You are on page 1of 16

ANG BANAL NA ORAS PARA

SA IKALALAGO NG BOKASYON

Diyosesis ng San Pablo


MMXXI
PASIMULA
Kapag nagkakatipon na ang sambayanan, magpuprusisyon ang pari at mga tagapaglingkod na maaaring ganapin
sa saliw ng isang awit. Kapag nailagay na ang Sakramento sa ostentoryo, aawitin ang O Salutaris Hostia o
anumang naaangkop na awit. Samantala, iinsensuhan ng pari ang Banal na Sakramento.

O salutaris Hostia Uni trinoque Domino


Que caeli pandis ostium Sit sempiterna gloria
Bella premunt hostilia Qui vitam sine termino
Da robur fer auxilium Nobis donet in patria

Namumuno:
Papuri sa Diyos Ama, hari ng sangkalupaan, gayundin sa Espiritu
Santo, karapat-dapat sa lahat ng papuri.
R. Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.
Namumuno:
Papuri sa Bugtong na Anak, ipinanganak ng Birheng Mahal para sa
kaligtasan ng lahat.
R. Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.
Namumuno:
Papuri sa Espiritung Banal, gabay ng simbahan tungo sa kaganapan
ng katotohanan.
R. Purihin at ipagdangal ang Poon magpakailanman.
Namumuno:
Isinugo ng Ama ang kanyang Bugtong na Anak na si Hesukristo sa
sanlibutan sa pamamagitan ng pagsilang ng Mahal na Birhen.
Hinirang ng Ama si Hesus bilang pari ng bago at walang hanggang
Tipan upang maging tulay natin. Sa pamamagitan ni Hesus, iniaalay
natin ang ating munting panalangin para sa ikalalaganap ng banal na
bokasyon sa pagpapari at buhay relihiyoso. Pagkalooban nawa niya
ang lahat ng mga pari at relihiyoso ng malalim na pananalig,
maningning at matibay na pag- asa, at mangingas na pag-ibig na
makikita sa buhay-paglilingkod sa sambayanan.
Matapos ang sandaling katahimikan, darasalin ng pari:

2
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Manalangin tayo.
Ama naming makapangyarihan, ikaw ang banal na nag-aanyayang
maging ganap sa pag-ibig ang tanan at nagbubunsod sa marami upang
ang Iyong Anak ay sundan. Ipagkaloob Mong ang Iyong mga pinili
para sa tanging kapalaran sa pagpupunyaging magbagong-buhay ay
maging tanda ng iyong paghahari sa sambayana’t sanlibutan sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
R. Amen.
Mauupo ang lahat. Ngayon ay sisimulan ang mga pagluhog para sa mga bokasyon. Matapos ang bawat pagluhog,
bago simulan ang kasunod, iminumungkahi ang pagkakaroon ng saglit na katahimikan upang manalangin para
mga pinatutungkulan ng mga pagluhog.

-I-
PARA SA MGA PASTOL NG SIMBAHAN, MGA
RELIHIYOSO AT RELIHIYOSA
PAGBASA Efeso 4, 1-7. 11-13
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso
Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay namamanhik sa
inyo na mamuha kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo‟y
maging mapagkumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at
magpaumanhinan. Pagsumakitan ninyong mapanatili ang pagkakaisang
mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan. Iisa lamang
ang katawan at iisa rin ang Espiritu; gayun din naman, iisa lamang ang pag-
asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang
Panginoon, isang pananampalataya, at isang binyag, isang Diyos at Ama
nating lahat. Siya‟y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat.
Ang bawat isa sa ati‟y binigyan ng tanging kaloob, ayon sa sukat na
ibinigay ni Kristo. Ang iba‟y ginawang apostol, ang iba‟y propeta, ang
iba‟y tagapaghatid ng Mabuting Balita, ang iba‟y pastor at guro. Ginawa
niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng hinirang, sa ikauunlad
ng kanyang simbahan. Sa gayon, tayong lahat ay magkakaisa sa

3
pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos at magiging ganap ang
ating pagkatao ayon sa pagiging ganap ni Kristo.
Ang Salita ng Diyos.
R. Salamat sa Diyos.
Matapos ang sandaling katahimikan, aawitin ang sumusunod:

ANG PANGINOON ANG AKING PASTOL


Batay sa Salmo 23; Danny Isidro, SJ—Fruto Ramirez, SJ; Huwag Mangamba

Koro: Ang Panginoon ang aking pastol, pinagiginhawa akong lubos.

