You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF RIZAL
BENJAMIN B. ESGUERRA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN - 8
(Unang Linggo – IKATLONG MARKAHAN)

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Seksiyon:______________


Guro: _______________________________________ Marka: _________________________

Paksa: Ang Pag-usbong ng Makabagong Daigdig: Ang Transpormasyon Tungo sa


Pagkabuo ng Pandaigdigang Kamalayan.

Kasanayang Pagkatuto:
A. Nasusuri ang mahahalagang pagbabagong political, ekonomiko at sosyo-
kultural sa panahon ng Renaissance.  (AP8PMD-IIIa-b-1)
B. Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng
Kolonyalismo. (AP8MD-IIIc-2)

Tiyak na Layunin:
A. 1. Nabibigyang kahulugan ang salitang Renaissance;
2. Nailalahad ang mga salik na nagbigay-daan sa Renaissance;
3. Nasusuri ang ambag ng Renaissance sa iba’t-ibang larangan.
B. 1. Nauunawaan ang mga kaganapan, dahilan, pangyayari at epekto ng
Unang Yugto ng Kolonyalismo.

Pag- usbong ng Renaissance

Sa pagtatapos ng Middle Ages sa huling bahagi ng ika-14 na siglo, isinilang ang


Renaissance. Maaari itong ilarawan sa dalawang paraan. Una, bilang kilusang kultural o
intelektuwal na nagtangkang ibalik ang kagandahan sa sinaunang kulturang Greek at Roman sa
pamamagitan ng pag-aaral sa panitikan at kultura ng mga nasabing sibilisasasyon. Ikalawa,
bilang panahon ng transisyon mula sa Middle Ages tungo sa Modern Period o Modernong
Panahon.

Italy ang pinagmulan ng kadakilaan ng sinaunang Rome at higit na may kaugnayan ang
Italyano kaysa sa mga Romano, o alinmang bansa sa Europe. Itinuturing na isa sa maraming
dahilan kung bakit sa Renaissanace ito nagsimula ay dahil sa lokasyon nito. Mahahalaga din ang
papel na ginampanan ng mga Unibersalidad sa papel at pagtataguyod ng mga maharlikang
angkan sa mga taong mahusay sa sining at masigasig sa pag-aaral.

Mga Ambag ng Renaissance sa Iba-ibang Larangan

Sa Larangan ng Sining at Panitikan

A. Francesco Petrach – Ang Ama ng “Humanismo” sinulat niya ang Songbook , isang
koleksyon ng mga sonata ng pag-ibig sa pinakamamahal niyang si Laura.
B. Giovanni Boccaccio – Sumulat ng Decameron, isang tanyag na koleksyon na
nagtataglay ng isandaang nakatatawang salaysay.
C. William Shakespeare – Ang Makata ng mga Makata. Sinulat niya ang mga dulang Julius
Caesar, Romeo at Juliet , Hamlet, Anthony at Cleopatra at Scarlet.
D. Desiderius Erasmus – Prinsipe ng Humanista. May akda ng Praise of Folly kung saan
tinuligsa niya ang hindi mabuting gawa ng mga pari at mga karaniwang tao.
E. Nicollo Machievelli – May-akda ng The Prince.
F. Miguel De Cervantes – Sumulat ng Don Quixote dela Mancha.

Sa Larangan ng Pagpipinta

A. MichelAngelo Bounarotti – Pinakasikat ng iskultor. Gumawa ng La Pieta at nagpinta sa


Sistine Chapel ng Katedral.
B. Leonardo Da Vinci – Lumikha ng Last Supper at Mona Lisa.
C. Raphael Santi – Ganap na Pintor. Ang kanyang mga tanyag na obra ay Sistine Madonna,
Madonna, and Child at Alba Madonna.

Sa Larangan ng Agham sa Panahon ng Renaissance

A. Nicolas Copernicus – Inilahad niya ang Teoryang heliocentric; “ Ang pag-ikot ng daigdig
sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta at umiikot din ito sa paligid ng araw.
B. Galileo Galilei – Isang astronomo at matematiko. Nakaimbento ng teleskopyo.
C. Sir Isaac Newton – Nagpakilala ng Batas ng Universal Gravitation, ang bawat planeta ay
may kanya-kanyang lakas brabitasyon at siyang dahilan kung bakit nasa wastomg lugar
ang kanilang pag-inog.

