Professional Documents
Culture Documents
Pagkawala
Kakulangan Pagbaba
Paglubha ng ng katuturan
ng mga Paghina ng ng Pagsalakay
krisis ng
Tapat at may Hukbong moralidad ng mga
pangkabuha pagkamama
Kakayahang Romano mayang ng mga Barbaro
yan
Pinuno Romano Romano
/mrpangue/ap8/2ndqrtr/melc 5/reference/ 1
1. Pagbagsak ng Imperyong Roman.
Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan. Isa
na rito ang pagbagsak ng imperyong Romano noong 476 C.E.,na naghari sa kanluran at silangang
Europe sa Gitnang Silangan at sa hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon.
Tinukoy ni Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan.
Ang mga kayamanang umagos papasok sa Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa
pamahalaan ng imperyo. Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng
pamahalaan, nahati ang lipunan sa dalawang panig- ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo
ng mayayaman at malalakas na pinuno sa pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan.
Lubhang nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-habag na kalagayan ng
pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng Imperyong Rome. Noong 476 C.E., tuluyan
itong bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong
ikatlong siglo ng Kristiyanismo.
Sa kabutihang-palad, ang simbahang Kristiyano, na tangingn institusyong hindi pinakialaman ng
mga barbaro, ang nangalaga sa mga pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik
ang dating lakas-militar at kasaganaang
materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa simbahang Katoliko sa pamumuno at kaligtasan.
Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon sa pangako ng Simbahan para
sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo.
Sa kabilang dako, nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag
sila na binyagan sa pagkaKristiyano at naging matapat na mga kaanib ng pari.
/mrpangue/ap8/2ndqrtr/melc 5/reference/ 2
Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano sa buong imperyo
ng Rome at ang Konseho ng Nicea na kaniyang tinawag.
Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa pamamagitan ng Konseho
ng Constantinople. Sa kapulungang ito, pinaguri-uri ng mga Obispo ang
iba’t ibang malalaking lungsod sa buong imperyo. Gayundin, pinili ang
Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil dito, kinilala ang Obispo ng
Constantine the Great Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko Romano
Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang doktrinang nagsasabing
ang Obispo ngn Rome, bilang tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na
pinuno ng Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador sa
kanlurang Europe ang nag-utos na kilalanin ang kapangyarihan ng
Obispo ng Rome bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahan.
Makalipas ang ilang daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa Obispo
Papa Leo the Great (440-461) ng Rome. Mula noong kapanahunan ni Papa Leo, kinilala ang
kapangyarihan ng Papa sa lahat ng mga Kristiyano sa kanlurang Europe.
Tumanggi naman ang Simbahang Katoliko sa silangang Europe na
kilalanin ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng Kristiyanismo
hanggang sa panahong ito.
Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at pagsisikap sa paglilingkod
bilang pinuno ng lungsod at patnubay ng Simbahan sa buong kanlurang
Europe.
Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay nang magawa
niyang sumampalataya ang iba’t ibang mga barbarong tribo at
lumaganap ang Kristiyanismo sa malalayong lugar sa kanlurang Europe.
Dahil dito, nagpadala siya ng mga misyonero sa iba’t ibang bansa na
Papa Gregory I hindi pa sumasampalatay sa Simbahang Katoliko. Buong tagumpay na
nagpalaganap ng kapangyarihan ng Papa ang mga misyonerong ito
nang sumampalataya sa Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at
Germany.
Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng kapangyarihang
sekular at eklesyastikal ukol sa power of investiture o sa karapatang
magkaloob ng tungkulin sa mga tauhan ng Simbahan noong
kapanahunan ni Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya sa
simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman nang ipag-utos niya ang
pagpapatalsik kay Papa Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry
IV na kaanib ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa Germany,
Papa Gregory VII sumuko siya sa Papa at humingi ng kapatawaran. Binawi ng Papa ang
kaparusahang pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng lubhang
paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak pagkaraan nang malaon
at masidhing pag-aaregluhan.
Ang investiture ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay
pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa Obispong kaniyang hinihirang
bilang maging pinuno ng simbahan.
