You are on page 1of 7

BIYERNES SA IKA-26 NA

LINGGO SA KARANIWANG
PANAHON
PANIMULA
Matapos ang pananalangin ng Rosaryo at ng Nobena
tatayo ang lahat sa pagsisimula ng Banal na Misa.
Babasahin ng namumuno ang sumusunod:

Namumuno Magandang hapon po sa ating lahat, Ngayon


ay nagdiriwang tayo ng Biyernes sa Ika-26 na
Linggo sa Karaniwang panahon.

Ang mga Pagbasa natin ngayon ay


nagpapakita na matuwid at makatarungan
ang Diyos sa kanyang paghuhukom. Kahit
alam natin na siya ay mabuti, maawaain,
mahabagin, mapagtiis, at banayad pa nga
kung magalit, hindi niya papalampasin ang
laganap na malalang kasamaan ng isang
indibidwal o grupo. Kaya sinasabi ng ating
bersikulo sa Aleluya: “Dinggin ninyong lahat
ngayon ang tinig ng Panginoon sa loob na
mahinahon” (Salmo 94:8ab). Huwag na

1
tayong magtakpan pa ng mga tainga at
magpahiga pa ng mga paa, kundi kumilos na
po tayo at isabuhay ang mga gawain at
pahayag ng ating Panginoon. Ang kanyang
pagiging Diyos ay paalala nawa na ang nais
niya sa ating lahat ay mabuting kapakanan,
kahit tayo pa man ay dumadanas ng
matinding kahirapan. Kung tayo’y magiging
mapagkumbaba sa pakikinig sa kanya at
pagkikilala sa pamamagitan ng
pananampalataya, nawa’y maging
makabuluhan ang ating mga gawaing ito sa
pagiging mga kasangkapan niya ng
kagandahang-loob.

ANTIPONA
Ang lahat ng ginawa mo sa akin, Panginoon, ay ginawa
mong may kahatulan. Sapagkat nagkasala at di namin
sinunod ang iyong kasuutan. Ipagdangal ang iyong
pangalan at kaawaan mo kami ayon sa iyong
kagandahang-loob
-Dn. 3:31, 29, 30, 43, 42

Magsitayo ang lahat para sa banal na pagdiriwang

PAMBUNGAD NA PANALANGIN
Pari/Diyakono Manalangin Tayo.
O Diyos, ipinahahayag ang iyong kapangyarihan
sa pagpapatawad ng mga sala at pagdadalang-
awa sa mga makasalanan. Lingapin mo kaming
lagi, tuparin sa amin ang iyong mga pangako at
isama kami sa piling ng mga banal sa langit.

2
Alang-alang sa Anak mo, si Hesukristong
Panginoon namin, nabubuhay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan. Amen.
Uupo ang lahat upang pakinggan ang mga pagbasa.
PAGBASA |Baruc 1:15-22|
Tagabasa Pagbasa mula sa aklat ni propeta Baruc.

Matuwid ang Panginoon naming Diyos. Ngunit lipos kami


ng kadustaan hanggang ngayon – kaming mga taga-Juda,
mga mamamayan ng Jerusalem, pati aming mga hari, mga
pinuno, mga saserdote, mga propeta at mga ninuno –
pagkat nagkasala kami sa Panginoon naming Diyos.
Nilabag namin ang kanyang mga utos. Hindi kami nakinig
sa kanya. Hindi namin sinunod ang mga tuntuning
ibinigay niya sa amin. Mula nang ang mga ninuno namin
ay ilabas ng Panginoon sa Egipto, patuloy kami ng
pagtataksil sa kanya hanggang ngayon. Naging suwail
kami. Kaya ngayon ay naghihirap kami. Nagaganap sa
amin ang sumpa na ibinabala ng Panginoon sa
pamamagitan ni Moises nang ang mga ninuno namin ay
ialis niya sa Egipto at dalhin sa isang lupaing mayaman at
masagana sa lahat ng bagay. Hindi namin pinakinggan ang
mga salita ng Panginoon naming Diyos sa pamamagitan ng
mga propeta. Ang sinunod nami’y ang masasamang hilig at
panay kasamaan ang aming ginawa. Sumamba kami sa
mga diyus-diyusan at gumawa kami ng kinasusuklaman
ng Panginoon.

Tagabasa Ang salita ng Panginoon.


Bayan Salamat sa Diyos.

3
SALMONG TUGUNAN |Salmo 78|
Dahil sa ngalan mo, Poon,
iligtas mo kami ngayon.

Namumuno Panginoong Diyos, pinasok ng Hentil ang


lupang pangako, hayo’t iyong masdan!
Winasak ang lungsod, ang banal mong
templo ay nilapastangan; Ang mga
katawan ng mga lingkod mo’y ginawang
pagkain niyong mga ibon, ang kanilang
laman, sa mga halimaw ay ipinalamon.
TUGON.

