You are on page 1of 8

PANIMULA

Namumuno Sinabi ni Hesus na walang makapupunta sa


Ama kundi sa pamamagitan Niya. Si Hesus ang
daan at sa pamamagitan Niya’y magkakamit ng
kaligtasan ang taong sumasamba sa Kanya.
Ang malaking katanungan ngayon ay kung tayo
bang lahat ay maaaring makarating sa Kanyang
kinaroroonan? Ang sagot ay iniiwan sa ating
lahat kung papaano ba natin patutunayan ang
katotohanang ito na si Hesus ang ating
sinasampalatayanan. At sa araw na ito ng ating
pagsamba sa tunay na Diyos ay ipakita at
ipadama natin sa Kanya na tayo ay nagnanais
na makasama sa Kanyang paghahari.

Tatayo ang lahat para sa pagsisimula ng Banal na Misa.


Mag-aalay ng isang awit.

1
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari O Diyos na makapangyarihan sa lahat, ang
makilala Kang lubos ay buhay na walang-
hanggan: Itulot Mo po na ganap naming
makilala si Hesus bilang daan, katotohanan, at
buhay upang matapat naming sundan ang
Kanyang mga bakas patungo sa buhay na
walang-hanggan; sa pamamagitan ni
Hesukristong Iyong Anak at aming Panginoon,
na nabubuhay at naghaharing kasama Mo, sa
pakikiisa ng Espiritu Santo, iisang Diyos,
ngayon at magpakailanman. Amen.

Uupo ang lahat para pakinggang ang mga pagbasa.

UNANG PAGBASA | Gawa 7:55-60 |

Ang pagiging martir ni Esteban ay nagpapatunay na ang


naniniwala kay Kristo ay tunay na makapupunta sa Kanyang
Ama. Dahil sa paninidigan ni Esteban sa kanyang
pananampalataya, ginantimpalaan siya ng pagtanggap ng
Diyos sa Kanyang kaharian.

Tagabasa Pagbasa mula sa mga Gawa ng Mga Apostol.

Si Esteban na puspos ng Espiritu Santo ay tumingin sa langit


at nakita ang maningning na liwanag sa paligid ng Diyos, at
si Hesus na nasa kanyang kanan. “Bukas ang kalangitan.”
sabi niya, “at nakikita ko ang Anak ng Tao na nasa kanan ng
Diyos.” Tinakpan nila ang kanilang tainga at nagsigawan;
pagkatapos, sabay-sabay silang dumaluhong sa kanya.
Kinaladkad nila si Esteban hanggang sa labas ng lunsod
upang batuhin. Hinubad ng mga saksi ang kanilang kasuutan
at iniwan sa isang binatang nagngangalang Saulo. At
pinagbabato nila si Esteban, na nananalangin naman ng
2
ganito: “Panginoong Hesus, tanggapin mo ang aking
espiritu.” Lumuhod si Esteban at sumigaw nang malakas,
“Panginoon, huwag mo na po silang panagutin sa kasalanang
ito.”

Tagabasa Ang Salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMO RESPONSORIO | Awit 66 |

ANG LAHAT NG BANSA’Y MAGPURI SA DIYOS,


INYONG IPARINIG PAPURING LUBOS!

Namumuno Ito ang sabihin sa Diyos na Dakila: “Ang mga


gawa mo ay kahanga-hanga; yuyuko sa takot
ang mga kaaway, dahilan sa taglay mong
kapangyarihan. At lahat sa lupa ikaw’y
sinasamba, awit ng papuri yaong kinakanta;
ang iyong pangala’y pinupuri nila.” TUGON.

Namumuno Ang ginawa ng Diyos, lapit at pagmasdan, ang


kahanga-hangang ginawa sa tanan. Naging
tuyong lupa kahit yaong tubig, at ang nuno
natin ay doon tumawid; kaya naman tayo’y
nagalak nang labis. TUGON.

Namumuno Siya’y naghaharing may kapangyarihan, at sa


mga bansa’y pawang nagmamanman; huwag
nang magtatangkang sinuma’y lumaban. Ang
lahat ng bansa’y magpuri sa Diyos, inyong
iparinig papuring malugod. HULING TUGON.

3
IKALAWANG PAGBASA | 1 Pedro 2:2-10 |

Ang batong panulukan ang siyang magiging sandigan ng mga


lumalapit kay Kristo. At ang mga lumalapit at nananalig sa
Kanya ay magkakamit ng kaluwalhatian at pagiging kabilang
sa mga hinirang ng Diyos.

Tagabasa Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San


Pedro.