1. Handog n‟yang himlaya‟y sariwang pastulan, Ang pahingahan ko‟y


payapang batisan. Hatid sa kaluluwa ay kaginhawahan, Sa tumpak na
landas, s‟ya ang patnubay. (Koro)

2. Madilim na lambak man ang tatahakin ko, Wala akong sindak, siya‟y
kasama ko. Ang hawak niyang tungkod ang s‟yang gabay ko, Hawak
n‟yang pamalo, sigla‟t tanggulan ko. (Koro)

Sandaling katahimikan para sa pananalangin at pagninilay.

-II-
PARA SA NAGHAHANDANG MAG-ALAY NG SARILI SA
BUHAY PAGPAPARI AT BUHAY RELIHIYOSO
PAGBASA 1 Corinto 9, 16-19. 22-23
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-
Corinto
Mga kapatid, hindi ngayo‟t nangangaral ako ng Mabuting Balita ay maari
na akong magmalaki. Iyan ang tungkuling iniatang sa akin. Sa aba ko, kung
hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita! Kung ginagawa ko ito sa sarili
kong kalooban, ako‟y may gantimpalang hihintayin; ngunit ginagawa ko
ito bilang pagtupad sa tungkulin sapagkat ito‟y ipinagkatiwala sa akin. Ano
ngayon ang aking gantimpala? Ang maipangaral ko nang walang bayad ang
Mabuting Balita at ang di ko pagkuha ng nauukol sa akin bilang
tagapangaral.

4
Malaya ako at di alipin ninuman; ngunit napaalipin ako sa lahat upang
makahikayat ako ng lalong marami. Sa piling ng mahihina, ako‟y naging
gaya ng mahihina upang mahikayat ko sila. Ako‟y nakibagay sa lahat ng
tao upang ang ilan man lamang ay mailigtas ko, kahit sa anong paraan.
Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Mabuting Balita, upang
makabahagi ako sa mga pagpapala nito.

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos
Matapos ang sandaling katahimikan, aawitin ang sumusunod:

PAGHAHANDOG NG SARILI
Jandi Arboleda—Manoling Francisco, SJ (The Best of Bukas Palad, vol. 1)
Kunin Mo, O Diyos, at tanggapin Mo:
Ang aking kalayaan, ang aking kalooban, isip at gunita ko.
Lahat ng hawak ko, ng loob ko ay aking alay saYo.

Nagmula sayo ang lahat ng ito


muli kong handog sayo
Patnubayan Mo‟t paghariang lahat ayon sa kalooban Mo.

Mag-utos Ka, Panginoon ko, dagling tatalima ako.


Ipagkaloob Mo lang ang pag-ibig Mo
At lahat ay tatalikdan ko, tatalikdan ko.

Sandaling katahimikan para sa pananalangin at pagninilay.

-III-
PARA SA IKARARAMI NG TINATAWAG SA KAPARIAN O
SA PAMAMANATA SA DIYOS
PAGBASA 1 Samuel 3, 1-10
Pagbasa mula sa unang aklat ni Propeta Samuel
Noong mga araw na iyon, sa pamamahala ni Eli, si Samuel ay patuloy na
naglilingkod sa Panginoon. Nang panahong yaon, bihira nang marinig ang
tinig ng Panginoon at bihira na rin ang mga pangitain. Malabo na noon ang
mga mata ni Eli. Minsan, namamahinga siya sa kanyang higaan. Si Samuel

5
nama‟y natutulog sa Templo, sa may Kaban ng Tipan. Nang
magmamadaling-araw na, siya‟y tinawag ng Panginoon, “Samuel,
Samuel!”
“Po!” sagot niya. Patakbo siyang lumapit kay Eli at sinabi, “Bakit po?”
Sinabi ni Eli, “Hindi kita tinatawag. Mahiga ka na uli.” Hindi pa kilala ni
Samuel ang Panginoon sapagkat hindi pa siya kinakausap nito.
Sa ikatlong beses na tawagin siya, lumapit uli siya kay Eli at sinabi,
“Narinig ko pong tinatawag ninyo ako.”
Naisip ni Eli na ang Panginoon ang tumatawag kay Samuel, kaya sinabi
niya, “Sige, mahiga ka na uli. Kapag narinig mo pang tinawag ka, ganito
ang sabihin mo: Magsalita po kayo, Panginoon. Nakikinig po ang inyong
lingkod.” At muling nahiga si Samuel. Ang Panginoon ay lumapit kay
Samuel at tinawag ito. Sumagot si Samuel, “Magsalita po kayo, nakikinig
ang inyong lingkod.”

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos.
Matapos ang sandaling katahimikan, aawitin ang sumusunod:

NARITO AKO
Batay sa Salmo 40, 7-11; Rene San Andres (Huwag Mangamba)

Koro: Panginoon narito ako, naghihintay sa utos mo. Lahat ng yaman ko ay


alay ko sayo. Ikaw ang tanging buhay ko.

1. Batid ko nga at natatanto sa kasulatang „yong turo. Pakikikinggan at


itatago sa sulok ng puso. (Koro)

2. Yong pagliligtas ihahayag hanggang sa dulo ng dagat. Pagtulong Mo‟t


pusong dalisay aking ikakalat. (Koro)

Sandaling katahimikan para sa pananalangin at pagninilay.

6
LITANYA NG PANGINOONG HESUKRISTO,
PARI AT HANDOG
Luluhod ang lahat.

Panginoon, kaawaan mo kami.


R. Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, kaawaan mo kami.
R. Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon, kaawaan mo kami.
R. Panginoon, kaawaan mo kami.
Kristo, dinggin mo kami.
R. Kristo, dinggin mo kami.
Kristo, dinggin mo ang aming panalangin.
R. Kristo, dinggin mo ang aming panalangin.
Diyos Ama sa langit, R. *Kaawaan mo kami.
Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, *
Diyos Espiritu Santo, *
Tatlo sa pagka-Persona, iisa sa pagka-Diyos, *

Hesus, Pari at Handog, R. †Kaawaan mo kami.


Hesus, Paring magpakailanman ayon sa lipi ni Melquísedec, †
Hesus, Paring isinugo ng Diyos upang ipahayag ang Mabuting Balita sa
mga dukha, †
Hesus, Pari na sa Huling Hapunan ay itinatag ang walang hanggang pag-
aalay, †
Hesus, Paring buháy magpakailanman upang kami ay ipag-adya, †
Hesus, Dakilang Pari na pinahiran ng Ama ng langis ng Espiritu Santo, †
Hesus, Dakilang Paring hinirang mula sa mga tao, †
Hesus, Dakilang Pari ng aming ipinahahayag na pananampalataya, †

7
Hesus, Dakilang Pari na tanyag kaysa kay Moises, †
Hesus, Dakilang Pari ng tunay na tabernakulo, †
Hesus, Dakilang Pari ng mga kabutihang darating, †
Hesus, Banal at Dakilang Pari, walang malay at walang bahid, †
Hesus, matapat at maawaing Dakilang Pari, †
Hesus, Dakilang Pari ng Diyos, nag-aalab sa pagkalinga sa mga kaluluwa,

Hesus, ganap na Dakilang Pari magpakailanman, †
Hesus, Dakilang Pari na binuksan ang langit sa pamamagitan ng kanyang
mahal na dugo, †
Hesus, Dakilang Pari na nagkaloob sa amin ng panibagong búhay, †
Hesus, Dakilang Pari na nagmahal sa amin at hinugasan kami sa kasalanan
sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo, †
Hesus, Dakilang Pari na nagkaloob ng sarili sa Diyos bilang hain at
handog, †
Hesus, susunuging handog ng Diyos at ng tao, †
Hesus, banal at walang bahid na handog, †
Hesus, maamo at mababang-loob, †
Hesus, mapagpayapang handog, †
Hesus, handog para sa ikalilinis ng kasalanan, †
Hesus, susunuging handog para sa pagkakasundo at kapayapaan, †
Hesus, susunuging handog na aming pinagtitiwalaan at aming daan
patungo sa Diyos, †
Hesus, susunuging handog na nabubuhay magpakailanman, †

Hesus, kalugdan mo kami R. Hesus, kalugdan mo kami.

