You are on page 1of 27

1

BIYERNES SANTO

PAGDIRIWANG
NG
PAGPAPAKASAKIT
NG
PANGINOON

Ika-29 ng Marso, 2024


2
Matagal nang kaugalian ng Simbahan ang hindi pagdiriwang ng mga
sakramento ngayon at bukas maliban sa mga Sakramento ng
Pakikipagkasundo sa Diyos at Pagpapahid ng Langis sa Maysakit.

Ang dambana ay walang anumang mantel, kandila, at krus.

Gaganapin sa ikatlo ng hapon ang pagdiriwang sa pagpapakasakit ng


Panginoon, maliban kung may higit na mabuting dahilan upang gawin ito sa
ibang oras ng hapon o gabi. May tatlong yugto ang pagdiriwang ngayon:
pagpapahayag ng Salita ng Diyos, pagpaparangal sa krus na banal at
pakikinabang.

Dito lamang sa pagdiriwang ngayon maaaring makinabang ang mga tao,


nguni’t maaaring hatdan ng pakikinabang ang mga maysakit kahit anong
oras maghapon yayamang sila’y hindi makadadalo sa pagdiriwang na ito.

Ang pari at ang mga tagapaglingkod na kaanib sa banal na orden ay


magsusuot ng damit pang-Misa na kulay pula. Paroroon sila sa dako ng
dambana, magbibigay galang dito, at magpapatirapa o luluhod. Ang lahat ay
tahimik na mananalangin.

Ang mga pari ay magpapatirapa.


Tagapagpadaloy: Magsiluhod ang lahat at tahimik na
manalangin.
Ang lahat ay tahimik na mananalangin.

Pagkaraan ng ilang saglit,


Tagapagpadaloy: Magsitayo ang lahat.
Pagkatapos nito, paroroon ang pari at ang mga tagapaglingkod sa kanilang
upuan. Haharap ang pari sa mga tao.
3
PANALANGING PAMBUNGAD
Pagkatapos, ipahahayag ng pari:

Pari:
(Hindi ito pangungunahan ng “Manalangin tayo”.)

ma naming makapangyarihan,
alalahanin mo ang iyong awa at
pagmamahal
at sa iyong paglingap gawin mong
banal kaming lahat
na siyang dahilan kaya’t dugo’y
dumanak
mula sa iyong nagpakasakit na Anak
upang pagsaluhin kami
sa piging ng Pagkabuhay na kanyang
itinatag
bilang aming Tagapamagitan
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sa katapusan nito’y sasagot ang mga tao ng pagbubunyi: Amen.


Tagapagpadaloy: Magsiupo ang lahat. Dadako tayo
sa Unang Yugto: Ang Pagpapahayag ng Salita ng
Diyos.
4
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG
DIYOS
Paroroon sa pook ng pagbasa ang maglalahad ng Salita ng Diyos. Habang
ipinahahayag niya ang unang pagbasa, ang lahat ay nakaupong makikinig.

