You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
DIVISION OF RIZAL
BENJAMIN B. ESGUERRA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL

SHEET NG MGA GAWAIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

Ikalawang Linggo

Pangalan: _____________________________ Lebel: _______________


Seksiyon: ___________________________ Petsa: ________________

Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang Yugto ng


Kolonyalismo. AP8PMD-IIIc-d-3
UNANG ARAW

Panuto: Basahin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa unang yugto ng


kolonyalismo pagkatapos ay gawin ang mga gawaing may kaugnayan dito.

Mga Dahilan ng Pagtuklas at Pananakop ng mga Lupain

Noong ika-15 at ika-16 na siglo, ang mga pagbabago sa ekonomiya, lipunan, relihiyon at
agham na naganap sa Kanlurang Europa ay nagbigay-daan sa panahon ng ekplorasyon at
kolonisasyon na nagdulot ng malaking epekto sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Ang paghahangad sa kayamanan ang unang motibo na nagtulak sa mga Europeo na


maglakbay at tumuklas ng mga bagong lupain. Naghangad sila ng ginto, pilak at mga
mararangyang produkto gaya ng asukal at gatas na nanggagaling sa Asya. Hinangad din nilang
makakuha ng mga rekado sa Asya na kailangan sa preserbasyon ng pagkain lalo na ng karne.

Ang mayayaman at ambisyosong pangkat na mangangalakal ay isa ring mahalagang


salik na naglunsad sa panahon ng eksplorasyon.

Ang mga mangangalakal ng Europa ay bumuo ng ekspedisyon na naglakbay sa lupa at


dagat upang maghanap ng pamilihan. Para makakuha ng mga bagong lupain, sinuportahan ng
mga pinuno ang ekspedisyon sa iba’t ibang lugar para sa kanilang katanyagan at kayamanan.

Ang paghahangad na mapalaganap ang Kristiyanismo ay isa pang dahilan ng


paglalakbay ng mga Europeo sa ibayong dagat. Naniwala ang mga Kastila at Portuges na
responsibilidad nilang itaboy ang mga Muslim sa ibang lugar. Hinangad nilang makuha ang
Africa sa mga Muslim at binyagan sa Kristiyanismo ang mga tao sa Asya.

Ang diwa ng indibidwalismo nang panahon ng Renaissance ay nakatulong din sa


panahon ng eksplorasyon. Ang mga manlalayag at manunuklas ay itinulak ng kanilang
paghahangad sa katanyagan at papuri. Ang lakas ng loob upang makipagsapalaran ay naging
dahilan kung bakit nanguna ang Europa sa pagtuklas at pananakop noong ika-15 siglo.

Ang mga motibo ng eksplorasyon at kolonyalismo ay maipapahayag sa tatlong kataga:


“kayamanan, Kritiyanismo at katanyagan”.
Halaw sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig ph. 262-263

Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain

Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag noong


ika-15 at ika-16 na siglo. Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa kalakalan na kaniyang
pinamumunuan sa Medieval Period. Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay-
dagat ng Atlantic mula Spain, Portugal, France, Flanders, Nehterlands, at ng England. Sa
pagkakatuklas ng mga luain, higit na dumagsa ang mga kalakal katulad ng spices na nagmula
sa Asia. Sa North America; kape, ginto at pilak. Sa South America; asukal at molasses. At, sa
Kanlurang Indies; indigo.
Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak
na galling sa Mexico, Peru, at Chile. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga bangko. Sa
dami ng mga salapi ng mga mangangalakal, kinailangan nilang may paglagyan ng kanilang
salaping barya. Kaya nag salaping papel ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga
mangangalakal. Ang salapi ring ito ang nagbigay-daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang
sistema kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo
o interes.

Noong Medieval Period, hindi alam ng mga tao ang pag-iipon ng salapi. Nasisiyahan na
sila kung sapat na ang kanilang kita para sa pangangailangan. Ngunit sa pag-unlad ng
kalakalan, dumami ang kanilang salaping naipon. Hindi nila ito itinago, bagkus, ginamit nila
itong puhunan para higit na lumago pa.

Pagpapaligsahan ng Portugal at España

Ang pagahahanap ng bagong daan patungong silangan ay nagdulot ng


kapakinabangan, katanyagan at karangyaan sa Europa. Sa pagtuklas ng mga bagong lupain ay
naging magkaribal ang Portugal at España.

Nang mga panahong iyon ay nanguna ang Portugal sa pagtuklas dahil sa kahusayan sa
pamumuno ni Prinsipe Henry, ang Nabigador. Si Prinsipe Henry ay ang pangatlong anak ni
Haring Juan I ng Portugal at Reyna Philippa na kapatid ni Edward VI ng England. Pinamunuan
ni Prnsiper Henry ang mga Portuges sa paggalugad ng mga lupain para sa Portugal.

Noong 1418 hanggang 1419, dalawang marinero ang nakatuklas sa Porto Santo at Isla
ng Madeira. Sila ay sina Juan Gonzalvez Zarco at Tristan Vaz Tejeira. Si Antonio Gozalve ay
nakarating sa Tangos na Blanco (Cape Blanco) ng Africa noong 1441.

