You are on page 1of 16

Novena to the Sacred Heart of Jesus

PAGTATANGHAL SA SANTISIMO
O SALUTARIS

O salutaris hostia
Quae coeli pandis ostium
Bella premunt hostilia
Da robur, fer auxilium

Uni trinoque Domino


Sit sempiterna Gloria
Qui vitam sine termino
Nobis donet in patria.

Amen.

ESTASYON MAYOR
Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati

TRISAHIYO SA SANTISIMA TRINIDAD


PANALANGIN

Bayan:

Dumadalangin kami sa Iyo, * Panginoon, alang –alang sa kasaganaan ng banal na


Iglesya * at ng kanyang mga pinuno; * sa ikadadakila ng pananampalatayang katoliko
* at ikalilipol ng mga grehiya; *sa ikapapayapa at ikapagkakasundo * ng mga bansang
kristiyano; *sa ikapagbabalik loob * ng mga kulang o walang pananampalataya * at
mga makasalanan; * sa mga nangagsisipaghingalo at nagsisipaglakbay; *sa mga
kaluluwang banal sa purgatory; * at sa iba pang banal na adhika * n gaming Inang
Iglesya. * Siya nawa.
Bayan:

Purihin nawa * ang mga banal at nagkakaisang Trinidad, * ngayon at kailanman * at


magpasawalang hanggan. * Siya nawa.

Pinuno:

Buksan Mo, Panginoon, ang mga labi ko.

Bayan:

At pupurihin ka ng aking tinig.

Pinuno:

Diyos ko, ako’y Iyong pakinggan.

Bayan:

At dagli mo akong tulungan.

Pinuno:

Luwalhati sa Ama, Luwalhati sa Anak, Luwalhati sa Espiritu Santo, magpakailanman.


Siya Nawa.

PAGSISISI

O Napaka-maibiging Diyos * tatlo sa pagka-persona at iisa sa Pagka-Diyos. * Ama,


Anak at Espiritu Santo, * na aking sinasampalatayanan, pinanaligan at iniibig ng
buong puso, * katawan at kaluluwa, * pangdamdam at sangkap ng katawan * sapagkat
Kayo ang Ama ko, * Panginoon ko at Diyos ko * na walang hanggan ang kagalingan
* at dapat ibigin sa lahat ng bagay. * Pinagsisisihan ko * Kasantu-santusang Trinidad;
pinagsisisihan ko * napakamaibiging Trinidad * ang pagkakasala ko * alang-alang
lamang sa Inyo * Nagtitika ako at nangangako * na di na muling magkakasala sa Inyo
* at mamamatay na muna bago magkasala. *Umaasa ako sa lubos Ninyong
kagalingan * at walang hanggang kaawaan * na patatawarin Ninyo sa lahat ng aking
mga kasalanan * at pagkakalooban ng biyayang ipamamalagi * sa isang tunay na
pagsinta * at maalab na pamimintuho * sa Inyong kailanma’y lubhang kaibig-ibig na
Trinidad. * Siya nawa.
PANALANGIN SA AMA

O Amang walang hanggan * na maliban sa Iyo * ay wala na akong nakikita pang


ibang bagay * kundi kalungkutan at kagalingan. * At kung hindi totoo * ay magsabi
ang sinumang sumusunod sa karangyaan; * wika ng makamundo * na ang kanyang
ligaya ay ang magtamasa ng mga kasayahan; * wika naman ng mapanghangad * na
ang kanyang ligaya ay ang magpasasa ng kanyang kabantugan; *ngunit ako ay hindi
magsasawang ulit-ulitin, * kasama ng inyong mga propeta * at apostol * na ang tangi
kong kaligayahan * ang aking kayamanan at luwalhati * ay ang makiisa sa aking
Diyos, * at manatiling kapiling Niya * magpakailanman. * Siya nawa.

(Magdasal ng 1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria at 9 siyam na ulit na dasalin ang
mga sumusunod)

Pinuno:

Santo, Santo, Santo, Poong Diyos ng mga hukbo; Punong-puno ang langit at lupa ng
Kaluwalhatian Mo

Bayan:

Luwalhati sa Ama, Luwalhati sa Anak, Luwalhati sa Espiritu Santo.

