You are on page 1of 12

Araling Panlipunan 8

Ikalawang Markahan - Modyul 2


Ang Daigdig sa Panahon ng Transisyon: Mga Pangyayaring
Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval
Grade 8 Week 5: 1-3 Q2

Compiled and Arranged by: Gegi T. Baylon


Cynthia V. Booc
Social Studies Department
ICNHS
Araling Panlipunan 8
Ikalawang Markahan - Aralin 2
Grade 8 V.1 Q2

I. Alamin

Sa mga susunod na aralin, subukang suriin ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang Katoliko
bilang institusyon noong Panahong Medieval at ang Paglulunsad ng Krusada sa Europe.

Paksa: Paglakas ng Simbahang Katolika at ang Paglulunsad ng Krusada sa Europe

II. Subukin
Pag-isipan Mo!
Sagutin ang mga katanungan at bawat tamang sagot ay may katumbas na limang puntos.

1. Ano-ano ang mga salik na nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng


kapapahan.________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Paano nakaimpluwensya ang simbahan sa pagbagsak ng Imperyong Roman.


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
3. Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig.______________________________
______________________________________________________________________________________

III. Balikan
Photo-suri
Suriin ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang ipinahihiwatig ng larawan?________


_______________________________________

2. Sa iyong palagay, anong panahong sa kasaysayan


makikita ang tagpong nasa larawan?
_______________________________________
_______________________________________

3. Sa kasalukuyan, mayroon pa kayang mga


tagpong tulad ng iyong nakita sa larawan? Patunay
_________________________________________
_________________________________________

IV. Tuklasin
Punan ng impormasyon ang mga patlang upang mabuo ang talata.

Ang Krusada ay isang ____________________ na inilunsad ng mga Europeo sa


panawagan ni ______________. Layunin nito na
______________________________________
__________________________________________________. Sa kasaysayan,
maraming Krusada ang naganap. Ilan sa mga ito ay ang
______________________________________________________________
______________________________________________________________.
Sa kabuuan, masasabi na hindi nagtagumpay ang mga nailunsad na Krusada
dahil _________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

V. Suriin

Mga Salik na Nakatulong sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Kapapahan


Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa Rome.
Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Romano na siyang nagbunsod sa
kapangyarihan ng kapapahan.

1. Pagbagsak ng Imperyong Roman


Marami ang dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng Simbahang Katoliko at ng kapapahan.
Isa na rito ang pagbagsak ng imperyong Romano noong 476 C.E., na naghari sa kanluran at
silangang Europe sa Gitnang Silangan at sa hilagang Africa sa loob ng halos 600 taon. Tinukoy ni
Silvian, isang pari, na kalooban ng mga Roman ang bunga ng kanilang mga kasamaan. Ang mga
kayamanang umagos papasok sa Rome ang naging sanhi ng palasak na kabulukan sa pamahalaan ng
imperyo. Sa walang tigil na pagsasamantala sa tungkulin ng mga umuugit ng pamahalaan, nahati
ang lipunan sa dalawang panig- ang pinakamaliit na bahagi ng lipunan na binubuo ng mayayaman at
malalakas na pinuno sa pamahalaan at mga nakararaming maliliit na mamamayan. Lubhang
nakapagpahina ang kabulukan sa pamahalaan at ang kahabag-habag na kalagayan ng pamumuhay
ng mga pangkaraniwang tao sa katayuan ng Imperyong Rome. Noong 476 C.E., tuluyan itong
bumagsak sa kamay ng mga barbaro na dati ng nakatira sa loob ng imperyo mula pa noong ikatlong
siglo ng Kristiyanismo. Sa kabutihang-palad, ang

simbahang Kristiyano, na tanging institusyong hindi pinakialaman ng mga barbaro, ang nangalaga
sa mga pangangailangan ng mga tao. Sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating lakas-militar at
kasaganaang materyal ng imperyo, bumaling ang mamamayan sa simbahang Katoliko sa
pamumuno at kaligtasan. Binigyang-diin nila ang kalagayan ng kaluluwa sa ikalawang buhay ayon
sa pangako ng Simbahan para sa mga nailigtas sa pamamagitan ni Kristo. Sa kabilang dako,
nahikayat naman ang mga barbaro sa kapangyarihan ng Simbahan. Pumayag sila na binyagan sa
pagka- Kristiyano at naging matapat na mga kaanib ng pari.

2. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan


Noong mga unang taon ng Kristiyanismo, karaniwang tao lamang ang mga pinuno ng
Simbahan na nakilala bilang mga presbyter na pinili ng mga mamamayan. Mula sa mga
ordinaryong taong ito lumitaw ang mga pari at mga hirarkiya. Isang diyosesis ang kongregasyon ng
mga Kristiyano sa bawat lungsod na pinamunuan ng Obispo. Nasa ilalim ng Obispo ang maraming
pari sa iba’t ibang parokya sa lungsod. Nang lumaganap ang Kristiyanismo mula sa lungsod
patungo sa mga lalawigan, sumangguni sa mga Obispo ang mga pari sa kanilang pamumuno. Sa
ilalim ng pamumuno at pamamahala ng Obispo, hindi lamang mga gawaing espiritwal ang
pinangalagaan ng mga pari, kundi pinangasiwaan din nila ang gawaing pangkabuhayan, pang-
edukasyon at pagkawanggawa ng Simbahan. Bukod dito, ang Obispo rin ang namamahala sa
pagpapanatili ng kaayusan at katarungan sa lungsod at sa iba pang mga nasasakupan. Tinawag na
mga Arsobispo ang mga Obispo na nakatira sa malalaking lungsod na naging unang sentro ng
Kristiyanismo. Bukod sa panrelihiyong pamamahala ng kanilang sariling lungsod, may
kapangyarihan ang isang Arsobispo sa mga Obispo ng ilang karatig na maliit na lungsod. Ang
Obispo ng Rome, na tinawag bilang Papa, ang kinikilalang katas-taasang pinuno ng Simbahang
Katoliko sa kanlurang Europe. Kabilang siya sa mga Arsobispo, Obispo at mga Pari ng mga
parokya. Mula noong kalagitnaan ng ika-11 siglo, pinipili ang mga Papa ng Kolehiyo ng mga
Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan lamang, depende kung sino ang gusto ng matatandang
kardinal. Sa Konseho ng Lateran noong 1719, pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa.
Ang kapapahan (Papa) ay tumutukoy sa tungkulin, panahon, ng panunungkulan at kapangyarihang
panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin ang kapangyarihang
pampulitika bilang pinuno ng estado ng Vatican. Ang salitang “Pope” ay nagangangahulugang
AMA na nagmula sa salitang Latin na “Papa”. Noong unang panahon itinuturing ng mga kristyano
ang “Papa” bilang ama ng mga Kristiyano.

3. Uri ng Pamumuno sa Simbahan

Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng


pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Ilan lamang sa
mahahalagang tao ng Simbahan at ang kanilang mga nagawa ang makikita sa
talahanayan.

Pinuno Paraan ng Pamumuno


 Pinagbuklod-buklod niya ang lahat ng mga Kristiyano
Consatantine the sa buong imperyo ng Rome at ang Konseho ng Nicea
Great na kaniyang tinawag.
 Pinalakas ni Constantine ang kapapahan sa
pamamagitan ng Konseho ng Constantinople. Sa
kapulungang ito, pinaguri-uri ng mga Obispo ang iba’t
ibang malalaking lungsodsa buong imperyo. Gayundin,
pinili ang Rome bilang pangunahing diyosesis at dahil
dito, kinilala ang Obispo ng Rome bilang pinakamataas
na pinuno ng Simbahang Katoliko Romano.

Papa Leo the  Binigyang-diin niya ang Petrine Doctrine, ang


Great (440-461) doktrinang nagsasabing ang Obispo ng Rome, bilang
tagapagmana ni San Pedro, ang tunay na pinuno ng
Kristiyanismo. Sa kaniyang mungkahi, ang emperador
sa kanlurang Europe ang nag-utos na kilalanin ang
kapangyarihan ng Obispo ng Rome bilang
pinakamataas na pinuno ng Simbahan. Makalipas ang
ilang daang taon, ibinigay ang pangalang Papa sa
Obispo ng Rome. Mula noong kapanahunan ni Papa
Leo, kinilala ang kapangyarihan ng Papa sa lahat ng
mga Kristiyano sa kanlurang Europe. Tumanggi naman
ang Simbahang Katoliko sa silangang Europe na
kilalanin ang Papa bilang pinakamataas na pinuno ng
Kristiyanismo
 Iniukol niya ang kaniyang buong kakayahan at
Papa Gregory I pagsisikap sa paglilingkod bilang pinuno ng lungsod at
patnubay ng Simbahan sa buong kanlurang Europe.
 Natamo ni Papa Gregory I ang sukdulan ng tagumpay
nang magawa niyang sumampalataya ang iba’t ibang
mga barbarong tribo at lumaganap ang Kristiyanismo
sa malalayong lugar sa kanlurang Europe. Dahil dito,
nagpadala siya ng mga misyonero sa iba’t ibang bansa
na hindi pa sumasampalatay sa Simbahang Katoliko.
Buong tagumpay na nagpalaganap ng kapangyarihan
ng Papa ang mga misyonerong ito nang sumampalataya
sa Kristiyanismo ang England, Ireland, Scotland, at
Germany.

