You are on page 1of 7

HUWEBES SA IKAAPAT NA

LINGGO NG KUWARESMA
PANIMULA
Matapos ang pananalangin ng Rosaryo at ng Nobena tatayo
ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa. Babasahin ng
namumuno ang sumusunod:

Namumuno Magandang hapon po sa ating lahat.


Ngayong araw na ito ay nagdiriwang tayo ng
Huwebes sa Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma.

Ang Panginoon ay ang Diyos na hindi


mawawala sa ating piling. Ang tunay na
pagkilala sa kanya ay pagsunod sa kanyang
utos at sa Mabuting Balita na ipinahayag ng
kanyang Anak na si Hesus. At sa ating
pasasabuhay ng kanyang Salita, tularan nawa
natin si Kristo sa isang halimbawa ng
pagmamahal, paglilingkod, at pagpapakita ng
kabutihan sa ating kapwa.

1
ANTIPONA
Panginoon. Magbulay-bulay kayo sa Panginoon at sa kayang
lakas, hanapin lagi ang kanyang mukha.
-Slm. 104:3-4

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono Manalangin Tayo.
Magdalawang-awa ka, O Ama, sa mga anak mong
nagpapakumbaba at nagsisisi. Loobin mong
manatili sila sa gawang mabuti at sumunod sa
iyong mga kautusan, upang mapanuto sa
pagdiriwang ng Paskuwa.

Alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong


Panginoon namin, nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.

Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.


PAGBASA | Exodo 32:7-14 |

Tagabasa Pagbasa mula sa aklat ng Exodo.

Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Moises,


“Balikan mo ngayon din ang mga Israelitang inialis mo sa
Egipto, naroon at nagpapakasama. Tinalikdan nila agad ang
mga utos ko. Gumawa sila ng guyang ginto. Iyon ang
sinasamba nila ngayon at hinahandugan. Ang sabi nila’y iyon
ang diyos na nag-alis sa kanila sa Egipto. Kilala ko ang mga
taong iyan at alam kong matigas ang kanilang ulo. Kung
gusto mo, lilipulin ko sila at sa iyo ko pagmumulain ang isang
malaking bansa.”
2
Nagsumamo si Moises sa Panginoon, “Huwag po! Huwag
ninyong lilipulin ang mga taong inialis ninyo sa Egipto sa
pamamagitan ng inyong kapangyarihan. Kapag nilipol ninyo
sila, masasabi ng mga Egipcio na ang mga Israelita’y inialis
ninyo sa Egipto upang lipulin sa kabundukan. Huwag na po
kayong magalit sa kanila at huwag na ninyong ituloy ang
inyong balak laban sa kanila. Alalahanin ninyo ang mga
lingkod ninyong sina Abraham, Isaac at Jacob. Ipinangako
ninyo sa kanila na ang lahi nila’y pararamihin tulad ng mga
bituin sa langit at magiging kanila habang panahon ang
lupaing ipinangako ninyo.” Hindi nga itinuloy ng Panginoon
ang balak na paglipol sa mga Israelita.

Tagabasa Ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN | Salmo 105 |


Panginoong masintahin,
ang bayan mo’y gunitain.

Namumuno Sa may Bundok ng Horeb, doon ay


naghugis niyong gintong baka, matapos
mahugis ang ginawa nila’y kanilang
sinamba. Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit
sa diyos na nilikha, sa diyos na baka na ang
kinakain ay damong sariwa. TUGON.

Namumuno Kanilang nilimot ang Panginoong Diyos,


ang Tagapagligtas, na yaong ginawa doon
sa Egipto’y kagila-gilalas. Sa lupaing iyon
ang ginawa niya’y tunay na himala. Sa
Dagat na Tambo yaong nasaksihan ay
kahanga-hanga. TUGON.
3
Namumuno Ang pasiya ng Diyos sa ginawa nila’y lipulin
pagdaka, agad na dumulog sa Poon, si
Moises namagitan siya, at hindi natuloy
yaong kapasiyahan na lipulin sila. HULING
TUGON.

Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.