Noong 1445, natuklasan ni Dennis Fernandez ang Cape Verde Islands. Natuklasan ni
Bartolome Diaz ang Cape of Good Hope noong 1489 at narating naman ni Vasco da Gama ang
Calicut, India noong 1498.

Ang Espana ay hindi nagpahuli sa paghahanap ng mga bagong lupain. Natagpuan ni


Christopher Columbus ang Bagong Daigdig (America) noong Oktubre 12, 1492. Ang America
ay isinunod sa pangalan ng marinerong si Amerigo Vespucci sa siyang gumalugad sa pook at
nakarating sa nasabing lugar sa pagitan ng 1472 at 1503. Natuklasan naman ni Vasco Nuñez
de Balboa ang Pacific Ocean na tinawag din na Dagat Timog at pinangalanang Dagat Pacifico
ni Fernando Magallanes, ang huling marinero ng España na maituturing na may
pinakamahalagang natuklasan at naging tanyag sa kanyang muling pagkatuklas sa Pilipinas
noong 1521.

Halaw sa Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig ph. 255

Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon

Maraming mahahalagahang epekto ang unang yugto ng kolonisasyon. Katulad ng sumusunod:

1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at Portuguese ay nagbigay-


daan sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga
sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas sa ugnayang silangan at
kanluran.
2. Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at teknolohiya sa
heograpiya at paglalayag.
3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong kanluranin sa silangan.
4. Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng ng pagkawala
ng kasarinlan, paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na yaman.
5. Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng
mga hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng Old World at New World.
Halaw mula sa : Kasaysayan ng Daigdig nina Teofista L. Vivar et al.., pp 185-186
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Batay sa binasang teksto, anu-ano ang motibo at salik sa eksplorasyon?

MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang paniniwala ng mga Kastila tungkol sa mga Muslim?


2. Bakit nanguna ang Europa sa pagtuklas at pananakop noog ika-15 siglo?
3. Anu-ano ang motibo ng eksplorasyon at kolonyalismo? Ipaliwanag.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Panuto: Iguhit at ilarawan sa mga kahon sa ibaba ang tatlong motibo ng eksplorasyon
at kolonisasyon. Kulayan ang iginuhit.

Pamprosesong Tanong:

1. Paano naging motibo sa eksplorasyon at kolonyalismo ang: kayamanan, Kristiyanismo


at katanyagan?
2. Ano ang naging malaking epekto sa daigdig ng eksplorasyon at kolonisasyon?
IKALAWANG ARAW

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

Panuto: Punan ang talaan kung anong mga produkto ang nakuha ng Europeo.

Asya North America South America Kanlurang Indies

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices?


2. Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa
kanilang eksplorasyon?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4

Talahanayan ng Manlalayag

Panuto: Batay sa binasa mong teksto, punan ang talahanayan ng hinihinging mga
impormasyon tungkol sa mga nanguna sa eksplorasyon.

MGA NANGUNA SA EKSPLORASYON


BANSANG LUGAR NA
PERSONALIDAD PINAGMULAN TAON NARATING /
KONTRIBUSYON

Pamprosesong mga Tanong:

1. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain?


2. Paano nakatulong ang manlalayag na ito sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe?
3. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating,
papayag ka ba? Bakit?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5

Pahalagahan

Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na magdesisyon tungkol sa pananalapi, itatago mo


ba ito o gagamiting puhunan, ano ang pipiliin mong gawin at bakit?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
IKATLONG ARAW

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6

Panuto: Lagyan ng tsek ang kolum na iyong sagot at sagutan ang mga pamprosesong tanong.

EPEKTO NG UNANG
YUGTO NG NAKABUTI NAKASAMA DAHILAN
KOLONISASYON
1. Paglakas ng ugnayan ng
silangan at kanluran.
2. Paglaganap ng
sibilisasyong Kanluranin
sa Silangan.
3. Pagbabago ng ecosystem
ng daigdig bunga ng
pagpapalitan ng hayop,
halaman, at sakit.
4. Paglinang ng mga
Kanluranin sa likas na
yaman ng mga bansang
nasakop.
5. Interes sa mga bagong
pamaraan at teknolohiya
sa heograpiya at
paglalayag.

Pamprosesong mga Tanong:

1. Anu-ano ang mabubuting epekto ng unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon?


Anu-ano ang masasamang epekto?
2. Sino ang higit na nakinabang sa unang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon: ang mga
Kanluranin ba o ang mga sinakop na bansa? Bakit?
3. Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa? Bakit?

Gawain sa Pagkatuto bilang 7

Panuto: Sa pamamagitan ng pagguhit, ipaliwanag kung ano ang naging epekto ng


imperyalismo at kolonyalismo sa bansang Pilipinas.

Inihanda nina:  Sinuri ni:

BB. LIEZL S. PENALBA GNG. MARILOU T. BOSI


Guro sa A.P.8 Tagapangulo sa A.P

G. HECTOR L. SALES JR.


Guro sa A.P.8
.

You might also like