Professional Documents
Culture Documents
PAGDIRIWANG SA
PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON
Kulay Pula
Matagal nang kaugalian ng Simbahan ang hindi pagdiriwang ng mga
sakramento ngayon at bukas maliban sa mga Sakramento ng
Pakikipagkasundo sa Diyos at Pagpapahid ng Langis sa Maysakit.
Ang dambana ay walang anumang mantel, kandila, at krus.
Gaganapin sa ikatlo ng hapon ang pagdiriwang sa pagpapakasakit ng
Panginoon, maliban kung may ibang higit na mabuting dahilan upang
gawin ito sa ibang oras ng hapon o gabi. May tatlong yugto ang
pagdiriwang ngayon: pagpapahayag ng Salita ng Diyos, pagpaparangal
sa krus na banal at pakikinabang.
Dito lamang sa pagdiriwang ngayon maaaring makinabang ang mga
tao, nguni't maaaring hatidan ng pakikinabang ang mga maysakit kahit
anong oras maghapon yayamang sila’y hindi makadadalo sa
pagdiriwang na ito.
PAUNANG SALITA
Tagapagdaloy
“Tayo ay gumaling dahil sa pahirap na tinamo Niya.”
Inialay ng Panginoon ang Kanyang Buhay para sa ating
kaligtasan. Sa araw na ito, ginugunita natin ang kamatayan
ni Hesus sa Krus. Sa ating pagluluksa, hindi natin
ipagdiriwang ang Banal na Misa. Sa halip makikinig tayo at
maglilimi sa Salita ng Diyos hinggil sa kamatayan ni Hesus.
Pararangalan ang Krus na bagamat naging kasangkapan sa
pagkamatay ni Hesus, kaligtasan at buhay naman ang ating
nakamit. Tayo ay tatanggap ng Kumunyon, sapagkat ang
ginugunita nating namatay ay buhay na kasama natin. May
tatlong yugto ang pagdiriwang ngayon, una ay ang
Pagpapahayag ng Salita ng Diyos, pangalawa ay ang
Pagpaparangal sa Krus na Banal, at ang panghuli ay ang
Pakikinabang. Dito lamang sa pagdiriwang ngayon,
maaaring makinabang ang mga tao, nguni’t maaaring dalhan
ng pakikinabang ang mga maysakit kahit anong oras
maghapon yayamang sila’y hindi makadadalo sa
pagdiriwang na ito. Magsipagluhod po tayong lahat at
tahimik na pasimulan ang pagdiriwang.
PAGPASOK AT PAGPAPATIRAPA
Ang pari at ang mga tagapaglingkod na kaanib sa banal na orden ay
magsusuot ng damit pang-Misa na kulay pula. Paroroon sila sa dako ng
dambana, magbibigay galang dito, at magpapatirapa o luluhod. Ang
lahat ay tahimik na mananalangin.
PANALANGIN
Pagkatapos nito, paroroon ang pari at ang mga tagapaglingkod sa
kanilang upuan. Haharap sa mga tao ang pari at ipahahayag nang
magkadaop ang mga kamay ang isa sa mga sumusunod na panalangin.
Hindi ito pangungunahan ng “Manalangin tayo.”
Purihin at ipagdangal
ang ating Poong Maykapal
Ama na Bukal ng buhay,
Anak na s’ya nating daan,
Espiritung ating Tanglaw.
Pagkaraa’y hahawian naman ng lambong ang kanang kamay ng krus.
Ito’y gaganapin ng pari na siya ring magtataas sa krus habang inaawit
na naman niya ang paanyaya: “Sa kahoy ng krus na banal.” Ang paraang
nasasaad sa itaas ay muling gagawin.
Sa wakas, hahawiin ang buong takip na lumalambong sa krus. Ito’y
gagawin ng pari na siyang muling magtataas ng krus habang inaawit
ang paanyayang “Sa kahoy ng krus na banal” sa ikatlong pagkakataon.
