You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan - Modyul 2:
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
~1~
Name of School: ___________________________
Alamin
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

 Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng


Kolonyalismo
(MELC 2)

Layunin para sa Module 2A.


a. Naibibigay ang mga motibo sa at salik sa eksplorasyon.
b. Nasusuri ang mga katangian ng mga bansang nanggagalugad sa unang
yugto ng kolonyalismo.
c. Nailalarawan ang mga naganap at pangyayaring nagbigay daan sa paghati
ng mundo.

Balikan
Panuto: Pagpapangkat-pangkatin ang mga tanyag na tao na makikita sa kahon
batay sa kanilang larangan. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Francesco Petrarch, Raphael Santi, Isaac Newton, Giovanni Boccacio,


Leonardo da Vinci, Nicolas Copernicus, Miguel Cervantes, Galileo Galilei,
Michelangelo Bounarotti
Sining at Panitikan Pinta Agham

3
Aralin
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
2

Tuklasin
Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng eksplorasyon o
paghahanap ng mga lugar na hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang
eksplorasyon ay nagbigay-daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Tatlong bagay ang itinuturing
na motibo para sa kolonyalismong dulot ng eksplorasyon: (1) paghahanap ng
kayamanan; (2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo; (3) paghahangad ng katanyagan
at karangalan.

Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang unang yugto ng Imperyalismong


Kanluranin. Ang imperyalismo ay ang panghihimasok, pag-impluwensiya, o
pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Maaari
itong tuwiran o di-tuwirang pananakop.

MGA MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON

Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Bagama’t
ang kanilang kaalaman tungkol sa Asya ay limitado lamang at hango lamang sa
mga tala ng mga manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta, napukaw ang
kanilang paghahangad na marating ito dahil sa mga paglalarawan dito bilang
mayayamang lugar. Mahalaga ang aklat na The Travels of Marco Polo (circa 1298)
sapagkat ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng
China. Hinikayat nito ang mga Europeo na marating ang China. Samantala, itinala
ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang paglalakbay sa Asya at
Africa. Nakadagdag ang mga tala nina Marco Polo at Ibn Battuta sa hangarin ng
mga Europeo na maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya,
lalo pa at ang rutang dinaraanan sa Kanlurang Asya sa panahong ito ay kontrolado
ng mga Musim.

4
Sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay at mangangalakal na ito
nang matuklasan ang compass at astrolabe. Kapwa malaki ang tulong ng
dalawang instrumentong ito sa mga manlalayag. Ang compass ang nagbibigay ng
tamang direksiyon habang naglalakbay samantalang gamit naman ang astrolabe
upang sukatin ang taas ng bituin. Ang paggamit ng astrolabe ay nakatulong din
upang malaman ng mga manlalakbay ang posisyon ng kanilang mga barko.

Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng


mga bagong lupain - ang Portugal at Spain. Nanguna ang Portugal sa mga
bansang Europeo dahil kay Prinsipe Henry the Navigator na naging inspirasyon ng
mga manlalayag sa kaniyang panahon. Siya ang nag-anyaya sa mga dalubhasang
mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Sukdulan
ang kaniyang pangarap, ang makatuklas ng mga bagong lupain para sa
karangalan ng Diyos at ng Portugal.

Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag ng mga Europeo noong


ika-16 na siglo. Ito ang panahon kung saan naitatag ang unang pinakamalaking
imperyo ng mga Europeo. Ang mga imperyong ito ang nagpasimula ng mga
dakilang pagtuklas ng mga lupain. Sa panig ng mga Español, nagsimula ito noong
1469 nang magpakasal si Isabella kay Ferdinand ng Aragon. Sila ang sumuporta
sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa Castille. Sa
kanilang paghahari rin nasupil ang mga Muslim sa Granada at nagwakas ang
Reconquista.

