You are on page 1of 5

Modyul 1:

Kabihasnang Greek

Heograpiya ng Sinaunang Greece

 Sa kabihasnang Greece ay nabuo sa dulo ng timog Balkan na binubuo ng mga pulo, watak-
watak mabato at mabundok na ilang mga lugar, na walang malalawak na Patag na lupain
upang pagsakahan ng mga sinaunang Griyego, kaya’t naibaling ang kanilang atensyon sa
pagiging mga mandaragat..o pagiging mga mangangalakal sa laot na nandarayuhan hanggang
Rome.
 Sa Crete Sumibol ang sinaunang Kabihasnang Minoan at gayun din ang mga Mycenaean.
 Ang Pag-unlad ng kalakalan sa Crete ng mga Minoan at Mycenean, ang dahilan ng pagkalat ng
mga produkto nito na siyang pag-yaman ng Ekonomiya nito sa Greece lalo na ang pagiging
maimpluwensya nito na nagbunsod sa paglaganap ng Kulturang Helenistiko.
 Pakikipagkalakalan ang pangunahing pinag-unlad ng mga sinaunang Griyego tulad ng Minoan.
 Lahat ng Polis sa Greece ay maituturing na mga lungsod estadong may sariling Kabihasnan,
pagkakakilanlan at pamahalaan. Dito Naitatag ang mga maliliit na kabihasnan sa Greece na
may malalawak na sakahan at kapatagan. Nakilala dito ang pag-unlad na Sparta bilang
Militariskikong Lungsod estado at Athens bilang Demokrasyang lungsod Estado.

Mga Pangyayari sa Kabihasnang Greek

Panahong Hellenistic

 . Ang Kulturang Helenistiko, ay pinagyaman ng mga sumusunod na Kabihasnang Minoan,


Mycenaean, Sparta at Rome na nagpamana ng Kaunlaran sa Daigdig.

Mga Kontribusyong Greek

Modyul 2:

Kabihasnang Rome

Heograpiya ng Italy at Rome

. Ang Italy ay isang peninsula na nakausli sa dagat na binubuo din ng maraming kabundukan at ilang
kapatagan. Ito’y hugis Bota “Italus” ang tawag kaya’t dito nabuo ang pangalang Italy. Sa latium Plain
itinatag ng mga Latino malapit sa Ilog Tiber.

Sinaunang Rome

 Malapit sa Ilog Tiber sumibol ang sinaunang Kabihasnang Rome mula din sa Kwento ng
maalamat na magkapatid na Romolus at Remus.
 Sa Latium Plain sumibol ang Kabihasnan ng Rome na itinatag ng mga Latino na sinakoip at
pinamunuan ng mga Etruscan sa pamumuno ni Taquinius Superbus.

Republika ng Rome

 Pataksil na pinaslang ng ilang mga Romanong senador si Julius Caesar dahil sa siya ay
kinainggitan ng mga ito, sa pag-aalalang baka balewalain ni Julius Caesar bilang DiktadorA ng
republika AT hirangin ang sarili na maging Hari.
 Ang pag-paslang kay Julius Caesar ay dahilan ng Inggit at pangamba sa kapangyarihan.
 Sa pagpatay sa kanya, tuwang tuwa ang mga Salarin papalabas ng Republika, at ipagsigawang
patay na ang mapaniil na diktador, ngunit hindi ito ikinatuwa ng karaniwan sapagkat ito’y
hindi totoo.

Mga Kontribusyon ng Sinaunang

Rome Hanggang Republika ng Rome

 Ang mga Plebeian ay itinuturing na mababang uri sa Lipunan ng sinaunang Republika ng


Rome, kaya’t nananahimik na lang ang mga ito sa mga nagagawang batas ng Republika mula
sa Kapangyarihan ng mga mayayamang Patrician.
 Sa sinaunang mga panahon ng Republika, dominante ang mga Patrician na mayayaman, kaya’t
mapapalad lamang ang mga Plebian na kinikilala.
 Dahil naisasantabi ang Kapakanan ng mga Mahihirap na mga Plebeian, Nagmartsa at
nagwelga ang mga Plebeian, paalis sa Rome at nakuha nito ang simpatya ng mga Patrician na
sa kalaunan ay upang magawa ang Twelve Tables sa Rome.

Modyul 3:

Kabihasnang Rome: Ikalawang

Bahagi: Imperyong Roman

 Naging dahilan ng Pax Romana Sa Imperyo ng Rome ang mahusay na pamumuno ni Augustus
Caesar na tumagal ng higit 200 taon. Ang Rome ay naging payapa, maginhawa mula sa
karaniwang lugar at naging pinakamaunlad sa Europa noon
 . Lumaganap ang 12 Tables sa Imperyong Rome.
 Nakamit ng mga Romano ang pantay na pagtingin ng batas sa mga mamamayan mahirap man
o mayaman noong panahong maitatag ang 12 Tables.

