You are on page 1of 15

Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko

Nagkaroon ng malaking impluwensya ang simbahan sa Gitnang Panahon.

Magkakaugnay ang mga tradisyon ng


mga pangkat-etnikong Aleman, Romano
at Kristiyano.
GITNANG PANAHON
Ang simbahan ay naging pangunahing
institusyon sa Gitnang Panahon

Nakasentro ito sa Roma at habang watak-watak


ang lipunan at pamahalaan, pinagkaisa ng simbahan ang mga tao at tinugunan o rumesponde sa mga
pangunahing pangangailangan nila.
ANG PAMUMUNO NG MGA MONGHE
Noong panahong iyon, ang mga monghe ay ang nagtatag ng mga paaralan
Monghe - 
MGA DAAN SA PAGLAKAS NG KAPAPAHAN
Pagbagsak ng Imperyong Romano
Nang pumasok ang mga barbaro sa sa Imperyong Romano, ang Simbahan lang ang kaisa-isang institusyon
na hindi kinalaban. Ibinaling ng mga tao ang kanilang mga buhay sa Simbahang Katoliko dahil ito ang
tumutustos sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Naimpluwensyahan rin ang mga barbaro ng Simbahan kaya't pumayag silang magpabinyagan sa
Kristiyanismo.
ANG ORGANISASYON NG SIMBAHAN
pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at naninirahan sa mga monasteryo
-
namumuhay sila sa mga panalangin, meditasyon at sariling disiplina
-
Benedectine Rule
"Ang paggawa ay bigyang- halaga"

Paano nakatulong ang paglakas ng simbahang katoliko sa pagusbong ng europe sa panahong medieval?
mga pangyayaring nagbigay daan sa pagusbong ng Europe sa panahong medieval?

Ito ay dahil sa moral na pag-uugali ng mga katoliko at pagrespeto sa mga buhay. Dahil dito ang mga Pope
o pari ay nagkaroon ng malakas na kapangyarihan sa isang kaharian. Sila ay masusunod sapagkat sila ay
Isang propeta ng Dios. Sila ay makapag desisyon kung ang isang kaharian ay papatuluyan silang mag
usbong.
Mga pangyayaring nagbigay daan sa pag usbong ng Europe sa panahong medieval

1. Ang paglakas ng simbahang katoliko bilang isang institusyon sa Gitnang panahon.

2. Ang holy Roman empire

3. Ang paglunsad ng krusada

4. Ang buhay sa Europe noong Gitnang panahon (Piyudalismo, Manorialismo, pag usbong ng mga bayan at
lungsod.)

Paano nakatulong ang paglakas ng simbahang katoliko sa pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval?

Ang paglakas ng Simbahang Katoliko ay napakalaking tulong sa pag-usbong ng Europe sa Panahong


Medieval sapagkat ito ang naging silungan ng mga mamamayan at naging sentro ng maraming gawaing
pangsimbahan at pang-ispiritwal. Ito ang nagbunsod sa paglaki at paglawak ng kapangyarihan ng mga
Papa at naging simula ng bagong buhay ng mga tao.

Gitnang panahon (Medieval Period)

. 1. Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa Pag-usbong Ng Europe sa Panahong Medieval


. Ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang Isang Institusyon sa Gitnang Panahon
. Ang Holy Roman Empire Ang Paglunsad ng mga Krusada
. Ang Buhay sa Europe Noong Gitnang Panahon (Piyudalismo , Manorialismo, Pagusbong ng mga Bayan at Lungsod
.
. 2.   Apat ang pangunahing salik na nagbibigay- daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome. Pangunahin
na rito ang pagbagsak ng Imperyong Roman na siyang nagbunsod sa kapangyarihan ng kapapahan
. 3.  Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng Simbahan na nakilala
bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at
ang mga hirarkiya.
. 4.  CONSTANTINE THE GREAT PAPA LEO THE GREAT ( 440- 461) •Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga
Kristiyano sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag •Pinalakas ni Constantine
ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa kapulungan ito, pinag uri ng mga obispo ang
ibat- iang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang Rome bilang pangunaghing diyosesis at dahil
dito. Kinilala ang obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko Roman. •Binigyang-diin
niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing ang obispo ng Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro,
ang tunay na pinuno ng Kristiyanismo. Sa kanilang mungkahi, ang emperador sa kanlurang Europe and nag utos na
kilalanin ang kapangyarihan ng obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinino ng simbahan.
. 5.  PAPA GREGORY I PAPA GREGORY VII •Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisiskap sa
paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng simbahan sa buong Kanlurang Europe. •Sa kanyang
pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihan sekular at eklesyastikal ukol sa power of investiture o
karapatan magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng simbahan noong kapanahunan ni Haring Henry IV ng
Germany.
. 6.  Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at
nanirahan sa mga monesteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina. Sila ang mga regular na kasapi
ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring sekular. Tuwirang nasa ilalim lamang ng kontrol at
pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga monghe.
. 7.  Isa sa mga mayor ng palasyo si Charles Martel, ang nagsikap na pag-isahin ang France. Tinalo niya ang mga
mananalakay na Muslim. Mula noon, hindi na nagtangkang sakupin ang Kanlurang Europe. Si Pepin the Short ang
unang hinirang na hari ng France. Noong 768, humalili kay Pepin ang anak na si Charlemagne o Charles the Great,
isa sa pinakamahusay na hari sa Medieval Period.
. 8.   Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope
Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyong Europeo laban sa mga Turkong Muslim na
sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula sa Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim ang
Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa
pagsalakay na ito ay mapalaganap ang reliyihong Islam.
. 9.  Mula sa ika siyam hanggang ika 14- na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe ay lupa.
Kinakailangan pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang hari. Dahil sa hindi
niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain, ibinahagi ng hari ang lupa sa mga nobility o dugong
bughaw. Ang mga dugong bughaw ay nagiging vasal ng hari. Ang hari ay isang lord o panginoon may lupa. Ang iba
pang tawag sa lord ay liege o suzarian. Samantala ang lupang ipinagkaloob sa vassal ay tinatawag na fief.
. 10.   Ang Piyudalismo sa Gitnang Panahon ay nag ugat sa paghahati-hait ng Banal na Imperyo ni Charlemagne
batay sa kasunduan sa Verdum. Mahihinang tagapamahala ang mga tagapagmana ni Charlemagne kaya ang mga
opisyal ng pamahalaan at mga may-ari ng lupain ay humihiwalay sa pamumuno ng hari. Naibangon muli ang mga
lokal na pamahalaan na ngayon ay pinapatakbo ng mga maharlika katulad ng mga konde at duke.
. 11.   Mga Pari  > Hindi itinuturing ang mga pari na natatanging sektor ng lipunan sapagkat hindi namamana ang
kanilang posisyon dahil hindi sila maaring mag- asawa. Maaring manggaling ang mga pari sa hanay ng maharlika,
manggagawa at mga alipin.  Mga Kabalyero  > Noong unang panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni
Charlemagne, may matatapang at malalakas na kalalakihan na nag kusang loob maglingkodsa mga pari at sa mga
may-ari ng lupa upang iligtas ang mga ito sa mga mananakop.
. 12.  Mga Serf > Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang
sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaring tirahan lamang
ng mga hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon ng walang bayad. Wala
silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at malayang tao. Makapag-
asawa lamang ang isang serf sa pahintulot ng kanilang panginoon.
. 13.   Ang Sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ang isang fief ay
binubuo ng maaring manor na nakahiwalay sa isa’t isa. Ito ay maaring maihalintulad sa isang pamayanan ( village)
kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Sa kabilang dako
ang kanilang panginoon ay dito rin umaasa sa kita ng pagsasaka sa manor na kanilang magiging kayamanan.
. 14.   Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago
sa agrikultura bunsod ng pagtuklas ng mga bagong teknolohiya at mga bagong pamamaraan sa pagtatanim. 
PAGGAMIT NG SALAPI  Sa unang mga taon ng Gitnang Panahon, ang sistema ng kalakalan ay palitan ng produkto
o barter. Dinadala ng mga magbubukid o kaya serf ang mga produktong bukid o produktong gawang bahay sa mga
lokal na pamilihan
. 15.  Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan, isang makapangyarihan ng tao ang
lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men of burg o burger o bourgeoisie) Ang interes ng pangkat na ito ay nasa
kalakalan. Ang mataas na uri ng bourgeosie ay ang mauunlad na negosyante at mga bangkero Ang kanilang mga
anak ay nag-aaral sa magagaling na unibersidad.
. 16.  ANG MECHANT GUILD ANG CRAFT GUILD  Ang unang guild ay binalangkas ng mga mangangalakal.
Nagpatayo sila ng mga bulwagang pinagdarausan ng pulong tungkol sa mga detalye ng kanilang negosyo.  Nang
lumaki ang mga bayan, ang mga artisan ay nagtatag ng sariling guild. Ang bawat craft o kasanayan ay may sariling
guild. Halimbawa, ang mga karpintero, barbero, panadero, sastre at iba pang hanapbuhay ay may sariling guild.

