You are on page 1of 6

HUWEBES SA IKALAWANG

LINGGO NG ADBIYENTO
PANIMULA
Matapos ang pananalangin ng Rosaryo at ng Nobena
tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.
Babasahin ng namumuno ang sumusunod:

Namumuno Magandang hapon po sa ating lahat.


Ipinakikilala ni Hesus si San Juan Bautista sa
tao bilang propetang kagaya ni Elias.
Ipinahayag niya ito bilang siya ang Diyos na
nagpapakilala kung sino si Juan sa buhay ng
tao at nang mundo.

ANTIPONA
Malapit ka nang dumating, O Panginoon, at
lahat ng iyong mga utos ay totoo. Mula pa
noong una’y nakilala ko na sa iyong mga
pahayag na ikaw ay walang hanggan.

Tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na


Misa.

1
PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono Manalangin Tayo.
Pasiglahin mo, Panginoon, ang aming puso sa
pagtanggap sa iyong Bugtong na Anak. Nawa’y
mapaglingkuran ka namin nang may malinis na
kaluluwa sa kanyang pagdating.
Alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong
Panginoon namin, nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen.
Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.
PAGBASA |Isaias 41:13-20|
Tagabasa Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias.

“Ako ang Panginoong inyong Diyos at siyang nagpapalakas


sa inyo, Ako ang may sabing: ‘Huwag kayong matatakot at
tutulungan ko kayo.’” Sinabi pa ng Panginoon, “Israel,
mahina ka man at maliit, huwag kang matakot, tutulungan
kita, Ako, ang Diyos ng Israel, ang magliligtas sa iyo.
Gagawin kitang tulad ng panggiik, bago at matalim ang
kanyang ngipin, at ang mga bundok at burol ay iyong
gigiikin at duduruging tila alikabok. Itatahip sila,
tatangayin ng hangin, pagdating ng bagyo ay pakakalatin;
magdiriwang dahil sa akin na inyong Diyos, pupurihin
ninyo ako at dadakilain. Pag ang aking baya’y inabot ng
matinding uhaw, na halos matuyo ang kanilang lalamunan,
Akong Panginoon ang gagawa ng paraan; Akong Diyos ng
Israel ay di mag-papabaya. Sa tigang na burol ay
magkakailog, sa gitna ng lambak masaganang tubig ay
bubukal; Aking gagawin na ang disyerto ay maging
tubigan; sa tuyong lupain ay may mga batis na

2
masusumpungan. Ang mga disyerto’y pupunuin ko ng
akasya’t sedro, kahoy na olibo at saka ng mirto; kahoy na
sipre, alerses at olmo. at kung magkagayon, makikita nila
at mauunawa, na ang nagbalangkas at lumikha nito ay ang
Panginoon, ang Banal ng Israel.”

Tagabasa Ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

SALMONG TUGUNAN |Salmo 144|


Pag-ibig ng D’yos ay ganap, sa tanan s’ya’y nahahabag.

Namumuno Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking


ihahayag, di ko titigilan magpakailanman
ang magpasalamat. Siya ay mabuti at
kahit kanino’y hindi nagtatangi; sa
kanyang nilikha, ang pagtingin niya ay
mamamalagi. TUGON.

Namumuno Magpupuring lahat sa iyo, o Panginoon,


ang iyong nilalang; lahat mong nilikha ay
pupurihan ka’t pasasalamatan.
Babanggitin nilang tunay na dakila ang
‘yong kaharian, at ibabalitang tunay kang
dakila’t makapangyarihan. TUGON.

Namumuno Dakila mong gawa’y upang matalastas ng


lahat ng tao, mababatid nila ang
kadakilaan ng paghahari mo. Ang
paghahari mo’y sadyang walang hanggan,
hindi magbabago. HULING TUGON.

Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.


3
EBANGHELYO |Mateo 11:11-15|
Aleluya! Aleluya! Pumatak na waring ulan nawa’y
umusbong din naman ang Manunubos ng tanan. Aleluya!
Aleluya!
Isaias 45:8

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Mateo.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

Kung may insenso, magsusuob nito.

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao:


“Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, walang lumilitaw na
higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa
mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa sa
kanya. Mula nang mangaral si Juan Bautista hanggang
ngayon, ang kaharian ng Diyos ay nagdaranas ng
karahasan at inaagaw ng mararahas. Sapagkat ang mga
propeta at Kautusan ay nagpahayag tungkol sa paghahari
ng Diyos hanggang sa dumating si Juan. Kung maniniwala
kayo, siya ang Elias na darating. Ang may pandinig ay
makinig!”

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!


Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.
Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng
Banal na Eukaristiya.
4
PANALANGIN NG BAYAN

Pari Pinupuri ni Hesus si Juan Bautista dahil sa


pag-akay nito sa mga tao upang lumapit sa
Diyos sa pamamagitan ng pangangaral ng
pagsisisi sa kasalanan. Manalangin tayo para
sa lahat ng tao sa buong mundo at maging sa
kanilang mga pangangailangan. Diyos ng
pagpapatawad, dinggin mo kami.

Namumuno Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y patuloy


na manawagan sa mga tao na talikuran ang
makasalanang pamumuhay, manalangin tayo
sa Panginoon. Diyos ng pagpapatawad,
dinggin mo kami.

Namumuno Ang mga lalaki at babaeng binigyan ng


katungkulan nawa’y pangibabawin ang
katarungan sa lahat ng pagkakataon,
manalangin tayo sa Panginoon. Diyos ng
pagpapatawad, dinggin mo kami.

Namumuno Ang mga dukha at nagdadalamhati nawa’y


marinig ang Mabuting Balita ng kaligtasan,
manalangin tayo sa Panginoon. Diyos ng
pagpapatawad, dinggin mo kami.

Namumuno Atin nawang laging piliin ang maging mabuti


at umiwas sa lahat ng anyo ng kasamaan,
manalangin tayo sa Panginoon. Diyos ng
pagpapatawad, dinggin mo kami.

5
Namumuno Ang mga maananampalatayang yumao na ay
makaranas nawa ng pagliligtas ng Diyos sa
kanyang Kaharian, manalangin tayo sa
Panginoon. Diyos ng pagpapatawad,
dinggin mo kami.

Namumuno Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling


mga kahilingan. (Tumigil sandali.)

Maglaan ng sandaling katahimikan.


Pari: Manalangin tayo.
Ama, pakundangan sa inyong pag-ibig,
dinggin mo ang aming mga panalangin at
gawin mo kaming katulad ni Juan Bautista, na
walang takot at mapagkumbabang saksi sa
mga aral ng iyong Anak sa buong mundo.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon. Amen.

You might also like