You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 8

Ikalawang Markahan/Week 7

GAWAING PAMPAGKATUTO 6
Impluwensiya ng mga Kaisipang Lumaganap sa Gitnang Panahon

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natataya ang impluwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon
(AP8DKT-IIi -13)

Tiyak na Layunin:
 natutukoy ang impluwensiya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon;
 nailalarawan ang impluwensiya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon

II. Panimula (Susing Konsepto)

Dahil sa kahinaan ng mga pinunong namamahala sa Imperyong Roman, agad itong


napabagsak ng mga barbarong sumalakay rito. Ito ang naging hudyat ng pagsisimula ng
panibagong yugto sa kasaysayan ng Europa kung saan nagkaroon ng pagbabago sa
pamunuan at sa pamumuhay ng mga tao.

Pangyayaring nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Europe sa Panahong Medieval

Ang buhay sa
Europe noong
Ang paglakas ng
Gitnang Panahon
Simbahang
Ang Holy Roman Ang Paglunsad ng (Piyudalismo,
Katoliko bilang
Empire mga Krusada Manoryalismo,
institusyon sa
Pag-usbong ng
Gitnang Panahon
mga Bayan at
Lungsod)

Ang pagsisimula ng Panahong Medieval o Gitnang Panahon sa Europe ay nag-iwan


ng mga ambag sa kabihasnan at kasaysayan ng mundo. Ang mga sumusunod ay ang ilan sa
mga impluwensiya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon.

Pagbabagong Naganap sa Europa


Impluwensiya
sa Gitnang Panahon

1. Paglakas ng Kapangyarihan ng Dahil sa kawalan ng pag-asang maibalik ang dating


Simbahang Katoliko lakas-militar at kasaganaang materyal ng imperyo,
bumaling ang mga tao sa simbahang Katoliko sa
pamumuno at kaligtasan.

 Unti-unting humina at nawala ang


kapangyarihan ng mga emperador
 Ang simbahan ay naging pangunahing
institusyon sa Gitnang Panahon at naging
sandigan ng mga tao upang makamit ang mga
pangunahin at espirituwal na
pangangailangan.
 Nahikayat ang maraming tao, pati na ang mga
barbaro, na tanggapin ang kristiyanismo, kaya
lalo pa itong lumaganap sa Europa.
 Umiral ang matatag at mabisang
organisasyon ng simbahan.

2. Pagsilang ng Holy Roman Ang Holy Roman Empire ay binuo ng malalayang


Empire kaharian na nagsanib-puwersa upang maging
isang ganap na imperyo. Ang pinuno nito ay
napasailalim sa kapangyarihan ng Santo Papa.

 Ang pagsasanib ng kapangyarihan ng estado


at simbahan sa Europa ay nagdulot ng mga
pagbabago sa rehiyon.
 Lalong lumaganap ang Kristiyanismo sa
panahon ng pamumuno ni Charlemagne.
 Napabuti ang pamumuhay ng mga tao dahil sa
mabubuting batas na batay sa kautusan ng
simbahan at nabigyang-pansin ang
kahalagahan ng edukasyon.

3. Paglulunsad ng mga Krusada Ang mga Krusada ay mga digmaang militar na na


itinaguyod ng mga Kristiyanong Europeo na ang
pangunahing layunin ay ang mabawi ang
Jerusalem mula sa mga Muslim.

 Humina ang kapangyarihan ng Papa dahil sa


mga nangyari sa mga Krusada.
 Nagkaroon ng mabuting ugnayan ang mga
Europeo sa Silangan at nakilala ang mga
produkto ng Silangan.
 Umunlad ang kalakalan at napalaganap ang
komersyo.
 Ang kulturang Kristiyano ay napayaman.
 Nagkaroon ng interes sa paglalakbay at pag-
aaral tungkol sa ibang kultura.

4. Piyudalismo Ang piyudalismo ay isang sistema ng


pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang
pag-aari ng lord ay ipinasasaka sa mga
nasasakupang tauhan na may katungkulang
maglingkod at maging tapat sa panginoong may-
ari. Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan
isinusuko ng vassal ang kanyang lupa sa isa ring
panginoon para sa kanyang seguridad.

 Sa pamamagitan nito ay nabigyan ng


kasiguruhan o proteksiyon ang mga lord,
vassal, serf, at alipin mula sa pananalakay o
pang-aabuso ng mga barbaro.
 Paglaganap ng kagandahang asal na
nakapaloob sa kodigo ng mga kabalyero gaya
ng katapangan, kahinahunan, pagiging
marangal at maginoo, pagtatanggol sa mga
naaapi at paggalang.
 Kaakibat nito ang pagkakaroon ng
desentralisadong pamamahala, pag-iral ng
sistemang manoryal na siyang sentro ng mga
gawaing pangkabuhayan, at ang
pagkakapangkat ng lipunan.
 Pag-unlad ng ekonomiya

5. Manoryalismo Ang manoryalismo ay isang pamamaraan ng


paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga
malalawak na lupain. Isa itong sistemang pang-
ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay
nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari,
pinuno, o may-ari bilang kapalit ng proteksiyon.

 Paglinang sa lupang sakahan


 Pag-unlad ng ekonomiya
 Ang pag-unlad ng mga manor at paglaki ng
populasyon nito ay nagbunsod sa pag-alis ng
mga tao upang bumuo ng mga bagong
pamayanan sa labas ng mga manor. Ang
pamayanang ito ay naging bagong bayan at
lungsod.
 Pagkakatatag ng mga guild

6. Pag-usbong ng mga bayan at Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking


lungsod tulong sa paglago ng mga bayan.

 Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura


bunsod ng pagkakatuklas ng mga
makabagong teknolohiya at mga bagong
pamamaraan ng pagtatanim.
 Napadali ang pagdala at pagbili ng mga
produktong agrikultural dahil sa pagsasaayos
ng mga kalsada.
 Marami ang lumipat at nairahan sa mga lugar
malapit sa pangunahing daan.

III.Panuto
Matapos mong mapag-aralan ang tungkol sa Impluwensiya ng mga Kaisipang
Lumaganap sa Gitnang Panahon, gawin ang mga sumusunod na gawain at isulat ang sagot
sa sagutang papel.
IV. Pamamaraan
Gawain 1. Tukuyin!
Panuto: Tukuyin kung anong pagbabago na naganap sa Europa ang nagdulot ng mga
impluwensiyang nakalahad sa bawat aytem. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ito
sa sagutang papel.

A. Paglakas ng Simbahang Katoliko


B. Pagsilang ng Holy Roman Empire
C. Paglulunsad ng mga Krusada
D. Piyudalismo
E. Manoryalismo
F. Pag-usbong ng mga bayan at lungsod

1. Humina ang kapangyarihan ng Papa dahil sa mga nangyari sa mga Krusada.


2. Paglaganap ng kagandahang asal na nakapaloob sa kodigo ng mga kabalyero.
3. Nagdulot ng pagbabago sa Europe ang pagsasanib ng kapangyarihan ng estado at
simbahan.
4. Umiral ang matatag at mabisang organisasyon ng simbahan.
5. Napadali ang pagdala at pagbili ng mga produktong agrikultural dahil sa pagsasaayos
ng mga kalsada.
6. Bumuo ng mga bagong pamayanan ang mga tao dahil sa pag-unlad ng mga manor at
paglaki ng populasyon nito.
7. Nabigyan ng proteksiyon ang mga lord, vassal, serf, at alipin mula sa ng mga barbaro.
8. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura dahil sa pagtuklas ng mga bagong paraan sa
pagtatanim.
9. Lumaganap ang Kristiyanismo sa panahon ng pamumuno ni Charlemagne.
10. Humina at nawala ang kapangyarihan ng mga emperador.

Gawain 2: Tama o Mali?


Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay wasto, at MALI
naman kung ito ay hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng Imperyong Roman at


pananalakay ng mga tribung barbaro, naging kanlungan ng mga tao ang simbahan.
2. Pangunahing layunin ng paglulunsad ng mga Krusada ang pagpapalaganap ng
relihiyong Islam sa ibang panig ng daigdig.
3. Ang Piyudalismo ay ang sistemang politikal, sosyo-ekonomiko at militar na sagot sa
pangangailangan sa tagapanguna sa panahon ng kaguluhan.
4. Bunsod ng pagtaas ng populasyon at pag-unlad ng kalakalan ay unti-unting bumagsak
ang mga bayan.
5. Ang paglago ng bayan ay nakatulong sa paglago ng kalakalan at ang paglago ng
kalakalan ay nakatulong din sa paglago ng mga bayan.
6. Ang mga pangyayaring naganap sa Europe sa Gitnang Panahon ay nakatulong sa
pagkakabuo ng pandaigdigang kamalayan.
7. Ang pag-unlad ng mga manor at paglaki ng populasyon ay nagbunsod sa pagkakabuo
ng mga bayan at lungsod.
8. Isa sa mga dulot ng mga krusada ay ang paghina ng kalakalan sa pagitan ng Europa
at Asya.
9. Ang pagsilang ng Holy Roman Empire ay nakatulong sa pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.
10. Bagamat nabigo ang mga inilunsad na mga krusada sa Gitnang Panahon, nagkaroon
pa rin ito ng mga magandang resulta.
Gawain 3: Ganito noon, Ano kaya ngayon?
Panuto: Punan ang tsart ng mga natatanging impluwensya ng mga pangyayari sa Gitnang
Panahon noon at sa kasalukuyan. Magtala ng tig-isang magandang impluwensiya para sa
bawat aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Noon Ngayon
(Panahong Medieval) (Kasalukuyang Panahon)

Simbahan Halimbawa:
(Pananampalataya) Naging sandigan at Malaki ang impluwensya sa
nagsasaayos ng kalagayang lipunan dahil sa pagkakaroon
moral at espiriwal na nito ng pamantayan sa pag-
kapakanan ng lipunan. uugali at moralidad.

Kabuhayan

Paglulunsad ng
Krusada

V. Mga Sanggunian
 Blando, Rosemarie C. et. al. Kasaysayan ng Daigdig. Araling Panlipunan – Modyul
para sa Mag-aaral. Pasig City: DepEd-BLR, 2014
 EASE Modyul 8: Ang Simbahang katoliko: Isang Makapangyarihang Institusyon sa
Gitnang Panahon.
 EASE Modyul 9: Sistemang Piyudal sa Gitnang Panahon sa Europa.

VI.Susi sa Pagwawasto

Iba-iba ang maaaring isagot ng mga mag-aaral.

Inihanda ni: Iniwasto at Sinuri ni:

MICHA JOY B. GABRIEL ELIZABETH O. PASCUAL


Teacher I TIC, TLE/AP/EsP

Binigyang-pansin ni:

CONNIE MARIE ANGELIE MAE P. BALIGNASAY


School Principal II

Note: Practice personal hygiene and health protocols at all times.

You might also like