You are on page 1of 39

ARALING PANLIPUNAN 8

IKATLONG MARKAHAN
LAKBAY SALAYSAY
YUGTO SA KASAYSAYAN
NG EUROPA:
PANAHON NG
PAGTUKLAS
AT PAGLALAKBAY
PAUNANG
SALITA
Matapos mong matalakay ang mga
salik sa paglakas ng Europe,
Renaissance at Repormasyon, bibigyan
diin naman sa araling ito ang naging
paglawak ng kapangyarihan ng Europe.
Marahil handa ka na para sa mga
gawain sa araling ito.
Simulan mo na.
SUBUKAN
NATIN

SIMULAN NA
SURIIN NATIN
Suriin ang kasunod na mga larawan
kaugnay ng pang-araw-araw mong
buhay. Isulat sa sagutang papel ng
bawat larawan ang naiisip mong
naiututulong sa iyo ng mga ito.
1
2
3
4
UNANG
YUGTO
NG IMPERYALISMONG

KANLURANIN
Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Nagsimula noong ika-15 na siglo ang dakilang Panahon ng


Eksplorasyon o paghahanap ng mga lugar na hindi pa
nararating ng mga Europeo. Ang eksplorasyon ay nagbigay-
daan sa kolonyalismo o ang pagsakop ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa.
Tatlong bagay ang itinuturing na motibo sa
kolonyalismong dulot ng eksplorasyon:

1.Paghahanap ng kayamanan:
2.Pagpapalaganap ng kristiyanismo; at
3.Paghahangad sa katanyagan at karangalan.
Nagsimula ang unang yugto ng imperyalismo na
maaaring tuwiran o di-tuwirang pananakop
noong ika-15-17 siglo. Ang imperyalismo ay ang
paghihimasok, pagiimpluwensiya, o pagkontrol
ng isang bansa sa isang mahinang bansa.
MGA MOTIBO AT
SALIK SA EKSPLORASYON
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon

Para sa mga Europeo ang Asya ay isang kaakit-akit


na lugar kahit na ang kanilang kaalaman tungkol
nito ay limitado at hango lamang sa mga tala ng
mga manlalakbay tulad nina Marco Polo at Ibn
Battuta.

DEPED
HERO
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon

Napukaw ang kanilang paghahangad na


makarating dito dahil sa paglalarawan na
mayaman ang lugar na ito. Sa aklat na “The
Travels of Marco Polo” (circa 1298) ipinabatid nito
sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay
ng China at naghikayat sa mga Europeo na
DEPED
marating ang China.
HERO
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon

Samantala, si Ibn Battuta Muslim na Muslim na


manlalakbay ay nagtala sa kanyang paglalakbay
sa Asya at Africa. Ang tala nina Marco Polo at Ibn
Battuta ay nakadagdag sa hangarin ng mga
Europeo na maghanap ng mga bagong ruta
patungo sa kayamanan ng Asya. Kontrolado ng
DEPED
mga Muslim ang rutang dinaanan sa kanlurang
Asya sa panahong ito.
HERO
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon

Sa pagkatuklas ng compass at astrolabe, parang


sumang-ayon ang panahon sa mga manlalakbay
at mangangalakal. Kapwa malaki ang tulong nga
dalawang instrumentong ito sa mga manlalayag.
Nagbibigay ng tamang direksyon habang
naglalakbay ang compass habang ang astrolabe
DEPED
naman ay para sukatin ang taas ng bituin.
HERO
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon
Ang Portugal at Spain ang dalawang bansa sa
Europe na nagsimula sa paglalayag at pagtuklas
ng mga bagong lupain. Dahil kay Prinsipe Henry
“the Navigator” na naging inspirasyon ng mga
manlalayag sa kanyang panahon, nanguna ang
Portugal sa mga bansang Europeo. Pangarap
niyang makatuklas ng mga bagong lupain para sa
DEPED
HERO karangalan ng Diyos at ng Portugal.
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon
Limitado lamang sa Spain at Portugal ang
paglalayag ng mga Europeo noong ika-6 na siglo.
Ito ang panahon kung saan naitatag ang unang
pinakamalakaing imperyo ng mga Europeo na
nagpasimula ng mga dakilang pagtuklas ng mga
lupain.