PANALANGIN NG ANAK

O Katotohanang walang hanggan * na maliban sa Iyo * ay wala akong natagpuan *


kundi mga daya at kasinungalingan! * O gaanong ang lahat ay nagiging bulaan * sa
aking palagay, * sa pagkamalas ko * sa Inyong mga pang-akit! * O gaanong
nawawalang saysay * sa akin ang mga pangungusap ng tao * kung ihahalintulad * ang
mga salitang nagbibigay buhay * na Iyong ginagamit * sa pakikipag-usap sa puso * ng
sa Iyo ay nakikinig! * Ah, kalian kaya sasapit ang sandaling * ako’ Iyong
pakikiharapan * ng walang sagabal at kakapanayamin ng hayagan * sa sinapupunan
ng Iyong kaluwalhatian. * O anong paghaharap! Anong kagandahan! * Anong
kaliwanagan!

(Magdasal ng 1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria at 1 beses ang sumusunod)

Pinuno:

Santo, Santo, Santo, Poong Diyos ng mga hukbo; Punong-puno ang langit at lupa ng
Kaluwalhatian Mo.
Bayan:

Luwalhati sa Ama, Luwalhati sa Anak, Luwalhati sa Espiritu Santo.

PANALANGIN SA ESPIRITU SANTO

O Pag-ibig! O biyaya ng kataastaasan. * Bukal ng mga katamisan at kaligayahan * ng


mismong Diyos! * Anong kaakit-akit para sa isang kaluluwa * ang mapasailalim ng
iyong kabutihan * at mapuno ng Iyong di masayod na mga kaaliwan! * Ah mga
mandarayang kasiyahan! * Papaano kayo makatutulad * sa pinakaimbi ng mga
katamisan. * Isang Diyos na kung nais, * ay marunong magkaloob * sa isang
kaluluwang tapat. * O kung ang isang patak lamang Niya ay napakasarap, * gagaano
pa kaya kung Inyong padadaluyin ito * na tulad ng isang daloy * na walang sukat at
walang tila? * Kailan kaya mangyayari ito, * O Diyos ko, * kalian kaya?

(Magdasal ng 1 Ama Namin, 1 Aba Ginoong Maria at 1 beses ang sumusunod)

Pinuno:

Santo, Santo, Santo, Poong Diyos ng mga hukbo; Punong-puno ang langit at lupa ng
Kaluwalhatian Mo.

Bayan:

Luwalhati sa Ama, Luwalhati sa Anak, Luwalhati sa Espiritu Santo.

ANTIPONA

Ikaw, Diyos Amang walang pinagmulan.

Ikaw, Anak na bugtong, Ikaw, Espiritu Santong mapag-aliw.

Santo at di mangyayaring magkahiwalay na Trinidad

Ay buong puso naming ipinagbabantog,

Pinupuri at pinagdiriwang magpasawalang hanggan.

Siya nawa.

Pinuno:           Ipagbunyi natin ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo
Bayan:             Purihin natin siya at ipagdangal magpakailanman.

PANALANGIN

Panginoong Diyos * na iisa at talo sa pagka-persona, * pagkalooban Mo kaming lagi *


ng Iyong grasya * ng Iyong pagsinta * at nang ipakikinabang naming sa Iyo * upang
sa pana-panahon at kalian man * ay ibigin at ipagdangal Ka namin * na Diyos Ama,
Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo, sa iisang pagka-Diyos, * magpasawalang-
hanggan. * Siya nawa.

PAGSISIYAM SA MAHAL NA PUSO NI HESUS


PANALANGIN SA ARAW ARAW

O kaibig-ibig na Puso * ng matamis kong Hesus * na pinagsidlan ng kasantu-


santusang Trinidad * ng walang hanggang kayamanan * ng karunungan at kabanalan;
* buong awa Mong pakinggan * ang aking mga kahilingan * at pagkalooban Mo ako,
* Jesus ko, * ng isang pusong katulad sa Iyo * upang marapat kong gantihin * ang
walang kahulilip na pagmamahal na ipinamalas Mo sa akin. * Mapagbayaran ko ang
mga nakaraan kong pagkukulang, * at sa pamamagitan ng kalinis-linisang puso ni
Maria * ay matamo ko * ang hinihiling ko sa pagsisiyam na ito, * kung tungo sa
lalong kapurihan ng Diyos * at kabutihan ng aking kaluluwa. Siya nawa.

UNANG ARAW

*(Dasalin ang Panalanging ukol sa bawat araw ng Pagsisiyam)

Kabanal-banalang Tagapamagitan ng tao, * Kristo Hesus, * na sa pagkakabayubay


Mo sa krus * at sa pagkakalagay Mo * sa pagitan ng Langit at Lupa, * sa pagsunod
mo sa mg a utos * ng Iyong Ama sa langit * ay tiniis mo ang pinakadustang
kamatayan * upang ipagkaloob sa amin * ang buhay na walang hanggan, * at
minarapat Mo * na ang isang sibat * ay magbukas sa Puso Mo * ng isang pinto na
mapapasukan * ng mga magnanasang maligtas * sa sigwa ng kasamaang nag-
uumapaw sa mundo; * mapagkumbabang isinasamo ko po sa Inyo * na tanggapin
Ninyo ang lahat ng tao * sa loob ng Inyong Pusong kabanal-banalan, * tahanan ng
kapayapaan at kalusugan, * at doon ay ipalasap Ninyo sa amin * ang lahat ng
kaaliwan * na Inyong inihanda sa mga nagmamahal sa Inyo. Siya nawa.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Puso kay Sta
Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Magsikap sa pagkakawang-gawa at pagmamahal sa mga kaluluwa at gawin ang lahat


ng ito alang-alang kay Hesukristo, at pagsikapan ang pagbabalik-loob ng isang
makasalanan.

IKALAWANG ARAW

Katamis-tamisang Hesus ko, * sagisag ng kapatawaran at tagapag-bayad ng aming


pagkakasala. * Isinasakit ng loob ko, * Panginoon, * na gunam-gunamin ang iyong
maawaing puso * na naglulumo sa pagkakita * na ang mga tao * ay niwawalang
halaga ang iyong Kamahal-mahalang Dugo. * Iwalay Mo sila, * Hesus ko, * sa
kanilang mga maling landasin. * Bihagin Mo silang lahat sa Inyong Mahal na Puso *
at sa kaningasan ng pag-ibig nila sa Iyo. * Kamuhian nawa nila ang kanilang
kasamaan, * at pagbayaran ang kanilang kahinaan, * at kalamlaman ng pag-ibig * sa
pamamagitan ng Pagmamahal sa Iyo, * pagpupuri at paglilingkod sa iyo * ng tapat sa
lahat ng araw ng kanilang buhay. * Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Puso kay Sta
Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at lagging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan
Gumawa ng anumang pagbabayad-puri, tulad ng pagdalaw sa Santisimo Sakramento,
pagbibigay ng mabuting halimbawa at paggawa ng isang pagpapakasakit.

IKATLONG ARAW

O Hesus ko, * tunay na taga-samba ng Kataas-taasang Kamahalan, * na nagturo sa


amin na manatili sa pananalangin * sa gitna ng mga paghihirap * sa halamanan ng
Hetsemani. * Hinihiling ko po, Panginoon, * sa pamamagitan ng mga pakinabang* ng
Inyong Kamahalmahalang Puso, * na turuan Ninyo akong manalangin * at manatili sa
pananalangin * kahit na wala sa loob ko, * labag sa loob ko, * at mabigat sa loob ko
ang manalangin. * Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,


pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Puso kay Sta
Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Magparaan ng 15 saglit (minuto) sa pananalanging matahimik o hayag man sa harap


ng Santisimo Sakramento o anumang larawan ni hesus.

IKA-APAT NA ARAW

O Kaibig-ibig na Hesus! * Alang-alang sa maalab na ningas ng pag-ibig * na nag-


uumapaw sa Iyong Puso sa Belen, * sa huling hapunan, at sa Kalbaryo, * buong
pagmamahal kong hinihiling * na sa papagningasin ang isang titis * ng Banal na Pag-
ibig na iyan sa Puso ko * upang mag-alab ang dibdib ko * sa pagnanasa sa
Kaluwalhatian ng Diyos * at kaligtasan ng tao. * Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Puso kay Sta
Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.


Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Sikapin ang kalinisan ng kaluluwa at katawan upang tayo ay maging marapat na


dambana ng Espiritu Santo. Gumawa ng mga hibik ng pag-ibig sa Diyos.

