You are on page 1of 1

1.

Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen


Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen o Pagkokorona kay Maria ay isang paksa ng
Kristiyanong sining na naging popular noong ika-14 hanggang ika-15 siglo lalo na sa Italya, subalit
nagpatuloy pa rin ang pagkapopular nito hanggang ika-18 siglo. Si Kristo, kung minsa'y
sinasamahan ng Diyos Ama at ng Espiritu Santo sa anyo ng isang kalapati ay nagpuputong ng
korona sa ulo ni Maria bilang Reyna ng Langit. Sa mga naunang bersiyon, ang tagpo ng Langit ay
tila'y nasa korte na pinaliligiran ng mga anghel at mga banal; sa mga kalaunang bersiyon, ang Langit
ay karaniwang makikitang nasa kaulapan, na may mga nakaupo sa ulap. Mahalaga rin ang paksa
dahil malimit nitong ipinapakita ang buong Kristiyanong Santatlo na magkakasama, at kung minsa'y
sa di-karaniwang paraan. Bagaman makakikita ang mga kinokoronahang Birhen sa iconograpiya
sa Silanganing Ortodoksiya, hindi makakikita ng diyos na nagpuputong ng korona. Minsa'y
ipinapakita si Maria sa kapwa Silanganin at Kanluraning sining na kinokoronahan ng isa o dalawa
pang anghel, ngunit ito'y itinuturing na magkaibang paksa.
Naging bahagi ang paksa sa pangkalahatang paglaganap ng debosyon kay Maria noong sinaunang
panahong Gothic, at isa sa pinakakaraniwang paksang nakaligtas sa ika-14 na siglong pagpipinta sa
Italya, karamihan sa mga ito'y ginagamit sa mga tagilirang-altar ng mga simbahan. Ang higit na
bilang ng mga Katolikong simbahan ay may o nagkaroon ng mga tagilirang-altar o "Lady chapel" na
handog kay Maria. Ang paksa ay karaniwan pa ring isinasadula sa mga ritwal o popular na
prusisyong medyebal, bagaman ang pagpuputong ng korona ay ginagampanan ng mga tao.
Nagkaroon ng pagsang-ayon ng Papa ang paniniwalang si Maria ang Reyna ng Langit noong
Oktubre 11, 1954 sa ensiklikang Ad caeli reginam ni Papa Pio XII.[1][2] Ito rin ang ikalimang Misteryo
ng Luwalhati ng Rosaryo. Ipinagdiriwang sa Simbahang Katolika Romana ang kapistahan nito
tuwing Agosto 22, kung kailan pinalitan nito ang dating oktaba ng pag-aakyat sa Langit kay
Maria noong 1969, isang hakbang na ginawa ni Papa Pablo VI. Dating ipinagdiriwang ang
kapistahan tuwing Mayo 31, sa pagwawakas ng buwan ni Maria, kung kailan ginugunita na ng
kasalukuyang pangkalahatang kalendaryo ang Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birhen kay
Elizabeth.

2. Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen bilang Reyna ng Langit at Lupa


Ang tagpo ay ang huling kaganapan sa Buhay ng Mahal na Birhen, at kasunod ng kaniyang pag-
aakyat sa langit — hindi pa dogma noong mga Gitnang Panahon — o Paghimbing. Matatagpuan sa
Bibliya sa Awit ng mga Awit (4:8), Mga Salmo (45:11-12) at Pahayag (12:1-7) ang batayan nito sa
Bibliya. Pinaliwanag ito sa isang sermong inakalang kay San Jeronimo at ginamit sa mga
karaniwang likhang medyebal gaya ng Legenda aurea at ng iba pang manunulat. Ang titulong
"Reyna ng Langit", o Regina Coeli, para kay Maria ay mula pa noong ika-12 siglo.
Nagkaroon ng pagsang-ayon ng Papa ang paniniwalang si Maria ang Reyna ng Langit noong
Oktubre 11, 1954 sa ensiklikang Ad caeli reginam ni Papa Pio XII. Ito rin ang ikalimang Misteryo ng
Luwalhati ng Rosaryo. Ipinagdiriwang sa Simbahang Katolika Romana ang kapistahan nito tuwing
Agosto 22, kung kailan pinalitan nito ang dating oktaba ng pag-aakyat sa Langit kay Maria noong
1969, isang hakbang na ginawa ni Papa Pablo VI. Dating ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing
Mayo 31, sa pagwawakas ng buwan ni Maria, kung kailan ginugunita na ng kasalukuyang
pangkalahatang kalendaryo ang Kapistahan ng Pagdalaw ng Mahal na Birhen kay Elizabeth.

You might also like