Ang Mga Kababaihan sa Renaissance

Ilang kababaihang nakilala sa panahon ng Renaissance at ang kanilang mga


ambag. Isotta Nogarola ng Verona may akda ng Dialogue at Oration on the Life St.
Jerome. Laura Cereta mula sa Brescia isinulaong ang isang makabuluhang pagtatanggol
sap ag-aaral na humanistiko para sa kababaihan bago mamatay sa gulang ng 30.

Sa pagsulat ng tula nakilala sina Veronica Franco at si Vittoria Colonna. Sa


larangan ng pagpipinta, nariyan si Sofonisba Anguissola lumikha ng Self Portrait at si
Artemisia Gentileschi, nagpinta ng Judith and Her Maidservant with the Head of
Holoferness at Self- Portrait as the Allegory of Painting.

Halaw sa Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig ph. 300-307

Gawain sa Pagkatuto Blg. 1


Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong sa bawat aytem.  Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ito ay nangangahulugang “muling pagsilang” o rebirth.


A. Enlightenment C. Repormasyon
B. Renaissance D. Sekularismo
2. Ito ay tumutukoy sa mga iskolar na nanguna sa pag-aaral ng klasikal na
sibilisasyon ng Greece at Rome.
A. Banker C. Humanista
B. Humanismo D. Medici
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagbigay daan sa pag-usbong ng
Renaissance?
A. Mula ika-15 hanggang ika-18 siglo naging kilala sa Europe bilang mga duke
ng Tuscany, mangangalakal, at banker ang pamilyang Medici.
B. Sa pagtatapos ng Middle ages, nagkaroon ng bagong kapangyarihan ang
mga hari samantalang ang kapangyarihan naman ng simbahan ay sinimulang
tuligsain.
C. Ang patuloy na paglakas ng kapangyarihan ng Simbahan at Papa.
D. Ang pagsisimula ng pag-aaral ng wikang Latin at Greek, komposisyon,
retorika, kasaysayan, pilosopiya, matematika at musika.
4. Ito ay naging dahilan upang ang mahahalagang ideyang umusbong sa panahon
ng Renaissance ay lumaganap.
A. Pagkakaimbento ng palimbagan
B. Pagsisimula ng Protestantismo
C. Paghina ng kapangyarihan ng Simbahan
D. Paglaganap ng Repormasyon
5. Itinuturing ito na isang instrumentong malaki ang naitulong sa panahon ng
paglalakbay at pangangakal ng mga manlalayag.
A. Compass at astrolabe C. Mapa
B. Globo D. Woodblock printing
6. Ang mga sumusunod ay sinasabing motibo ng kolonyalismo, alin ang hindi?
A. Pagahanap ng kayamanan C. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
B. Paghahangad ng katanyagan D. Pagbuo ng alyansa
7. Ito ay isang mahalagang aklat kung saan nagsasaad ng yaman at kaunlarang
taglay ng China at umakit sa mga taga Europeo upang marating ang Asya.
A. The Prince C. The Travels of Marco Polo
B. Dialogue on Adam and Eve D. Sapiens
8. Ito ay ginagamit ng mga Europeo,  bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at
upang mapreserba ang mga karne, pati na bilang pabango,kosmetiks at
medisina.
A. Asin B. Spices C. Suka D. Asukal
9. Alin sa sumusunod ang di-mbuting epekto ng kolonisayon at eksplorasyon?
A. Paglakas ng ugnayan ng Silangan at Kanluran
B. Paglinang ng mga Kanluranin sa likas na yaman ng mga bansang nasakop
C. Paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan
D. Pagbabago ng ecosystem ng daigdig bunga ng pagpapalitan ng hayop,
halaman at sakit.
10. Isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola
hanggang sa Timugang Pola na naghahati sa Spain at Portugal.          
A. Latitude C. line of demarcation
B. Ekwador D. sphere

Gawain sa Pagkatuto Blg. 2


Panuto: Bilugan at Hanapin sa kahon ang mga salitang tinutukoy sa bawat
pangungusap. Gamitin ang una at huling titik ng salita bilang gabay sa
paghahanap ng bawat salita.

