You are on page 1of 4

1

ARALING PANLIPUNAN 8 : KASAYSAYAN NG DAIGDIG


Quarter 3 – Module 2: Paglawak ng Kapangyarihan ng Europa

Aralin 1 :Yugto sa Kasaysayan ng Europa: Panahon ng Pagtuklas at Paglalakbay

Subukin

1.Kailang nag simula ang paggalugad at pag tuklas ng Europa?


0. 1400 hanggang katapusan ng ika-15 siglo
a. 1425 hanggang katapusan ng ika-10 siglo
b. 1425 hanggang katapusan ng ika-15 siglo
c. 1415 hanggang katapusan ng ika-17 siglo

2.Ang pakikialam o tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa ng ibang lupain upang isulong ang mga
pansariling interes nito, anong tawag dito?
0. Imperyalismo b. Nasyonalismo c. Komunismo d. Nasyonalista

3.Sinong Prinsipe ay may malaki ang kaniyang kontribusyon sa pagtuklas ng mga kaalaman sa paglalayag sa buong
Europe. Nagpasimula siya ng ekspedisyon at mga pananaliksik na nakatulong sa pagtuklas ng mga bagong ruta at mga
kaalaman sa heograpiya ng Europe?
0. Prinsipe Luther b. Prinsipe Henry c. Prinsipe Charles d. Prinsipe Columbus

4.Sinong ang unang nakarating sa Silangang Africa na naging tuntungan ng mga Portugese patungong India?
0. Amerigo Vesoucci b. Ferdinand V c. Vasco da Gama d.Christopher Columbus
5.Isang marinong Italian, sa kanyang panukala ang mga Espanyol ay naglayag pakanluran patungong Asya. 1492 nang
maglayag siya patawid ng Atlantic Ocean at narating ang *ilang teritoryo sa Carribean o West Indies?
0. Amerigo Vesoucci b.Ferdinand V c. Vasco da Gama d.Christopher Columbus
6.Ang _________ ang nagbibigay ng tamang direksyon haban naglalakbat samantalang gamit naman ang _______
upang sukatin ang taas ng bituin.
a.Tape measure – ruler b. Relo- steal tape
c. Compas- astrolabe d.Wala sa nabanggit.
7.Ito ay gamit bilang pampalasa sa mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne.
0. Pabango b. Sabon c. Asin d.Spices
8. Anong tawag sa linya na humahati sa kanluran at silangang bahagi g daigdig upang matigil ang tunggalian ng
Portugal at Spain?
a.Marker b. Line of Demarcation
c.Line of Origin d. Wala sa nabanggit.
9.Sinong papa ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain?
0. Pope Francis b. Pope Chistopher c. Pope Johnd.Pope Alexander VI
10. Sinong Portuges ang naglakabay rutang pakanluran tungong Silangan na itinama ang lumang kaalaman na ang
mundo ay patag dahil nakablik ang kanyang barkong Vitoria sa Spain kahit napatay siya.
0. Ferdinand Magellan b. Vasco da Gama c. Ferdinand Vd.Christopher Columbus

Gawain 1: Word Hunt!

Maghanap ng mga salita na nasa loob ng puxxle box at bilugan ito.

L C O M P A S S X Y D

I G K E U R O P E O E

V I C T O R I A H Z F

C H L O R S P I C E S

D I M P S P U N T A G

E E N G L A N D U B H

L I N E T I V W D C I

F E R D I N A N D V J

H E N R Y H U D S O N

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Noong ika-15 siglo nagsimula ang dakilang panahon ng eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa
nararating ng mga Europeo.Ang eksplorasyon ay nagbibigay daan sa KOLONYALISMO ito ay ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.

TATLONG BAGAY ANG ITINUTURING NA MOTIBO PARA SA KOLONYALISMONG DULOT NG EKSPLORASYON:


1.Paghahanap ng kayamanan:
2.Pagpapalaganap ng kristiyanismo at:
2

3.Paghahangad sa katanyagan at karangalan.

Noong ika-15-17 siglo nagsimula ang unang yugto ng imperyalismo.Ito ay maaaring tuwiran o di-tuwirang
pananakop. Imperyalismo ay ang paghihimasok, pag-iimpluwensiya, o pagkontrol ng isang bansa sa isang mahinang
bansa.
Hindi n asana maisasakatuparan ang paglalakbay ng Europeo sa malalawak na karagatan noong ika-15 siglo
kung hindi dahil sa ilang salik tulad ng mausisa na dulot ng mga monarkiya sa mga manlalakbay, at pagpapaunlad sa
mga instrumentong pangnabigasyon at sasakyang pandagat. Sa kanilang paglalakbay, maraming pagsubok ang kanilang
kinaharap. Gayunpaman, ang nasabing eksplorasyon ay nagkaroon ng matinding epekto sa naging takbo ng kasaysayan
ng daigdig.
Sa kabuuan ang panahon ng eksplorasyon ay naging dahilan upang ang mga karagatan ay maging daan tungo
sa pagpapalawak ng mga imperyong Europeo.

