You are on page 1of 7

INTERWORLD COLLEGES FOUNDATION INC.

BURGOS ST., PANIQUI, TARLAC

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan – 8

I. Layunin:
a. Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon
 Politikal (Ptudalismo, Holy Roman Empire), Ekonomiya
(Manoryalismo, Sosyokultural( Paglakas ng Simbahang Katoliko,
Krusada)
b. Napagkukumpara ang Rome at Greece sa kasalukuyang sibilisasyon ngayon
c. Makakasagawa ng malikhaing sining patungkol sa Relihiyon

II. Paksang- Aralin:


a. Paksa: Middle Ages sa Europe
b. Sanggunian: MELC’s, Kasaysayan ng Mundo, Internet
c. Kagamitan: Mga Larawan at Powerpoint presentation

III. Pamamaraan:
a. Pagbati
b. Pagtala ng lumiban sa klase
c. Pagganyak:

HULAAN MO AKO!

Panuto: Gamit ang nasa ibabang larawan sagutin at ayusin ang letra ng tamang sagot.

KRAD EAGS

LASTEC

OROMAN
d. Pagtalakay sa Paksa:

MIDDLE AGES SA EUROPE

Panimula
Ang pagbagsak jng Imperyong Romano ang hudyat ng pagtatapos ng sinauna at klasikal
na kabihasnan ng Europe sa Mediterranean at ang pagsisimula naman ng Middle Ages o Panahong
Medieval. Tinatayang mula kalagitnaan ng AD 400 ang simula nito hanggang sa 1300. Tinatawag ito ng
iba na Dark Ages dahil sa mga pananalakay ng mga Tribong Germanic sa Imperyong Romano at sa
pagkakaantal ng pagsulong kultura Europe. Ngunit ang Dark Ages ay hindi ang kabuoan ng Middle Ages.
Ang ganitong paglalarawan ay tumutukoy lamang sa unang bahagi ng Middle Ages, sapagkat sumiglang
muli ang kalakalan ng komersiyo ng Europe sa ohuling bahagi nito. Naipamalas ang isang mayamang
kabihasnang may pinagsamang katangiang taglay ng Kristiyanismo, kulturang Griyego Romano, at
tradisyon ng mga tribong Germanic. Nagkaroon ng pagbabago sa pamamahala at paraan ng pamumuhay .
Umusbong ang mga siyudad at gitnang-uri ng tao sa lipunan. Nakapagtatag ang Europe ng malaks ng
kaharian.

Pagtatalakay
MGA PANGYAYARI MATAPOS BUMAGSAK ANG IMPERYONG ROMANO
Amalaking bahgi ng Europe mula sa taong 300
at 400 ang sinalakay ng mga tribong
Germanic/Aleman. Ito ay isa sa mga dahilan ng
paghina ng Imperyong Romano. Ulnti- unting
nakapasok ang mga Tribong Germanic sa hangganan
ng Imperyo sa Rhine River at sa Danube River, at
nakihalubilo sila sa mga naninirahan doon. Nagkaroon
pa sila ng pagkakaotaong pamunuan ang lugar na ito.
Ito ang nagbigay daan sa pagkakahati ng mga imperyo
sa maliliit na kaharian. Nakuha ng pangkat ang mga
Anglo-Saxon sa Britannia na kilalang Great Britain
ngayon. Ang mga Frank naman ay nakuha naman ay
nakha ang hilagang bahagi ng Gaul (France). Ang Iberian Peninsula at ang South Gaul (Sapin at Portugal)
ay sinalakay ng mga Visigoth. Ang Italy ay sinalakay ng mga Ostrogoth. Dahil dito, nakasalalay ang
kapangyarihan sa mga kamay ng mga pinunong local ng Tribong Germanic.
UNAWAAN NG PAMAHALAAN AT SIMBAHAN
Nakita ni Charles Martel ang tagumpay ng mga misyonaryong Benidictine sa pagpapalaganap ng
mga Kristiyanismo. Dahil dito, nakipagtulungan sya sa Simbahang Romano upang mapatatag ang
kanyang kapangyarihan. Ang alyansa ng dalawa ay naipagpatuloy ng anak niyang si Pepin the Short.
Nangako ang serbisyong militar ang pamahalaan sa mga lugar kung saan ipapakilala ang Kristiyanismo.
Noong panahong iyon, ang Simbahang Katoliko ay nahahati sa dalawa – ang Simbahang Romano at
Simbahang Byzantine na kilala bilang Orthodox. Nang bumagsak ang Imperyong Romano, ang Papa ay
nasa ilalim ng kapangyarihang emperador at pinuno ng Simbahan ng Constantinople (Turkey), ang
kabisera ng Imperyong Byzantine. Nganing magkaiba ang pinaniniwalaan ng mga pinuno ng simbahan at
higit na kumiling ang Simbahang Romano sa mga Lider ng Europe.