Ang paraang nasasaad sa itaas ay muling gaganapin.
Ipuprusisyon ng pari na nasa gitna ng dalawang tagadala ng may
sinding kandila ang krus upang ito’y ihatid sa pasukan ng gawi ng
dambana o sa anumang naaangkop na dako ng simbahan. Doon niya
iiwan ang krus o iaabot sa tagapaglingkod na naatasang humawak nito.
Ang mga kandila ay ilalagay sa magkabilang gilid ng krus at gaganapin
ang pagbibigay-galang
ANG PAGPAPARANGAL SA KRUS NA BANAL
Ang pangulo ng pagdiriwang, ang kaparian, at ang sambayanan ay
lalapit nang paprusisyon upang magbigay-galang sa krus. Sila’y luluhod
pagsapit sa harap ng krus o mag-uukol ng anumang pahiwatig ng
pagpaparangal ayon sa umiiral na kaugalian, halimbawa’y paghalik sa
krus. Ang mga nakapagparangal na sa krus ay uupo at aawit.
Isang krus lamang ang talagang dapat parangalan, subalit
pinahihintulutan sa Pilipinas ang marami kapag talagang kailangan.
Kung hindi mapagbibigyan ang bawa't isa, makapagpaparangal nang
pangkalahatan ang tanan. Pagkaparangal ng ilang mga tao, kukunin ng
pari ang krus, sa gawing gitna sa harap ng dambana siya ay tatayo
upang anyayahan ang mga tao para sa tahimik na pagpaparangal, saka
niya itataas ang krus nang ilang sandali.
Pagkatapos ng pagpaparangal, ang krus ay dadalhin sa tayuan nito sa
dambana. Ang mga kandelerong may kandilang nagdiringas ay dadalhin
sa ibabaw o sa gawi ng dambana.
Matapos alisan ng Tagapagdiwang ng lambong ang Krus na
paparangalan, sasabihin ito ng Tagapapadaloy:
Magsiupo po ang lahat. Ngayon ay gaganapin ang
Pagpaparangal sa Banal na Krus ng
Tagapagdiwang, Mga Hinugasan ng paa at mga
Lingkod ng simbahan. Ang lahat ng dumalo sa
pagdiriwang ay magkakaroon ng pagkakataong
makahalik sa Banal na Krus matapos ang
pagdiriwang. Panatilihin po natin ang
katahimikan at pagnilayan ang ginawa ng ating
Panginoong Hesukristo para sa ating kaligtasan.
Matapos humalik ang mga lingkod aanyayahan ng Tagapagpadaloy na
lumuhod ang lahat para sa pagtataas ng Banal na Krus.
Tagapapadaloy:
Magsiluhod ang lahat.
Matapos ang pag-tataas ng Banal na Krus, ihahanda na ang Altar para
sa banal na pakikinabang.
Tagapapadaloy:
Magsiupo ang lahat.
IKATLONG YUGTO:
BANAL NA PAKIKINABANG
Ang dambana’y lalatagan ng mantel at ang telang patungan ng Katawan
ni Kristo gayundin ang aklat ay ilalagay sa ibabaw nito. Ang diyakono o
ang tagapaglingkod sa pakikinabang o ang paring nakasuot ng Humeral
Veil ay siyang susundo sa Banal na Sakramento mula sa pinaglagakan
upang ito ay dalhin sa dambana. Habang ito ay dinadala roon, lahat ay
tahimik na nakatindig. Dalawang tagapaglingkod ang magdadala ng
may sinding kandila at ang mga ito’y ilalagay sa dambana o sa paligid
nito.
Ipapatong ang Banal na Sakramento sa ibabaw ng dambana at ang
lalagyan ay bubuksan. Dudulog ang pari sa dambana at luluhod at saka
siya aakyat sa baitang nito. Malakas niyang ihahayag ito nang
magkadaop ang mga kamay: