You are on page 1of 6

BANAL NA PAGTITIPON SA PAGSASAABO NG TUYONG PALASPAS NG

NAKARAANG TAON

Isang maikling pagdiriwang ng pag amin ng kasalanan sa martes bago ang Miyerkules ng abo. Ang
kapa o estola ay kulay lila.

AWITING PAMBUNGAD
LIWANAG NG AMING PUSO

Liwanag ng aming puso, Pawiin ang aming pagod, ang


Sa ami'y manahan ka pasani'y pagaanin
Ang init ng ‘yong biyaya, Minamahal kong kandungan,
Sa ami'y ipadama Sa hapis, kami hanguin.
Patnubay ng mahihirap,
O, aming pag-asa't gabay Liwanag ng aming puso,
Sa aming saya at hapis, Sa ami'y manahan ka
Tanglaw kang kaaya-aya. Idulot mo po sa amin kapayapaang
wagas
Liwanag ng kaaliwan, Ang ‘yong gantimpala't mana,
Sa ami'y dumalaw ka Pangako mong kasarinlan
Kalinga mo ang takbuhan Ang bunga sa pagkandili,
Noong unang-una pa Ligaya magpakailanman.

TANDA NG KRUS
Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang Pari at ang mga tao ay magkukrus.

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.


Ang lahat ay tutugon:
Amen

PAGBATI
Pagkatapos, ang pari ay nakaharap sa mga tao at babatiin niya ang mga ito sa mga salitang sumusunod:

Sumainyo ang Panginoon.


Ang lahat ay tutugon:
  At sumaiyo rin!

Mga kapatid, ang mga palaspas na ginamit natin noong ating gunitain ang
matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Herusalem nang Linggo ng
Pagpapakasakit ng ating Panginoon. Noon siya ay ating inawitan ng papuri at
kinilalang Hari bilang nabibilang sa lipi ni David. Ang ating pagbubunyi ay
tulad ng kasariwaan ng palaspas na ito sa kanyang pagiging luntian. Tulad din ito
ng ating kalagayan noong tayo ay binyagan; handang sundin ang kalooban ng
Ama, dahil iyon ang tinahak na daan ni Hesukristo. Pagkalipas ng ilang araw, ang
pagbubunyi ay napalitan ng sigawang hatulan siya ng kamatayan. Ang dating
luntian ay naluoy at pinanawan ng kasariwaan. Ang kabanalang dulot ng
binyagan ay pinarumi ng kasalanan. Ngunit, may pag-asa pa ang lahat. Dahil ang
natuyot na palaspas, sa apoy ay dinadarang upang magkamit ng kadalisayan. Ang
kasalanan ay isinisuko sa paghingi ng kapatawaran upang manumbalik ang
kabanalan. At ang kamatayan ay hindi ang may huling salita, kundi ang
tagumpay ng pagkabuhay.
Halina, mga kapatid sa pagsusunog ng mga palaspas na ito, kilalanin natin
ang tagumpay ng apoy na nagpapadadalisay ng pag ibig ng Diyos. Ating ihanda
ang mga sarili sa pakikinig sa salita ng Diyos

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


Pagbasa : Efeso 4 : 17-32
Mga kapatid, sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag
na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa
Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, at wala silang pang-unawa. Dahil
sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na
kaloob ng Diyos. Sila'y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan
kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan. Hindi
ganyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Kristo. Napakinggan na ninyo ang aral
ni Hesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. Iwanan na ninyo
ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na
napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa. Magbago na kayo ng diwa at pag-
iisip; at ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan
ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
Dahil dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng
totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. Kung magagalit man
kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang
araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo.
Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng
marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan. Huwag
kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang
pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang
pakinabangan ng mga makakarinig. At huwag na ninyong saktan ang kalooban
ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang
katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw. Alisin na ninyo ang
lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait
at mananakit ng damdamin ng kapwa. Sa halip, maging mabait kayo at maawain;
magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay
Kristo.
Ang Salita ng Diyos
Ang lahat ay tutugon:

Salamat sa Diyos

SALMONG TUGUNAN Salmo 4, 2-3. 4-5. 7-8

Tugon: Poon, sa ‘mi’y pasikatin, liwanag sa iyong piling.

Sagutin mo ako sa aking pagtawag, Panginoong Diyos na aking kalasag,


ikaw na humango sa dusa ko’t hirap, ngayo’y pakinggan mo, sa aki’y mahabag.
Hanggang kailan pa kaya lilibakin niyong mga tao ang iyong alipin?
Hanggang kailan pa nila iibigin ang walang halaga’t pagsisinungaling?