UNANG PAGBASA
Isaias 52,13 – 53,12

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias


Sinabi ng Panginoon, “Ang lingkod ko’y
magtatagumpay sa kanyang gawain,
mababantog siya at dadakilain. Marami ang
nagitla nang siya’y makita, dahil sa
pagkabugbog sa kanya’y halos di makilala
kung siya’y tao. Ngayo’y marami rin ang mga
bansang magugulantang; pati mga hari pag
siya’y nakita ay matitigilan, makikita nila ang
di nabalita kahit na kailan, at mauunawa ang
di pa narinig ninuman!” Sagot ng mga tao,
“Sino ang maniniwala sa ibinabalita naming
ito? Sino ang makapagpapatunay na
pinahihintulutan ito ng Panginoon? Kalooban
ng Panginoon na ang kanyang lingkod ay
matulad sa isang halamang natanim sa tuyong
lupa, walang katangian o kagandahang
makatawag-pansin, wala siyang taglay na
pang-akit para lapitan siya. Hinamak siya ng
mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng sakit at
hirap. Wala man lang nagtapon ng sulyap sa
kanya. Hindi natin siya pinansin, para siyang
walang kabuluhan. Tiniis niya ang hirap na
tayo ang dapat magbata, gayon din ang kirot
na tayo sana ang lumasap; akala natin ang
dinanas niya’y parusa sa kanya ng Diyos. Dahil
sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan;
Siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.
5
Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo
niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.
Tayong lahat ay parang mga tupang naligaw;
nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit inibig
ng Panginoon na sa kanya ipataw ang
parusang tayo ang dapat tumanggap. Siya ay
binugbog at pinahirapan, ngunit di tumutol
kahit kamunti man; tulad ay korderong hatid
sa patayan, parang mga tupang hindi
tumututol kahit na gupitan, ni hindi umimik
kahit gaputok man. Nang siya’y hulihin,
hatulan at dalhin sa dakong patayan, wala
mang nangahas na ipagsanggalang, wala man
lang dumamay. Siya ay pinatay dahil sa sala
ng sangkatauhan. Siya’y inilibing na kasama
ng masasama at mayayaman, bagaman wala
siyang kasalanan o nagsabi man ng
kasinungalingan. Sinabi ng Panginoon, “Ang
kanyang paghihirap ay kalooban ko; inihandog
niya ang sarili upang sa pamamagitan noon ay
magkaroon ng kapatawaran. Dahil dito’y
mabubuhay siya nang matagal, makikita ang
lahing susunod sa kanya. At sa pamamagitan
niya’y maisasagawa ang aking panukala.
Pagkatapos ng pagdurusa, lalasap siya ng
ligaya, malalaman niyang hindi nawalan ng
kabuluhan ang kanyang pagtitiis. Ang aking
tapat na lingkod at lubos kong kinalulugdan
ang siyang tatanggap sa parusa ng marami at
alang-alang sa kanya sila’y aking patatawarin.
Dahil dito siya’y aking pararangalan, kasama
ng mga dakila; pagkat kusang-loob niyang
ibinigay ang sarili at nilasap ang kaparusahan
ng masasama. Inako niya ang mga
makasalanan at idinalanging sila’y patawarin.
6
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:
Ang Salita ng Diyos.
Sasagot ang lahat: Salamat sa Diyos.
Ang tagapaglahad ng salmo o tagaawit ay magpapahayag ng akda mula sa
Aklat ng mga Awit at ang mga tao ay tutugon ng kaukulang taludtod.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 30, 2. 6. 12-13. 15-16. 17. 25

Tugon: Ama, sa mga kamay Mo,


habilin ko ang buhay ko.
Sa iyo, O Poon, ako’y lumalapit
upang ingatan mo, nang hindi malupig;
sa mga kamay mo habilin ko’y buhay ko
Tagapagligtas kong tapat at totoo.
Tugon: Ama, sa mga kamay Mo,
habilin ko ang buhay ko.
Lahat kong kaaway ay humahalakhak,
pati kapitbahay ako’y hinahamak;
dating kakilala ay nagsisiilag,
kung masalubong ko ay nagsisiiwas.
Nilimot na akong tulad ng namatay,
di na pinapansin, parang yagit lamang.
Tugon: Ama, sa mga kamay Mo,
habilin ko ang buhay ko.
Subalit, O Poon, ang aking tiwala
ay nasasaiyo, Diyos na dakila!
Sa iyong kalinga, umaasa ako,
laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo;
At sa umuusig na sinumang tao.
Tugon: Ama, sa mga kamay Mo,
habilin ko ang buhay ko.
7
Itong iyong lingkod, sana ay lingapin,
ingatan mo ako’t iyong pagpalain;
iligtas mo ako at iyong sagipin,
tanda ng pag-ibig na di nagmamaliw!
O magpakatatag ang mga nilikha,
lahat ng sa Poon ay nagtitiwala.
Tugon: Ama, sa mga kamay Mo,
habilin ko ang buhay ko.
Pagkatapos, ang ikalawang pagbasa ay ipahahayag din sa pook ng pagbasa
katulad ng nauna.