Modyul 08 ang simbahang katoliko isang makapangyarihang in

. 1. 1 ARALING PANLIPUNAN (Effective Alternative Secondary Education) MODYUL 8 Ang Simbahang katoliko: Isang
Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of
Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City
. 2.  2 MODYUL 8 ANG SIMBAHANG KATOLIKO: ISANG MAKAPANGYARIHANG INSTITUSYON SA GITNANG
PANAHON Sa modyul na ito ay malalaman ntin ang paglakas ng Simbahang katoliko bilang isang
makapangyarihang intitusyon sa Gitnang panahon. Dito rin malalman ang tungkol sa naganap na krusada.
Natitiyak ko na may nalalaman ka sa mhga pag- uusapan natin dito dahil sa karamihan sa atin dito sa Pilipinas ay
kristiyano. Handa ka na ba na balikan natin ang nakaraan at alamin ang tungkol sa makapangyarihang simbahang
ito? May tatlong araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Ang simula ng Pagplaganap ng
Kristyanismo Aralin 2: Ang Kapapahan Aralin 3: Ang Krusada Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul,
inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matatalakay mo ang Paglakas ng Simbahang Katoliko Bilang
Isang Makapangyarihang Institusyon sa Gitnang Panahon; 2. Maipaliliwanag mo ang Yungkol sa Kapapahan; at 3.
Maisasalarawan mo ang naganap na krusada sa Gitnang Panahon. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang
mga sumusunod na tanong. Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda para sa
iyo.
. 3.  3 PANIMULANG PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng Tamang Sagot. 1. Isang banal na digmaan na
inilunsad ng Simbahang Kristiyano laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa Jerusalem. A. Kabalyerismo B.
Krusada C. Piyudalismo D. manoryalismo. 2. Ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko ay
ang: A. Obispo B. Hari C. Papa D. Arsobispo. 3. Si Jesus ay kinikilala ng mga kristiyano na: A. Propeta B. Hari ng
Hudyo C. Messiah D. Apostole. 4. Ang Papa na naghimok sa mga kabalyero na maging krusador ay si: A. Papa Leo I
B. Papa Urban II C. Papa Innocent I D. Papa Gregory VII 5. Ang Krusada ay masasabing bigo ngunit ang magandang
naidulot nito sa kristiyanismo ay: A. ang paglakas ng kapangyariahn ng Simbahan B. ang pag-unlad ng kultura ng
Simbahan C. ang pagsama ng mga Hari sa Europa sa krusada D. ang pagkilala sa Kristiyanismo sa buong mundo 6.
Ang kristiyanismo ay nagmula sa relihiyong: A. Hudaismo B. Zoroasterianismo C. Hudaismo D. Budahismo
. 4.  4 7. Ang Kristiyanismo at Islam ay may parehong paniniwala tungkol sa: A. Pagkadiyos ni Jesus B.
Pagkapropeta ni Jesus C. Pinagmulang lahi ni Abraham D. Bagong testamento. 8. Ang estadong pinamamahalaan
ng Papa ay: A. Roma B. Vatican C. Venice D. Florence 9. Ang lupaing sinakop ng mga Turkong Muslim ay: A. Roma
B. Byzatine C. Jerusalem D. Egypt 10.Kung Roma ang nagging sentro ng kristiyanismo sa kanlurang Europa, ano
naman ang sentro ng kristiyanismo sa silangan? A. Roma B. Jerusalem C. Egypt D. Byzatine.
. 5.  5 ARALIN 1 ANG SIMULA NG PAGPLAGANAP NG KRISTYANISMO Karamihan sa mga Pilipino ay kristiyano. Sa
totoo lang ang Pilipinas ang nag- iisang bansa sa Asya na maituturing na kristyanismong bansa. Ikaw ba ay
nabibilang sa mga kristiyano ditto sa ating bansa? Kung ganoon, may kaalaman ka sa simula at paglaganap ng
kristyanismo Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang pinagmulan ng kristyanismo; 2.
Maisasalaysay ang buhay ni Jesus; at 3. Maipaliliwanag ang pagpapalaganap ng kristyanismo. Gawain 1: Pag-
isipan Mo! Ang Pasko at Semana Santa o Mahal na Araw ay dalawang pagdiriwang na napakahalaga sa mga
kristyano. Gawin ang sumusunod: 1. Magbigay ng pakahulugan mo sa: a. Pasko -
____________________________________________________ ___________________________________________________________
___________________________________________________________ ___________________________________________________________
___________________________________________________________ ___________________________________________________________
___________________________________________________________
. 6.  6 b. Semana Santa - _____________________________________________