EBANGHELYO | Juan 5:31-47 |
Pag-ibig sa sanlibutan ng D’yos ay gayun na lamang, kanyang
Anak ibinigay upang mabuhay kailanman ang nananalig na
tunay.
- Juan 3:16

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon


kay San Juan.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

Kung may insenso, magsusuob nito.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio: “Kung


ako lamang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, huwag
ninyong tanggapin, ngunit may ibang nagpapatotoo tungkol
sa akin, at totoo ang kanyang sinasabi. Nagpasugo kayo kay
Juan, at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan. Hindi sa
kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para
maligtas kayo. Si Juan ay parang maningas na ilaw na
nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang
liwanag. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa
patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng

4
Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo
na ako’y sinugo niya. At ang Amang nagsugo sa akin ay
nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanma’y hindi ninyo
narinig ang kanyang tinig, at nakita ang kanyang anyo.
Walang pitak sa inyong puso ang kanyang salita, sapagkat
hindi kayo nananalig sa akin na sinugo niya. Sinasaliksik
ninyo ang mga Kasulatan, sa paniwalang doon ninyo
matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga ito ang
nagpapatotoo tungkol sa akin, ngunit ayaw naman ninyong
lumapit sa akin upang kayo’y magkaroon ng buhay.

“Hindi ako naghahangad ng parangal ng mga tao. Ngunit


kilala ko kayo; alam kong wala kayong pag-ibig sa Diyos.
Naparito ako sa ngalan ng aking Ama, at ayaw ninyo akong
tanggapin. Kung may ibang pumarito sa kanyang sariling
pangalan, siya’y inyong tatanggapin. Ang hinahangad ninyo’y
ang parangal ng isa’t isa, at hindi ang parangal na
nanggagaling sa iisang Diyos; paano kayong
makapaniniwala? Huwag ninyong isiping ako ang
magsasakdal sa Ama laban sa inyo; si Moises na inaasahan
ninyo ang siyang maghaharap ng sakdal laban sa inyo. Kung
talagang pinaniniwalaan ninyo si Moises, ako’y paniniwalaan
din sana ninyo, sapagkat sumulat siya tungkol sa akin.
Ngunit kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang mga sulat niya,
paano ninyong paniniwalaan ang mga sinasabi ko?”

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong Hesukristo.
Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng Banal
na Eukaristiya.

5
PANALANGIN NG BAYAN

Pari Madalas ay lumilihis tayo sa daan ng


Panginoon. Humingi tayo sa kanya ng lakas
upang makapamuhay tayo nang may
pananampalataya. Ama, lunasan Mo ang
aming kawalan ng pananampalataya.

Namumuno Ang mga Kristiyano sa lahat ng dako nawa’y


manalangin nang higit na mataimtim sa
panahong ito ng Kuwaresma, manalangin tayo
sa Panginoon. Ama, lunasan Mo ang aming
kawalan ng pananampalataya.

Namumuno Ang mga walang pananampalataya nawa’y


makinig sa Salita ng Diyos upang sila ay
maligtas, manalangin tayo sa Panginoon. Ama,
lunasan Mo ang aming kawalan ng
pananampalataya.

Namumuno Ang mga kasalukuyang kaguluhan sa Simbahan


nawa’y malutas sa paglago ng
pananampalataya, manalangin tayo sa
Panginoon. Ama, lunasan Mo ang aming
kawalan ng pananampalataya.

Namumuno Ang mga mahihirap, maysakit, at mga may


kapansanan nawa’y madama ang presensya ng
Diyos sa kanilang buhay sa pagtataguyod ng
kanilang mga pamilya at kaibigan, manalangin
tayo sa Panginoon. Ama, lunasan Mo ang
aming kawalan ng pananampalataya.

6
Namumuno Ang mga yumao nawa’y makarating sa
kanilang walang hanggang tahanan sa tulong
ng ating mga panalangin, manalangin tayo sa
Panginoon. Ama, lunasan Mo ang aming
kawalan ng pananampalataya.

Namumuno Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling


mga kahilingan. (Tumigil sandali.)

Maglaan ng sandaling katahimikan.

Pari: Manalangin tayo.


Ama, turuan mo kami sa pamamagitan ng
Espiritu Santo upang hayagan naming aminin
ang aming pananampalataya sa pamamagitan
ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

You might also like