ANG SIMBAHAN NOONG MIDDLE AGES


Ang mga tunog ng mga kampana sa mga
kapilya ay naghuhudyat ng oras ng pagdarasal ng
isang pamayanan. Hudyat naman ang mahabang
tunog ng kampana ng nagbabantang pagatake ng
kaaway. Hudyat din ito upang magtago ang mga tao
sa loob ng simbahan o dili kaya ay sa mga lugar na
napapalibutan ng pader para sa kanilang kaligtasan.
Nagging sandigan ng mga tao ang Kristiyanismo sa
panahon ng ligalig lalo na sa unang ,bahagi ng Middle
Ages.
Sa paghina ng Imperyong Romano, ang
tumatayong tagapag-uganay ng mga tao ay ang
Simbahang Katoliko na nagging pangunahing institusyon sa lipunan. Ang mga Paniniwalang inilatag ng
Simjbahan ang nagsilbing gabay sa pamumuhay ng tao. Itinuro din ng Simbahan ang kaligtasan ng
kaluluwa ay matatamo sa pagtalima ng mga turo ng Simbahan at sa pamamagitan din ng mga sakramento.

MGA PINUNO NG SIMBAHAN


Bilang isang instutusyon at samahang binubuo ng mga tao, ang Simbahan ay pinangangasiwaan
ng mga pinuno. Pinakamataas sa mga ito ang Santo Papa, na sinusundan ng mga kardina na syang
naghahalal sa kanya. Nasa ilalim ng cardinal ang mga Obispo. Ang Obispo naman ang gumagabay at
namamahala sa mga pari ng distrito nito.
Ang Santo Papa ang kinikilalang pinuno ng Simjbahang Katolio. Naniniwala ang mga Katoliko
na namana ng mga Santo Papa kay San Pedro, ang unang obispo ng Rome , ang responsilidad sa
paggabay sa mga tao. Nagsimulang maging matatag ang Simbahan nang kilalanin ng Imperyong Romano
ang Kritiyanismo. Nagkaroon ito ng maraming tagasunod at nakakuha ng malalaking lupain na pag-aari
nito. Naging sentro din ito ng edukasyon at kalinangan ng klasikal na kulturang Griyego at Romano.

MGA MONGHE AT MADRE


Ang Kristiyanismo ang bokasyong espirituwal na pinili ng mga monghe at madre. Ang mga
monghe ay nakatira sa isang pamayanang tinatawag na monasteryo, samantalang angmga madre ay
nakatira sa madre. Ang mga monasteryo ay naging sentro ng kaalaman. May silid-aklatan ang mga ito at
mayroon ding lugar para sa paggawa ng libro.
Ang mga aklat ng mga Griyego at Romano ay iningatan ng mga monghe at madre sa
pamamagitan ng pakopya at pagsasalin ng mga ito sa wikang latin. Ngunit maraming aklat ang nasunog
nang sumalakay ang mga tribong Germanic.
Nagsilbing ospital at kanlungan ng mga nagugutom at ulila ang mga pamayanan ng mga monghe
at madre. Ang ibang monghe ay ipinadala sa iabng pamayanan o lugar upang magpalaganap ng
Kristiyanismo.

PIYUDALISMO AT MANORYALISMO
Dahil sa kawaln ng sentral na kapangyarihan ng hari at sa pangambang bumabalot sa mga katawan ng
mga tao dulot ng kaguluhan sa Europe sa unang bahagi ng Middle Ages, dalawang sistema ang umusbong
na nagpakita ng ugnayan ng mga tao sa lipunan.