IKA-LIMANG ARAW

O Banal na Guro ng mga kaluluwa, * Kristo Hesus, * na upang turuan kaming


gumawa at sumunod * ay minarapat Mong tumalima * ng maraming taon * kay Jose
at kay Maria * at naging ulirang manggagawa * bilang isang anluwage; * ipagkaloob
Mo sa akin; * alang-alang sa mga kapakinabangan ng Iyong Maamong Puso, * ang
biyayang matutuhan kong manalangin, gumawa at mabuhay * ng masunurin sa aking
mga pinuno * sa lahat ng kanilang ipinag-uutos * ayon sa Iyong Banal na batas. *
Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Puso kay Sta
Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Buong kapakumbabaang sundin at galangin ang inyong mga pinuno.

IKA-ANIM NA ARAW

O maamong kordero * na binagsakan ng mabalasik na patalim * ng katarungan ng


Diyos Ama dahil sa aming kasalanan! * O Hesus ko, sagisag ng walang hanggang
pag-ibig * na inihahandog araw-araw sa aming altar. * Kaanib ng mga
kapakinabangan * ng lahat ng mga banal * at aking Ina, * bilang kabayaran ng aking
mga kasalanan, * ng kalamigan at kapabayaan * ng karamihan ng mga taong
nagpapanggap * na nagmamahal at naglilingkod sa Inyo. * Siya nawa.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus okay Sta
Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Magpasalamat ng mga biyayang tinanggap at maglingkod sa Diyos ng maluwag sa


puso. Magtiis ng anuman alang-alang sa Diyos.

IKA-PITONG ARAW

O Mahal na Hari ng langit, * Kristo Hesus, * na ipinag-kanulo ng taksil na si Hudas. *


Nakiki-anib po ako, Panginoon, * sa kabababaan ng loob na Inyong isinagawa * nang
Inyong hugasan ang mga paa ng lalong imbi * sa lahat ng tao; * at hinihiling ko po sa
Inyo * na pagkalooban Ninyo po ako * ng kababaang loob * at katamisan ng Puso *
upang patawarin ko at ibigin ang aking mga kagalit * at ang mga may masamang nasa
sa akin. * Nawa ay ibigin ko silang lahat * ng buong puso * alang-alang sa pag-ibig
ko sa Inyo. * Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus okay Sta
Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Gumawa ng isang pagpapakababang-loob at sikapin ang pakikipagkasundo sa mga


pinagkasalanan sa pamamagitan ng paghingi ng tawad.

IKA-WALONG ARAW
O Pinakamaawaing Hesus, * na ang iyong buhay ay naging isang pagpapala sa tao *
at hindi Mo pinababayaan * ang pananalangin at pamamagitan * sa iyong Ama sa
langit * sa kanilang kapakanan. * Pakapakinggan Mo, * Mahabaging Puso, * ang
aking mga hiling * at ipagkaloob Mo sa akin ang biyaya na makilala Ka, * ibigin at
sambahin ng lahat ng tao; * at masumpunagan nawa ng lahat * ng dumudulog sa Iyo
na humihingi ng tulong, * sa Iyong pusong maka-Ama * ang kanilang kaaliwan. Siya
nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus okay Sta
Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.

Pinuno:                      

Kabanalan

Buong pusong idalangin ang kaligtasan ng mga tao at ang kapayapaan ng mga
kaluluwa sa Purgatoryo alang-alang sa mga pakikinabang ng puso ni Hesus.

IKA-SIYAM NA ARAW

O Kabanal-banalang Hesus, * na nagmahal ng labis sa tao at minarapat ipahayag sa


amin * ang Inyong Pusong Kaibig-ibig * na naliligiran ng koronang tinik, *
napaimbabawan ng isang krus, * at pinaglagusan ng isang sibat * upang makilala
namin ang dalisay Mong Pag-ibig. * Ipagkaloob Mo sa akin, * Hesus ko, * ang
biyayang samantalahin ko * ang kayamanang iyan * at sa Kaniya at dahil sa Kaniya
ay ibigin, * sambahin at purihin kita * magpasawalang-hanggan. * Siya nawa.

(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at luwalhati ng 3 tatlong ulit,
pakundangan sa tatlong palatandaan ng hirap na ipinamalas ng Mahal na Pus okay Sta
Margarita Maria Alacoque.)

Pinuno:           Puso ng aking kaibig-ibig na Mananakop.

Bayan:             Itulot Mo na mag-alab at laging maragdagan ang pag-ibig ko sa Iyo.

Pinuno:                      
Kabanalan

Sikaping mapalaganap ang pamimintuho sa Mahal na Puso ni hesus at akitin ang


sinuman upang maanib sa Apostolado ng Panalangin.