Imperyong Byzantine

Mga Kontribusyon ng Imperyong

Roman at Byzantine

* Ang Byzantine ang Bagong Rome sa Kanlurang Europe.


Modyul 4:

Mga Klasikong Kabihasnan sa

Africa, America, at mga Pulo sa

Pacific

Kabihasnan sa Africa

Kabihasnan sa America

Kabihasnan sa mga Pulo ng Pacific

Modyul 5:

Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasiko

Mga Kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasiko

a. Europe

b. America

c. Africa at Pacific

Kahalagahan ng mga Kontribusyon

ng Kabihasnang Klasiko ng Daigdig

Modyul 6:

Ang Europe sa Gitnang Panahon: Pagbabagong Politikal at

Ekonomikal Ang Europe sa Gitnang Panahon (Kalagayang Politikal)

* Noong Panahong Midyibal, nagsimula ang mga pagbabago sa buhay ng mga Europeo mula ng unti-
unting nagwakas ang Dark Ages, dito pina-unlad nila ang Agrikultura kasabay ang pagsasaayos ng
Kalsada, Irigasyon at payak na pagtatanim.

a. Holy Roman Empire


* Ang mga Barbarong Franks ang unang tumanggap ng Relihiyong Kristiyanismo, Sinimulan ni
Charles Martel hanggang manahin ni Charlemagne ang pag-iisa ng mga nagkakagulo-
nagkakawatak na mga teritoryo dulot ng mga nagdaang digmaan matapos mawasak ang
Imperyo ng Rome noong 476 A.D.

b. Piyudalismo
* Lupa ang pinakamahalagang yaman noong Midyibal.

* Pinangangasiwaan ito ng mga Feudal Lord, o panginoong may-ari ng Lupa, na nag gagawad ng
Lupain sa kanyang mga Vassal. Mayroon ding mga Serf na pangkaraniwang mga tagapagsaka ng mga
lupain na inaalipin ng kani-kanilang mga Lord. Payak lamang ang pagtatanim. Hindi pa nila alam ang
mag-tuklas ng mga bagong Sistema ng pagtatanim.

* Sa panahong ito naging mas kilalang makapangyarihan ang mga Lord kaysa sa Hari dahil, ang mga
Lord ang pangunahing nakakasalamuha nito kumpara sa mga marharlika na nasa Palasyo.

Ang Europe sa Gitnang Panahon

(Kalagayang Ekonomikal)

a. Manoryalismo
 Ang Merchant at Guild ay umusbong noong Midyibal.
 Sa panahong ito, lubos na napakikinabangan ang mga Lupainu pang gawing sakahan, Alagaan
ng mga Hayop kung saan nakabatay ang pag-unlad ng nasasakupang teritoryo ng isang Lord o
manor sa mga umuunlad na pangkabuhayang Gawain. Nauso ang Pagbabangko, pag iimpok ng
mga yaman o kinita, lumalaganap na ang kalakalan na pinauuso ng mga Merchant Guild sa
bawat Manor.

Modyul 7:

Ang Europe sa Gitnang Panahon:

Pagbabagong Sosyo-Kultural

Ang Europe sa Gitnang Panahon

(Kalagayang Sosyo-Kultural)

a. Pamumuhay ng mga Europeo

b. Paglakas ng Simbahang Katoliko

* Sa Kristiyanismo, nagkaroon ng kapistahan sa mga lugar, kaarawan, mga araw ng pangilin na naging
dahilan ng pagkakabuo ng Kulturang nakapagpabago sa buhay ng mga Europeo noong Gitnang
Panahon o Medieval Ages dahil sa malalim na pananampalataya’t pagkilala nito.

* Sinasabing ang Simbahan ang naging kanlungan ng mga tao, lalo na ang mga naaapi at hirap sa
pamumuhay dulot ng Dark Ages. Ito ang nagturo sa kanila ng mga Kabutihang Asal- maayos na
moralidad para sa pagbangon ng mga bayan at pag-unlad nito na may impluwensya ng Kulturang
Kristiyano at pagiging maka diyos. Isang huwarang institusyong panlipunan na tinutularan ng halos
lahat ng mga Europeo pagkatapos ng 476 A.D.

c. Paglunsad ng Krusada

* Naganap ang pagbabawal na pumasok ang mga Kristiyano sa Jerusalem dahil sa Pananakop ng mga
Seljuk Turks. Dito nag lungsad ng Krusada ang Kristiyanismo upang bawiin ang mga nasakop na banal
na lungsod.

You might also like