PIYUDALISMO
Sumulpot ang piyudalismo nang ang mga tao ay umasa sa proteksiyong maibibigay ng mga
pinunong karaniwang may-ari ng lupa. Ang mga pinunong ito ayy nagkaroon ng kapangyarihang
mamahala. Ang piyudalismo ay isang politikal na sistema ng pagpapalitan ng obligasyon sa pagitan ng
higit na mataas na lokal na pinuno o nobilidad (lord) at ng maging basalyo (vassal) nito. Pinagkalooban
ng pinuno ang isang basalyo ng lupa o fief. Ang basalyo ay karaniwang galing sa mas mababang antas ng
mga nobilidad. Bilang kapalit magiging tungkulin ng mga basalyo ang mga sumusunod:
1. Magpakita ng katapatan sa pinuno
2. Magkaloob ng serbisyo militar sa pinuno
3. Magsilbing tagapayo o hukom
4. Magbigay ng regalo kapag nag-asawa ang anak na babae ng pinuno
5. Mangolekta ng buwis
6. Magbigay ng ramson o pantubos, kapag binihag ng kalaban ang pinuno.
Kung ilalagay sa isang piramide, nasa tuktok ng imperyo ang hari at sumusunod sa kanya ang mga
nobilidad na nagtatakda ng kanilang basalyo. Ang kapangyarihan ng mga pamahalaan at ang kakayahan
nitong makapagtanggol ng mga tao ay hinati-hati sa mga nobilidad at basalyo.

KABALYERO
May mga madirigmang natatangi ang
pinagdaanang paghahanda at pagsasanay. Sila ay
tinatawag na mga kabalyero o knight. Ang mga matataas
na antas sa lipunan at mga nobilidad lamang ang maaring
maging kabalyero. Magsisimulang magsanay ang isang
lalaki sa edad na pito hanggang sumapit ito sa edadna 21
at tanghaling isang mandirigma. Mayroon syang
sinusunod na kodigo ng pagkamaginoo o chivalry code na
gumagabay sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.
Sa palasyo ang mga kabalyero ay pinaglalaban sa
isang kunwa-kunwariang labanan o paligsahan na kung tawagin ay joust bilang bahagi ng kanilang
kasanayan. May mga pagkakataon ding binabasbasan ng mga pari ang gamit ng isang kabalyero at
ipinagdarasal siya na maipagtatanggol ang naaapi, ang tama at ang matuwid.

MANORYALISMO
Namayani sa mga tao noon ang pangamba sa kanilang kaligtasan mula sa mga taong ibig
magsamantala at sumalakay sa kanilang lugar. Walang kaayusan sa kanilang lugar at hindi nasusunod ang
batas laban sa krimen. Dahil dito nabuo ang isang sistemang pangkabuhayan sa lipunan kung saan
namamagitang ugnayan sa pagitan ng mga may-ari ng lupa ( panginoong piyudal o fuedal Lord) at ng
mga magsasaka. Ang sistemang ito ay ang manoryalismo. Ang mga paisano o magsasaka (serf) ay
nagbubungkal ng lupa kapalit ng paninirahan sa manor at proteksyon laban sa pandarambong. Maging
ang ibang taong nagmamay-ari ng malilit na lupain ay nagpasailalim na rin sa mga may malalaking lupain
sapagkat hindi kayang ipagtanggol ng una ang sariling pamayanan. Bilang kapalit ng proteksyion sa
kanila, inaasahan ang mga paisano at ang ibang alipin na magin tapat sila sa kanilang pinuno at
maglalaan sila ng lakas-paggawa at serbisyong militar.

KRUSADA
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na
inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni
Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng
mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong Muslim
na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem
balak salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong
Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng
Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito
ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni
Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na
maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan;
kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fief” mula sa lupa na kanilang masakop
Unang Krusada Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3000 kabalyero at 12000 na mandirigma sa
pamumuno ng Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na
nabawi ng grupong ito ang Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador
malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang
napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung taon sa
Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.
Ikalawang Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VIIng
Krusada France at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong
ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop
ngDamascus.Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe ay nalunod na si
Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard.
Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga
Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong taon ang
mga Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na
lupain malapit sa baybayin.
Krusada ng mga Noong 1212 isang labin dalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay naniwala na
Bata siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata angsumunod sa kaniya
ngunit karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili
bilang alipin sa Alexandria.

