You are on page 1of 19

PAG-USBONG NG

BOURGEOISIE
Ang terminong
Bourgeoisie ay inuugnay
sa mga mamamayan ng
mga bayan sa Medieval
France na binubuo ng
mga artisan at mga
mangangalakal.
Mga halimbawa kung bakit malaki ang pagkakaiba
ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay
ng aristokrasya, mga magsasaka, o mga pari:
• Ang daigdig nila ay hindi ang manor o simbahan kundi
ang pamilihan.
• Hindi nakatali ang mga kasapi ng uring ito sa mga
panginoong may lupa.
• Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa
industriya at kalakalan.
Ang mga Artisan halimbawa ay naninirahan sa mga
nabuong pamayanan. Hindi sila naka depende sa
sistemang piyudal at binabayaran sila sa kanilang
paggawa.
Sa huling bahagi ng ika-17 na siglo, nagging
isang makapangyarihang puwersa ang mga
bourgeoisie sa Europe. Binubuo sila ng mga
mangangalakal, banker, (nagmamay-ari o
namamahala ng bangko), mga
shipower(nagmamay-ari ng mga barko), mga
pangunahing mamumuhunan, at mga
negosyante. Ang kapangyarihan ng
bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at
pakikipag-alyansa sa hari laban sa mga
landlord. Subalit ang kanilang kapangyarihan
sa nasabing panahon ay pang-ekonomiya
lamang.
Maiuugat ang English Revolution, American
Revolution, at French Revolution sa pagnanais
ng bourgeoisie na palayain ang sarili mula sa
anino ng piyudalismo, sa pakikialam ng
monarkiya sa personal na kalayaan, at sa
karapatan sa kalakalan, at pagmamay-ari.

Nagkaroon lamang ng political na


kapangyarihan ang mga bourgeoisie
pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng
karapatang political, panrelihiyon, at sibil sa
pamamagitan ng pagtaguyod ng liberalismo.
MERKANTILISMO
Hango ang ideyang ito sa karanasan ng Spain na
yumaman at nagging makapangyarihan dahil sa
mahahalagang metal na nanggaling sa mga
kolonya nito sa South America at Central America.
Isang elemento ng merkantilismo na nakatulong
sa pagkabuo at paglakas ng mga nation-state ay
ang tinatawag na nasyonalismong ekonomiko. Ibig
sabihin nito, kayang tustusan ng isang bansa ang
sarili nitong pangangailangan. Sa pamamagitan ng
pagtaas sa dami ng iniluluwas na produkto, hindi
na aasa ang bansa sa mga produktong dayuhan.
Ang pag-unlad ng isang bagong doktrinang
tinawag na merkantilismo ay nakatulong din sa
pagkabuo at paglakas ng mga nation-state sa
Europe. Nabuo ang prinsipyo ng merkantilismo
upang itaguyod ang kaunlarang pang-ekonomiya
at kapangyarihang political ng isang bansa.
Bagama’t kadalsang ikinakategorya bilang
patakarang pang-ekonomiya, ang merkantilismo ay
isang sitema na ang pangunahing mga layunin ay
political. Ang mga layuning ito ay ang magkaroon
ng malaking kitang magbibigay daan upang ang
hari ay makapagpagawa ng mga barko,
mapondohan ang kaniyang hukbo, at magkaroon
ng pamahalaang katatakutan at rerespituhin ng
buong daigdig.
Ang doktrinang bullionism ay sentral sa
teorya ng merkantilismo. Sa ilalim ng
doktrinang ito, ang tagumpay ng isang bansa
ay masusukat sa dami ng mahahalagang
metal sa loob hangganan nito. Ibig sabihin,
kung mas maraming ginto at pilak ang
makukuha ng isang bansa, mas maraming
pera ang malilikom nito bilang buwis.
Nangangahulugan ito na mas magiging
mayaman at makapangyarihan ang naturang
bansa.
PAGTATAG NG NATIONAL MONARCHY
Malaki ang naitulong ng
pagtatag ng national
monarchy sa paglakas ng
Europe. Matatandaan na sa
panahon ng piyudalismo,
walang sentalisadong
pamahalaan. Mahina ang
kapangyarihan ng hari. Ang
naghahari ay ang mga
noble na sila ring mga
panginoong maylupa. Ang
hari ay itinuturing lamang
na pangunahing
panginoong may lupa.
Subalit nabago ang katayuan ng monarkiya sa tulong ng mga
bourgeoisie. Ang hari na dating mahina ang kapangyarihan ay
unti-unting namayagpag sa pamamagitan ng pagpapalawak ng
teritoryo at pagbubuo ng matatag na sentralisadong pamahalaan.
Humirang siya ng mamamayang nagpapatupad ng batas at
nagsasagawa ng paglilitis at pagpaparusa sa korte ng
palasyo. Bilang resulta, ang katapatan ng mamamayan ay
lumipat mula sa panginoong may lupa tungo sa
pamahalaan na may kakayahang protektahan sila.
Sa pamamagitan ng buwis, nagkaroon ng pondo ang hari
upang magbayad ng mga sundalo. Dahil dito, nakalaya ang
hari mula sa proteksiyon na dating ibinibigay ng mga knight
ng panginoong maylupa. Dahil ang katapatan ng mga
sundalo ay nasa hari, maari silang gamitin ng hari laban sa
mga knight ng panginoong maylupa kung kinakailangan.
Bukod dito, maari nang humirang ang hari ng mga
edukadong mamamayan bilang kolektor ng buwis, hukom,
sekretarya, at administrador
PAG-USBONG NG MGA NATION-STATE