Sa pamumuno ni Papa Gregory sa Simbahan, tinanggal niya ang karapatan ng mga pinunong
sekular na magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno ng simbahan.
SA MADALING SALITA
Panuto: Mula sa naging pagtalakay, sagutin ang tanong sa loob ng kahon .
MAGBASA AT MATUTO
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang teksto tungkol sa mga kaganapang nagbigay- daan sa
pagkakabuo ng “Holy Roman Empire”
481- Pinag-isani Clovis ang iba’t ibang tribung Franks at sinalakay ang mga Romano
496- Naging Kristiyano si Clovis at ang kaniyang buong sandatahan
511- Namatay si Clovis at hinati ang kaniyang kaharian sa kanyang mga anak
687- Pinamunuan ni Pepin II ang tribung Franks
717- Humalili kay Pepin II ang kaniyang anak na si Charles Martel
751- Ang anak ni Charles Martel na si Pepin the Short ay hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na
Mayor ng Palasyo
MAGBASA AT MATUTO.
Panuto: Basahin at unawain ang teksto tungkol sa paglulunsad ng Krusada sa Europe
ANG KRUSADA
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa
panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo laban
sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak salakayin ng
mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador ng Byzantine sa
Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa panawagan ni Papa
Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at pinangakuan niya ang mga ito na
papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga pagkautang; at kalayaang pumili ng “fief”
mula sa lupa na kanilang masakop.
UNANG KRUSADA
Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3000 kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng
Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang Jerusalem
noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay nila sa
Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng mga
limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim .
IKALAWANG KRUSADA
Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VIIng France at Emperor
Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa Silangan at ang
pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ngDamascus. Hindi pa man sila nakalayo sa pinanggalingang Europe
ay nalunod na si Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-away sila ni Richard.
Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng mga Turko. Sa
kahulihulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga Kristiyano ay
malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa baybayin .
IKAAPAT NA KRUSADA
Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador ay
ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa ginawa
nilang ito kaya sila ay idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga krusador
hanggang sa Constantinople kungsaan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila ay napatalsik
/mrpangue/ap8/2ndqrtr/melc 5/reference/ 5
sa Constantinople at naibalik ang imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga Kristiyano sa Arce ay
napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada.
RESULTA NG KRUSADA
Kung mayroon mang magandang naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng kalakalan.
Napalaganap ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan.
Ang kulturang Kristiyano ay napayaman din. Sa kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga
layunin ng mga sumama sa gawaing ito. Hindi pagmamalasakit sasimbahan ang nagging dahilan
sapagsama sa banal na laban na ito kundi ang pagkakataong makapaglakbay at mangalakal
Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang “cross”. Ang
mga Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan.
ANG PIYUDALISMO
Mula sa ikasiyam hanggang ika-14 na siglo, ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe
ay lupa. Kinakailangang pangalagaan ang pagmamay-ari ng lupa. Pangunahing nagmamay-ari ng lupa ang
hari.
Dahil sa hindi niya kayang ipagtanggol ang lahat ng kaniyang lupain, ibinabahagi ng hari ang lupa sa
mga nobility o dugong bughaw. Ang mga dugong bughaw na ito ay nagiging vassal ng hari. Ang hari ay
isang lord o panginoong may lupa. Ang iba pang katawagan sa lord ay liege o suzerain.
Samantala, ang lupang ipinagkakaloob sa vassal ay tinatawag na fief. Ang vassal ay isa ring lord dahil
siya ay may-ari ng lupa. Ang kaniyang vassal ay maaaring isa ring dugong bughaw.
Ang homage ay isang seremonya kung saan inilalagay ng vassal ang kanyang kamay sa pagitan ng
mga kamay ng lord at nangangako rito na siya ay magiging tapat na tauhan nito. Bilang pagtanggap ng
lord sa vassal, isinasagawa ang investiture o seremonya kung saan binibigyan ng lord ang vassal ng fief.
Kadalasang isang tingkal ng lupa ang ibinibigay ng lord sa vassal bilang sagisag ng ipinagkaloob na fief.
Ang tawag sa sumpang ito ay oath of fealty.