Ikaapat na Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga
Krusada krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara.
Nagalit ang Papa sa ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang “excomunicado”.
Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa Constantinople kungsaan
nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Constantinople at
naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay
napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada
Iba pang Krusada Nagkaroon ng iba pang Krusada noong 1219, 1224, 1228 ngunit lahat ng mga ito ay
naging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land.Sa kabuuan, ang mga Krusada ay pawang bigo,
maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at
pagkatapos nito ay nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.

EPEKTONG DULOT NG KRUSADA


Kahit bigo ang Krusada na mabawi ang kapangyarihan mula sa mga Turkong Muslim, nagdulot ng mga
epekto ang mga ito sa buhay ng mga tao, lalo na sa mga European.

1. Paghina ng Piyudalismo sa Europe- sa pakikisangkot ng mga panginoong piyudal malaking halaga


ang ginugol sa pagtustos sa paglalakbay at pagbili ng mga kagamitan para sa mga krusada patungo sa
Jerusalem. Naubos ang kayamanan at nawala ang lupa ng iba. Hindi na nakablik ang iba dahil nasawi sila
sa kilusan. Ang ganitong kalagayan ay sinamantala ng mga monarko upang mapalakas ang knilang
kapangyarihan.
2. Pag-usbong ng mga Kristisismo laban sa Simbahan- makikita sa umpisa ang masiglang pagtugon
ng mga tao sa panawagan ng Papa na makisangkot sa mga kampangyang militar. Pinaniwalaan nila ang
benipisyong mapapasakinila sa kanilang pagsali sa mga krusada, isa sa mga ito ang kaligtasan ng
kaluluwa. Ngunit ng lumaon, nabawasan ang katanyagan ng Simbahan nang maramdaman ng mga tao na
ginagamit lang ang krusada bilang daan upang mapatatag ang kapangyarihang politikal noon.
3. Pagpapalawak sa kalakalan- bagama’t unti-unti nang sumisigla ang kalakalan bago pa man ilunsad
ang mga krusada, naipakilala naman sa Europe ng mga crusader ang mga produktong mula sa
Asia.halimbawa ng mga ito ang bigas, mga pampalasa, pabango, seda at bulak. Naging interesado ang
mga tao sa mga bagong produkto at lumaki ang pangangailangan sa nga ito sa pamilihan. Ito ayy
nagpasigla sa kalakalan ng mga estado lalo na sa mga siyudad sa Italy.

e. Paglalahat
Panuto:
Tignan ang chart sa ibaba, Pagkumparahin ang sibilisasyon ng Rome at ng Greece sa panahon natin
ngayon. Isaalang-alang rito ang salitang Gobernador, Relihiyon, at ang Panlipunang tungkulin ng bansa.

Medieval Europe Sibilisasyon ngayon

GOBERNADOR

RELIHIYON

PANLIPUNANG TUNGKULIN

SAGOTIN MO AKO!

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan isulat ang sagot sa isang malininis na papel.

1. Magbigay ng isang dahilan sa pagkakaroon ng “Dark Ages” sa Europe.


2. Magbigay ng isang epekto ng “Dark Ages” sa Europa.
3. Sino ang unang Holy Roman Empire ng medieval period.

f. Pagtataya

Magkakaroon ng tatlong grupo ang mga mag-aaral at ang bawat grupo ay inaasahang makakagawa ng
malikhaing sining na yari o gawa sa karton o kaya naman ay popsicle sticks. Mamimili ang guro sa
tatlong relihiyon (Christianity, Islam, Hinduism)na kanilang gagawan ng sining.

Halimbawa;

Simbahang gawa sa karton Simbahang gawa sa popsicle stick

Criteria:

Teamwork 20%

Crativity 50%

Relativeness 20%

Cleanliness 10%
Total: 100%

IV. Takdang- aralin:

Para sa inyong takdang-aralin sagutin ang mga sumusunod na katanungan isulat ito sa isang
malinis na papel.

1. ANU-ANO ANG MGA PAGBABAGONG NAGANAP SA EUROPE SA GITNANG


PANAHON

2. Ibigay ang mga salik na nagbigay daan sa paglakas ng Europa.

3. Magbigay ng isang kaisipan o impluwensya sa Gitnang Panahon ng Europa at ipaliwanag


kung ano ang epekto nito sa kasalukuyan?

Inihanda ni:

Princess F. Estabillo
Guro

Sinuri ni:
Julie Anne L. Mangoba
Guro

Iniwasto ni:

Milagros E. Cabuslay
Punong- Guro

You might also like