___________________________________________________________ ___________________________________________________________
___________________________________________________________ ___________________________________________________________
___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2.
Magtala ng tatlong bagay na ginagawa ng kristyano sa mga pagdiriwang na ito. Pasko 1. __________________________
2. __________________________ 3. __________________________ 4. __________________________ 5. __________________________
Semana Santa 1. __________________________ 2. __________________________ 3. __________________________ 4.
__________________________ 5. __________________________ Ang Simula at Paglalakbay ng Kristyanismo Ang Simbahang
Katoliko bilang institusyong panrelihiyon ay nagging matatag sa mga huling taon ng kasikatan ng Emperyong
Roma. Ang pagsimula ng relihiyong ito ay sa Palestine na ngayon ay kilala bilang bansang Israel. Napalaganap ito
sa Emperyong Roma at sa panahon ni Emperador Constantine (313 AD) ito ay kinilalang relihiyon ng buong
emperyo. Nang bumagsak ang Emperyong Roma sa kanluran (5th century AD) ang simbahan ang nagsilbing
institusyon sa pagbangon at pagtuloy ng sibilisasyon.
. 7.  7 Ang Pinagmulan ng Kristyanismo Ang kristyanismo ay sumibol bilang isang sekta sa mga Hudyo. Ang mga
disipulo o mga tagasunod ni Jesus ay naniwala na Siya ang hinhintay nilang Tagapagligtas o Mesiah. Si Jesus
mismo ay isang Hudyo kaya ang mga turo ni Jesus ay ayon din sa mga itinuturo ng mga Hudaismo katulad ng
sumusunod: ang paniniwala sa iisang makapangyarihang Diyos; ang paniniwala sa “Creation” kung saan ang
kinikilalang unang tao ay si Adan at Eba; ang pagsunod sa sampung utos ng Diyos; at ang paniniwala sa pagdating
ng Tagapagligats o Messiah. Ang banal na aklat ng mga Hudyo ay siyang itinuturing na “Old Testament” ng mga
kristiyano. Sa aklat natio ay mababasa ang kasaysayan ni Abraham, ang itinuturing na “Ama ng mga Hudyo”. Ang
kaganapan tungkol sa pagsibol ng Huaismo ay nagsimula kay Abraham na mula sa semitikong Tribo sa
Mesopotamia. Naparami ang tribon ni Abraham sa panahon ng apo niya na si Jacob, ngunit nakaranas sila ng
tagutom sa Palestine at napilitan silang pumunta sa Eghipto kung sa haba ng panahon nila doon ay naparami sila
at ginawang alipin ng Paraoh hanggang natalaga si Moses ng kinikilala nilang diyos na si Jehovah o Yahweh na
ibalik silang mga Hudyo sa Palestina. Kay Moises ibinigay ng Diyos ang Sampung Utos. Sa pagbalik ng mga Hudyo
sa Palestine pinangalanan nila ang lugar na Israel. Ang mga Hudyo ay ilang beses napalaban sa sari-saring
mananakop, tulad ng Persia at Babylonia subalit nanatili silang matatag bilang mga Hudyo na may sariling kultura
kahit sila ay nasakop o napadpad sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Sa gabay ng kanilang Propeta, sila ay naniwala
na sila ay dindaan sa pagsubok ni Yahweh. Ang mga karanasang ito ang napatibay sa kanila ng paniniwala na iisa
lamang ang makapangyarihang Diyos. Dito nagsimula ang monoteyismo na siyang nagging pamana ng lahing
Hudyo sa sanlibutan. Ang Buhay at Turo ni Jesus Si Jesus ay ipinanganak na Hudyo dahil sa ang kanyang ina na si
Maria at ang kinikilalang ama na si Jose ay kapwa Hudyo. Si Maria ay pinagpala ng Diyos na siyang
. 8.  8 nagsilang sa Tagapagligtas. Namulat si Jesus at lumaki sa turong Hudyo. Dahil sa Siya ang pinaniwalaang
Tagapagligtas, nangaral siya kung papaano mailigtas ng tao ang sarili. Ang turo ni Jesus ay napapaloob sa apat na
“gospel” nina Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Itong mga turo ay napaploob sa “New Testament”. Sa paliwanag ni
Jesus, dalawa lamang ang utos ng Diyos: mahalian ang Diyos higit sa lahat at mahalin ang kapwa tulad sa sarili.
Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay binigyang diin ni Jesus sa kanyang “Sermon on the Mount”. Dahil sa
maraming naakit sa turo ni Jesus, siya ay pinagbintangan ng mga Hudyo na impostor na nagpapanggap na anak ng
Diyos na siyang Tagapagligtas. Dahil dito, siya ay ipinagkanulo nila hanggang siya ay maparusahan ng pagpako sa
Krus. Namatay siya sa Krus, inilibing ngunit pagkatapos ng tatlong araw siya ay nabuhay muli. Ang pagsilang ni
Jesus ay siya nating pinagdiriwang na Pasko at ang kanyang paghihirap at pagkapako sa Krus kung saan siya ay
namatay ay ginugunita natin sa Mahal na Araw o Seman santa. Ang Paglaganap ng Kristiyanismo Sa pagkabuhay
(Resurrection) ni Jesus muli Siyang nakasama ng kanyang mga apostoles o tagasunod at dito niya ipinaliwanag
ang maging gawain nila kung Siya ay babalik na sa Ama. Nag Siya ay umakyat sa langit (Ascension) ipinangako
niya sa kanyang mga Apostoles na sila ay gagabayan ng Espiritu Santo. Ang gamit ng salitang Kristiyano ay
nagsimula sa Antioch (Syria) at tumutukoy sa mga disipulo ni Jesus. Ang mga unang Kristiyano sa Antioch ay mga
Gentiles (mga lahing hindi Hudyo). Sa pamamagitan ni Barnabas si Paul ay nagging masugid na disipulo ni Jesus at
siyang naghikayat sa mga Gentiles na maging Kristiyano. Si Barnabas at Paul ang nagpalaganap ng Kristiyanismo
bilang isang pandaigdigang relihiyon mula sa pagiging sekta lamang ng Hudyo.
. 9.  9 Mabilis ang paglaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga misyonero na naglakbay sa bawat bansa sa
Mediterranean. Laong nagging matibay ito sa panahon ni Emperor Constantine ng gawin niyang relihiyon ng
Estadong Roma ang Kristiyanismo. Ang Roma ang nagging sentro ng Kristiyanismo sa kanluran at malakas din ito
sa Byzantine. Lumaganap ito sa Britanya at Irelang sa pamamagitan ni San Agustine. Malaking tulong din ang
ginawa ng mga monghe lalo na sina San Basiliuo at San Benedicto kung saan ang mga moansteryo ang nagsilbing
sentro ng panalangin, edukasyon, sining at “enlightenment” Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Alam mo ba ang
kwento ni Jesus sa Gospel tungkol sa “Mabuting Samaritano”? Sa isang pirasong papel, ibigay ang buod ng
kwento at isulat ang turo na binigyan ng diin ni Jesus dito. Tandaan Mo! Ang Kristiyanismo ay nag-ugat sa
Hudaismo. Si Jesus ang pinadalang Tagapagligtas o Messiah ng Diyos Ama ngunit hindi Siya tinanggap ng mga
Hudyo. Siya ay pinako sa Krus ngunit nabuhay muli at ang kanyang turo ay pinalaganap ng kanyang mga
apostoles, disipulo at tagasunod.
. 10.  10 ARALIN 2 ANG KAPAPAHAN Kilala mo ba si Papa Juan Pablo XXIII? Bakit bukam-bibig ang pangalan niya sa
buong daigdig? Anong gulang ka ng huling pumunta siya ditto at paano siya tinanggap ng mga tao? Matapos ang
araling ito, inaasahan na iyong: 1. Matutukoy ang pinagmulan ng kapapahan; 2. Maipapaliwanag ang mga salik sa
paglakas ng kapangyarihan ng Papa; at 3. Mauunawaan ang tungkuling ginagampanan ng mga namumuno ng
simbahan. Gawain 1: Pag-isipan Mo! A. Sa organisasyon sa simbahan, paano ang pagbabanghay mo sa mga
sumusunod na opisyales? a. Pari b. Arsobispo c. Papa d. Obispo B. Punuan ang mga pangalan ng mga opisyales sa
iyong probinsya o syudad. a. Pari - _________________________________________________________
______________________________________________________________ ______________________________________________________________
______________________________________________________________ ______________________________________________________________
b. Arsobispo - ____________________________________________________
______________________________________________________________
. 11.  11 ______________________________________________________________
______________________________________________________________ ______________________________________________________________
c. Papa - ________________________________________________________