HULING PANALANGIN ARAW ARAW SA AMANG WALANG HANGGAN

O Ama ng kaawaan * at Diyos ng kaaliwan! * Kahi’t dukha at di marapat dahil sa


aking mga kasalanan, * ay nangahas po akong lumagay * sa harap ng Inyong
kamahalan * upang ihain sa Inyo ang pusong banal * ng Inyong mahal na Anak, * na
sa Kaniya at dahil sa Kaniya, * ay iniibig at sinasamba po Kita * sa ngalan ng sa Inyo
ay hindi nagmamahal * at hindi sumasamba* bilang isang Ama at isang Diyos; * sa
kaniya at dahil sa Kaniya * ay nais kong magbayad-puri sa mga pag-alipusta, * paglait
at kalapastanganan ng tao * sa Santisimo Sacramento ng Alatar; * Sa Kaniya at dahil
sa Kaniya * ay nais kong pagbayaran sa Inyong kamahalan * ang lahat ng
pagkakautang ng lahat ng tao; * sa Kaniya at dahil sa Kaniya * ay inihahain ko ang
lahat ng kapakinabangan * ng mga banal * at ng mga kaluluwang tinubos * ng
Kamahal-mahalang dugo ni Hesus. * Huwag Ninyong itulot, * Amang kaibig-ibig, *
na mapahamak kailanman * ang kahit isang kaluluwa * sa mga tumatawag at
dumudulog sa Inyo * sa pamamagitan ng Mahal na Puso * ng Kaibig-ibig Ninyong
Anak. * Sa Kanyang pamamagitan ay hinihiling ko sa Inyo, * Diyos ko, *  ang
pagbabalik-loob ng mga kulang sa pananampalataya, * ang pagkabawas ng bilang ng
mga di nananalig, * ang kaligtasan ng mga makasalanan, * ang pananatili ng mga
banal, * ang kasaganaan ng Iglesya Katolika, * ang kapayapaan at pagkakasundo ng
mga bayang Kristiyano, * at ang kabanalan ng lahat ng tao. * Inihahain ko rin sa
Inyong kamahalan * na nakapaibabaw sa Puso * ng inyong Bugtong na Anak ang
Inyong mga alipin * at ang mga adhikain ng aking puso. *

(Dito ay banggitin ang mga taong nais na idalangin sa Kamahal-mahalang Puso


ni Hesus at tuloy hilingin ang mga biyayang nais makamtan sa pagsisiyam na
ito.)

Hinihiling ko po sa Inyo, * Diyos ko, * na pagkalooban Ninyo kaming lahat * ng


isang pusong maamo * at mababang-loob * at sa lahat ng bagay * ay tulad ng kay
Hesus; * puspusin Ninyo kami, * Panginoon, * ng inyong Banal na diwa; * panatilihin
Ninyo kami sa Inyong piling * at pagkaloob sa akin ang hinihiling ko sa inyo * sa
pagsisiyam na ito * kung tungo sa lalong kapurihan ng Diyos * at kabutihan ng aking
kaluluwa. * Siya nawa.
LITANYA SA KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Pinuno:            Panginoon, maawa ka sa amin.

Bayan:             Panginoon, maawa ka sa amin.

Pinuno:            Kristo, maawa ka sa amin.

Bayan:             Kristo, maawa ka sa amin.

Pinuno:            Panginoon, maawa ka sa amin.

Bayan:             Panginoon, maawa ka sa amin.

Pinuno:            Kristo pakinggan mo kami.

Bayan:             Kristo pakinggan mo kami.

Pinuno:            Kristo pakapakinggan mo kami.

Bayan:             Kristo pakapakinggan mo kami.

Amang Walang Hanggan, Diyos ng Sangkalangitan *(Maawa ka sa amin)