IKALAWANG PAGBASA
Hebreo 4,14-16. 5,7-9

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo


Mga kapatid: Magpakatatag tayo sa ating
pananampalataya, yamang mayroon tayong
dakilang sacerdote na pumasok sa kalangitan
sa harapan ng Diyos, walang iba kundi si
Hesus na Anak ng Diyos. Ang dakilang
saserdote nating ito ay nakauunawa sa ating
mga kahinaan sapagkat sa lahat ng paraa’y
tinukso siyang tulad natin, ngunit hindi
nagkasala. Kaya’t huwag na tayong mag-
atubiling lumapit sa trono ng mahabaging
Diyos, at doo’y kakamtan natin ang habag at
kalinga sa panahong kailangan natin ito.
Noong si Hesus ay namumuhay dito sa lupa,
siya’y dumalangin at lumuluhang sumamo sa
Diyos na makapagliligtas sa kanya sa
kamatayan. At dininig siya dahil sa lubusan
siyang nagpakumbaba. Bagamat siya’y Anak
ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na
kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng
pagtitiis.
8
At nang maganap na niya ito, siya’y naging
walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng
sumusunod sa kanya.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:
Ang Salita ng Diyos.
Sasagot ang lahat: Salamat sa Diyos.
Isusunod ang Awit Pambungad sa Mabuting Balita.

AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA


Filipos 2, 8-9

Masunuring Kristo Hesus,


naghain ng buhay sa krus,
kaya’t dinakila ng D’yos,
binigyan ng ngalang tampok
sa langit at sansinukob.
Ang pagpapakasakit ng Panginoon ay ipahahayag nang walang nakapaligid
na kandila at pag-iinsenso, wala ring pagbati at pagkukrus. Ang gaganap ng
pagpapahayag ay ang diyakono o ang pari kapag walang diyakono.
Magagampanan din ito ng mga ibang tagapaglahad ng mga pagbasa at kung
maaari ang mga pangungusap ni Kristo ay aakuin ng pari.

Kung diyakono ang magpapahayag, hihilingin niyang siya’y gawaran ng


pagpapala ng Pari alinsunod sa ginagawa bago ipahayag ang Mabuting Balita.

Pagkaraan, ang diyakonong magpapahayag ng Mabuting Balita ay yuyuko sa


harap ng pari at hihilingin niya ang pagpapala sa mahinang tinig:
Padre, ako po ay inyong gawaran ng pagpapala.
Ang pari ay mangungusap nang mahina:
Sa iyong puso at sa iyong mga labi
manahan nawa ang Panginoon
upang marapat mong maipahayag
ang kanyang Mabuting Balita,
sa ngalan ng Ama at ng Anak✠at ng Espiritu Santo.

Ang diyakono ay sasagot:


Amen.
9
MABUTING BALITA
Pagkatapos, ang diyakono o ang pari ay paroroon sa pook ng pagbasa.

Ihahayag ng diyakono o pari:

Ang Pagpapakasakit ng ating


Panginoong Hesukristo ayon kay
San Juan
Juan 18, 1-19. 42

Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat: Pinupuri ka namin,
Panginoong Hesukristo.
Matapos ang pagpapahayag ng Mabuting Balita, hindi hahalikan ang aklat.

HOMILIYA
Pagkaraan, gaganapin ang homiliya na dapat ilahad sa lahat ng araw ng
Linggo at sa mga pistang pangilin. Ito ay kapuri-puring gawin sa iba pang
araw.

Matapos ang homiliya, magkakaroon ng sandaling katahimikan.


Tagapagpadaloy: Tumahimik sandali at magnilay.
Pagkaraan ng ilang saglit, sasabihin ng Tagapagpadaloy:
Tagapagpadaloy: Magsitayo ang lahat para sa
Panalanging Pangkalahatan.

PANALANGING PANGKALAHATAN
Ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos ay wawakasan ng Panalanging
Pangkalahatan. Tatayo ang pari sa kanyang luklukan at doon ipahahayag
nang magkadaop-palad ang pambungad ng bawat kahilingan. Lahat ay
luluhod at mananalangin nang tahimik. Pagkatapos nito, ihahayag ng pari
ang panalangin. Ang mga nagsisimba ay maaaring lumuhod o tumindig sa
buong pangkalahatan.

Maaari namang ipasyang gawin ang dating paanyayang lumuhod at


manalangin: “Magsiluhod tayo-Tumindig tayo.”

Aawitin ng mga tao sa unahan ng bawa’t panalangin ng pari:


Kaisa ni Hesukristo
kami’y sumasamo sa’yo,
D’yos Ama ng mga tao,
pakiusap ay dinggin mo
kahilingan naming ito.
10
I.
Tagapagpadaloy: Para sa Banal na Simbahan

Diyakono o Pari:
Idalangin natin, mga mahal kong kapatid, ang banal
na Sambayanan ng Diyos sa buong daigdig upang
pagkalooban ng kapayapaan at pagkupkop,
pagkakaisa at pagtataguyod ang mga kaanib nito sa
sansinukob at upang tayo’y bigyan ng pamumuhay
na matiwasay para tayo’y makasamba sa Diyos Ama
nating makapangyarihan.
Ang lahat po ay magsiluhod.
(Tahimik na panalangin.)