KOLONYALISMO ITALY                  MAGELLAN

BANKER               HUMANISMO               KAPITALISMO

HISPANOLA                   MILAN

 
1. B__________R  Nagmamay-ari o namamahala ng bangko.
2. I___________Y  Bansa kung saan itinuturing na isinilang ang Renaissance.
3. H__________O  Ito ay isang kilusang Intelektuwal noong Renaissance na
naniniwalang dapat pagtuunan ng pansin ang klasikal na sibilisasyon ng Greece
at Rome.
4. M__________N  Isang Portuges na naglakbay sa rutang pakanluran tungong
Silangan taong 1519.
5.  K__________O  Ito ang tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang
mapagsamantalahan ang yaman nito.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kanyang
bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng
transpormasyon tungo sa makabagong panahon

PERFORMANCE TASK: 
Panuto: 
1. Sa unang linggo ng ating aralin sa mga asignaturang AP, EsP at Filipino. Sumulat ng isang sanaysay
tungkol sa kontribusyon ng panahon ng transpormasyon sa aspeto ng pananamit, pag-uugali o
kultura. Isaalang-alang ang sumusunod na mga ideya sa ibaba sa pagsulat ng sanaysay:
A. Mga pagbabagong naganap sa ating bansa, komunidad at pamumuhay ng tao sa panahon ng
transpormasyon sa pananamit, pag-uugali at kultura sa mga nakalipas na panahon.
B. Nagtataglay ng maluwag na pagtanggap sa pagbabago ng kultura.
C. Nakagagamit ng istratehiya tulad ng panayam, sarbey at pananaliksik sa pagbuo ng sanaysay.
2. Kuhaan ng larawan ang ginawang sanaysay at i-send sa messenger ng iyong guro.

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay


Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos`

Nakapagbaliktanaw sa nakaraang kontribusyon ng panahon ng 40%


transpormasyon at nakapaglahad ng magandang epekto nito sa
kasalukuyan

Nakagamit ng istratehiya sa pagbuo ng sanaysay 30%

Naipahayag ang maluwag na pagtanggap sa pagbabago ng kultura 30%

Kabuuan 100%

Inihanda nina:

BB. LIEZL S. PENALBA


Guro sa A.P.8

G. HECTOR L. SALES JR.


Guro sa A.P.8
 

Sinuri ni:

GNG. MARILOU T. BOSI


Tagapangulo sa A.P.

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF RIZAL
BENJAMIN B. ESGUERRA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN - 8
(IKALAWANG LINGGO – IKATLONG MARKAHAN)

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Seksiyon:______________


Guro: _______________________________________ Marka: _________________________

Paksa: Ang Pag-usbong ng Makabagong Daigdig: Ang Transpormasyon Tungo sa


Pagkabuo ng Pandaigdigang Kamalayan.

Kasanayang Pagkatuto:
1. Nasusuri ang Kaganapan at epekto ng Enlightenment pati ng Rebolusyong
Siyentipiko at Industriyal.  (AP8MD-IIId-3)
2. Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko at
Industriyal.  (AP8MD-IIIe-4)

Mga Dahilan ng Pagtuklas at Pananakop ng mga Lupain

Noong ika-15 at ika-16 na siglo, ang mga pagbabago sa ekonomiya, lipunan, relihiyon at
agham na naganap sa Kanlurang Europa ay nagbigay-daan sa panahon ng ekplorasyon at
kolonisasyon na nagdulot ng malaking epekto sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Ang paghahangad sa kayamanan ang unang motibo na nagtulak sa mga Europeo na


maglakbay at tumuklas ng mga bagong lupain. Naghangad sila ng ginto, pilak at mga
mararangyang produkto gaya ng asukal at gatas na nanggagaling sa Asya. Hinangad din nilang
makakuha ng mga rekado sa Asya na kailangan sa preserbasyon ng pagkain lalo na ng karne.

Ang mayayaman at ambisyosong pangkat na mangangalakal ay isa ring mahalagang salik


na naglunsad sa panahon ng eksplorasyon.

Ang mga mangangalakal ng Europa ay bumuo ng ekspedisyon na naglakbay sa lupa at


dagat upang maghanap ng pamilihan. Para makakuha ng mga bagong lupain, sinuportahan ng
mga pinuno ang ekspedisyon sa iba’t ibang lugar para sa kanilang katanyagan at kayamanan.

Ang paghahangad na mapalaganap ang Kristiyanismo ay isa pang dahilan ng paglalakbay


ng mga Europeo sa ibayong dagat. Naniwala ang mga Kastila at Portuges na responsibilidad
nilang itaboy ang mga Muslim sa ibang lugar. Hinangad nilang makuha ang Africa sa mga Muslim
at binyagan sa Kristiyanismo ang mga tao sa Asya.