MGA MOTIBO AT SALIK SA EKSPLORASYON

Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga Europeo. Ang kanilang kaalaman tungkol sa asya ay
limitado at hango lamang sa mga tala ng mga manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn Battuta,napukaw ang kanilang
paghahangad na makarating dito dahil sa paglalarawan ay mayaman ang lugar na ito. Ang aklat na “The Travels Of
Marco Polo” (circa 1298) ipinabatid nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng china.Hinikayat nito ang
mga Europeo na marating ang china.Samantala, itinala ng muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang
paglalakbay sa Asya at Africa.Nakadagdag ang tala nina Marco Polo at Ibn Battuta sa hangarin ng mga Europeo na
maghanap ng mga bagong ruta patungo sa kayamanan ng Asya, lalo pa at ang rutang dinaana sa kanlurang Asya sa
panahong ito ay kontrolado ng mga muslim.
Sumang ayon ang panahon sa mga manlalakbay at mangangalakal na ito nang matuklasan ang compass at
astrolabe. Kapwa malaki ang tulong nga dalawang instrumenting ito sa mga manlalayag. Ang compass ang nagbibigay ng
tamang direksyon habang naglalakbay samantalang gamit naman ang astrolabe upang sukatin ang taasn ng bituin.
Dalawang bansa sa Europe ang nagpasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain- ang Portugal at
Spain. Nanguna ang Portugal sa mgabansang Europeo dahil kay Prinsipe Henry the Navigator na naging inspirasyon ng
mga manlalayag sa kaniyang panahon. Siya ang paglalayag sa mga tao. Sukdulan ang kaniyang pangarap, na
makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal.
Limitado lamang sa Spain at Portugal ang paglalayag ng mga Europeo noong ika-6 na siglo. Ito ang panahon kung saan
naitatag ang unang pinakamalakaing imperyo ng mga Europeo. Ang mga imperyong ito ang nagpasimula ng mga
dakilang pagtuklas ng mga lupain. Sa panig ng mga Esapañol, nagsimula ito noong 1469 nang magpakasal si Issabella
kay Ferdinand ng Aragon. Sila anf sumuporta sa panpapanatili ng kapangyarihan ng mga dugong bughaw sa CAstille. Sa
kanilang paghahari rin nasupil ang mga Muslim sa Granada at nagwakas ang Reconquista.
Noong ika-17 na siglo, naitatag ang mga bagong imperyo sa hilagang Europe, Great Britain, France, At
Netherlands. Ang mga ito ang nagbibigay lakas sa mga Europeo upang palakihin ang pakikipagkalakalan at
pagpapalaganap ng mga produktong galing sa Silangan.

Ang Paghahanap ng Spices


Mula noong ika-13 na siglo ay naging depende na ang Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong-lalo na
sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking demand para sa mga Europeo ay ang mga paminta, cinnamon at
nutmeg.
Ang kalakalan ng spices sa Europe at Asya ay kontrolado ng mga Muslim at ng mga taga-Venice, Italy. Ang mga
mangangalakal na Tsino at Indian ay bumubili nf spices sa mga mangangalakal na Arabe na siyang nagdadala ng mga
panindang ito sa mga mangangalakal na taga-Venice. Malaking kita ang inaakyat ng ganitong uri ng kalakalan sa mga
mangangalakal na Arabe at Venetian. Dahil sa pagmomonopolyo sa kalakalang ito ay naghangad ang mga Europeong
mangangalakal na direktang magkaroon ng kalakalan sa Asya ng mga spicesna kailangan nila. Ang panlupang kalakalan
ay di na garantisadong protektado dahil sa mga pananambang naginawa ng mga Mongol kaya mas minabuti ng mga
Europeo na gamitin ang katubigan.
Ang spices ay ginagamit nila bilang pamapalasa sa kanilang mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne.
Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango, kosmetiks, at medisina.

Gawain 3:Pag-isipan
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Bakit ibig ng mga Europeo ang mga Spices?


2. Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa kanilang eksplorasyon?

