang ang muling
pagkabuhay ng Panginoon ang magbigay sa kanila ng panibagong sigla sa paglalakbay
sa buhay na ito, manalangin tayo sa Panginoon
PANGINOONG NAGTAGUMPAY, DINGGIN ANG IYONG BAYAN
Para sa ating lahat, upang sa ating sama samang pakikipagtagpo kay Kristo sa banal na
piging ay maging tagapagpatunay ng nag-uumapaw na awa ng Panginoong muling
nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
PANGINOONG NAGTAGUMPAY, DINGGIN ANG IYONG BAYAN
Para sa mga kapatid nating yumao, upang makamit nila ang awa mula sa Panginoong
muling nabuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
PANGINOONG NAGTAGUMPAY, DINGGIN ANG IYONG BAYAN
Sandaling katahimikan
Pari:

Amang Makapangyarihan, bigyan kami ng


pananampalatayang hindi nag-aalinlangan. Maging sapat
nawa para sa amin ang mga patotoo ng mga unang
nanampalataya sa Iyo sa pamamagitan ng pahayag ng Anak
6
Mong si Jesukristo na namamagitan, kasama ng Espiritu
Santo, magpasawalang hanggan
Bayan: Amen.

- LITURHIYA NG EUKARIST
IYA-
Pari:

Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin


ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
Bayan:
Tanggapin nawa ng Panginoon
itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Pari:

Ama naming Lumikha,


ipagkaloob Mong kami ay magalak
sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ng Iyong Anak
upang ang ginagawang patuloy na pagsagip sa amin
ay maging sanhi ng aming ligayang walang maliw
sa pamamagitan ni Jesukristo,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.

Pari: Sumainyo ang Panginoon


Bayan: At sumaiyo rin.
Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Bayan: Itinaas na namin sa Panginoon.
Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.
Bayan: Marapat na siya ay pasalamatan.

PREPASYO
7
Ama naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan,
sa pamamagitan ni Jesukristo na aming Panginoon.
Wala Siyang kasalanan ngunit inaring salarin
sa pagmamalasakit Niyang kami’y palayain
sa kamatayang kinasuungan namin,
kaya’t namatay Siya upang kami’y buhayin
Kaya kaisa ng mga anghel
na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan,
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
SANCTUS

IKALAWANG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT


PAGPAPASALAMAT
Nakalahad ang kamay ng Pari sa pagdarasal
Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan
Panawagan sa Diyos

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin mong banal


ang mga kaloob na ito
upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo 
ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagsalaysay at pagtatalaga

Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,


hinawakan Niya ang tinapay,
pinasalamatan Ka Niya,
pinaghati-hati Niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
 

TANGGAPIN NINYONG
LAHAT ITO AT KANIN:
ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.

Gayundin naman, noong matapos ang hapunan


hinawakan Niya ang kalis,
muli Ka Niyang pinasalamatan,
8
iniabot Niya ang kalis sa Kanyang mga alagad
at sinabi:
TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:
ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.
GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.
 

Pari:
Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.
Bayan:
Si Kristo’y namatay!
Si Kristo’y nabuhay!
Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Pag-alaala at Pag-aalay
Ama,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo para maglingkod sa iyo.

Panawagan sa Diyos
Isinasamo naming kaming magsasalu-salo
sa Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Pagluhog
Ama, lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni FRANCISCO, na aming Papa
9
at ni DENNIS, na aming Obispo
at ng tanang kaparian.

Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay


nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong
buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
at ng kanyang kabiyak ng pusong si San Jose,
kaisa ng mga apostol, at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo
sa pamamagitan ng iyong Anak
na aming Panginoong Hesukristo.
 
Pagbubunyi ng Pangwakas
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya
ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo,
Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen.
Pari:
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos
at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos,
ipahayag natin nang lakas loob:
Ilalahad ng Pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng mga tao:

Ama namin, sumasalangit ka. Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
Sambahin ang ngalan mo. At patawarin mo kami sa aming mga
Mapasaamin ang kaharian mo. sala para nang pagpapatawad namin
Sundin ang loob mo sa nagkakasala sa amin. At huwag mo
dito sa lupa para nang sa langit. kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo
kami sa lahat ng masama. Amen

Pari:
Hinihiling naming
10
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Bayan:
Sapagka't iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.

