You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV A - CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OF TAYABAS
BUENAVENTURA ALANDY NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. IBABANG BUKAL, TAYABAS CITY

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa Ikawalong Baitang

KASAYSAYAN NG DAIGDIG

MELCS: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto ng Kolonyalismo

LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


1. Matutukoy ang mga pangunahing salik at motibo ng eksplorasyon ng mga Europeo
2. Malalaman ang mga pangyayari sa Unang Yugto ng Kolonyalismo
3. Masusuri ang epekto ng eksplorasyon at Unang Yugto ng Kolonyalismo sa kasalukuyang panahon

NILALAMAN:

Paksa: Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin


Kagamitan: Laptop, TV at mga larawan
Sanggunian: Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan pahina 315-327

PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Magandang umaga mga bata!

Atin pong itungo ang ating mga ulo at damhin ang


presensya ng ating Panginoon. Ama naming Diyos na
Bago tayo magsimula ay sabay- sabay tayong magdasal.
banal at makapangyarihan sa lahat, kami po ay
nagpapasalamat sa iyong kabutihan. Sana po sa araw na
ito buksan moa ng aming puso at isipan sa gagawin
naming mga pag-aaral. Ikaw nawa ang maghari sa bawat
isa sa amin.Patawad po sa aming mga sala. Sa pangalan
ng aming Panginoong Jesus na dakila at aming
tagapagligtas. Amen

Muli, magandang umaga sa lahat! May liban ba ngayon sa Magandang umaga po, maam Rona. Kinalulugod ko
klase? pong sabihin na wala pong liban sa ating klase.

Mabuti naman kung ganoon. Bago maupo ang lahat , maaari (Aayusin ng mga mag-aaral ang upuan at pupulutin ang
bang ayusin ninyo ang inyong mga upuan at pulutin ang mga mga nakitang kalat)
kalat na nakikita sa paligid.

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin, kahapon ay tinalakay


natin ang mga epekto o bunga ng renaissance?

Maari bang magbigay kayo ng isang epekto ng renaissance? Maam, Nag-ambag po ng mga natatanging likha ng
sining at panitikan.

Mahusay! Paano ito nakatulong sa iyo bilang mag-aaral? Maam, dahil po sa nakilala namin ang mga nag-ambag
sa sining, gumamit po ang mga pintor sa panahon ng
Renaissance ng makatotohanang estilo sa pagpipinta.
Mahusay! Mabuti naman at may naunawaan kayo sa ating
nakaraang aralin.
Kung gayon ay ipagpatuloy na natin ang ating talakayan.

A. AKTIBITI : MAGLAKBAY TAYO!

Sa isang kapirasong papel ay isulat ninyo ang mga lugar o


Magsusulat ang mga bata ng mga lugar o bansa na nais
bansa na inyo nang napuntahan at nais pang puntahan.
nilang puntahan.
Anu-anong mga lugar o bansa ang inyong napuntahan na at
nais pang puntahan? Ano ang mga pangunahin ninyong layunin
sa pagpunta at pagnanais na mapuntahan ang mga lugar na ito.

Mahusay! Anong bansa ang gusto nyong mapuntahan upang Maam, Japan po ang gusto kong mapuntahan.
galugarin.
Maam, ang ating pong pag-aaralan ay ang paggalugad sa
Base sa aking ipinagawa sa inyo? May ideya ba kayo kung ano
mga bansa.
an gating pag-aaralan sa araw na ito?

Tama! Ngayon ay pumunta na tayo sa ating talakayan.

Analisis
Ayusin ang mga letra upang maibigay ang tinutukoy sa bawat
bilang.
1. LEVACRA Mga sasakyang pandagat na lubhang Maam
nakatulong upang maisakatuparan ang paglalakbay sa
malalawak at kabisadong karagatan.

Nagsimula noong ika-15 siglo ang dakilang panahon ng


eksplorasyon o ang panahon ng pag-galugad ng mga lugar na
hindi pa nararating ng mga Europeo. Ang eksplorasyon ay
nagbigay daan sa Kolonyalismo ay patakaran ng isang bansa Ibig sabihin maam,noong unang panahon kaya sinasakop
ng pagpapalawak ng lupain sa pamamagitan ng pananakop. ang isang bansa ay dahil sa kayamanan?
Tatlong bagay (3 G’s) ang itinuturing na motibo para sa
kolonyalismong eksplorasyon:
1) paghahanap mg kayamanan (Gold);
2) pagpapalaganap ng Kristiyanismo (God) at
3) paghahangad ng katanyagan at karangalan (Glory).

Tama kayo mga bata! Sapagkat noong unang panahon ay wala


pang mga alam ang mga tao kung aling bansa ba ang maraming
gold na makukuha.

Ang ika-15 hanggang ika-17 siglo ang unang yugto ng


imperyalismomg Kanluranin. Ang Imperyalismo ay tumutukoy
sa panghihimasok, pag-impluwensiya o pagkontrol ng isang
makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa, Tuwiran
man o Di-Tuwirang anyo ng pananakop.