Ang lahat po ay magsitayo.


Aawit ang koro:
Kaisa ni Hesukristo
kami’y sumasamo sa’yo,
D’yos Ama ng mga tao,
pakiusap ay dinggin mo
kahilingan naming ito.

Pari:
Ama naming makapangyarihan,
sa katauhan ng Anak mong si Kristo
ipinahayag mo ang iyong kadakilaan
sa lahat ng mga tao. Lingapin mong
ang iyong mga ginagawa dahil sa
pag-ibig upang ang iyong
Sambayanang laganap sa buong
daigdig ay mamalaging matatag sa
pananampalatayang iyong bigay para
sambahin ang banal mong ngalan sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
Sasagot ang mga tao: Amen.
11
II.
Tagapagpadaloy: Para sa sa Papa

Diyakono o Pari:
Idalangin natin ang ating Banal na Papa na si
Francisco na hinirang ng Diyos sa hanay ng mga
tagapangasiwa upang kanyang bigyan ng kalusugan
at mahabang buhay para sa kapakanan ng kanyang
banal na Sambayanang ipinagkatiwala para
paglingkuran.
Ang lahat po ay magsiluhod.
(Tahimik na panalangin.)

Ang lahat po ay magsitayo.


Aawit ang koro:
Kaisa ni Hesukristo
kami’y sumasamo sa’yo,
D’yos Ama ng mga tao,
pakiusap ay dinggin mo
kahilingan naming ito.

Pari:
Ama naming makapangyarihan,
sa iyong kapasyahan umiiral ang
sanlibutan. Paunlakan mo ang aming
kahilingan na iyong lingapin si Papa
Francisco na iyong hinirang para kami
ay pangasiwaan upang ang
Sambayanang Kristiyano na iyong
pinamumunuan ay mapamahalaan niya
nang may kaunlaran sa
pananampalataya at gawang
kabutihang iyong inaasahan sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
Sasagot ang mga tao: Amen.
12
III.
Tagapagpadaloy: Para sa Kaparian at Lahat ng Kaanib ng
Simbahan

Diyakono o Pari:
Idalangin din natin si Gilbert na ating Obispo,
gayundin ang lahat ng mga Obispo, mga pari, at
mga diyakono at ang tanang kabilang sa
Sambayanang Kristiyano.

Ang lahat po ay magsiluhod.


(Tahimik na panalangin.)

Ang lahat po ay magsitayo.


Aawit ang koro:
Kaisa ni Hesukristo
kami’y sumasamo sa’yo,
D’yos Ama ng mga tao,
pakiusap ay dinggin mo
kahilingan naming ito.

Pari:
Ama naming makapangyarihan, ang
iyong Espiritu ay nagpapabanal at
nagtataguyod sa buong Simbahan.
Dinggin mo ang aming pagluhog para
sa iyong mga tagapaglingkod upang
mapaglingkuran kang matapat sa
tulong ng iyong kagandahang-loob sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama
ng Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
Sasagot ang mga tao: Amen.
13
IV. (Ito ay hindi isasama kung walang bibinyagan sa Easter Vigil)
Tagapagpadaloy: Para sa mga Taong Inihahanda sa
Pagbibinyag
Diyakono o Pari:
Idalangin din natin ang mga inihahandang tao sa
pagbibinyag upang ang kanilang kalooban ay
makatugon sa pagtawag ng Diyos Ama nating
makapangyarihan, para sa tubig ng binyag sila’y
muling maisilang sa ikapagpapatawad ng lahat ng
kasalanan at sa ikapagkakamit ng pakikisalo kay
Hesus na Poong mahal.
Ang lahat po ay magsiluhod.
(Tahimik na panalangin.)

Ang lahat po ay magsitayo.


Aawit ang koro:
Kaisa ni Hesukristo
kami’y sumasamo sa’yo,
D’yos Ama ng mga tao,
pakiusap ay dinggin mo
kahilingan naming ito.