8
Hesus, dinggin mo kami, R. Hesus, dinggin mo kami.

Mula sa kasalanan, R. °Iligtas mo ang iyong mga lingkod.


Mula sa kahalayan ng isip at katawan, °
Mula sa pagkamasarili, °
Mula sa hindi kalugud-lugod na pangangasiwa sa yaman ng iyong
Simbahan, °
Mula sa pag-ibig sa mundo at mga pang-aakit nito, °
Mula sa hindi karapat-dapat na pagdiriwang ng iyong mga misteryo, °
Sa pamamagitan ng iyong walang hanggang pagkapari, °
Sa pamamagitan ng banal na pagpapahid sa iyo ng Ama na nagtanghal sa
iyo na maging pari, °
Sa pamamagitan ng iyong maka-paring espiritu, °
Sa pamamagitan ng iyong paglilingkod na nagbigay-parangal sa Ama, °
Sa pamamagitan ng madugong pag-aalay ng iyong sarili, °
Sa pamamagitan ng sakripisyong sinasariwa sa araw-araw, °
Sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan na ginagamit sa paglilingkod, °

Nawa‟y panatilihin mo ang Banal na Orden sa Pagpapari,


R. • Hesus, dinggin mo kami.
Nawa‟y pagkalooban mo ang iyong kawan ng mga pastol ayon sa iyong
puso, •
Nawa‟y pagkalooban mo sila ng espiritu ng iyong pagkapari, •
Nawa‟y ang mga labi ng iyong pari ay maging tabernakulo ng iyong banal
na kaalaman, •
Nawa‟y paramihin mo ang mga nagkakaloob ng iyong mga banal na
misteryo, •

9
Nawa‟y pagkalooban mo sila ng katapatan sa pagtupad sa iyong kalooban,•
Nawa‟y pagkalooban mo sila ng kabanalan sa kanilang paglilingkod,
kagalingan sa kanilang mga gawain, at pananatili sa pananalangin, •
Nawa‟y sa pamamagitan nila ay maipangalat ang pagsamba sa Banal na
Sakramento sa lahat ng dako ng daigdig, •
Nawa‟y manataling tapat ang mga sa iyo‟y nag-aalay ng kanilang buong
pagkatao bilang mga relihiyoso at relihiyosa, •
Nawa‟y tunay silang magbigay ng maningning na halimbawa sa harap ng
sákit at pangamba na dulot ng mundo ngayon, •
Nawa‟y humirang ka pa ng mga lalaki at babaeng handang maghandong sa
iyo ng kanilang buong sarili bilang mga pari, relihiyoso, at
relihiyosa, •
Nawa‟y tanggapin mo sa iyong kaharian ang mga lingkod mong pumanaw
na, •

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,


R. Ipag-adya mo kami.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
R. Dinggin mo kami.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
R. Kaawaan mo kami.
Hesus, aming Pari,
R. Pakinggan mo kami.
Hesus, aming Pari,
R. Pakapakinggan mo kami.

10
-IV-
PARA SA KRISTIYANONG PAMILYA
PAGBASA Sirac 3, 3-7. 14-17
Pagbasa mula sa aklat ni Sirac
Ang mga ama ang binigyan ng kapangyarihan sa mga anak, at iniutos niya
na sundin ng mga anak ang kanilang ina. Ang gumagalang sa kanyang
ama‟y nagbabayad na sa kanyang kasalanan, at ang nagpaparangal sa
kanyang ina‟y parang nag- iimpok ng kayamanan. Ang gumagalang sa
kanyang ama‟y paliligayahin naman ng kanyang mga anak, at ang
panalangin niya‟y agad diringgin ng Panginoon. Ang nagpaparangal sa
kanyang ama at nagdudulot ng kaaliwan sa kanyang ina, ay tumatalima sa
Panginoon; pahahabain ng Diyos ang kanyang buhay.
Anak, kalingain mo ang iyong ama kapag siya‟y matanda na, at huwag mo
s‟yang dudulutan ng sama ng loob habang nabubuhay. Pagpaumanhinan
mo siya kapag nanlalabo na ang kanyang isip; huwag mo siyang
lalapastanganin ngayong nasa kasibulan ka ng iyong lakas. Ang paglingap
mo sa iyong ama ay di makakalimutan ng Panginoon; iyan ay magiging
kabayaran sa iyong kasalanan.