 Sa kaniyang pamumuno naganap ang labanan ng


Papa Gregory kapangyarihang sekular at eklesyastikal ukol sa power
of investiture o sa karapatang magkaloob ng tungkulin
VII sa mga tauhan ng Simbahan noong kapanahunan ni
Haring Henry IV ng Germany. Itiniwalag kaagad niya
sa simbahan si Haring Henry IV na gumanti naman
nang ipag-utos niya ang pagpapatalsik kay Papa
Gregory VII. Ngunit nang maramdaman ni Henry IV
na kaanib ni Papa Gregory VII ang mga Maharlika sa
Germany, sumuko siya sa Papa at humingi ng
kapatawaran. Binawi ng Papa ang kaparusahang
pagtitiwalag sa Simbahan pagkatapos ng lubhang
paghihirap sa pagtawid sa Alps at napahamak
pagkaraan nang malaon at masidhing pag-aaregluhan.

4. Pamumuno ng mga Monghe


Binubuo ang mga monghe ng isang pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong
pamumuhay at nanirahan sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina.
Sila ang mga regular na kasapi ng mga pari at itinuturing na higit na matapat kaysa mga paring
sekular. Tuwirang nasa ilalim lamang ng kontrol at pangangasiwa ng Abbot at Papa ang mga
monghe.
Namumuhay ang mga monghe sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng monasteryo. Dahil dito,
malaki ang kanilangimpluwensya sa pamumuhay ng tao noong Panahong Medieval. Dahil sa
kanilang paniniwalang “Ang pagtatrabaho at pagdarasal,” nagsikap sila sa paglinang at pagtanim
sa mga lupain na nakapaligid sa kanilang mga monasteryo. Dahil dito, hindi lamang kapaki-
pakinabang ang kanilang pagsisikap sa mga monasteryo, kundi higit pang nakaimpluwensya ito sa
pag-unlad ng agrikultura sa buong Europe noong Panahong Medieval.

Mga Gawain ng mga Monghe.


Nagtiyaga ang mga monghe sa pag-iingat ng mga karunungang klasikal ng mga sinaunang
Griyego at Romano. Dahil sa hindi pa natutuklasan ang palimbagan at ang paggawa ng papel, ang
lahat ng mga libro na kanilang iniingatan sa mga aklatan sa monasteryo ang kanilang matiyagang
isinusulat muli sa mga sadyang yaring balat ng hayop. Dahil sa ginawang pagsisikap ng mga
monghe, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna at panggitnang panahon ay napangalagaan sa
kasalukuyan. Ang makatarungang pamumuno ng mga monghe sa kanlurang Europe ay nakatulong
din sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa.
Nagpakain ang mga monasteryo sa mahihirap, nangalaga sa mga maysakit at kumupkop sa mga
taong nais makaligtas sa kanilang mga kaaway. Bumalangkas ang Simbahan ng isang sistema ng
mga batas at nagtatag ng mga sariling hukuman sa paglilitis ng mga pagkakasala na
kinasasangkutan ng mga pari at mga pangkaraniwang tao. Dahil walang
sinumanang nagsasagawa ng ganitong paglilingkod pagkatapos bumagsak ang imperyo ng Rome,
nahikayat ang mga tao sa Simbahan para sa kaayusan, pamumuno at tulong. Pinakamahalaga sa
mga ginampanang tungkulin ng mga monghe ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa
sa iba’tibang dako ng kanlurang Europe. Napag-alaman na natin kung paano napasampalataya sa
Kristiyanismo ang mga Visigoth sa Spain; ang mga Anglo-Saxon sa England, Ireland at Scotland; at
ang mga German sa ilalim ng direksiyon ni Papa Gregory I. Gayundin, naging martir si St. Francis
Xavier, ang tinaguriang Apostol ng Asia para sa simulain ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, sa
utos ng Papa sa Rome. Apat ang pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan
ng Papa sa Rome. Pangunahin na rito ang pagbagsak ng Imperyong Romano na siyang nagbunsod
sa kapangyarihan ng kapapahan.

