You are on page 1of 6

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
Isaias 61, 1-3a

Hinirang ako ng Panginoon upang ang magandang balita’y dalhin sa mahihirap.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Pinuspos ako ng Panginoon


ng kanyang Espiritu.
Hinirang niya ako
upang ang magandang balita’y
dalhin sa mahihirap,
pagalingin ang sugat ng puso,
palayain ang mga bihag at bilanggo.
Sinugo n’ya ako,
upang ibalitang ngayo’y panahon nang
iligtas ng Panginoon yaong mga tao na hinirang niya,
at upang lupigin lahat ang mga kaaway;
ako ay sinugo upang aliwin ang nangungulila,
upang ang tumatangis
na mga taga-Sion ay paligayahin,
sa halip ng lungkot,
awit ng pagpuri yaong aawitin;
ang Diyos na Panginoon
iingatan sila at kakalingain.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan:

Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9. 10-11
(Tugon: 2a) Palagi kong pupurihin
ang Dakilang Poon natin.

o kaya (9a) Magsumikap tayong kamtin


ang Panginoong butihin.

Panginoo’y aking laging pupurihin;


sa pasasalamat di ako titigil.
Aking pupurihin kanyang mga gawa,
kayong naaapi, makinig, matuwa!

Tugon: Palagi kong pupurihin


ang Dakilang Poon natin.

Ang pagkadakila niya ay ihayag


at ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.

Tugon: Palagi kong pupurihin


ang Dakilang Poon natin.

Nagalak ang aping umasa sa kanya,


pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.

Tugon: Palagi kong pupurihin


ang Dakilang Poon natin.

Anghel yaong bantay sa may takot sa Diyos,


sa mga panganib, sila’y kinukupkop.
Ang galing ng Poon hanaping masikap;
yaong nagtiwala sa kanya’t naligtas
ay maituturing na taong mapalad.

Tugon: Palagi kong pupurihin


ang Dakilang Poon natin.

Matakot sa Poon, kanyang bayan,


nang makamtan ninyo ang lahat ng bayan.
Kahit mga leon ay nagugutom din,
sila’y nagkukulang sa hustong pagkain;
ngunit ang sinumang ang Poon susundin,
sa anumang bagay hindi kukulangin.

Tugon: Palagi kong pupurihin


ang Dakilang Poon natin.

IKALAWANG PAGBASA
Filipos 4, 4-9

Dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na malinis.

Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Mga kapatid,
magalak kayong lagi sa Panginoon.
Inuulit ko: magalak kayo.

Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kagandahang-loob.


Malapit nang dumating ang Panginoon.
Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay.
Sa halip ay hilingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan
sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.
At ang di-malirip na kapayapaan ng Diyos
ang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip
sa pamamagitan ni Kristo Hesus.

Sa wakas, mga kapatid,


dapat maging laman ng inyong isip
ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri:
mga bagay na totoo, marangal, matuwid,
malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang.
Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan,
tinanggap, narinig, at nakita sa akin.
Kung magkagayon, sasainyo ang Diyos
na nagbibigay ng kapayapaan.

Ang Salita ng Diyos.


Bayan:

Salamat sa Diyos.

ALELUYA
Juan 15, 9b. 5b

Aleluya! Aleluya!
Sinabi ng Poong mahal:
“Sa pag-ibig ko’y manahan
upang mamungang lubusan.”
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 20-26

Sa pook ng pagbasa, ihahayagng tagapaglahad:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
Ihahayag ng diyakono o pari:
 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.
Samantala’y kukrusan niya ang aklat, ang kanyang noo, ang kanyang bibig, at ang kanyang dibdib.
Magbubunyi ang mga tao:

Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon,


tumingala si Hesus sa langit, at nanalangin:
“Amang banal, hindi lamang sila ang dinadalangin ko,
kundi pati ang mga nananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag.
Maging isa nawa silang lahat, Ama.
Kung paanong ikaw ay nasa akin
at ako’y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin
upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin.
Ang karangalang ibinigay mo sa kanila upang sila’y ganap
na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila
at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa.
At sa gayon, makikila ng sanlibutan na sinugo mo ako,
at sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.”

“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan


ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila
ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo ako
bago pa nilikha ang sanlibutan.
Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan,
ngunit nakikilala kita; at nalaman ng mga ibinigay mo sa akin
na ikaw ang nagsugo sa akin.
Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa,
upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila
at ako nama’y sumakanila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.


HOMILIYA

You might also like