______________________________________________________________ ______________________________________________________________
______________________________________________________________ ______________________________________________________________
d. Obispo - ______________________________________________________
______________________________________________________________ ______________________________________________________________
______________________________________________________________ ______________________________________________________________
Ang Kapapahan Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at kapangyarihang
pangrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayun din ang kapangyarihang pampulitika bilang
pinuno ng estado ng Vatican. Ang salitang “Pope” ay ngangangahulugang AMA na nagmula sa salitang Latin na
“Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano ang “Papa” bilang ama ng mga kristyano, na siya pa
ring tawag sa kanya sa kasalukuyang panahon. San Pedro: Unang Obispo ng Roma at Unang Papa Bago umakyat
sa langit si Jesus tatlumpong araw mula sa kanyang pagkbuhay (Resurrection) inihabilin niya kay Apostol Simeon
ang pagtatag ng simbahan ng sabihin niya “Ikaw si Pedro at sa batong ito Ako magtatatag ng simbahan”. Ang
salitang Pedro ay hango sa salitang Latin na “Petrus” na ang ibig sabihin ay bato. Si Simeon ay nagging si Pedro at
sa kanya naatang ang pagtatatag ng Simbahan ni Jesus.
. 12.  12 Si Pedro ay napunta sa Roma kung saan pinalaganap niya ang Kristyanismo at nagging unang Obispo ng
Roma. Naranasan niya at ng iba pang nagging Kristyano ang pagmamalupit ng pamahalaang Romano hanggang
siya ay mabitay. Magmula noong unang daang taon, ang mga sumunod na Obispo ng Roma ay itinuring na pinuno
ng Simbahang Kristyano. Ang pagbibigay halaga sa kapangyarihan ng Obispo ng Roma ay kilala lahat ng miyembro
ng Simbahang Kristyano. Bilang pinuno ng Simbahang Kristyano siya ay tinawag na Papa. Mga Salik sa Paglakas
ng Kapangyarihan ng Papa Ang unang salik sa pagkilala sa lakas ng kapangyarihan ng Papa ay sa panahon ng
pagbagsak ng Emperyong Roma. Mga barbaro mula sa Germany ang lumusob sa Roma at sinira nila ang naitayong
sibilisasyong Roma. Ang pagkasira ng sibilisasyong ito ay itinuring na “madilim na Panahon” (Dark Age). Sa
“kadilimang” ito bumangon ang Simbahang Kristyano at nahikayat ang mga barbaro na tanggapin ang relihiyong
ito. Ang Simbahan ang nangalaga sa material na pangangailangan ng tao. Pangalawang salik ay ang matatag at
mabisang organisasyon ng Simbahan. Ang Papa ang kataastaasang pinuno ng Simbahang Krisyano. Sumunod sa
kanya ang arsobispo na may kapangyarihang panrelihiyon sa mga Obispo. Sumunod nito ay ang Obispo na
namumuno sa bawa’t Diyosesis. Ang Diyosesis ay binubuo ng mga bayan at ang mga bayan ay pinamumunuan ng
mga pari na kilala sa taguring “Kura Paroko”. Ang matatag na organisasyon ng Simbahan ay nakapagpatibay ng
impluwensiya ng Simbahan sa mga tao at pinuno. Ang ikatlong salik ay ang paglilingkod ng mga monghe. Ang mga
monghe ay madaling nakahikayat ng mga barbaro sa Kristyanismo. Sila rin ang nagliwanag ng kaisipan ng taol sa
pamamagitan ng pagtatag ng paaralan. Sila ay nagtayo nga mga ospital at tinulungan ang mga may sakit.
Pinaunlad din nila ang sakahan. Sa ginawa nilang ito, pinahanga nila ang mga tao at naakit sila sa Kristyanismo.
Pang-apat na salik ay ang magandang uri ng pamumuno ng simbahan. Maraming Papa ang nagpakita ng kagalingan
at katatagan ng paninindigan bilang
. 13.  13 pinuno. Si Papa Leo the Great ang nagbigay diin sa Petrini Doctrini na ang Obispo ng Roma ang tunay na
pinuno ng Kristyanismo; Si Papa Gregory I ang nakahikayat sa mga tribong barbaro na sumampalataya kay
Jesukristo at siya rin ang nagpalaganap ng Kristyanismo sa malalayong lugar ng kanlurang Europa; Si Papa
Gregory VII ang nagbawi sa mga hari ng karapatang magkaloob ng kapangyarihan sa mga tauhan ng simbahan; at
si Papa Innocent III ang nagpuwersa kay Haring John ng England na maging sakop ng England. Gawain 2:
Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng maikling talambuhay ni Papa John Paul XXIII, ang kasalukuyang Papa.
Batay sa iyong nabasa tungkol sa kanya, ano ang katangian niya na hinahangaan mo? Isulat ito sa huling bahagi
ng isinulat mong talambuhay. Tandaan Mo! Ang Papa ang pinuno ng Simbahang Katoliko. Ang unang kinilalang
pinuno ay ang unang Obispo sa Roma na si Peter. Ang Obispo ng Roma ang siyang kinilalang pinuno rin ng
Simbahang Katoliko at siya ay tinawag na Papa na ang kahulugan ay ama ng mga Kristyano. Ang Papa ay
napakamakapangyarihan noong gitnang panahon.
. 14.  14 ARALIN 3 ANG KRUSADA Napanood mo ba ang pelikulang Robin Hood, Ivanhoe o Richard the Lion Heart?
Ito ay mga pelikula na nagsasalarawan ng buhay ng mga magigiting na krusador. Bukod tangi ang pelikulang
Richard the Lion Heart dahil si Richard ay hari ng England na nanguna sa ikatlong Krusada para mabawi ang Banal
na Lupa sa mga Turkong Muslim. Sana itong mga uri ng pelikula ang makahiligan mo dahil sa liban sa punong-puno
ng aksyon, ito ay batay pa sa tunay na pangyayari sa buhay ng mga Kristyano na may pagmamalasakit sa
simbahan at relihiyon. Matapos ang Araling ito, inaasahan na iyong: 1. Malalaman ang layunin ng mga krusadang
nailunsad; 2. Matatalakay ang resulta ng bawat nailunsad na krusada; at 3. Matutukoy ang mabuti at hindi
mabuting naidulot ng krusada. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Iguhit ang apat na gamit na maaaring mapagkilanlan na
ang mandirigma noong panahong medyibal ay isang krusador.
. 15.  15 Ang krusada ay isang ekspedisyong military na inilunsad ng Kristyanong Europeo dahil sa panawagan ni
Papa Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga Turkong
Muslim na sumakop banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng mga Turkong Muslim na ito
ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa Papa sa Roma lalo pa at sa
pagsalakay na ito ay mapapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga
kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga
kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fref” mula sa lupa na kanilang masakop.
. 16.  16 Unang Krusada Ang unang krusada ay binuo ng mga 3000 na kabalyero at 12000 na mandirigma sa
pamumuno ng Prinsipe at mga Frances na nabibilang sa “nobility”. Matagumapy na nabawi ng grupong ito ang
Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa
Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga limampung
taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim. Ikalawang Krusada Sa paghihikayat ni St Bernard ng
Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII ng Pransya at Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na
naranasan ang grupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus.
Ikatlong Krusada: Krusada ng mga Hari Ito na marahil ang pinaka mahalagang Krusada dahil; tatlong Hari ng
Europa ang nanguna ditto: Frederick Barbossa ng Germany; Richard I ng England and Philip Augustus ng France.
Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europa ay nalunod nsi Ferdirick at si Philip naman ay bumalik sa
France dahil nag-away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang
pinuno ng mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang tumigil ng labanan sa loob ng tatlong taon ang mga
Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin.
. 17.  17 Krusada ng mga Bata Noong 1212 isang labing dalawang taong Frances na ang pangalan ay Stephen ay
naniwala na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng krusada. Libong mga bata ang sumunod sa kanya ngunit
karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa Alexandria.
Ikaapat na Krusada Ang ikaapat na krusada na inulunsad noong 1202 ay nagging isang iskandalo. Ang mga
krusador ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa
nilang ito kya sila ay dineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador hanggang sa
Constantinople kung saan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik sa Contantinople at
naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at
ito ay naging simula ng paghina ng krusada. Iba pang Krusada Nakaroon ng ibang krusada noong 1219, 1228, 1224
ngunit lahat ng mga ito ay nagging bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa kabuuhan, ang mga krusada ay pawang
bigo, maliban sa una na nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay
nanumbalik na naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.
. 18.  18 Resulta ng Krusada Kung mayroon mang magandang naidulot ang krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan.
Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan. Ang
kulturang Kristyano ay napayaman din. Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng
mga sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sa simbahan ang nagging dahilan sa pagsama sa banal na
laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at mangalakal. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Gumawa ng “retrieval chart” kung saan itatala mo ang mga sumusunod. 3 Importanteng Krusada Pinuno Katangian
Bunga
. 19.  19 Tandaan Mo! Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga Kristyano para makuha muli ang banal
na lupain. Maraming krusada ang nailunsad ngunit lahat ay bigo, ganon pa man may kabuthan ding naidulot ito
dahil napaunlad ang kulturang Kristyanosmo. MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na
ang mga aralin sa modyul na ito, ano ang mahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang Kristiyanismo ay
nag-ugat sa Hudaismo. Si Jesus ang pinadalang Tagapagligtas o Messiah ng Diyos Ama ngunit hindi Siya
tinanggap ng mga Hudyo. Siya ay pinako sa Krus ngunit nabuhay muli at ang kanyang turo ay pinalaganap ng
kanyang mga apostoles, disipulo at tagasunod. Ang Papa ang pinuno ng Simbahang Katoliko. Ang unang kinilalang
pinuno ay ang unang Obispo sa Roma na si Peter. Ang Obispo ng Roma ang siyang kinilalang pinuno rin ng
Simbahang Katoliko at siya ay tinawag na Papa na ang kahulugan ay ama ng mga Kristyano. Ang Papa ay
napakamakapangyarihan noong gitnang panahon. Ang krusada ay ekspedisyong militar na ginawa ng mga
Kristyano para makuha muli ang banal na lupain. Maraming krusada ang nailunsad ngunit lahat ay bigo, ganon pa
man may kabuthan ding naidulot ito dahil napaunlad ang kulturang Kristyanosmo.
. 20.  20 PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang pinakamataas na
pangkat bsa lupunan noong panahong midyibal? a. burgis b. maharlika c. clerego d. mangangalakal 2. Sino sa mga
sumusunod ang pinuno ng Turkong Muslim nanasagupa ni Haring Richard I ng England? a. Philip b. Mohammad c.
Saladin d. Abu Bakr 3. Sentro ng Simbahang Greek Orthodox sa Silangan na bahagi ng Imperyong Romano. a.
Jerusalem b. Damascus c. Constantinople d. Antioch 4. Si Charlemagne na nagging Emperador ng Banal na
Imperyo Romana ay mula sa: a. Germany b. Italy c. France d. Constantinople 5. Ang Krusada noong panahong
midyibal ay: a. Kilusan ng mangangalakal b. Banal na digmaan c. Kampanya sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
d. Torneo na iidinadaos pagpista sa kaharian 6. Ang sagisag ng Krusada ay a. espada b. krus c. medaly d. kabayo
. 21.  21 7. Alin sa mga sumusunod ang may malaking ginampanang papel sa paglakas ng Simbahang katoliko dahil
nahikayat nila ang mga barbaro na maging Kristiyano? a. panginoong Piyudal b. kabalyero c. monghe d. Obispo 8.
Sino ang kinikilalang Tagapagligtas o Messiah ng mga Kristiyano? a. St.Peter b. Jesukristo c. St. Paul d. Moses 9.
Sino ang itinuturing na “ Ama ng mga Hudyo”? a. Moses b. Jacob c. Abraham d. Jesus 10.Sino sa mga sumusunod
ang binigyan ng Sampung Utos ng Diyos? a. Moses b. Jacob c. Abraham d. Jesus
. 22.  22 GABAY SA PAGWAWASTO: PANIMULANG PAGSUSULIT 1. B 2. C 3. C 4. B 5. B 6. A 7. C 8. B 9. C 10.D
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. B 2. C 3. C 4. C 5. B 6. B 7. C 8. B 9. C 10.A

You might also like