Ang Krusada
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa
panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong Europeo
laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem. Mula Jerusalem balak
salakayin ng mga Turkong Muslim ang Imperyong Byzantine kaya humingi ng tulong ang Emperador
ng Byzantine sa Papa sa Rome lalo pa at sa pagsalakay na ito ay mapalaganap ang relihiyong Islam. Sa
panawagan ni Papa Urban, hinimok niya ang mga kabalyero (knights) na maging krusador at
pinangakuan niya ang mga ito na papatawarin sila sa kanilang mga kasalanan; kalayaan sa mga
pagkautang; at kalayaang pumili ng “fief” mula sa lupa na kanilang masakop.

Unang Krusada
Ang unang Krusada ay binuo ng mga 3000 kabalyero at 12000 na mandirigma sa pamumuno ng
Prinsipe at mga Pranses na nabibilang sa “nobility”. Matagumpay na nabawi ng grupong ito ang
Jerusalem noong 1099 at nagtatag sila ng Estadong Krusador malapit sa Mediterranean. Sa pagsalakay
nila sa Jerusalem, maraming Muslim ang napatay, pati na ang mga Hudyo at Kristyano. Nanatili sila ng
mga limampung taon sa Jerusalem ngunit sinalakay din sila ng mga Muslim.

Ikalawang Krusada
Sa paghihikayat ni St Bernard ng Clairvaux, sinamahan siya nina Haring Luis VII ng France at
Emperor Conrad III ng Germany. Maraming balakid na naranasan anggrupong ito sa pagpunta sa
Silangan at ang pinakatagumpay nila ay ang pagsakop ng Damascus. Hindi pa man sila nakalayo sa
pinanggalingang Europe ay nalunod na si Frederick at si Philip naman ay bumalik sa France dahil nag-
away sila ni Richard. Nagpatuloy si Richard hanggang sa nagkasagupaan sila ni Saladin, ang pinuno ng
mga Turko. Sa kahulihulihan nagkasundo silang itigil ang labanan. Sa loob ng tatlong taon ang mga
Kristiyano ay malayang nakapaglakbay sa Jerusalem. Binigyan pa sila ng maliit na lupain malapit sa
baybayin.

Krusada ng mga Bata


Noong 1212 isang labin dalawang taong French na ang pangalan ay Stephenay naniwala na siya
ay tinawag ni Kristo na mamuno ng Krusada. Libong mga bata angsumunod sa kaniya ngunit
karamihan sa kanila ay nagkasakit, nasawi sa karagatan at ang iba ay ipinagbili bilang alipin sa
Alexandria.

Ikaapat na Krusada
Ang ikaapat na Krusada na inulunsad noong 1202 ay naging isang iskandalo. Ang mga krusador
ay ibinuyo ng mga mangangalakal ng Venetra na Kristiyanong bayan ng Zara. Nagalit ang Papa sa
ginawa nilang ito kaya sila ay idineklarang “excomunicado”. Nagpatuloy sa pagdarambong ang mga
krusador hanggang sa Constantinople kungsaan nagtayo sila ng sariling pamahalaan. Noong 1261 sila
ay napatalsik sa Constantinople at naibalik ang Imperyong Byzantine. Ang huling kuta ng mga
Kristiyano sa Arce ay napasakamay ng mga Muslim at ito ay naging simula ng paghina ng Krusada.

Iba pang Krusada


Nagkaroon ng iba pang
Krusada noong 1219, 1224, 1228
ngunit lahat ng mga ito ay naging
bigo sa pagbawi muli sa Holy Land. Sa
kabuuan, ang mga Krusada ay
pawang bigo, maliban sa una na
nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon at pagkatapos nito ay nanumbalik na
naman sa kamay ng mga Turkong Muslim ang lupain.

Resulta ng Krusada Ruta ng ilan sa mga krusada


Kung mayroon mang magandang
naidulot ang Krusada, ito ay sa larangan ng Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa
kalakalan. Napalaganap ang komersyo at ito salitang Latin na “crux” na nangangahulugang ay
nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga “cross”. Ang mga Krusador ay taglay ang
lungsod at malalaking daungan. Ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan.
kulturang Kristiyano ay napayaman din. Sa
kabilang panig, ang krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa gawaing ito.
Hindi pagmamalasakit sasimbahan ang naging dahilan sapagsama sa banal na laban na ito kundi ang
pagkakataong makapaglakbay at mangalakal.

VI. Pagyamanin
Gawain. Diyagram ng Aking Natutuhan
Panuto: Batay sa binasang teksto, isa-isahin ang mga salik na nakatulong sa paglakas ng
kapangyarihan ng Papa sa Europe. Ipaliwanag ang sagot.