PINANGUNAHAN NG PORTUGAL ANG PAGGAGALUGAD

Ang Portugal ang kauna-uanahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa panggagalugad sa karagatn ng
Atlantic upag makahanap ng mga spices at ginto. Sa pagitan ng mga taong 1420 hanggang 1528, ay nakapaglayag ang
mga mandaragat na Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng Africa upang hanapin ang rutang katubigan patungo sa
Asya.
Noong Agosto 1488 natagpuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na anging kilala sa
katawagang Cape of Good Hope. Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala na maaaring makarating sa SIlangang Asya sa
pamamagitan ng pag-ikot sa Africa.

Samanatlang noong 1497 ay apat (4) na sasakyang pandagat ang naglakbat na pinapumumunuan ni Vasco da
Gama mula Portugal hanggang sa India. Ang nasabing ekspesiyon ay umikot sa Cape of Good Hope, tumugil sa ilang
mga trade post sa Africa upag makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India.

Dito natagpuan ni Da Gama ang mga Hinu at Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda, porselana at
pampalasa na oangunahing kailangan ng mga Portuges sa kanilang bansa. Hinimok niya ang mga Asyanong
mangangalakal sa kanila nguni’t di siya gaanong nagtagumpay ditto. Sa bansang Portugal ay nakilala siyang isang
3

bayani, Dahil din sa kaniya kaya nalaman nga mga Portuges ang yaman na mayroon sa silangan at ganoon din ag
maunlad na kalakalan.

Si Prinsipe Henry, ay anak ni Hairng Juan ng Portugal, ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa
pamamagitan ng pag-aanyaya nga mga mandaragat. Siya ay tagagawa ng mapa, matematisyan, astrologo, at mag-aaral
ng siyensia ng nabigasyon sa bansa. Siya ang naging patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa kaniyang pangalan
ang katawagang “The Navigator.” Dahil sa kaniyang mga itinaguyod na paglalakbay ay nakarating siya sa Azores, isla ng
Madeiram, at sa mga isla ng Cape Verde.

Aralin 2 : Kolonyalismo at Imperyalismo

Gawain 1: Match Me!


Panuto: Hanapin sa Hanay A ang katugmang pahayag ng nasa Hanay B.
Hanay A Hanay B

1. Imperyalismo a. Nagbibigay ng taman direksyon habang naglalakbay

2. Marco Polo b. Bansang kompetensiya ng Portugal sa eksplorasyon

3. Spain c. Gamit upang sukatin ang bituin

4. Astrolabe d. Ang panghihimasok, pagimpluwensiya, o pagkontrol ng isang


makapangyarhihang bansa sa isang mahinanag bansa

5. Portugal e. Gamit sa pampalasa ng pagkain

6. Compass f. The Navigator

7. Prinsipe Henry g. Italyanong manlalayag

8. Motibo sa Eksplorasyon h. Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice

9. Spices i. Kauna-unahang bansa na nagkaroon ng interest sa paggalugad

10. Christopher Columbus j. Paghahanap ng kayamanan,Pagpapalaganap ng kristiyanismo


at:Paghahangad sa katanyagan at karangalan.

Gawain2: Choose me right.


Piliin sa loob ng kahon ang Pangalan na ipinapakita sa larawan.

Christopher Columbus Amerigo Vespucci Ferdinand Magellan


Pope Alexander VI Vasco da Gama

Suriin

Sa bahaging ito ay inaasahang matutuhan at malilinang sa iyo ang mahahalagang kaalman ungkl sa paglawak ng
kapangyraihan ng Europe; ang kahalagahan ng paglalayag at pagtuklas, Mga Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon at
Sino-sino ang ang sikat na personalidad sa panahong ito.
4