Ang diwa ng indibidwalismo nang panahon ng Renaissance ay nakatulong din sa panahon


ng eksplorasyon. Ang mga manlalayag at manunuklas ay itinulak ng kanilang paghahangad sa
katanyagan at papuri. Ang lakas ng loob upang makipagsapalaran ay naging dahilan kung bakit
nanguna ang Europa sa pagtuklas at pananakop noong ika-15 siglo.

Ang mga motibo ng eksplorasyon at kolonyalismo ay maipapahayag sa tatlong kataga:


“kayamanan, Kritiyanismo at katanyagan”.

Halaw sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig ph. 262-263

Pagpapaligsahan ng Portugal at España

Ang pagahahanap ng bagong daan patungong silangan ay nagdulot ng kapakinabangan,


katanyagan at karangyaan sa Europa. Sa pagtuklas ng mga bagong lupain ay naging magkaribal
ang Portugal at España.

Nang mga panahong iyon ay nanguna ang Portugal sa pagtuklas dahil sa kahusayan sa
pamumuno ni Prinsipe Henry, ang Nabigador. Si Prinsipe Henry ay ang pangatlong anak ni
Haring Juan I ng Portugal at Reyna Philippa na kapatid ni Edward VI ng England. Pinamunuan ni
Prnsiper Henry ang mga Portuges sa paggalugad ng mga lupain para sa Portugal.

Noong 1418 hanggang 1419, dalawang marinero ang nakatuklas sa Porto Santo at Isla ng
Madeira. Sila ay sina Juan Gonzalvez Zarco at Tristan Vaz Tejeira. Si Antonio Gozalve ay
nakarating sa Tangos na Blanco (Cape Blanco) ng Africa noong 1441.

Noong 1445, natuklasan ni Dennis Fernandez ang Cape Verde Islands. Natuklasan ni
Bartolome Diaz ang Cape of Good Hope noong 1489 at narating naman ni Vasco da Gama ang
Calicut, India noong 1498.

Ang Espana ay hindi nagpahuli sa paghahanap ng mga bagong lupain. Natagpuan ni


Christopher Columbus ang Bagong Daigdig (America) noong Oktubre 12, 1492. Ang America ay
isinunod sa pangalan ng marinerong si Amerigo Vespucci sa siyang gumalugad sa pook at
nakarating sa nasabing lugar sa pagitan ng 1472 at 1503. Natuklasan naman ni Vasco Nuñez de
Balboa ang Pacific Ocean na tinawag din na Dagat Timog at pinangalanang Dagat Pacifico ni
Fernando Magallanes, ang huling marinero ng España na maituturing na may pinakamahalagang
natuklasan at naging tanyag sa kanyang muling pagkatuklas sa Pilipinas noong 1521.

Halaw sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig ph. 255

Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

Maraming mahahalagahang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon. Katulad ng sumusunod:

1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuguese ay nagbigay-


daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga
sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas sa ugnayang silangan at
kanluran.
2. Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya
at paglalayag.
3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.
4. Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng ng pagkawala
ng kasarinlan, paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.
5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng
mga hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng Old World at New World.

Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al.., pp 185-186

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap sa kahon. Ihanay ito sa kolum 
sa ibaba kung ito ay kaganapan sa Panahon ng Enlightenment, Rebolusyong
Siyentipiko o Rebolusyong Industriyal.
a. Salitang scientia  na nangangahulugang “kaalaman”

b. Pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 siglo

c. Malaking pagbabago sa aspektong agrikultura at industriya

d. Panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento

e. Nakilala ang teoryang Heliocentric

f. Ito ay itinuring na isang kilusang intelektuwal

g. Panahon ng paggamit ng makabagong kagamitan o makinarya

h. Panahong naimbento ang cotton gin

i. Ito ang panahog pangkaisipang iminungkahi ng mga pilosopo

j. Panahong hinati ang kapangyarihan ng sangay ng pamahalaan sa


ehekutibo, lehislatura, at ang hukuman.

PANAHONG REBOLUSYONG REBOLUSYONG


ENLIGHTENMENT SIYENTIPIKO INDUSTRIYAL
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2
Panuto: Isulat ang TAMA o MALI  kung ito ang ipinapahayag ng pangungusap.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______1. Taong 1609 nang nabuo ni Galileo ang kaniyang imbensiyong


teleskopyo.

_______2. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang


iahon ang mga ninuno mula sa mahabang panahon.

_______3. Isinulong ni Thomas Hobbes ang paniniwalang absolutong monarkiya ng


Pamahalaan.