Tugon: Poon, sa ‘mi’y pasikatin, liwanag sa iyong piling.

Dapat mapagkuro ninyo at malaman na mahal ng Poon akong kanyang hirang,


dinirinig niya sa pananawagan.
Nagagalit ka man, sala ay iwasan, sa loob ng silid ikaw ay magnilay.

Tugon: Poon, sa ‘mi’y pasikatin, liwanag sa iyong piling.

Poon, liwanag mo’y sa ‘mi’y pasikatin.


O Diyos, ang ligayang bigay mo sa akin, higit na di hamak sa galak na angkin,
nilang may maraming imbak na pagkain at iniingatang alak na inumin.

Tugon: Poon, sa ‘mi’y pasikatin, liwanag sa iyong piling.

MABUTING BALITA Lucas (3:7-9)

Pari
Sumainyo ang Panginoon.
Ang lahat ay tutugon:
At sumaiyo rin!

Ikakanta o bibigkasin ng Pari:


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Ang lahat ay tutugon:
Papuri sa iyo, Panginoon.
Noong panahong iyon, sinabi ni Juan sa mga tao na lumalapit sa kanya upang
pabinyag, “Kayong lahi ng mga ulupong !” Sino ang nagbabala sa inyo upang
tumakas sa kaparusahang darating? Ipakilala ninyo sa pamamagitan ng inyong
pamumuhay na kayoý nagsisisi. At huwag ninyong ipangahas na kayoý anak ni
Abraham. Sinasabi ko sa inyo, na mula sa mga batong ito ay makalilikha ang
Diyos ng mga tunay na anak ni Abraham. Ngayon paý nakaamba na ang palakol
sa ugat ng punong kahoy ; bawat punong kahoy na hindi nagkakakaroon ng
mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy
Ikakata o bibigkasin ng Pari:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon!
Ang lahat ay tutugon:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo!
PAGSUSUNOG NG PALASPAS

Ngayon, susunugin na natin ang mga palaspas, idalangin natin na sa


pagdalisay ng apoy na ito sa mga palaspas ay dalisayin din tayo ng Panginoon at
makapagbagong buhay.
PANALANGIN NG PAGBABASBAS
Manalanngin tayo:
Ama naming makapangyarihan.
nawaý iyong basbasan ang mga palaspas na ito
bilang pagpapakita na kami ay galing sa alabok at magbabalik sa alabok.
Nawaý iyong patawarin ang aming mga kasalanan
at magpakita ng aming pagbabalik loob sa iyo.
Hindi mo gusto na ang tao ay mamatay sa kasalanan
kundi mabuhay kasama ni Kristong nabuhay,
na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.

Bebendisyunan ng Pari ang mga susunuging palaspas at susunugin

Habang sinusunog ang palaspas, maaring banggitin o awitin ang Ashes

ASHES

AMA NAMIN
Ihahayag ng Pari

Tayoý manalangin sa Mahabaging Ama ayon sa turong dasal ng ating


Panginoong Hesukristo

Ang pari ilalahad niya ang kanyang mga kamay at kasabay ang lahat kanilang dadasalin:
Ama namin, sumasalangit ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob Mo, dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan mo kami ngayon, ng aming kakanin sa araw araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin, sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

PANALANGING PANGWAKAS
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at kanyang sasabihin:

Manalangin tayo

Ama naming makapangyarihan


ang sinisimulan naming kusang pagpapakasakit
ay subaybayan mo ng iyong pagmamalasakit
upang ang pinagtiisan ng aming katawan
Ay maisaloob namin at maganap nang may katapatan
Sa pamamgitan ni Hesuskristo ang iyong Anak, na nabubuhay at naghahari
Sa pakikiisa Espiritu Santo, Iisang Diyos magpasawalang hanggan.

Ang lahat ay tutugon:

Amen

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay at kanyang sasabihin:

Sumainyo ang Panginoon.


Ang lahat ay tutugon:
At sumaiyo rin!

At kanyang bebendisyunan ang madla:

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama, at Anak, (†) at Espiritu Santo.


Ang lahat ay tutugon:
Amen

PAGHAYO
Nakadaup ang kanyang mga palad, kanyang sasabihin:
Humayo kayo at mamuhay sa kabanalan ng pagiging binyagan.
Ang lahat ay tutugon:
Salamat sa Diyos!

AWITING PANGWAKAS
ALAY KAPWA

You might also like