DEPED
HERO
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon

ANG PAGHAHANAP NG SPICES

Mula noong ika-13 na siglo ay nagdepende na ang


Europe sa spices na matatagpuan sa Asya lalong-lalo na
sa India. Ang ilan sa mga spices na may malaking
demand para sa mga Europeo ay ang mga paminta,
cinnamon at nutmeg.
DEPED
HERO
Mga Motibo at Salik sa Eksplorasyon

Ang spices ay ginagamit nila bilang pampalasa sa


kanilang mga pagkain, pagpreserba ng mga karne,
panghalo sa mga pabango, kosmetiks, at medisina.
DEPED
HERO
Pinangunahan ng Portugal ang
Paggagalugad
Ang kauna-unahang bansang Europeo na
nagkaroon ng interes sa paggagalugad sa
karagatan ng Atlantic ay ang Portugal dahil
gusto nitong makahanap ng mga spices at
ginto.
natagpuan niya ang
pinakatimog na bahagi ng
Africa na naging kilala sa
katawagang Cape of Good
Hope. Napatunayan ng
ekspedisyon na maaring
marating ang Silangang
Asya sa pamamagitan ng
pag-ikot sa Aprika.
Vasco da Gama- Ang kanyang ekspedisyon ay
umikot sa Cape of Good Hope, tumigil sila sa
ilang mga trade post upang makipagkalakalan
at nakarating matapos ang 10 buwan sa
Calicut, India. Dito natagpuan ni da Gama ang
mga Hindu at Muslim na nakikipagkalakalan ng
mahuhusay na seda, porselana, at pampalasa
na pangunahing kailangan ng mga Portuges sa
kanilang bansa. Sa bansang Portugal ay kinilala
siya bilang isang bayani dahil nalaman ng mga
Portuges ang yaman na mayroon sa Silangan at
ganoon din ang maunlad na kalakalan.
Prinsipe Henry- ang anak ni Haring Juan
ng Portugal, ang naging pangunahing
tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa
pamamagitan ng pag-anyaya ng mga
mandaragat. Siya ay tagagawa ng mapa,
matematisyan, astrologo, at mag-aaral ng
siyensya ng nabigasyon sa bansa. Siya ang
naging patron ng mga manlalakbay kaya
ikinabit sa kanyang pangalan ang
katawagang “The Navigator”. Nakarating
siya sa Azores, isla ng Mediera, at sa mga
isla ng Cape Verde .
Ang Paghahangad ng Spain ng Kayamanan mula sa Silangan
Christopher Columbus, isang Italyanong manlalayag.
Naabot niya ang mga isla ng Bahamas na sa pagkakaalam
niya ay ang India dahil sa kulay ng mga taong naninirahan
doon ay gaya ng mga taga-India kaya tinawag niya ang mga
itong Indians. Tatlong buwan ang inilagi ng kanilang
paglalakbay nang maabot nila ang Hispaniola (Kasalukuyan
ay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang
Cuba na hindi lingid sa kanyang kaalaman ay bahagi pala ng
kontinente ng Amerika.
Ipinagbunyi ng Spain ang kanyang pagbabalik at ginawaran
siya ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at
Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies.
.
Noong 1507, ipinaliwanag ni Amerigo
Vespucci, isang Italyanong nabigador
na si Columbus ay nakatagpo ng
Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang
lumaon ay isinunod sa pangalan ni
Amerigo kaya nakilala ito bilang
America.
Taong 1519 nang magsimula ang ekspedisyon ni Ferdinand
Magellan, isang Portuguese na ang paglalakbay ay pinondohan
ng Spain. Nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang
pakanluran tungong silangan. Natagpuan nila ang silangang
baybayin ng South America o bansang Brazil sa kasalukuyan.
Nilakbay din nila ang isang makitid na daanan ng tubig; ang
Strait of Magellan ngayon, pinasok ang malawak na Karagatang
Pasipiko hanggang marating ang Pilipinas.
Sa pangkalahatan, nagpatunay ang mga ekspedisyon na
maaaring ikutin ang mundo at muling makababalik sa
pinanggalingan. Pinatunayan ito nang ang barkong Victoria ay
nakabalik sa Spain kahit pa napatay si Magellan ng isa sa mga
tauhan ng katutubong si Lapu-lapu. Ito ang unang
circumnavigation o pag-ikot sa mundo. Itinama nito ang lumang
kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag. Naitala sa
mapa ang iba pang kalupaan sa Silangan kaya’t lalo pang nakilala
ang mga yaman nito.
Si Pope Alexander VI ang nagpalabas ng
. Papal Bull na naghahati sa lupaing
maaaring tuklasin ng Portugal at Spain.
Gumuhit ng Line of Demarcation ang
Papa noong 1493, ito ay isang linya
mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa
Hilagang Pola hanggang sa Timugang
Pola. Ipinaliliwanag nito na ang lahat ng
mga matatagpuang kalupaan at
katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya
ay para sa Spain at sa Silangang bahagi
ng linya ay para naman sa Portugal.
Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga
bangko. Sa dami ngmga salapi ng mga
mangangalakal, kinailangan nilang may paglagyan
ng kanilang salaping barya. Kaya ang salaping papel
ang kanilang ginamit at ipinakilala sa mga
mangangalakal. Ang salapi ring ito ang nagbigay-
daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema
kung saan mamumuhunan ng kaniyang salapi ang
isang tao upang magkaroon ng tubo o interes.
MGA
GAWAIN
PAGYAMANIN
GAWAIN 4 : TUKLASIN
PAGYAMANIN
GAWAIN 5 : ISAGAWA
ROO

THANK YOU
SUBSCRIBE NOW

You might also like