You are on page 1of 14

Paghahati ng Mundo

Inihanda ni:
Bb. Marisol P. Policarpio
Noong 1493
Gumuhit ng line of demarcation ang Papa, isang hindi nakikitang linya mula
sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Polar hanggang sa Timogang Polar.

Para sa Spain ang kanlurang bahagi ng linya at sa Portugal naman ang sa


silangang bahagi ng linya.

Si Pope Alexander VI ang naglabas ng papa bull na naghahati sa lupaing


maaring tuklasin ng Portugal at Spain.
Ang Paglalakbay ni Ferdinand
Magellan
Isang Portuges na ang paglalakbay ay pinondohan ng Spain sa taong 1519 kung saan
nilakbay ng kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran tungong silangan at dito,
natagpuan nila ang silangang baybayin ng South America. Ito ang bansang Brazil sa
kasalukuyan.

Naglakbay sila sa isang makitid na daanan ng tubig, ang Strait of Magellan ngayon, at
pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko hanggang marating nila ang Pilipinas.

Nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga miyembro at taggutom dahil sa haba ng


paglalakbay.
Ang Paglalakbay ni Ferdinand
Magellan
Ang ekspedisyon ay nagpatunay na maaaring ikutin ang mundo at muling
bumalik sa pinanggalingan nang ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain
kahit pa napatay si Magellan ng isa sa mga tauhan ng katutubong si Lapu-lapu.

Ang nasabing ekspedisyon ang unang circumnavigation o pag-ikot sa mundo


na nagtama sa lumang kaalaman ng mga Europeo na ang mundo ay patag.

Dahil dito, naitala din sa mapa ang iba pang kalupaan sa Silangan at lalong
nakilala ang mga yaman nito.
Ang mga Dutch
Bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya, napalitan ng mga Dutch ang
mga Portuguese sa pagpasok ng ika-17 siglo.

 Sila ang nag-agaw sa Moluccas mula sa Portugal at nagtatag ng bagong


sistema ng plantasyon - ang mga lupain ay pinatamnan ng mga tanim na
mabili sa pamilihan.

 Dahil dito, nagkaroon ng sapilitang paggawa na naging patakaran din ng


mga Español sa Pilipinas.
Ang mga Dutch
Ang mga Dutch ay nagkaroon din ng mga kolonya sa North America na
pinangunahan ni Henry Hudson na isang English na manlalayag na naglakbay para
sa mga mangangalakal na Dutch.

Siya ay nakapasok sa New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New
Netherland.

Isang trade outpost o himpilang pangkalakalan ang itinatag noong 1624, sa


rehiyon na pinangalanang New Amsterdam na kilala ngayon bilang New York City
Ang Kahalagahan ng mga Paglalayag
at Pagtuklas ng mga Lupain
Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang pagtuklas at paglalayag
noong ika-15 at ika-16 na siglo kung saan nawala sa dating kinalalagyan ang
Italy sa kalakalan na kanyang pinamunuan sa Medieval Period.

Nagpalawak sa paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na galing sa Mexico,


Peru at Chile ang mga produktong pangkalakalan.

 Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga bangko.

Hindi alam ng mga tao sa Medieval Period, ang pag-iipon ng salapi.


Epekto ng Unang Yugto ng
Kolonisasyon
1. Nagbigaydaan ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga Español at
Portuguese sa malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad pati
na ngpagkatuklas ng mga sibilisasyong. Ang ugnayan ng Silangan at Kanluran ay
lalong lumakas.

2. Ang mga bagong pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag ay


nakapukaw rin ng interes sa eksplorasyon.

3. Ang kolonisasyon ang nagpasigla sa paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa


Silangan.
Epekto ng Unang Yugto ng
Kolonisasyon
4. Maraming suliranin ang idinulot ng kolonisasyon sa mga bansang
nasakop nito gaya ng pagkawala ng kasarinlan ng mga ito, paninikil
ng mananakop at pagsasamantala sa likas na yaman ng mga bansa.

5. May pagbabago sa ecosystem sa daigdig na nagresulta sa


pagpapalitan ng hayop at halaman at mga sakit sa pagitan ng Old
World at New World.
Quiz # 3:Isulat ang titik ng
tamang sagot:
1. Ang mga sumusunod ay mga motibo para sa kolonyalismo dulot ng
eksplorasyon MALIBAN sa:
a. Paghahanap ng mga alipin
b. Paghahanap ng kayamanan
c. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
d. Paghahangad ng katantyagan at karangalan
2. Anong bansa ang kauna-unahang Europeo na nagkaroon ng interes sa karagatan
ng Atlantic?
b. Dutch c. Portugal
b. Spain d. America
3. Bakit mahalaga ang mga spices sa mga Europeo?
a. Dahil sa mahilig silang mag experiment sa pagkain
b. Dahil ginagamit nila itong palamuti sa kanilang bahay
c. Dahil ginagamit nila itong pampalasa sa pagkain, sangkap sa pabango,
kosmetiks at medisina
d. Wala sa nabangit.
4. Anong bansang kanluranin ang nagpaligsahan sa pananakop?
a. Spain at Dutch c. Portugal at Dutch
b. Spain at Portugal d. Dutch at America
5. Sino ang naging patron ng mga manlalakbay na tinaguriang Ang Nabigador?
b. Prinsipe Henry c. Vasco Da Gama
b. Christopher Columbus d. Amerigo Vespucci
6. Anong linya ang naghahati sa mundo upang mapigilan ang pag-aaway ng mga
bansang Spain at Portugal?
a. Pedestrian lane c. line of demarcation
b. Boarder line d. Straight line
7. Sinong papa ang naglabas ng papal bull na naghahati sa lupaing maaring
tuklasin ng Portugal at Spain?
a. Pope Alexander VI c. Papa Gregory I
b. Papa Leo the Great d. Papa Gregory VII
8. Anong taon nagsimulang maglayag si Ferdinand Magellan?
a. 1518 c. 1517
b. 1519 d. 1515
9. Bakit mahalaga para sa mga kanluraning bansa ang pagtuklas ng mga
bagong lupain?
a. Upang maging pinakamakapangyarihang bansa
b. Upang makatuklas ng mga likas na yaman at mga pampalasa
c. Upang lumawak ang mga teritoryo nila at yumaman
d. Lahat ng nabanggit
10. Anong libro ang nagpa-usbong sa kagustuhan ng mga kanluraning bansa
upang sakupin ang China?
b. The Book of Travel c. The Travels of Marco Polo
b. The Travels of Vasco Da Gama d. The Expedition of Prince Henry
Gawain 3: Panuto: Sumulat ng isang
sanaysay na naglalarawan sa Unang
Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.

You might also like