_______4. Ang pagkakaimbento sa steam engine ay naging daan para


maragdagan ang suplay ng enerhiya na nagpapatakbo sa mga pabrika
sa paglago ng Rebolusyong Industriyal.

_______5. Hindi nagpabago ang Industriyalismo sa pamumuhay ng tao.

Inihanda nina:

BB. LIEZL S. PENALBA


Guro sa A.P.8

G. HECTOR L. SALES JR.


Guro sa A.P.8
 

Sinuri ni:

GNG. MARILOU T. BOSI


Tagapangulo sa A.P.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF RIZAL
BENJAMIN B. ESGUERRA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN - 8
(IKATLONG LINGGO – IKATLONG MARKAHAN)

Pangalan: ___________________________________ Baitang at Seksiyon:______________


Guro: _______________________________________ Marka: _________________________

Kasanayang Pagkatuto:  
 Naipaliliwanang ang Kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipsn sa
Rebolusyong Pranses at Amerikano (AP8PMD-III1-9)

Rebolusyong Siyentipiko

Naimbento ang agham hindi lamang sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko. Ito ay


malaon ng ginmait ng mga Greek bilang scientia na nangangahulugang “kaalaman”.
♥ Ika-15 siglo -ang pag-unawa sa sansinukob ng mga Europeo tungkol sa sansinukob ay batay
sa aral ng mga Kristiyano at ni Aristotle.
♥ Ika -16 hanggang -17 siglo – hudyat ng pagpasok ng Rebolusyong Siyentipiko.Ito ang
simula ng panahonng pagsisiyasat sa pamamgitan ng eksperimento bunga ng kanilang
pagmamasid sa sansinukob. Ang dating impluwensya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan
ng mga tao ay nabawasan at humina. Naging tulong ang panahon ng katwiran o age of reason.

Ang Panahon ng Enlightenment


Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga
Europeo mula sa mahabang panahon ng katuwiran at pamamayani ng pamahiin at bulag na
paniniwala noong Middle Ages. Ang ambag ng mga intelekwal na ito ang nagsilbing
pundasyon ng mga modernong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon,
demokrasya at maging sa sining. Ang mga intelektuwal na ito ay nakilala bilang mga
philosopher o pangkat ng mga intelektuwal na humikayat sa paggamit ng katuwiran, kaalaman
at edukasyon sa pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan.

Ang Makabagong Ideyang Pampolitika


Naging daan ang mga pagbabago sa siyensiya upang mapag-isipan ng mga pilosopo at
marurunong na kung ang mga sistematikong batas ay maaaring maging kasagutan sa paglikha
ng sansinukob at kapaligiran, maaari ding maging gabay ang mga ito sa mga ugnayang
political, pangkabuhayan at panlipunan.
Ang Rebolusyong Industriyal

Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong agrikultura


at industriya sa mga bansa sa Europa at sa United States. Ito ay nakilala sa katawagang
Rebilusyong Industriyal dahil pinaltan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga
makabagong imbentong makinarya. Nagbigay ito ng malaking produksiyon, karagdagang kita
at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto. Maraming naninirahan sa kabukiran ang
lumipat ng tirahan sa mga siyudad.

Rebolusyong Pangkaisipan
Tumutukoy sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o lipunan. Madalas na
nagdudulot ito ng pansamantalang kaguluhan lalo’t higit sa mga taong nasanay sa isang
tahimik at konserbatibong pamumuhay. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay mabilis na
lumaganap sa Europe at iba-ibang bahagi ng daigdig. Marami sa mga may pinag-aralang
Europeo ang nagnais na basahin ang Encyclopedia ni Diderot at iba pang babasahin na
tumatalakay sa maling paniniwala at kaugalian.
Nagbigay ang pagakamulat-pangkaisipan ng ideya at wika na siyang ginamit ng mga
Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon. Naging epektibo ang impluwensya ng
pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng karapatang makapili ng sariling pilosopiya.
Higit ngang naging mapanuri ang tao at iab-ibang pananaw ang kanilang natutuhan sa
panahong ito. Marami ang natutong magtanong sa mga kaugalian at tradisyong matagal ng
sinunod.
Naging mapangahas ang ilan sa pagtuligsa sa estruktura ng lipunan samantalang ang
iba ay nagnais na baguhin ang estrukturang ito. Nabibigay daan ito sa isa pang uri ng
rebolusyon ang Rebolusyong Politikal.
Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng daigdig pahina 342-384

Gawain sa Pagkatuto Blg. 1


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung approve o dis-
approve ang mga sumusunod na pahayag sang-ayon sa iyong mga natutunan na
kaisipan at mga impluwensya nito.