PAGBIBIGAYAN NG KAPAYAPAAN
Panginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
BAYAN: Amen.
Pari:
Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
BAYAN
At sumaiyo rin.
PARI:
Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
Ang Pari at mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng kapayapaan.

PAGHAHATI-HATI SA TINAPAY
Pagkatapos, hahawakan ng Pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak
niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:
Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito:
11
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

- ANG PAKIKINABANG -
Magkadaop ang mga kamay ng Pari sa pabulong na pagdarasal:
Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,
Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

PAGSASALO
Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
BAYAN:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo
nguni't sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng Pari ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.

Habang nakikinabang ang pari at mga nagsisimba, gaganapin ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan
ng Pari o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng Pari, pabulong siyang magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


12
ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pang magpakailanman.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pari: Manalangin tayo.
Sandaling katahimikan.

Ama naming mapagmahal,


ngayong kami’y pinapagsalo Mo
sa banal na pakikinabang,
kami’y Iyong pinalingong may pag-asa
sa aming sinasampalatayanan
pakundangan sa pagkamatay ng Iyong Anak.
Gawin Mong kami’y makarating
sa aming paroroonan
pakundangan sa Kanyang Muling Pagkabuhay
bilang tagapamagitan kasama ng Espiritu
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen.
(MAARING MAGKAROON NG SECOND COLLECTION PARA SA ALAY KAPWA)

MARINGAL NA PAGBABASBAS
Pari: Ang Diyos Amang Maawain na nagkaloob sa inyo ng Anak
Niyang nagpakasakit bilang huwaran ng pag-ibig ay siya
nawang magbasbas sa inyong lahat pakundangan sa
paglilingkod ninyo sa Kanya at sa kapwa ngayon at
magpasawalang hanggan.
Bayan: Amen

Pari: Pakundangan sa kanyang kamatayan upang kayo’y huwag


dumanas ng walang katapusang pagkamatay makamtan
nawa ninyo ang buhay na walang hanggan.
Bayan: Amen

Pari: Pakundangan sa pagpapakumbaba Niya para sa inyong


kapakanan kayo nawa’y makasalo sa Kanyang muling
pagkabuhay ngayon at magpawalang hanggan.
Bayan: Amen

Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,  Ama,  at


Anak,  at Espiritu Santo.
13
Bayan: Amen
Pari: Humayo kayo sa kapayapaan at sama-samang maglingkod
tulad ni Kristo
Bayan: SALAMAT SA DIYOS.

PANALANGIN PARA SA
PAGBABASBAS
NG MGA PALASPAS
(Aklat ng Pagmimisa sa Roma p.230-238 [135-144]) (Darasaling nakalahad ang kamay)
Pari:

Ama naming Makapangyarihan, / ang mga


palaspas na ito / ay Iyong pagpalain + at pabanalin
/ upang sa masaya naming pagbubunyi / sa
Mesiyas na aming Hari. / Siya’y aming masundan /
at sa pamamagitan Niya’y aming sapitin / ang
hindi magmamaliw na lungsod ng Jerusalem / na
Kanyang pinaghaharian / kasama Mo at ng
Espiritu Santo, magpasawalang hanggan
(Iwiwisik ng pari ang banal na tubig sa mga palaspas)
1. Sa Ibang Misa na walang Prusisyon sisimulan ito sa Pagbabasbas
ng Palaspas at isusunod agad ang Pambungad na Panalangin.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari:
Manalangin tayo.
Sandaling katahimikan.

Ama naming makapangyarihan,


ginawa Mong halimbawang tularan
ang Tagapagligtas naming naging di iba sa amin
para ang Krus namin ay akuin.
Pagindapatin Mong sa mga pagdiriwang ay aming kamtin
ang Kanyang ulirang pagkamatiisin at ang pakikisalo
sa pagkabuhay Niyang maningning, sa pamamagitan Niya
14
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
B: Amen.

15

You might also like