Kapag naisagawa na ng lord at vassal ang oath of fealty sa isa’t isa, gagampanan na nila ang mga
tungkuling nakapaloob sa kasunduan. Tungkulin ng lord na suportahan ang pangangailangan ng vassal sa
pamamagitan ng pagkakaloob ng fief. Tungkulin din niya na ipagtanggol ang vassal laban sa mga
mananalakay o masasamang-loob at maglapat ng nararapat na katarungan sa lahat ng mga alitan. Bilang
kapalit, ang pangunahing tungkulin ng vassal ay magkaloob ng serbisyong pangmilita Tungkulin din ng
vassal na magbigay ng ilang kaukulang 0 pagbabayad tulad ng ransom o pantubos kung mabihag ang lord
sa digmaan. Kailangan din niyang tumulong sa paghahanap ng sapat na salapi para sa dowry ng panganay
na dalaga ng lord at para sa gastusin ng seremonya ng pagiging knight ng panganay na lalaki ng lord. Ang
knight ay isang mandirigmang nakasakay sa kabayo at nanumpa ng katapatan sa kaniyang lord.
/mrpangue/ap8/2ndqrtr/melc 5/reference/ 6
ng hari. Naibangon muli ang mga lokal na pamahalaan na ngayon ay pinatatakbo ng mga maharlikha
katulad ng mga konde at duke.
Sa sitwasyong ito pumasok ang mga barbarong Viking, Magyar, at Muslim. Sinalakay nila ang iba’t
ibang panig ng Europa lalo na sa bandang France.
Ang mga Viking na kilala rin sa tawag na Normans ay nabigyan ng lupain sa bandang France kapalit
ng pagtanggap nila ng Kristiyanismo. Ang lupaing napasakanila ay kilala ngayon sa tawag na Normandy.
Ang madalas na pagsalakay na ito ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng
Europe. Dahil dito, hinangad ng lahat ang pagkakaroon ng proteksiyon kaya naitatag ang sistemang
Piyudalismo.
Isang magandang alaala ng Piyudalismo ang sistemang kabalyero (knighthood). Kinapapalooban
ang kodigo ng kagandahang asal ng mga kabalyero (chivalry) ng katapangan, kahinahunan, pagiging
marangal at maginoo lalo na sa kaibigan. Nagpapalaganap din ng mga saloobing Kristiyano ang sistemang
kabalyero tulad ng pagtatanggol sa mga naaapi at paggalang sa kababaihan. Banal at isang propesyon na
pinagpala ng simbahan ang pagiging kabalyero. Kalakip nito ang tungkuling ipagtanggol at itaguyod ang
Kristiyanismo.
Mga Kabalyero.
Noong panahon ng kaguluhan kasunod ng pagkamatay ni Charlemagne, may matatapang at malalakas na
kalalakihan na nagkusang loob na maglingkod sa mga hari at sa mga may-ari ng lupa upang iligtas ang mga
ito sa mga mananakop. Dahil sa hindi umiiral ang paggamit ng salapi, ang magigiting na sundalo o
kabalyero ang pinagkalooban ng mga kapirasong lupa bilang kapalit ng kanilang paglilingkod. Ang mga
kabalyero ang unang uri ng mga maharlika, tulad ng mga panginoon ng lupa, na maaaring magpamana ng
kanilang lupain.
Mga Serf.
Ito ang bumubuo ng masa ng tao noong Medieval Period. Nanatili silang nakatali sa lupang kanilang
sinasaka. Kaawa-awa ang buhay ng mga serf. Nakatira sila sa maliit at maruming silid na maaaring tirahan
lamang ng hayop sa ngayon. Napilitan silang magtrabaho sa bukid ng kanilang panginoon nang walang
bayad. Wala silang pagkakataon na umangat sa susunod na antas ng lipunan tulad ng maharlika at
malayang tao. Makapag -aasawa lamang ang isang Serf sa pahintulot ng kaniyang panginoon. Lahat ng
kaniyang gamit, pati na ang kaniyang mga anak, ay itinuturing na pagaari ng panginoon. Wala silang
maaaring gawin na hindi nalalaman ng kanilang panginoon.