1. Mahalagang elemento ang pag-uusisa at katwiran sa pagsibol ng kaliwanagan


sa Europe. 

2. Kaaway ng mga philosophes ang truth, nature at natural law sapagkat mayroon
silang ibang paniniwala.

3. Ninanais ng mga philosophes ang kalayaan sa pakikipagkalakalan, paglalakbay


at relihiyon.

4. Pinasikat ni Voltaire ang pagtangkilik sa balance of powers sa pamahalaan.

5. Ayon kay Rousseau ang tao ay likas na mabuti at nagiging masama lamang
dahil sa impluwensya ng paligid na kanyang kinabibilangan. 

6. Ang Social Contract ay nagsasabing magkakaroon lamang ng mabuting


pamahalaan kung ito ay nilikha ayon sa pangkalahatang kagustuhan ng tao.

7. Hindi kumalat ang ideyang napasama sa sulat ni Denis Diderot gamit ang
Encyclopedia.

8. Laganap ang paggalang sa karapatan at tinig ng mga kababaihan noong ika 17-
18 siglo.

9. Nagkaroon ng bagong pagpipilian ang mga tao sa Europe sa pag-unlad ng


pangkaisipang pang-ekonomiya liban sa merkantilismo.

10. Higit na naging mapanuri, matanong at mapanuligsa ang mga mamamayan


sa Europe hanggang America dahil sa pagkamulat pangreliyo

Gawain sa Pagkatuto Blg 2:


Panuto:  Suriin ang mga sumusunod na pahayag at punan ng tamang salita ang
mga patlang mula sa word pool upang mabuo ang konsepto. 5 puntos
1. Nagsimula ang himagsikan nang ang mga Ingles ay naging migrante sa Timog
America ay __________________ sa labis na pagbubuwis na ipinataw sa kanila
ng Parliamentong Ingles.
2. Ang ______________________ ay ipinasa ng Parliamento noong 1765 ay
nagdagdag ng buwis para pamahalaan ng Britanya.
3. Ang pagpupulong at pagsasama-sama ng mga kolonya ay isang pagpapakilala
ng kanilang ____________________ sa mga batas at polisiyang ipinapatupad
ng mga Ingles. 
4. Ang Kongresong Kontinental ay muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon
noong Mayo 1775 at idineklara ng pamahalaan ang tinatawag na
_______________________.
5. Marami sa mga kolonya ang determinadong bumuo at gumamit ng mga
__________________ na pamamaraan upang labanan ang pwersa ng Great
Britain.

Inihanda nina:

BB. LIEZL S. PENALBA


Guro sa A.P.8

G. HECTOR L. SALES JR.


Guro sa A.P.8
 

Sinuri ni:

GNG. MARILOU T. BOSI


Tagapangulo sa A.P.

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF RIZAL
BENJAMIN B. ESGUERRA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN - 8
(IKA-APAT NA LINGGO – IKATLONG MARKAHAN)
Pangalan: ___________________________________ Baitang at Seksiyon:______________
Guro: _______________________________________ Marka: _________________________

Kasanayang Pagkatuto:  
 Naipaliliwanag ang Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
(AP8PMD-IIIh-7)
 Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at
Kolonyalismo (AP8PMD-IIIh-8)
 Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pagusbong ng Nasyonalismo sa Europa
at iba’t-ibang bahagi ng daigdig (AP8PMD-III1-10)

IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMONG KANLURANIN

Ang Pananakop sa Makabagong Panahon

Nagsimula ang pananakop ng mga Kanluraning bansa sa ibang lupain nang pumalaot ang mga
barkong Europeo. Isa-isang nanakop ng lupain ang Portugal, Spain, Netherlands, France, at
Britain at nagtayo ng mga kolonya sa Asya at America. Ngunit lahat ng mga imperyong ito ay
bumagsak bago nagsimula ang ika-19 na siglo. Nawalan ng kolonya sa North America ang
Netherlands at France. Matagumpay na nakapag-alsa laban sa pamahalaan ang 13 kolonya ng
Britain sa America, ang Timog Canada, at ang pinakamagandang kolonya ng Spain at Portugal.

Nabuo ang mga makabagong imperyo noong ika-19 na siglo at sa unang bahagi ng ika-20 na
siglo, habang nagaganap ang ikalawang Rebolusyong Industriyal. Ang panahon mula noong 1871
hanggang nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong 1914 ay panahon nang mabilis na
paglawak ng pagkakanluranin o westernization ng ibang lupain.