Sa ika-17 siglo, naitatag ang mga bagong imperyo sa hilagang Europe, Great
Britain, France at Netherlands. Ang mga ito ang nagbigay-lakas sa mga Europeo
upang palakihin ang pakikipagkalakalan at pagpapalaganap ng mga produktong
galing sa Silangan.

Batay sa binasang teksto ano – ano ang motibo at salik sa eksplorasyon?

Ang Paghahanap ng Spices

Mula noong ika-13 na siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na


matatagpuan sa Asya lalong-lalo na sa India. Ang ilan sa mga spices na may
malaking demand para sa mga Europeo ay ang paminta, cinnamon, at nutmeg.

5
Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at
ng mga taga-Venice, Italy. Ang mga mangangalakal na Tsino at Indian ay bumibili
ng spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga panindang
ito sa mga mangangalakal na taga-Venice. Malaking kita ang inaakyat ng ganitong
uri ng kalakalan sa mga mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil sa
pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong
mangangalakal na direktang magkaroon ng kalakalan sa Asya ng mga spices na
kailangan nila. Ang panlupang kalakalan ay di na garantisadong protektado dahil
sa mga pananambang na ginagawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng mga
Europeo na gamitin ang katubigan.

Ang Spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa kanilang mga pagkain at


upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga
paango, kosmetiks, at medisina.

Pinangunahan ng Portugal ang Paggagalugad

Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng


interes sa panggagalugad sa Karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga
spices at ginto. Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag
ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa Kanlurang bahagi ng Africa upang
hanapin ang rutang katubigan patungo sa Asya.

Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na


bahagi ng Africa na naging kilala sa katawagang Cape of Good Hope. Ang
paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na maaaring makarating sa Silangang Asya sa
pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.

Samantalang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang naglakbay


na pinamumunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang
nasabing ekspedisyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumitigil sa ilang mga
trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan
sa Calicut, India. Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hindu at Muslim
nakikipagkalakalan ng mahuhusay ng seda, porselana at pampalasa na
pangunahing pangangailangan ng Portuges sa kanilang bansa. Hinimok ang mga
Asyanong mangangalakal na magkaroon ng direktang pakikipagkalakalan sa
kanila ngunit di siya gaanong nagtagumpay dito. Sa ansang Portugal ay nakilala
siyang isang bayani. Dahil din sa kaniya, kaya nalaman ng mga Portuges ang
yaman na mayroon sa silangan at ganoon din ang maunlad na kalakalan.

Si Prinsipe Henry, anak ng Haring Juan ngPortugal, ang naging


pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamagitan ng pagaanyaya
ng mga mandaragat, tagagawa ng mapa, matematisyan at astrologo na mag-aaral
ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa. Siya ang naging patron ng mga manlalakbay
kaya ikinabit sa kaniyang pangalan ang katawagang Ang Nabigador. Sa kaniyang
mga itinaguyod na paglalakbay ay nakarating ito sa Azores, isla ng Madeira at sa
mga isla ng Cape Verde.

6
Ang Paghahangad ng Espanya ng kayamanan mula sa Silangan Ang
pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille
noong 1469 ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ng mga
kayamanan sa Silangan. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ay naging
dahilan sa pagpapadala nila ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay
pinamunuan ni Christopher Columbus, isang Italyanong manlalayag. Noong 1492
ay tinulungan siya ni Reyna Isabella na ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon
na ang kaniyang adhikain ay makarating sa India na ang gagamiting daanan ay
ang pakanluran ng Atlantiko. Ang kaniyang ekspedisyon ay nakaranas ng
maraming paghihirap gaya ng walang kasiguraduhan na mararating nila ang
Silangan, ang pagod at gutom sa kanilang paglalakbay, at ang haba ng panahon na
kanilang inilagi sa katubigan. Nguni’t naabot niya ang mga isla ng Bahamas na sa
kaniyang pagkakaakala ay ang India dahil ang kulay ng mga taong naninirahan ay
gaya ng mga taga-India kaya tinawag niya ang mga tao dito na Indians. Tatlong
buwan pa ang inilagi nila sa kanilang paglalakbay hanggang maabot nila ang
Hispaniola (sa kasalukuyan ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at
ang Cuba. Marami siyang natagpuang ginto dito na makasasapat na sa
pangangailangan ng Espanya nguni’t sa tingin niya ay di pa rin niya tunay na
narating ang mga kilalang sibilisasyon sa Asya.