Ang Paghahangad ng Spain ng Kayaman sa Silangan


Ang pagpapaksal nina Haring Ferdinand V ng Aragon at Reyna Isabella I ng Castille noong 1469 ay naging daab upang
ang Spain ay maghangas din ng mga kayamanan sa Silanagn. Ang pinagsanib na lakas ng kanilang kaharian ang naging
daan sa pagpapadala ng mga ekspedisyon sa Silangan na ang una ay pinamunuan bi Christopher Columbus. Noong
1492, namuno siya sa unang ekspedisyon patungong India na dumaan pakanluran ng Atlantiko ngunit nakarating sila sa
isla ng Bahamas, Hispaniola (kasalukuyan ay ang mga bansang Haiti at Dominican Republic) at Cuba. Ang mga tao dito
ay tinatawag nilang Indians dahil sa magkapareho ang kulay nila sa mga taga India. Narating din niya ang Caribbean at
South America. Nakatagpo ng bagong Mundo na tinawag na America.
Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalan paligsahan ng pagpapadala ng mga ekspedisyon ng Portugal at Spain humingi ang mga bansang ito
ng tulong sa Papa sa Rome upang mamagitan sa kanilang mga paglalabanan. Noong 1493 ay gumuhit ng line of
demarcation ang Papa, isang hindi nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hialgang Pola hanggang sa
Timugang Pola. Kanlurang bahago ng linya ay para sa Spain at sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spai at sa
Silangan bahagi ng linya ay para naman sa Portugal.
Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papa bull na naghahati sa lupaing maaring tuklasin ng Portugal at Spain.Nakikita
nila na baka lumawak.
Pagtatasa: (Post-Test)
1. Ano ang tawag nga mga mamamayan sa medieval France na binubuo ng artisan at mangangalakal?
a. Merkaantilismob. Panginoon maylupac. Knights d. Bourgeoisie
2. ang bourgeoisie ay mamamayan ng anong bayan?
a. Bayan sa England b. Bayan sa Spain c. Bayan sa Medieval France d. Bayan sa US
3. Ano-anu ang dalawang uri ng bourgeoisie?
a. artisan at mangangalakalb. Panginoong may lupa at karpintero
c. Mangangalakal at Panginoong may lupa d. Wala sa nabangit.
4. Sinong manggagawa ng partikular na gamit o pandekorasyon?
a. Karpenterob. Bankerc. Shippowerd. Artisan
5. Saan matatagpuan ang mga bourgeoisie?
a. Pantalanb. Simbahanc. Bahayd. Pamilihan
6. Hindi nakatali ang bourgeoisie sa panginoong may lupa dahil sa?
a. Ang kanilang yaman ay nanggaling sa industriya at kalakalan.
b. Ang kanilang yaman ay buwis nga bayan.
c. Ang kanilang yaman ay mula sa mga pagtatanim.
d. Wala sa nabanggit.
7. dito nanggagaling ang yaman ng bourgeoisie.
a. Pamilihanb. Barterc. Lupad. Industriya at Kalakalan
8. Saan nagmula ang kapangyarihan ng bourgeoisie?
a. kayamanan at pakikipag-alyansa ng hari laban sa landlord.
b. Pangangalakal sa ibang bansa
c. Pakikipag alyansa sa ibang bansa
d. Wala sa nabanggit.
9. Ano ang uri ng pamahalaan sa kanlurang europe na kung saan ito ay nasa pamumuno ng hari?
a. Awtoritarismob. national monarchyc. Aristokrasyad. Oligarya
10. Ito ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang emperador ang namamahala sa kapangyarihan bilang pinuno ng estado at
pinuno ng pamahalaan ang kanyang kapangyarihan ay hindi limitado sa pamamagitan ng saligang batas o batas.
a. ganap na monarkiyab. limitadong monarkiyac. Legal na monarkiyad. Buo na monarkiya
11. Marami ang bahaging ginampanan ng hari sa bansa, alin dito ang hindi kasali?
a. Lumakas ang kapangyarihan ng hari b. Napalawak ang mga teritoryo
c. Nagtatag ng sentralisadong Pamahalaan d. Nagpabaya sa mga sundalo
12. Ano ang tawag sa mga Katolikong tumiwalag mula sa Simbahang Katoliko sa Rome?
a. Knightsb. Genisisc. Orthodoxd. Protestante
13. Anong tawag sa paraan ng pagpapatawad na ipinagkaloob ng Simbahan sa kaparusahan ng kasalanan?
a. Indulhensiya b. Pagpapako sa krus
c. Pagluhod sa loob ng simbahan sa isang araw d. Pagaalay ng tupa
14. Sino ang mongheng German na tumuligsa sa pagbebenta ng indulhensiya at naglunsad ng Repormasyon?
a. Martin Lutherb. Marus Lutherc. Lutherd. Marthin Luther
15. Sinong haring nagtalaga sa sarili bilang pinuno ng Simbahan ng England?
a. Gregory VIIb. Henry VIIc. Charles Vd. Luther
16. Siya ang paring Espanyol na nagtatag ng Society of Jesus.
a. Romanob. Alemanc. Loyolad. Luther
17. Siya ang papa na nagpataw ng ekskomunikasyon kay Luther.
a. Gregory VIIb. Henry VIIc. Charles Vd. Papa Leo X
18. Saang bansa nagsimula ang Repormasyon?
a. Germanyb. Francec. Italyd. Spain
19. Saan nagpupulong-pulong ang mga kinatawan ng Simbahang Katoliko upang balangkasin at patatagin ang mga
katuwaran at paniniwala ng Simbahan?
a. Italy b. Germany c. Cathedral d. Vatican
20. Saan itinatatag ang Simbahang Anglican?
a. Angeles b. Rome c. Englandd. United States

You might also like