DAHILAN, URI, AT LAWAK NG PANANAKOP

★ Iba-iba ang dahilan ng pananakop. Ang ilan ay binibigyang katuwiran ang pananakop sa
paggamit ng manifest destiny at white man’s burden. Ayon sa doktrinang manifest destiny
may karapatang ibigay ng Diyos ang United States na magpalawak at angkinin ang buong
kontinente ng Hilagang America. Paniniwala naman sa white man’s burden na tungkulin ng
mga Europeo at ng kanilang mga inapo na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang
kanilang sinakop.
★ Ang protectorate ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa.
Concession ay ang pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo. Samantalang ang
sphere of influence ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang
pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa.
★ Bunsod ng pangangailangan sa hilaw na mga sangkap, pagsunod sa sistemang kapitalismo
at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin na magpalawak ng teritoryo at
ipalaganap ang kanilang kabihasnang naganap ang ikalawang yugto ng pananakop.
Maraming pagbabagong politikal, kultural, at pangkabuhayan ang naganap sa mga bansang
sinakop. May mga mabuti at hindi mabuting dulot ito sa mga kolonya,
★ Ang dahilan ng iba ay upang sanayin ang sarili sa pamamahala at marami pang pagbabalat-
kayo. Iba-iba rin ang uri ng kolonyang itinatag batay sa katayuan ng mamamayan. May
nagtayo ng kolonya, protectorate, concession o sphere of influence. Sa mga mananakop,
pinakamalawak ang imperyo ng Britain.

EPEKTO NG IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONISASYON

Epekto ng Kolonisasyon sa mga Bansang Nanakop

Maraming aspekto ng buhay ang naapektuhan ng pananakop. Ang mga gawaing pampolitika,
pang-ekonomiya, panlipunan, espirituwal, at pangkultura ay ginamit ng mga mananakop upang
ganyakin ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho
at pagsisilbi sa pataniman, sa pagawaan ng barko sa hukbong sandatahan.
Epekto ng Kolonisasyon sa mga Lupang Nasakop

Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing sakop. May pagbabagong


pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan at pangkultura.

Epekto ng Imperyalismo

Ang imperyalismo sa Africa at Asya ay naging daan upang makaranas ng pagsasamantala ang
katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng mga dayuhan.
Pinagsasamatalahan ng mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-paggawa. Naging
sanhi rin ito ng pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng
impluwensiyang Kanluranin. Sa usapin ng hangganang pambansa, ang pamana ng mga
Kanluranin ay ang hidwaan sa teritoryo na namamayani pa rin hanggang sa ngayon sa ilang
bahagi ng Africa at Asya bunga ng hindi makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan.

PAGSIBOL NG NASYONALISMO SA IBA’T IBANG BAHAGI NG DAIGDIG

Pagpapahalaga sa Nasyonalismo sa Iba-ibang Bahagi ng Daigdig

Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi maaaring biglaan. Kailangan
itong madama, at paghirapan ng mga tao upang matutuhan nilang mahalin ang kanilang bansa.
Sa iba, ang kahulugan nito ay damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa iba,
ito ay pagsasakripisyo pati ng buhay.
Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng mamamayan. Hangad ng mga tao na
may ipagmamalaki sila bilang isang bansa. Habang tumitindi ang kanilang paghahangad, higit
nilang nararamdaman ang pagiging makabayan.
Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba-ibang pamamaraan kung paano nadama ng mga tao ang
pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang kanilang bansa, may mga pangyayari na
kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilang damdamin na humahantong sa digmaan.

Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng daigdig pahina 357-362, 413

Gawain sa Pagkatuto Blg 1:


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na katanungan at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang mga sumusunod na bansa ay nasakop noong ikalawang yugto ng


imperyalismo maliban sa isa?

A. Australia at New Zealand C. India at West Indies

B. Guam at Puerto Rico D. Spain at Great Britain

2. Ang hukbo ng _____________________ ang nagsilbing tagapangala ng pook


na sinakop upang mapanatiling bukas ang pamilihan?

A. Amerika C. Portugal

B. Great Britain D. Spain

3. Ang ______________ ng Amerika sa Spain ang nagdulot ng pagkuha nito sa


Guam, Puerto Rico at Pilipinas?

A. Pagpapasailalim C. Pakikiisa

B. Pagtalo D. Pakikipagtunggalian

4. Sa Kasunduan sa Paris noong ______ nagwakas ang Pitong Taong Digmaan ng


France at Britain.