Pari:
Ama naming makapangyarihan, lagi
mong pinauunlad ang Sambayanan sa
pagkakaroon ng karagdagang
kabilang. Sa pananampalataya at
pagkaunawa ay magkaroon nawa ng
pag-unlad ang (aming) mga
inihahanda sa pagbibinyag upang sa
muli nilang pagsilang bilang binyagan
sila’y mapabilang sa mga kaanib ng
iyong angkan sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao: Amen.
14
V.
Tagapagpadaloy: Para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano

Diyakono o Pari:
Idalangin din natin ang lahat ng ating mga kapatid
na pawang kay Hesukristo nananalig upang
marapatin ng Diyos Ama nating makapangyarihan na
sila’y tipunin at lingapin sa iisa niyang Sambayanan.

Ang lahat po ay magsiluhod.


(Tahimik na panalangin.)

Ang lahat po ay magsitayo.


Aawit ang koro:
Kaisa ni Hesukristo
kami’y sumasamo sa’yo,
D’yos Ama ng mga tao,
pakiusap ay dinggin mo
kahilingan naming ito.

Pari:
Ama naming makapangyarihan,
tinitipon mo ang mga nawalay at
tinatangkilik mo ang mga
nagkakatipon sa iyong Sambayanan.
Lingapin mo ang mga kabilang sa
kawan ng iyong Anak na sa iyo
itinalaga sa buklod ng iisang binyag
upang sila’y magkabuklod sa buong
pananalig at sila’y magkapisan sa
buklod ng pag-ibig sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao: Amen.
15
VI.
Tagapagpadaloy: Para sa mga Judio

Diyakono o Pari:
Idalangin din natin ang mga Judio na unang
pinagpahayagan ng Diyos na totoo upang ipagkaloob
niyang sa pag-ibig sa kanyang ngalan sila ay
umunlad sa pagiging matapat sa kanyang tipan.

Ang lahat po ay magsiluhod.


(Tahimik na panalangin.)

Ang lahat po ay magsitayo.


Aawit ang koro:
Kaisa ni Hesukristo
kami’y sumasamo sa’yo,
D’yos Ama ng mga tao,
pakiusap ay dinggin mo
kahilingan naming ito.

Pari:
Ama naming makapangyarihan,
pinangangatawanan mo ang iyong
mga pangako kay Abraham at sa
tanang sa kanya ay sumilang. Dinggin
mo ang pagluhog ng iyong
Sambayanan upang ang mga tao na
iyong unang hinirang ay
pagindapating sumapit sa kaganapan
ng kaligtasan sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao: Amen.
16
VII.
Tagapagpadaloy: Para sa mga di Sumasampalataya kay
Kristo

Diyakono o Pari:
Idalangin din natin ang tanang hindi pa
sumasampalataya kay Kristo upang tahakin nila ang
landas ng kaligtasan na nililiwanagan ng Espiritu
Santo.

Ang lahat po ay magsiluhod.


(Tahimik na panalangin.)

Ang lahat po ay magsitayo.


Aawit ang koro:
Kaisa ni Hesukristo
kami’y sumasamo sa’yo,
D’yos Ama ng mga tao,
pakiusap ay dinggin mo
kahilingan naming ito.

Pari:
Ama naming makapangyarihan, gawin
mong ang mga hindi pa nananalig sa
iyong Anak ay makatuklas sa
katotohanan sa pamumuhay nilang
wagas, at kaming sa pag-ibig mo ay
laging umuunlad sa pagmamalasakit
sa tanang sa iyo’y humahanap ay
maging mga saksing mapapaniwalaan
ng iyong dakilang pagibig sa
sanlibutan sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao: Amen.
17
VIII.
Tagapagpadaloy: Para sa mga hindi pa Sumasampalataya sa
Diyos

Diyakono o Pari:
Idalangin din natin ang mga hindi pa
sumasampalataya sa Diyos upang pagindapating sa
kanya’y makadulog sa paniniwalang wagas na
kanilang sinusunod.

Ang lahat po ay magsiluhod.


(Tahimik na panalangin.)

Ang lahat po ay magsitayo.


Aawit ang koro:
Kaisa ni Hesukristo
kami’y sumasamo sa’yo,
D’yos Ama ng mga tao,
pakiusap ay dinggin mo
kahilingan naming ito.