Pagbalik niya sa Espanya ay ipinagbunyi siya sa resulta ng kaniyang


ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at
Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong ekspedisyon pa
ang kanyang pinamunuan bago siya mamatay noong 1506 at narating niya ang
mga isla sa Carribean at sa South America nguni’t di pa rin siya tagumpay sa
paghahanap ng bagong ruta patungo sa Silangan.

Masusuri natin sa pangyayaring ito na ang kakulangan sa mga makabagong


gamit para sa gagawing paglalakbay gaya ng mapa ay di pa maunlad. Noong 1507,
isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus
ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunod sa
pangalan niya kaya nakilala ito bilang America at naitala sa mapa ng Europe
kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla .

Bakit hinangad ng Spain ang yaman sa Silangan?

Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng
Portugal at Spain ay humingi sila ng tulong sa Papa sa Rome upang mamagitan sa
kanilang mga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit ng line of demarcation ang
Papa, isang di nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola
hanggang sa Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na lahat ng mga matatagpuang
kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain upang
galugarin ng mga conquistador (mananakop na Espanyol) at sa Silangang bahagi
ng linya ay para naman sa Portugal.

7
Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing
maaaring tuklasin ng Portugal at Spain.
Nagduda ang mga Portuges sa naging kinalabasan ng kanilang pagtatanong
kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang linya ng dapat mapunta sa kanila
at sa SpainNakikita nila na baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa
Kanluran at maaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan sa
pamamagitan ng kasunduan sa Tordesillas noong 1495 nagkasundo sila na ang
line of Demarcation ay baguhin at ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na noon
panahong iyon ay pinaghatian na ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng
mundo na di pa nararating ng mga taga Europe.

Suriin
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa inyong sagutang
papel.

1.Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain?


_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________.

2.Bakit isang kaakit akit na lugar ang Asya para sa mga Europeo noong ika-16 na
siglo?
__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________.

3.Sa lahat ng bansa sa Europa, bakit ang Portugal ang nanguna sa paglalayag?
__________________________________________________________________________________
________________________________________________________.

8
Pagyamanin

Gawain 1. Tahakin ang Nakaraan!


Tukuyin ang tamang sagot ng bawat pahayag at isulat sa sagutang papel.

______________1. Ito ay isang instrumentong ginagamit sa pagtukoy ng tamang


direksiyon.

______________2. Isang instrumentong ginagamit ng mga manlalakbayupang


malaman ang posisyon ng kanilang barko.

______________3. Ito ay ginagamit bilang pampalasa ng kanilang pagkain at upang


mapreserba ang mga karne.

______________4. Ang kasunduang naghahati sa daigdig sa Spain at Portugal batay


sa ng demarkasyon na 370 leagues, kanluran ng Azores.

______________5. Isang Italyanong manlalayag na unang sinuportahan ng bansang


Spain.

______________6. Aklat na nagpabatid sa mga Europeo tungkol sa yamang taglay ng


China.

______________7. Ang lugar na tinutukoy na “New World” ng mga Europeo.

______________8. Mga taong kumukontrol sa kalakalan ng pampalasa sa Europe.

______________9. Ito ay pagkontrol ng isang makapangyarihang bansa sa isang


mahinang bansa.

______________10. Ang relihiyong ipinalaganap ng mga mananakop sa kanilang


nasakop na bansa.

9
Gawain 2: Tukuyin!

Isulat sa bilog ang mga motibo sa kolonyalisasyon. Isulat sa iyong sagutang papel
ang tamang sagot.