Ang Salita ng Diyos.


R. Salamat sa Diyos.
Matapos ang sandaling katahimikan, aawitin ang sumusunod:

DIYOS AY PAG-IBIG

1. Pag-ibig ang siyang pumukaw sa ating puso at kalul‟wa. At siyang


nagdulot sa ating buhay ng gintong aral at pag-asa.

2. Pag-ibig ang siyang buklod natin, di-mapapawi kailan pa man. Sa puso‟t


diwa, tayo‟y isa lamang, kahit na tayo‟y magkahiwalay.

Koro: Pagka‟t ang Diyos nati‟y Diyos ng pag-ibig, Magmahalan tayo‟t


magtulungan at kung tayo‟y bigo Ay h‟wag limutin na may Diyos tayong
nagmamahal.

11
3. Sikapin sa ating pagsuyo, ating ikalat sa buong mundo: Pag-ibig ni
Hesus ang siyang sumakop sa bawat pusong uhaw sa pagsuyo. (Koro)

PANALANGIN PARA SA MGA BOKASYON


ni San Juan Pablo II
Hesus, Anak ng Diyos, sa Iyo nananahan ang kaganapan ng pagka-
Diyos. Inaanyayahan Mo ang lahat ng mga binyagan na “pumalaot” at
tahakin ang landas patungo sa kabanalan. Pukawin mo sa puso ng mga
kabataan ang pagnanais na maging saksi sa kapangyarihan ng Iyong Pag-
ibig sa aming mundo ngayon. Puspusin Mo sila ng Iyong Espiritu ng
katatagan at mabuting pagpapasya upang matuklasan nila ang kaganapan
ng katotohanan tungkol sa kanilang sarili at tawag sa búhay.
Aming Tagapagligtas, sinugo ka ng Ama upang ipahayag ang
Kanyang maawaing Pag-ibig, biyayaan Mo ang Iyong Simbahan ng mga
kabataan na handang pumalaot at maging tanda sa iba ng Iyong
presensyang nakapagpapanibago at nakapagliligtas.
Mahal na Birhen, Ina ng aming Manunubos, tiyak na gabay sa landas
patungo sa Diyos at kapwa, ikaw na nagnilay sa Kanyang salita sa
kaibuturan ng iyong puso, patatagin mo sa pamamagitan ng iyong
matiyagang panalangin at pagkalinga ang aming mga pamilya at mga
pamayanang Kristyano upang matulungan nila ang mga kabataan sa
pagtugon nang lubos sa tawag ng Panginoon. Amen.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA


Tatayo ang lahat bilang pagbubunyi sa Mabuting Balita.
Aawitin ang Aleluya.

ALELUYA
Aleluya! Aleluya! Hinirang tayo ni Kristo upang mamungang totoo
bilang mabubuting tao. Aleluya! Aleluya!

12
MABUTING BALITA Mateo 9, 35-38
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, nilibot ni Hesus ang mga bayan at nayon at nagturo
sa mga sinagoga. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa
paghahari ng Diyos, at pinagaling ang mga maysakit, anuman ang kanilang
karamdaman. Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa
kanila sapagkat sila‟y lito at lupaypay, parang mga tupang walang pastol.
Kaya‟t sinabi niya sa mga alagad, “Sagana ang aanihin, ngunit kakaunti
ang mag-aani. Idalangin ninyo sa may- ari ng anihin na magpadala siya ng
mga manggagawa sa kanyang aanihin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


R. Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

PANALANGIN NG BAYAN
Punong tagapagdiwang
Dumulog tayo sa Ama sa kalangitan na pinili ang kanyang Anak
upang maging walang hanggan at kataas-taasang pari. Puno ng
pagtitiwala, humiling tayo ng lakas at gabay para sa lahat ng mga
paring lingkod.
Pagpalain mo ang iyong mga piniling lingkod, Panginoon.
Namumuno
Idinadalangin namin si Francisco na aming Santo Papa, si Buenaventura na
aming Obispo at lahat ng mga obispo, upang sila ay maging buháy na
larawan ni Kristo sa mundo. Manalangin tayo.
Namumuno
Idinadalangin namin na iyong patuloy na ipagkaloob ang iyong pagpapala
sa lahat ng mga pari upang maging tunay silang tagapaghatid ng
kapayapaan at pag-asa sa iyong sambayanan. Manalangin tayo.
Namumuno
Idinadalangin namin na ituro mo sa lahat ng relihiyoso at relihiyosa na
pumili ng mas mainam na bahagi, tulad ni Maria sa paanan ni Hesus, upang

13
hanapin ka namin sa lahat ng bagay at sa bawat sandali ng aming buhay,
maging ito man ay sa oras ng pagpapakasakit o sandali ng tagumpay.
Manalangin tayo.
Namumuno
Idinadalangin namin ang lahat ng naghahanda para sa pagpapari at
pagtalalaga ng sarili bilang relihiyoso at relihiyosa, na sa kanilang
paghahanda upang maging mga lingkod, tunay nilang maisa-alang-alang at
masundan ang iyong kalooban. Manalangin tayo.
Namumuno
Idinadalangin namin ang mga kabataang Kristiyano, na sa iyong biyaya sila
nawa ay maging bukas at maging handa sa pagsunod sa iyong panawagan
na pumalaot upang maglingkod sa iyo at sa iyong sambayanan. Manalangin
tayo.
Namumuno
Idinadalangin namin ang mga pamilyang Kristiyano, na sa pamamagitan ng
halimbawa ni Hesus, Maria at Jose, sila nawa‟y tunay na maging punlaan
ng bokasyon ng paglilingkod sa iyo at sa iyong simbahan. Manalangin
tayo.
Punong tagapagdiwang
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na
Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin nang lakas-loob:
Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala Para nang pagpapatawad naming
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng
masama.

14
PAGBABASBAS
Iinsensuhan ng punong tagapagdiwang ang Sakramento habang inaawit ang Tantum ergo.

Tantum ergo sacramentum Genitori genitoque


Venermur cernui Laus et jubilatio
Etr antiquum documentum Salus honor virtus quoque
Novo cedat ritui : sit et benedictio
Preastet fides supplementum procedenti abutroque
Sensuum defectui. Comparsit Laudatio

V. Panem de cœlo præstitisti eis.


R. Omne delectametum in se habentem.
Tatayo ang pari at darasalin ang sumusunod:

Oremus.
Deus, qui nobis sub sacraménto mirábili passiónis tuæ memóriam
reliquísti, tríbue, quæsumus, ita nos Córporis et Sánguinis tui sacra
mystéria venerári, ut redemptiónis tuæ fructum in nobis iúgiter
sentiámus. Qui vivis et regnas in sæcula sæculórum.
R. Amen.
Isusuot ng pari ang belo humerale, tutungo sa altar, at babasbasan ang sambayanan.

PAGPUPURI
Purihin ang Diyos.
Purihin ang kanyang santong ngalan. Purihin si Hesukristo,
Diyos na totoo at tao namang totoo.
Purihin ang ngalan ni Hesus.
Purihin ang kanyang kabanal-banalang Puso. Purihin ang kanyang
kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang mang-aaliw. Purihin ang Dakilang Ina ng
Diyos, si Maria Santisima.

15
Purihin ang kalinis-linisang paglilihi sa kanya Purihin ang maluwalhating
pag-aakyat kay Maria, kaluluwa at katawan.
Purihin ang ngalan ni Maria, Birhen at Ina. Purihin si San Jose, ang
kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa kanyang mga anghel at kanyang mga Santo.
Itatago ng pari ang Banal na Sakramento habang inaawit ang O Sacrament Most Holy o iba pang
naaangkop na awit.

O SACRAMENT MOST HOLY,


O Sacrament Divine,
All praise and all thanksgiving be every moment thine,
Be every moment thine.
Sweet Sacrament we Thee adore,
O make us love Thee more and more! O make us love Thee more and
more!
O Sacrament Most Holy, O Sacrament Divine,
All praise and all thanksgiving be every moment thine,
Be every moment thine.

16

You might also like