Salik sa
Paglakas ng
Kapangyariha
n ng Papa

VII. Isaisip

Ang mga pangunahing salik na nagbigay-daan sa paglakas ng kapangyarihan ng Papa sa


Rome ay, Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano, Matatag at Mabisang Organisasyon ng
Simbahan, ang Uri ng Pamumuno sa Simbahan, at ang Pamumuno ng mga Monghe,
Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng pundasyon
ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan gaya nina Constantine the Great, Papa Leo the
Great, Papa Gregory I, Papa Gregory VII.
Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo dahil sa
panawagan ni Pope Urban II noong 1095. Ito ay isang banal na labanan ng mga relihiyosong
Europeo laban sa mga Turkong Muslim na sumakop sa banal na pook sa Jerusalem.
Ang salitang “Crusade” ay nagmula sa salitang Latin na “crux” na nangangahulugang
“cross”. Ang mga Krusador ay taglay ang simbolo ng Krus sa kanilang kasuotan.

VIII. Isagawa

Gawain. Punan ang talahanayan ng mga kontribusyon ng mga nabanggit na pangyayari na nagbigay
daan sa pag-usbong ng Europe sa panahong Medieval.

Mga Pangyayaring Nagbigay-daan sa


Pag-usbong ng Europe sa Panahong
Medieval

Ang Paglakas ng Paglulunsad ng mga


Simbahang Katoliko Krusada sa pagusbong
Bilang Isang Institusyon
sa Gitnang Panahon ng Europe sa
Panahong Medieval
Kontribusyon Kontribusyon

Patunay Patunay

IX. Tayahin

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat item. Isulat ang letra ng tamang sagot sa inilaang
patlang.

_____1. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng Simbahang Katoliko.


Isang bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan (Papacy). Alin sa sumusunod ang
higit na naglalarawan sa Kapapahan o sa Papacy?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng
Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa
kasalukuyan.
D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Panahong
Medieval

_____2. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong


European dahil sa panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing
layunin ng Krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko

_____3. Pagkatapos ng ____________ ang mga Europeo ay nagpasya na makipaglaban sa mga


Musim.
A. Ika 10-siglo
B. Ika 14-siglo
C. Ika 11-siglo
D. Ika 12-siglo

_____4. Ang unang papa na nanawagan ng krusada noong 1095.


A. Papa Eugenius III
B. Papa Urban I
C. Papa John Paul II
D. Papa Urban II

_____5. Ang mga sumusunod ay mga salik na nakatulong sa paglakas ng kapangyarihan ng


simbahang Katoliko.
A. Pagbagsak ng Imperyong Roman
B. Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan
C. Uri ng Pamumuno ng Simbahan
D. Pamumuno ng mg dayuhan

Panuto: Isulat ang Tama kapag sang-ayon ka sa ipinahihiwatig ng pangungusap at Mali kung hindi.

_____1. Ang salitang crusade ay nagmula sa salitang latin na crux.


_____2. Isang pankat ng monghe ang mga paring tumalikod sa makamundong pamumumuhay at
nanirahan sa mga monastery upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina.
_____3. Sa pamumuno ni Papa Gregory I, tinanggal niya ang karapatan ng mga pinunong sekular na
magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno ng simbahan.
_____4. Ang Unang Krusada ay binuo ng 100 na kabalyero at 5000 mandirigma.
_____5. Ang mga knights ay nangangahulugang kabalyero na naging krusador.
_____6. Ang kapapahan ay panahong panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng papa
pinuno ng estadong Vatican.
_____7. Krusada ang tawag sa ekpidisyong pangkalakan na inilunsad ng Kristyanong Europeo
laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa mga kamay nito.
_____8. Ang Ikaapat na Krusada na inilunsad noong 1202 ay naging kahangahangang pangyayari.
_____9. Noong 1212 isang labindalawang taong French na ang pangalan ay Stephen ang naniwala
na siya ay tinawag ni Kristo na mamuno ng Krusada.
_____10. Isa sa mga naging dahilan ng Paglakas ng kapangyarihan ng kapapahan ay ang pagbagsak
ng Imperyong Roman dahil sa paglusob ng mga Tsino.
X. Karagdagang Gawain
Magsaliksik tungkol sa lipunang Europeo sa panahong pyudalismo - ang mga pari, kabalyero,
maharlikang sundalo, at mga alipin.
https://en.wikipedia.org/wiki/Feudalism
https://www.britannica.com/topic/feudalism

You might also like