1.

Motibo sa
Kolonyalisasyon

2. 3.

10
Gawain 3: Batay sa binasa mong teksto, punan ang mga hinihinging impormasyon
tungkol sa mga portages na manlalakbay. Isulat sa iyong sagutang papel ang
sagot.

Mga Portuges na Manlalakbay

Mga Lugar na
Namuno
Narating

Taon

Dahilan

Isaisip
Gawain 1: Pagsulat ng Repleksiyon
Mabuti ba o masama ang naging bunga ng mga kagamitan sa paglalayag?
Patunayan ito. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

RUBRIKS sa Pagmamarka
Pamantayan Diskripsiyon Puntos
Nilalaman Mahusay na nailahad ang mga patunay 10
Kalinisan Malinaw at malinis ang gawain 5
Kabuuan 15

11
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang
tamang titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang
papel ang mga sagot.

1. Isang kautusan na inilabas ng Papa na naglalaman ng paghati sa mga


lupain na maaring tuklasin ng Portugal at Spain.

A. Kasunduang Tordesillas C. Papal Bull


B. Right of ownership D. Demarcation Act

2. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing dahilan ng paggalugad ng


mga bansang Spain at Portugal sa mga bansa sa Silangan?

A. Makatuklas ng bagong teknolohiya sa paglalakbay


B. Matuklasan ang lupain ng pampalasa
C. Pagnanais na maikalat ang Kristiyanismo
D. Pangangailangan sa mga produktong Asyano.

3. Ito ay nagbigay daan sa kolonyalismo o pagsakop ng isang


makapangyarihang bansa sa isang mahina na bansa?

A. Rebolusyon C. Imperyo
B. Eksplorasyon D. Renaissance

4. Bakit tinaguriang biyaya ng Portugal ang paglalakbay ni Bartolomeo Diaz?


A. Nagpatunay na may daan patungo sa Silangan.
B. Nakabuo ang Portugal ng mahalagang kalakalan sa Africa
C. Nakilala ang kapangyarihan ng Portugal sa buong mundo.
D. Naging hudyat ng pagsisimula ng eksplorasyon.

5. Ano ang naging ambag ng aklat na “The travels of Marco Polo” sa


kasaysayan?

A. ipinabatid sa mg Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng China


B. Hinikayat nito na marating ang China at Kanlurang Asya
C. Nagkaroon ng matinding epekto sa kasaysayan ng China.
D. pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon

6. Ano ang tawag sa linya na ginuhit ng Papa na siyang nagtatakda sa mga


lupain at katubigan sa sasakupin ng Spain at Portugal?

A. Line of Ownership C. Line of Demarcation


B. Line of Limitation D. Line of Demilitarizone

12
7. Ang lugar na ito ay kilala sa pangalang “Bagong daigdig”, sa kalaunan, ito’y
pinalitan ni Amerigo Vespucci na isinusunod sa kanyang pangalan.

A. Africa C. France
B. America D. Brazil

8. Isang Portuges na manlalayag na unang nakarating sa Calicut India.

A. Bartolomeu Dias C. Christopher Columbus


B. Prinsipe Henry D. Vasco Da Gama

9. Sino ang isang manlalayag na nakatuklas ng bahagi ng Africa na kilala sa


katawagang “Cape of Good Hope”?

A. Christopher Columbus C. Amerigo Vespucci


B. Bartolomeu Dias D. Ferdinand Magellan

10. Ang sumusunod ay itinuturing na motibo ng Kolonyalismo MALIBAN sa


isa.

A. Paghahanap ng Kayamanan
B. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
C. Paghahangad ng Katanyagan at Karangalan
D. Pagsakop sa mga lugar na gagalugarin.

Karagdagang Gawain:
Magkantahan tayo!
Gumawa ng isang awit/kanta na may kaugnayan sa panunuklas. Isulat ang iyong sagot sa
sagutan papel.

13

You might also like