Pari:
Ama naming makapangyarihan, nilikha
mo ang lahat ng mga tao upang lagi
kang hanapin at pag natagpuan ka’y
masiyahang walang maliw. Ipagkaloob
mong kahit may mga di kanais-nais na
balakid, mabanaagan pa rin ng tanan
ang mga pahiwatig ng iyong pag-ibig at
matanggap nila ang mga gawang
kabutihan ng mga sumasampalataya
bilang kaakit-akit na katibayan na ikaw
ang Diyos na totoo at Amang aming
pinanggalingan sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao: Amen.
18
IX.
Tagapagpadaloy: Para sa mga Umuugit sa Pamahalaan

Diyakono o Pari:
Idalangin natin ang mga may tungkuling maglingkod
sa bayan at umuugit sa ating pamahalaan upang ang
kalooban nila ay itaguyod ng Amang Maykapal
alinsunod sa kanyang kinalulugdan sa ikapagkakamit
ng kapayapaan at kalayaan ng tanan.

Ang lahat po ay magsiluhod.


(Tahimik na panalangin.)

Ang lahat po ay magsitayo.


Aawit ang koro:
Kaisa ni Hesukristo
kami’y sumasamo sa’yo,
D’yos Ama ng mga tao,
pakiusap ay dinggin mo
kahilingan naming ito.

Pari:
Ama naming makapangyarihan, nasa
iyong kamay ang adhika at karapatan
ng tanan. Tunghayan mo ang mga
umuugit sa aming pamahalaan upang
sumagana ang tanan sa sanlibutan sa
ikapagkakamit ng kapayapaan at
ikapapanatili ng kalayaan na ikaw ay
sambahin alinsunod sa iyong loobin
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao: Amen.
19
X.
Tagapagpadaloy: Para sa mga may Tanging
Pangangailangan
Diyakono o Pari:
Idalangin natin, mga kapatid, sa Ama nating
makapangyarihan na ang sanlibutan ay maibsan ng tanang
katiwalian, ang mga karamdaman ay malunasan, ang
kagutuman ay maparam, ang mga nasa piitan ay lumayang
tuluyan, ang mga naaapi ay mahango sa kawalang-
katarungan, ang mga naglalakbay ay maluwalhating sumapit
sa paroroonan, ang mga nasa ibang bansa ay makauwi sa
kanilang bayan, ang mga maysakit ay magkamit ng
kagalingan at ang mga nag-aagaw-buhay ay matiwasay na
mahimlay.
Ang lahat po ay magsiluhod.
(Tahimik na panalangin.)

Ang lahat po ay magsitayo.


Aawit ang koro:
Kaisa ni Hesukristo
kami’y sumasamo sa’yo,
D’yos Ama ng mga tao,
pakiusap ay dinggin mo
kahilingan naming ito.

Pari:
Ama naming makapangyarihan,
binubuhayan mo ng loob ang mga nasa
kapighatian, pinatatatag mo ang mga
may mabigat na pinapasan. Paunlakan
mo ang mga kahilingan ng mga
dumaraing dahil sa maraming mga
pinagtitiisan, upang bawat nasa
kagipitan ay magkamit ng kasiyahang
madama ang iyong pagmamahal sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
Sasagot ang mga tao: Amen.
20
ANG PAGPAPARANGAL SA KRUS NA
BANAL
Pagkatapos ng panalanging pangkalahatan, gaganapin ang pagpaparangal sa
krus na banal. Mula sa dalawang paraan ng pagtatanghal na matatagpuan
dito, makapipili ng lalong angkop ayon sa kapakanan ng Sambayanan.

Tagapagpadaloy: Manatiling nakatayo ang lahat.


Tayo ay dadako sa ikalawang yugto: Ang
Pagpaparangal sa Krus na Banal.
Ikalawang Paraan ng Pagtatanghal sa Krus na Banal
Ang pari o ang diyakono o sinumang tagapaglingkod na inatasan ay paroroon
sa gawing pinto ng simbahan. Siya ay sasamahan ng mga iba pang
tagapaglingkod. Sa gawing pinto ng simbahan, kukunin niya ang krus na
walang lambong, Kukunin naman ng mga kasamang tagapaglingkod ang
mga kandilang may sindi. Sila’y magpuprusisyon sa gitna ng simbahan
patungo sa gawing dambana. Sa malapit sa pinto ng simbahan, sa gitna ng
simbahan, at sa pasukan ng gawi ng dambana, ang nagdadala sa krus ay
hihinto, itataas niya ito, at aawitin niya ang paanyayang "Sa kahoy ng krus
na banal." Lahat ay sasagot ng "Purihin at ipagdangal." Pagkatapos ng
bawa't sagutan, lahat ay luluhod at tahimik na magbibigay-galang sa krus
alinsunod sa paraang nasasaad sa itaas.