Sa pagbabago ng konsepto ng monarkiya, naitatag


na rin ang mga batayan ng mga nation-state sa
Europe. Ang nation-state ay tumutukoy sa isang
estado na pinananahanan ng mamamayan na may
magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at
kasaysayan. Dahil sa kanilang pagkakahalintulad na
kultural, ang mga mamamayan ay isang nagkaisang
lahi. Bukod sa pagiging nasyon, isa rin silang estado
sapagkat nananahan sila sa isang tiyak na teritoryo
at may pamahalaan silang may soberinidad o
kasarinlan. Isa silang nagkakaisang lahi na may
katapatan sa kanilang bansa.
Mahalagang katangian ng nation-state sa panahong ito ang
pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan sa ilalim ng
isang pambansang monarkiya na may kakayahan at
kapangyarihan na magpatupad na batas sa buong
nasasakupan. May mga bagong institusyon na umusbong
bunga ng pagiging nation-state. Isa rito ang pagkabuo ng
isang hukbo ng mga propesiyunal na sundalo na tapat sa
hari.
Tungkulin ng hukbo na palawigin ang teritoryo at
kapangyarihan ng monarkiya kahit mangahulugan ito ng
digmaan. Nagsimula rin ang institusyon ng burukrasya sa
mga opisyal o kawani na may kasanayan para patakbuhin
ang pamahalaana ayon sa kautusan ng monarkiya. Kabilang
sa katungkulan ng mga opisyal at kawani ang
pangongolekta ng buwis, pagpapatupad ng batas, at
pagkakaloob ng hustisya.
Dahil sa makapangyarihan ang mga nation-state,
nagpakita ng ibayong lakas ang Europe. Nabuo sa
Europe ang mga bagong institusyong pampolitika,
panlipunan, at pang-ekonomiya. Ang pag lakas ng
Europe ay nag-bigay daan din sa pagpapalawak nito
ng impluwensiya. Nagnap ito sa panghihimasok at
pananakop ng mga Europong nation-state sa Asya,
America, at nang kalaunan, sa Africa.
PAGLAKAS NG SIMBAHAN AT ANG PAPEL NITO
SA PAGLAKAS NG EUROPE

Sa pagsapit ng taong 1073, nagging mas makapangyarihan


ang simbahan ng itakda ni Papa Gregory VII na ang lipunan
ay bahagi ng kaayusang banal na naipapasailalim sa batas
ng Diyos. Bilang pinaka-mataas na lider-esperituwal at
tagapagmana ng Simbahang Katoliko mula kay San Pedro,
ang Papa ang may pinaka-mataas na kapangyarihan sa
pananampalataya at doktrina. Kaugnay nito ang lahat ng
Obispo ay dapat na mapasailalim sa kanya, gayundin ang
mga hari na ng kapangyarihan ay dapat lamang diumanong
gamitin sa layuning Kristiyano. May karapatan ang Papa na
tanggalin sa hari ang karapatang mamuno kung hindi siya
tumupad sa kanyang obligasyong Kristiyano.
Ang Invistiture Controversy ay sumasalamin sa tunggalian
ng interes ng Simbahan at pamahalaan kaugnay ng mga
ideya ni Papa Gregory VII. Hindi nagustuhan ng haring
German na si Henry IV ang ideya ni Papa GregoryVII. Para
kay Henry, ang relihiyong panatisismo ni Papa Gregory VII
ay tuwirang nakaka-apekto sa mga kaugalian at usapang
political sa Germany. Dahil dito, humingi ng tulong si
Henry IV sa mga obispong German na pababain na sa
puwesto ang Papa. Bilang tugon, idineklarang Papa na
eksomulagdo si Henry IV sa Sibahang Katoliko. Hiniling ng
hari na alisin na ang eksomulagasyon sa kaniya. Nang
hindi ito ginawa nang Papa, tumayo si Henry IV nang
nakayapak sa labas ng palasyo ng Canossaa sa hilagang
Italy ng tatlong araw noong 1077. hiniling niya na alisin na
ang parusang eksomulagasyon.
Bagaman pinatawad din kalaunanng Papa si Henry, ang
nasabing insidente ay lalong nagpatibay sa kapangyarihan
ng Simbahan. Kalaunan upang malutas ang nasabing isyu,
nagkaroon ng kompromiso sa pagitan ng Simbahan at ni
Henry IV. Ito ay tinawag na Concordant of Worms noong
1122 na kumilala sa dalawang tungkulin ng Obispo bilang
lider-espirituwal ng Simbahan at panginoong maylupa.
Kilala nito ang Simbahan bilang isang nagsasariling
institusyon na pinamumunuan ng Papa na hindi
nagpasailalim sa sinumang hari.
Ang Simbahan ang pinakamakapangyarihanng
institusyon sa panahon ng Middle Ages. Malawak
ang lupang pag-aari nito. Ito ang nagtakda sa
Europe ng Pamantayan ng pag-uugali at moralidad.
Ito rin ang namahala sa edukasyon. Maging ang
mga hari ay kaya niyang utusan o pasunurin. Dahil
sa kapangyarihan ng simbahan, mahalaga ang
nagging papel nito sa paglakas ng Europe. Sa
pangunguna ng Simbahan nabuo ang imahe ng
Eurong bilang isang malawak na kabuuang
Kristiyano – ang Republica Christiana na
pinamumunuan ng mga hari sa patnubay ng Papa.
Sa kabuuan, ang Europe sa simula ng ika-11
na siglo hanggang sa ika-13 na siglo ay
lumakas. Lumaki ang populasyon,
nanumbalik ang dating siglang
pangkalakalan, umusbong ang mga lungsod
at kalaunan ay nagging nation-state, at
lumakas ang kapangyarihan ng Simbahan.
Ang mga salik na ito ang nagbigay daan sa
pagkalas ng Europe at sa kaganapan ng mga
sumusunod na panahon.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like