A. 1753 B. 1763
C. 1783 D. 1793

5. Nang matuklasan ng mga Amerikano ang _______________ sa Australia,


marami sa kanila ang lumipat ditto upang magsimula ng pagtatatag ng
kolonya?

A. deposito ng langis C. mina ng bakal


B. mahahalagang bato D. mina ng ginto

6. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasabing ang lahi ay salik sa


Nasyonalismo maliban sa isa.
A. Mababang uri ang tingin sa ibang lahi sa Domican Republic.
B. Ang mga taga-Brazi naman ay nakilala sa pagsasalita ng Portuguese.
C. Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay kakaibang katangian sa bansang Latin.
D. Maraming mahihirap at mangmang ang hindi nakikilahok sa makabayang
pag-aalsa.
7. Ang mga ______________ ay lahing Europeo na ipinanganak sa bagong
daigdig?

A. Creole C. Mulato
B. Mestizo D. Zambo

8. Sya ang tinatawag na tagapagpalaya o liberator ng Latin Amerika?

A. Francisco de Miranda C. Juan Manuel de Rosas


B. Jose de San Martin D. Simon Boliva

9. Tinaboy nya ang mga Espanyol palabas ng Argentina?

A. Francisco de Miranda C. Nivadavia


B. Jose de San Martin D. Simon Bolivar

10. Si ____________________ ay nagsilbing pinuno ng Angentina noong 1820


at nagtaguyod ng edukasyon sa bansa.

A. Francisco de Miranda C. Juan Manuel de Rosas


B. Jose de San Martin D. Simon Bolivar

Gawain sa Pagkatuto Blg. 2:


Panuto: Suriin ang mga susumusod na pahayag, bigyan pansin ang mga
maysalungguhit na mga salita.  Uriin kung tama o mali sa pamamagitan ng
paglalagay ng kaukulang tsek sa kolum nito. 
Bl Mga Pahayag Tama Mali Pagtatama
g
1 Ang eksplorasyon na pinangunahan ng mga
Espanyol at Portuguese ay nagbigay-daan sa
malawakang pagtuklas sa mga lupaing hindi pa
nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa
natutukalasan. Ito rin ay nagpalakas sa
ugnayan ng silangan at kanluran

2 Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong


pamamaraan at makalumang pamamaraan sa
heograpiya at paglalayag.

3 Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong


kanluranin at silangan.
4 Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga
bansang nasakop tulad ng pagkawala ng
kasarinlan, paninikil, at pagsasamantala sa
kanilang likas na yaman.

5 Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa


daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng mga
hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa
pagitan ng Old World at Technological world

PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kanyang


bansa, komunidad, at sarili ng mga pangyayari sa panahon ng
kolonisasyon at imperyalismo tungo sa makabagong panahon

PERFORMANCE TASK: 
Panuto: 
1. Sa ika-apat na linggo ng ating aralin sa mga asignaturang AP. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa
kontribusyon ng panahon ng transpormasyon sa aspeto ng ekonomiya, politika, panlipunan o kultura.
Isaalang-alang ang sumusunod na mga ideya sa ibaba sa pagsulat ng sanaysay:
A. Mga pagbabagong naganap sa ating bansa, komunidad at pamumuhay ng tao sa panahon ng
kolonisasyon at imperyalismo sa politika, ekonomiya, lipunan at kultura sa mga nakalipas na
panahon.
B. Nagtataglay ng maluwag na pagtanggap sa pagbabago ng kultura.
C. Nakagagamit ng istratehiya tulad ng panayam, sarbey at pananaliksik sa pagbuo ng sanaysay.
2. Kuhaan ng larawan ang ginawang sanaysay at i-send sa messenger ng iyong guro.

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay


Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos`

Nakapagbaliktanaw sa nakaraang kontribusyon ng panahon ng 40%


kolonisasyon/imperyalismo at nakapaglahad ng magandang epekto nito sa
kasalukuyan

Nakagamit ng istratehiya sa pagbuo ng sanaysay 30%

Naipahayag ang maluwag na pagtanggap sa pagbabago ng kultura 30%

Kabuuan 100%

Inihanda nina: Sinuri ni:

BB. LIEZL S. PENALBA GNG. MARILOU T. BOSI


Guro sa A.P.8 Tagapangulo sa A.P.

G. HECTOR L. SALES JR.


Guro sa A.P.8

You might also like