PAANYAYA
Ito ay unang gagawin sa may pinto ng simbahan:
Sa kahoy ng krus na banal
ni Hesus na Poong mahal,
nalupig ang kamatayan
at sa muling pagkabuhay
ang pag-asa ay sumilay.
Tutugon ang lahat habang bahagyang itinataas ang krus:
Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na Bukal ng buhay,
Anak na s’ya nating Daan,
Espiritung ating Tanglaw.
Matapos ang pag-awit, luluhod ang lahat bilang tahimik na paggalang sa krus
samantalang ang pari ay mananatiling nakatindig.
Tagapagpadaloy: Magsiluhod ang lahat.
(Tahimik na sasambahin ang krus na banal.)
21
Pagkaraan ng ilang saglit kapag nakarating na sa gitna ng simbahan:

Tagapagpadaloy: Magsitayo ang lahat.


PAANYAYA
Pangungusap:
Sa kahoy ng krus na banal
ni Hesus na Poong mahal,
nalupig ang kamatayan
at sa muling pagkabuhay
ang pag-asa ay sumilay.
Tutugon ang lahat habang bahagyang itinataas ang krus:
Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na Bukal ng buhay,
Anak na s’ya nating Daan,
Espiritung ating Tanglaw.
Matapos ang pag-awit, muling luluhod ang lahat bilang tahimik na paggalang
sa krus samantalang ang pari ay mananatiling nakatindig.
Tagapagpadaloy: Magsiluhod ang lahat.
(Tahimik na sasambahin ang krus na banal.)

Pagkaraan ng ilang saglit kapag nakarating na sa may pasukan ng gawi ng


dambana:
Tagapagpadaloy: Magsitayo ang lahat.
PAANYAYA
Pangungusap:
Sa kahoy ng krus na banal
ni Hesus na Poong mahal,
nalupig ang kamatayan
at sa muling pagkabuhay
ang pag-asa ay sumilay.
Tutugon ang lahat habang bahagyang itinataas ang krus:
Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal:
Ama na Bukal ng buhay,
Anak na s’ya nating Daan,
Espiritung ating Tanglaw.
22
Matapos ang pag-awit, luluhod ang lahat bilang tahimik na paggalang sa krus
samantalang ang pari ay mananatiling nakatindig.
Tagapagpadaloy: Magsiluhod ang lahat.
(Tahimik na sasambahin ang krus na banal)

Pagkaraan ng ilang saglit:


Tagapagpadaloy: Magsitayo ang lahat.
Ihaharap ng diyakono ang Banal na Krus sa sambayanan para sa
pagpaparangal at pagbibigay galang sa Banal na Krus kasama ang mga
tagapaglingkod na may hawak ng kandilang may sindi.

PAGPAPARANGAL SA KRUS NA BANAL


Ang pangulo ng pagdiriwang ay lalapit upang magbigay-galang sa krus. Sa
bahagi ng pagbibigay-galang sa banal na krus, ang pari lamang ang hahalik
sa krus. Maaaring hubarin ng pari ang kanyang kasulya, at sapatos bago
magparangal sa krus na banal.

Ang mga tagapaglingkod at ang sambayanan ay magbibigay-galang sa banal


na krus sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo sa loob ng itinakdang oras.

Isang krus lamang ang dapat parangalan.