Mga Motibo at Salik sa Ekplorasyon

1. Ang Paghahanap ng Spices-


Noong ika-13 siglo pa lamang ay naging
depende na ang mga Europeo sa mga
Spices na matatagpuan sa Asya lalo na sa
India
2. Limitadong Kaalaman ng mga Europeo sa Asya-
Ang Asya ay isa nang kaakit-akit na lugar para sa mga
Kanluranin. Bagama’t limitado lamang ang kanilang kaalaman
tungkol sa Asya ay nadagdagan naman ang kanilang interes na
makarating sa Asya dahil sa mga akda nina Marco Polo at Ibn
Battuta.
3. Ang Paghahanap ng
Bagong Ruta ng
Kalakalan-

Hilagang Ruta- ito ay


nagsisimula sa Peking (China)
at babagtas sa disyerto ng
Samarkand at Bokhara,
tinatawid ang Caspian Sea at Black Sea at nagtatapos sa
lungsod ng Constantinople

Panggitnang Ruta- Mula sa India ang


mga kalakal ay dinadala ng mga
sasakyang pandagat hanggang Ormuz sa
Persian Gulf. Mula rito ang mga kalakal
ay inihahatid ng mga kamelyong
bumabyahe patungo sa mga lungsod ng
Antioch, Aleppo at Damascus.

Timog na Ruta- Mula sa India,


babagtasin ang Indian Ocean,
babaybayin ang Arabia tuloy sa Red
Sea hanggang sa Cairo o Alexandria sa
Egypt.

4. Kayamanan- Dahil sa patakarang Merkantilsmo, ninais ng


mga bansang Kanluranin na magkaroon ng maraming bullion
(ginto at pilak). Hangad din nila ang mga produkto sa Asya
tulad ng asukal, seda at pampalasa.

5.Relihiyon-Simula ika-7 siglo ang mga Muslim ay nagkaroon


ng kapangyarihan sa Spain, Hilagang Africa at Silangang
Mediterranean kaya naglunsad ang Portugal at Spain ng
Reconquista upang mabawi ang Iberian Peninsula mula sa mga
Muslim. Naglunsad din ng mga Krusada simula ika-11 siglo
upang mabawi ng mga Kristiyano sa Europe ang Holy Land
mula sa pananakop ng mga Muslim.

6. Katanyagan- Malaki ang bahaging ginampanan ng


Renaissance dahil napukaw nito ang interes ng mga Europeo na
tumuklas at makarating sa mga bagong lupain. Dahil ang
pananaw sa daigdig sa panahon ng Renaissance ay humanistiko
at hindi nakasentro sa Diyos, nagkaroon ng tiwala sa kanyang
sariling kakayahan ang mga tao.

7. Pag-unlad ng Teknolohiya- Ang


pag-unlad sa paggawa ng mga
sasakyang pandagat tulad ng caravel
ay lubhang nakatulong upang
maisakatuparan ang paglalakbay sa
malalawak at hindi kabisadong
karagatan. Ang mga instrumentong
pangnabigasyon tulad ng compass
(tinuturo ang direksiyon) at astrolabe
(nagtuturo ng tamang posisyon at layo ng
barko mula ekwador sa pamamagitan
lamang ng pagtingin sa mga bituin, araw
at buwan) ay nakatulong sa mas madaling paglalayag.
Abstraksyon

1.
2.

3.

1. APLIKASYON: Paggawa ng Slogan

Panuto: Gumawa ng Slogan na magpapaliwanag sa


Kahalagahan ng bunga mga epekto ng Renaissance

Pagtataya

Basahin ng mabuti ang bawat tanong at lagyan ng


kung tama ang pahayag at kung mali ang pahayag sa epekto
ng mga ambag ng Renaissance.
__________ 1. Dahil sa Renaissance ay nabago ang pananaw
sa daigdig, na ang daigdig at hindi ang araw ang sentro ng
sansinukob.
__________ 2. Ang akda ni Erasmus na In praise of Folly ang
naging daan upang tuligsain ang teolohiyang eskolastika,pang-
aabuso ng mga kaparian at ang mga maling gawa ng mga
Maharlika.
__________ 3. Sa panahon ng Renaissance tumaliwas ito sa
turo ng simbahan at binigyang diin ang paniniwala ay dapat
nakabatay sa ebidensiya at katotohanan, hindi sa pamahiin o
paniniwalang panrelihiyon lamang.
__________ 4. Gumamit ang mga pintor sa panahon ng
Renaissance ng makatotohanang estilo sa pagpipinta
karaniwang paksa nila ay kulturang itinuro ng simbahan.
__________ 5. Napukaw ng Renaissance ang interes mga
Europeo na tumuklas ng mga bagong lupain at magpalawak ng
kanilang teritoryo.

Takdang Aralin
Panuto: Kung papipiliin ka ng isa sa mga bunga ng
Renaissance, sa iyong opinyon alin ang may pinakamabigat ang
naging epekto sa kasalukuyang panahon. Pangatwiranan ang
iyong sagot

Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan

Inihanda ni:
Rona Grace C. Averilla
Guro

You might also like