Namumuno Dugo ng bayan mo’y ibinubo nila, sa


buong palibot nitong Jerusalem, animo ay
tubig; sa dami ng patay ay walang
naglilibing. Ang kalapit-bansang doo’y
nakasaksi, hindi mapigilan yaong
pagtatawa, lahat sa palibot ay
humahalakhak sa gayong nakita. Iyang
iyong galit sa amin, O Poon, hanggang
kailan ba kaya matatapos? Di na ba titigil
ang pagkagalit mong sa ami’y tutupok?
TUGON.

Namumuno Huwag mong parusahan kaming mga


anak, sa pagkakasala ng aming magulang,
Ikaw ay mahabag sa mga lingkod mong
pag-asa’y pumanaw. TUGON.

Namumuno Mahabag ka sana, kami ay tulungan,


Panginoong Diyos na Tagapagligtas, dahil
sa ngalan mo, kaming nagkasala’y
4
patawaring ganap at ang pagpupuri sa iyo
ng madla’y hindi maglilikat. HULING
TUGON.

Tatayo ang lahat sa Banal na Ebanghelyo ng Panginoon.


EBANGHELYO | Lucas 10:13-16|
Aleluya! Aleluya! Dinggin ninyong lahat ngayon ang tinig
ng Panginoon sa loob na mahinahon. Aleluya! Aleluya!
- Salmo 94:8ab

Diyakono/Pari Ang Panginoon ay Sumainyo.


Bayan At sumaiyo rin.

Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon


ayon kay San Lucas.
Bayan Luwalhati sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.

Kung may insenso, magsusuob nito.

Noong panahong iyon sinabi ni Hesus, “Kawawa ka,


Corazin! Kawawa ka, Betsaida! Sapagkat kung sa Tiro at
Sidon ginawa ang mga kababalaghang ginawa rito sa inyo,
disin sana’y malaon na silang nagdaramit ng sako at
nauupo sa abo upang ipakilalang sila’y nagsisisi. Sa Araw
ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo
kaysa kaparusahan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon. At
ikaw, Capernaum, Ibig mong mataas hanggang sa langit?
Ibabagsak ka sa Hades! “Ang nakikinig sa inyo’y nakikinig
sa akin, ang nagtatakwil sa inyo’y nagtatakwil sa akin, at
ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa
akin.”

5
Diyakono/Pari Ang Mabuting Balita ng Panginoon!
Bayan Papuri sa Iyo, Panginoong
Hesukristo.
Isusunod ang Homilya at ipagpapatuloy sa Liturhiya ng
Banal na Eukaristiya.

PANALANGIN NG BAYAN
Pari Ipanalangin natin ang lahat ng lalaki at babae
upang pakinggan nila si Kristo at tumugon
sila sa tawag ng pagbabalik-loob at
pagbabago. Panginoon, buksan mo ang
aming mga puso.

Namumuno Ang Simbahan nawa’y maging instrumento


ng pagpapanumbalik ng mga tao sa kawan at
maging instrumento ng paghahanda sa
kanilang pagpasok sa Kaharian ng Diyos,
manalangin tayo sa Panginoon. Panginoon,
buksan mo ang aming mga puso.

Namumuno Ang mga pinuno ng mga bansa nawa’y


magkapit-kamay sa pagdadala ng kalayaan at
dangal sa lahat, manalangin tayo sa
Panginoon. Panginoon, buksan mo ang
aming mga puso.

Namumuno Tayo nawa’y mapanibago araw-araw sa


pamamagitan ng pananalig sa Salita ng Diyos
na tumatawag sa atin sa higit na mabuting
pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, buksan mo ang aming mga
puso.

6
Namumuno Ang mga pinahina ng pagkakasakit nawa’y
mabigyang lakas sa pag-ibig at suporta ng
kanilang mga kapamilya at mga mahal sa
buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Panginoon, buksan mo ang aming mga
puso.

Namumuno Ang mga tapat na yumao nawa’y makamtan


ang walang hanggang kaligtasan, manalangin
tayo sa Panginoon. Panginoon, buksan mo
ang aming mga puso.

Namumuno Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling


mga kahilingan. (Tumigil sandali.)

Maglaan ng sandaling katahimikan.


Pari: Manalangin tayo.
Walang hanggang Ama, hilumin mo ang
aming pagmakasarili at buksan ang aming
puso na tanggapin ang Mabuting Balita ng
kaligtasan. Hinihiling namin ito sa
pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.

You might also like