Matapos ang pagpaparangal sa loob ng itinakdang oras, ang pari ay tutungo


sa gawing gitna sa harap ng dambana para sa pagpaparangal sa krus na
banal ng mga hindi pa nakakapagparangal. Siya ay tatayo doon upang
anyayahan ang mga tao para sa tahimik na pagpaparangal, saka niya itataas
ang krus nang ilang sandali habang sinasabi:

Pari:
Magsiluhod ang lahat. Tahimik nating
sambahin ang krus na banal.
Pagkatapos ng pagpaparangal, ang krus ay dadalhin sa tayuan nito sa
dambana. Ang mga kandelerong may kandilang nagdiringas ay ilalagay din
sa palibot ng krus na banal.
23
BANAL NA PAKIKINABANG
Pagkatapos ng pagpaparangal sa krus na banal, gaganapin ang banal na
pakikinabang.
Tagapagpadaloy: Magsiupo ang lahat. Dadako tayo
sa ikatlong yugto: Ang Banal na Pakikinabang.
Ang dambana’y lalatagan ng mantel at ang telang patungan ng Katawan ni
Kristo gayundin ang aklat ay ilalagay sa ibabaw nito.

Matapos itong ganapin, sasabihin ng Tagapagpadaloy ang mga sumusunod:


Tagapagpadaloy: Magsitayo ang lahat.
Ang diyakono o ang tagapaglingkod sa pakikinabang o ang pari ay siyang
susundo sa Banal na Sakramento mula sa pinaglagakan upang ito ay dalhin
sa dambana. Habang ito ay dinadala roon, lahat ay tahimik na nakatindig.
Dalawang tagapaglingkod ang magdadala ng may sinding kandila at ang mga
ito’y ilalagay sa dambana o sa paligid nito.

Ipapatong ang Banal na Sakramento sa ibabaw ng dambana at ang lalagyan


ay bubuksan. Dudulog ang Pari sa dambana at luluhod at saka siya aakyat sa
baitang nito.
24
ANG PAKIKINABANG
Malakas na ipahahayag ng pari nang may magkadaop na mga kamay:

Pari:
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na
utos at turo ni Hesus na Panginoon
natin at Diyos ipahayag natin ng
lakas-loob:
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat.
Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob Mo,
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon,


ng aming kakanin sa araw araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal:

Pari:
Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iligtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
25
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang
panalangin sa ganitong pagbubunyi:
Sapagka’t iyo ang kaharian
at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, sasabihin ng Tagapagpadaloy ang mga sumusunod:
Tagapagpadaloy: Magsiluhod ang lahat.
Magkadaop ang mga palad ng pari sa pabulong na pagdarasal:
Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,
Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.
Luluhod ang pari at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas
sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi nang malakas:

Pari:
Ito ang Kordero ng Diyos.
Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng
sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa
kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na
magpatuloy sa iyo
ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling
na ako.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Ngayon ay gaganapin ang pakikinabang ng mga tao. Maaaring umawit ng


anumang naaangkop na awitin.

Pagkapakinabang, ang sisidllan ng Banal na Sakramento ay dadalhin ng


tagapaglingkod sa isang sadyang inihandang paglalagakan sa labas ng
simbahan o kung hinihingi ng pagkakataon, maaaring ito’y ilagak sa
tabernakulo.
26
PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang pari ay titindig at paharap sa mga nagsisimbang
magpapahayag:

Pari:
Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon,
at pagkaraan, ang panalangin pagkapakinabang ay ipahahayag ng paring
nakalahad ang mga kamay.

ma naming mapagmahal,
pinapakinabang mo kami
sa banal na pagkamatay at
pagkabuhay ni Kristo.
Panatilihin mo sa amin
ang ginanap ng iyong dakilang pag-ibig
upang kami’y makapamuhay nang
matapat
sa pakikisalo sa dulot mong pagliligtas
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sa katapusan, ang sambayanan ay tutugon ng: Amen.
27
PAGPAPANALANGIN SA SAMBAYANAN
Sa paghayo, haharap ang pari sa sambayanan at itataas niya ang
kanyang mga kamay upang lukuban ang mga pananalanginan .

Pari:

ma naming bukal ng pagpapala,


ang iyong pagbabasbas ay manaog
nawang masagana
sa iyong sambayanang gumanap ng
paggunita
sa pagkamatay ng iyong Anak
na siyang pagkabuhay ng nagtitiwala.
Ang iyong pagpapatawad ay sumapit
nawa sa tanan.
Ang iyong pakikisamang maaasahan
ay iyong ibigay.
Ang pananampalatayang banal
nawa’y maging matibay.
Ang kaligtasang walang maliw ay
patatagin mong lubusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao: Amen.
Tahimik na lilisan ang tanan. Ang dambana ay aalisan ng mantel pagsapit ng
kaukulang panahon.

You might also like