isang institusiyon sa Gitnang Panahon, 2.Holy Roman Empire 3. Ang paglunsad ng mga Krusada, Buhay sa Europe noong Gitnang Panahon. a.Pagbagsak ng Imperyong Roman b. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan c. Pamumuno ng mga Monghe ay isang pangkat na tumatalikod sa makamundong pamumuhay at naninirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. d. Uri ng Pamumuno sa Simbahan Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konsehong Nicea na kaniyang tinawag Papa Leo the Great (440- 461)
Binigyang-diin niya ang
Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Papa Gregory I Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong kanlurang Europe. Papa Gregory VII
-naganap ang labanan ng
kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany. Holy Roman Empire Charles Martel,- Isa sa mga mayor ng palasyo -nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe. Pepin the Short - ang unang hinirang na hari ng France. Charlemagne o Charles the Great,anak ni Pepin -isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval Period. - kinoronahan siyang emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire). Louis the Religious Hindi nagtagumpay ang pagsisikap nitong mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika. Nang mamatay siya, hinati ng kaniyang tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun noong 841. Napunta kay ang France; kay Charles the Bald, Louis the German ang Germany; at ang Italy kay Lothair Ang Paglunsad ng Krusada Nakuha ng mga Muslim ang Jerusalem. Bunsod dito, nanawagan ang Papa ng paglulunsad ng Krusada. Krusada - ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyano laban sa mga Turkong Muslim. Pangunahing layunin nito na mabawi ang banal na lugar na Jerusalem mula sa kamay ng mga Turkong Muslim. Sa panawagan ni Papa Urban II, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang kasalanan; kalayaan sa mga pagka-utang at kalayaan pumili ng fief mula sa lupa na kanilang masakop. Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon Piyudalismo
-ang hari ang nangunguna sa pagmamay-ari
ng lupa. Ngunit hindi niya ito kayang ipagtanggol kaya namamahagi ang hari ng lupa sa mga nobility o dugong bughaw at ang kabayaran nito ay ang pagbibigay serbisyo sa hari. Mula sa ika-9 hanggang ika-4 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa. Kailangan pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari. Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kaniyang kamay sa pagitan ng mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng lord sa vassal, isinasagawa ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief. Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief. Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty. Tatlong pangkat ng Lipunang Europeo 1. Mga Pari Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang kanilang posisyon dahil hindi sila maaaring mag-asawa. 2. Mga Kabalyero
Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng
pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mananakop. 3. Serf- Nakitira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan lamang ng hayop ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon ng walang bayad. Makakapag-asawa lamang ang isang serf sa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng kanyang gamit, pati na ang kaniyang anak ay itinuturing na pag-aari ng panginoon. Wala silang maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon. Ang guild ay samahan ng mga taong nagtatrabaho sa magkatulad na hanapbuhay. Mayroong Merchant Guild, samahan ng mga mangangalakal at, at Craft guild na samahan naman ng mga artisan. Halimbawa, ang mga karpintero, barber, panadero, sastre, at iba pang hanapbuhay ay may sariling guild