Mga pinakamamahal: Gaya ng sanggol, kayo’y manabik sa


gatas na espirituwal upang umunlad sa pananampalataya
hanggang kamtan ang ganap na kaligtasan. Sapagkat tulad
ng sinasabi sa Kasulatan: “Nalasap na ninyo ang kabutihan
ng Panginoon.” Lumapit kayo sa kanya, sa batong buhà y na
itinakwil ng mga tao, ngunit hinirang ng Diyos at mahalaga
sa kanyang paningin. Wari’y mga batong buhà y, maging
sangkap kayo ng isang templong espirituwal. At bilang mga
saserdoteng nakatalaga sa Diyos, maghandog kayo sa kanya
ng mga haing espirituwal na kalugod-lugod sa Diyos dahil
kay Hesukristo. Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, “Masdan
ninyo, itinayo ko sa Sion ang isang batong panulukan,
hinirang at mahalaga; hindi mabibigo ang sinumang
nananalig sa kanya.” Kaya nga, mahalaga siya sa inyong mga
may pananalig. Ngunit sa mga walang pananalig, matutupad
ang nasa Kasulatan: “Ang batong itinakwil ng mga
tagapagtayo ay siyang naging batong panulukan, at naging
batong katitisuran at ikararapa ng mga tao.” Natisod sila
sapagkat hindi sila sumunod sa salita ng Diyos; ito ang
itinalaga sa kanila datapwat kayo ay isang lahing hinirang,
mga saserdote ng Hari, isang bansang nakatalaga sa Diyos.
Pinili kayo ng Diyos upang maging kanya at maghayag ng
mga kahanga-hangang gawa niya. Siya rin ang tumawag sa
inyo mula sa kadiliman tungo sa kanyang kagila-gilalas na
kaliwanagan. Dati-rati, kayo’y hindi bayan ng Diyos, ngunit
4
ngayon, kayo’y bayang hinirang niya. Noon, pinagkaitan
kayo ng habag, ngunit ngayo’y sumasainyo ang kanyang awa.

Tagabasa Ang Salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos

Tatayo ang lahat upang magbigay galang sa paghahatid ng


Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.

EBANGHELYO | Juan 14:1-14 |

Aleluya! Aleluya! Magsiawit kayo sa Panginoon ng isang


bagong awitin, sapagka’t gumawa siya ng mga kahanga-
hangang bagay; sa paningin ng mga bansa ay ipinahayag
niya ang kanyang katarungan. Aleluya! Aleluya!
- Awit 97:1-2

Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon Hesukristo


ayon kay San Juan.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga


alagad: “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at
manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay
maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo.
At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan.
Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng
matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko.
At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.”
Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi po namin alam
kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang
daan?” Sumagot si Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan,
5
at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa
pamamagitan ko. Kung ako’y kilala ninyo, kilala na rin ninyo
ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at
inyong nakita.” Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita
po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami.”
Sumagot si Hesus, “Matagal na ninyo akong kasama, Felipe!
Diyata’t hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay
nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: ‘Ipakita mo sa
amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang ako’y sumasa-
Ama at ang Ama’y sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko
ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang
sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain.
Maniwala kayo sa akin: ako’y sumasa-Ama at ang Ama ay
sumasaakin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko,
maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo:
ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko
at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At
anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay
gagawin ko, upang maparangalan ang ama sa pamamagitan
ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa
pangalan ko.”

Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.

Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng Banal


na Eukaristiya.

PANALANGIN NG BAYAN

Pari Natitipon dito sa harap ni Kristong Muling


Nabuhay, ang ating Daan patungo sa Ama,
panatag tayong umaasa sa Kanyang walang-
takdang pagmamahal sa atin. Kaya nga,
pakumbaba nating idinudulog sa Kanya ang
6
ating mga kahilingan para sa mga
pangangailangan ng sangkatauhan, habang
idinadalangin nating: Panginoong Hesus,
akayin Mo kami sa Ama!

Lektor Para sa Simbahang panlahat, na pamayanan ng


mga disipulong nakapaligid kay Hesus, ang
Panulukang-bato: Nawa siya’y maging bukal ng
inspirasyon at pag-asa. Manalangin tayo!
Panginoong Hesus, akayin Mo kami sa Ama!

Lektor Para sa ating Obispo Maximo, sa ating mga


obispo, mga pari, at iba pang pinunong
espirituwal: Nawa maipakita nila sa atin ang
kabanalan ni Hesus at gabayan nila tayo sa
ibayong pakikipagkaisa sa Ama. Manalangin
tayo! Panginoong Hesus, akayin Mo kami sa
Ama!

Lektor Para sa lahat ng wala nang direksiyon sa


buhay, nalilito’t pinanghihinaan ng loob:
Matagpuan nawa nila sa mga turo ng Simbahan
at sa ating mabuting halimbawa ang kailangan
nilang pamamatnubay at pampalakasloob.
Manalangin tayo! Panginoong Hesus, akayin
Mo kami sa Ama!

Lektor Para sa mga may malubhang karamdaman at


malapit nang mamatay: Matagpuan nawa nila
sa mga pangako ni Hesus ang sandigan ng
kanilang pag-asang mabuhay magpakailanman
sa Tahanan ng Ama. Manalangin tayo!
Panginoong Hesus, akayin Mo kami sa Ama!

7
Lektor Para sa bawat isa sa atin at sa ating pamayanan
sa parokya: Nawa manatili tayong nagkakaisa
sa pagmamahal ni Hesus, na Siyang
panulukang-bato ng ating gusaling espirituwal.
Manalangin tayo! Panginoong Hesus, akayin
Mo kami sa Ama!

Lektor Sa katahimikan ay buong puso nating iluhog sa


Diyos ang iba pa nating mga panalangin at
kahilingan.

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari Manalangin tayo.


Diyos na aming Ama, pinasasalamatan Ka
namin sa kaloob Mong buhay na walang
hanggan sa pamamagitan ni Hesus na Iyong
Anak at aming Kapatid. Lahat nawa ng aming
isip, salita, at gawa ay umalinsunod sa Iyong
kalooban at maghatid sa amin sa kagalakan sa
tahanan Mo, kasama ni Hesus at ng Banal na
Espiritung iisang Diyos magpakailanman.
Amen.

You might also like