Anak na tumubos sa mundo, Diyos na totoo, *

Diyos Espiritu Santo, *

Santa Trinidad na iisang Diyos, *

Puso ni Hesus, Anak ng Amang Walang Hanggan, *

Puso ni Hesus, na nilalang ng Espiritu Santo sa tiyan ng isang Birhen, *

Puso ni Hesus, Anak ng Amang Walang Hanggan, *

Puso ni Hesus, na nalangkap na lubos sa verbo ng Diyos, *

Puso ni Hesus, na walang hanggan ang Kamahalan, *


Puso ni Hesus, Banal na Templo ng Diyos, *

Puso ni Hesus, Tabernakulo ng Kataasang Diyos, *

Puso ni Hesus, Bahay ng Diyos at Pinto ng langit, *

Puso ni Hesus, maalab na hurno ng pag-ibig, *

Puso ni Hesus, balong malalim ng lahat ng Kabanalan, *

Puso ni Hesus, na Karapat-dapatan sa lahat ng Pagpupuri, *

Puso ni Hesus, na Pinagkakapisanan ng Dilang kayamanan ng karunungan at


kaalaman, *

Puso ni Hesus, na tinatahanan ng buong Pagka-Diyos, *

Puso ni Hesus, na lubhang kinalulugdan ng Ama, *

Puso ni Hesus, na sa Iyong kasaganaan ay nakikinabang kaming lahat, *

Puso ni Hesus, na pinagnaisan ng mga burol na walang hanggan, *

Puso ni Hesus, na matiisin at lubhang maawain, *

Puso ni Hesus, Kayamanan ng tanang tumatawag sa Iyo, *

Puso ni Hesus, Bukal ng kabuhayan at kabanalan, *

Puso ni Hesus, Panglubag ng galit ng Diyos dahil sa aming kasalanan, *

Puso ni Hesus, na tigib ng karuwahaginan, *

Puso ni Hesus, na nagkawindang-windang dahil sa aming mga kasalanan, *

Puso ni Hesus, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, *

Puso ni Hesus, na Pinaglagusan ng isang sibat, *

Puso ni Hesus, Batis ng dilang kaaliwan, *


Puso ni Hesus, buhay at pagkabuhay naming magmuli, *

Puso ni Hesus, handog dahil sa aming kasalanan, *

Puso ni Hesus, Kagalingan ng mga nananalig sa Iyo, *

Puso ni Hesus, Pag-asa ng lahat ng namamatay sa Iyong grasiya, *

Puso ni Hesus, Ligaya ng lahat ng mga santos, *

Pinuno:            Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan,

Bayan:             Patawarin Mo po Kami, Panginoon namin.

Pinuno:            Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan,

Bayan:             Pakapakinggan mo po kami, Panginoon namin.

Pinuno:            Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng santinakpang,

Bayan:             Kaawaan mo po kami, Panginoon namin.

Pinuno:            Hesus, maamo at mababang loob.

Bayan:             Gawin Mo na ang Puso namin ay matulad sa Puso Mo.

PANALANGIN

Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, * lingapin Mo po * ang puso ng Iyong


lubhang masintahing Anak * at ang mga pagpupuri at kabayarang inihain sa iyo * sa
ngalan ng mga makasalanan, * at ipagkaloob mong malumanay * ang kapatawaran sa
mga nagmamakaawa sa Iyo * sa ngalan din ni Hesukristong Anak Mo, * na kasama
Mong nabubuhay at naghahari * sa kasamahan ng Diyos Espiritu Santo, *
magpasawalang hanggan. * Siya nawa.

PAGBABAYAD-PURI

Purihin ang Diyos


Purihin ang Kanyang Santong ngalan

Purihin si hesukristo, Diyos na totoo at tao namin totoo

Purihin ang Ngalan ni Hesus

Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Puso

Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalng Dugo

Purihin si Hesukristo sa Santisimo Sakramento sa Altar

Purihin ang Espiritu Santo ang Mang-aaliw

Purihin ang dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima

Purihin ang Santa at di narungisang paglilihi sa Kaniya

Purihin nawa ang maluwalhating pag-aakyat sa kanya sa Langit

Purihin ang Ngalan ni Maria, Birhen at Ina

Purihin si San Jose na kanyang kalinis-linisang esposo

Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at Kanyang mga santo

Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo, kapara ng sa unang-una ngayon at


magpakailanman at magpasa walang hanggan. Siya nawa. (3 ulit)

Sabay sabay kantahin:

O Sacred Heart, O Heart divine

O Sacred Heart, O Heart divine

Do keep us near to thee

And make our love so like to Thine


That we may Holy be

Refrain:

Heart of Jesus hear

O heart of love divine

Listen to our prayer

Make us always Thine

O temple pure, O house of gold

Our heaven here below

What sweet delight

What wealth untold

From Thee do ever flow

Heart of Jesus hear

O heart of love divine

Listen to our prayer

Make us always Thine


Advertisements

You might also like