You are on page 1of 3

San Lorenzo School

608 Mayumi st. USPS. San Pedro City Laguna


S.Y. 2019-2020
Unang Markahang Pagsusulit sa Kontemporaryong Isyu
Pangalan :____________________________________________________Petsa:________________
Taon at Seksyon:_______________________________________________Guro:________________

I- Panuto : Isulat sa patlang ang tamang sagot.


__________1. Galing ito sa salitang English na Contemporary at katagang Spanish na Contemporaneo, na mula
naman sa mga salitang Latin na Contemporarius, Contemporaneous at Contemporalis .
__________2. Tumutukoy ito sa kapanahon at napapanahong paksain o usaping panlipunan.
__________3. Ito ay may kinalaman sa pakikipag-ugnayan ng tao sa kalikasan.
__________4. Ito ay may kinalaman sa hanapbuhay at kalagayan, kaunlaran at kaginhawaang ekonomiko.
__________5. Ito ay tumutukoy sa mga usaping may kinalaman sa distribusyon ng kapangyarihan at sistema ng
pamamahala lalo na ang mga kaugnay na mga gawain at pag-aasal na political.
__________6.Ito ay ang pakakaranas ng matinding tagtuyot na nagiging sanhi ng problemang pangkabuhayan
,lalo na ng mga bansang agricultural.
__________7. Ito ay ang kondisyon ng tao kung saan mayroon siyang kakulangan sa mga pangunahing
pangangailangan tulad ng pagkain at tubig.
__________8. Nilalayon nito na mapangalagaan at maprotektahan ang buhay ng tao at hayop , mga ari-arian
,imprastraktura, at mga komunidad sa paghahanda tuwing may kalamidad o sakuna.
__________9.Ito ay itinuturing na mga pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran , ari-arian
,kalusugan, at ng mga tao sa lipunan.
_________10. Ito ay ang biglaang pagbaha na nararanasan sa ating bansa na nagdudulot ng malubhang pinsala.

II- Panuto: Hanapin sa hanay A ang angkop na salitang kaugnay sa hanay B. Titik lamang ang isulat.
_____1.Ito ang kasing kahulugan ng Greek word na Con
a. Kasama sa c. Pag-ibig
b. Panahon d. Mga suliranin
______2. Ang salitang Tempor at Tempus ay kasingkahulugan ng ____.
a. Panahon c. Pananampalatay
b. Paninindigan d. Paninindigan
______3. Ang A Sand Country Almanac ay akda ni___.
a. Rachel Carson c. Dan H. Yaalon
b. Aldo Leopold d. Andrew Manabat
_______4. Sino ang naglathala ng aklat na Silent Spring?
a. Dan H. Yaalon c. Rachel Carson
b. Aldo Leopold d.Maynard Keynes
_______5.Ang Human Introduced Ecosystem and Landscape process Involve Soil Change ay akda ni_____.
a. Aldo Leopold c. Red List of Threatened Species
b. Rachel Carson d. Dan H. Yaalon
_______6. Ito ang nagiging sukatan ng paglago ng ekonomiya ng isang bansa.
a. Ekonomiya c. Gross Domestic Product
b. Kayamanan d. Manggagawa
_______7. Batay sa talaan ng Department of Education , ilang porsyento ang dropout rate sa elementary at high
school levels sa Pilipinas?
a. 10% c. 6%
b. 19% d. 7%
_______8. Ito ay ang bahagi ng populasyon ng bansa na nasa tamang eded para magtrabaho.
a. Manggagawa c. Unemployment
b. Workforce d. Paggawa
_______9. Dahil sa bulkang ito , ang lugar ng Camiguin ang pinakamapanganib sa pagputok ng bulkan dahil
maliit na pulo lamang ito.
a. Mt. Mayon c.Mt. Ararat
b. Mt. Apo d. Mt. Hibok Hibok
______10. Ginawa ito ng DENR upang mabawasan ang masamang epekto ng mga sakuna o kalamidad .
a. Geohazard Map c. NDRRMC
b. Political Map d. World Map
III- Panuto: Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali ito. Kung Mali, bilugan ang bahaging
nagpamali dito.
1. Ang Labor Force ay ang bilang ng taong may hanapbuhay at walang hanapbuhay.
2. Ang worker ay isang indibidwal na nagbibigay-lingkod, nagtatrabaho ng 8 na oras sa loob ng anim
na araw at binabayaran ng overtime.
3. Ang Unskilled na manggagawa ay isang uri ng lakas-paggawa na ang mga kasapi ay mga
nakapagtapos ng kolehiyo.
4. Ang paggawa ay tumutukoy sa lahat ng mga gawain at lakas na ibinubuhos ng isang indibidwal sa
mga aspektong pisikal, kaisipan, o panlipunan upang makalikha ng mga bagay o serbisyo na
mapakikinabangan ng isang ekonomiya.
5. Ang skilled na manggagawa ay isang uri ng manggagawa na may mataas na antas ng kaalaman
,kasanayan at karanasan .
6. Ang casual unemployment ay nangyayari kapag sinasadyang hindi nagtatrabaho ang isang
mamamayan.
7. Ang voluntary unemployment ay nangyayari sa mga trabahong arawan o lingguhan ,katulad sa
construction at sakayan .
8. Ang sweldo ay ang natatanggap ng isang indibidwal bilang kabayaran sa serbisyong kanyang
ipinagkaloob upang makalikha ng produkto o serbisyo .
9. Ang Real Wage ay tinatawag din na money wage.
10. Ang Contractualization ay tumutukoy sa pagkuha ng mga kompanya ng mga short term na
manggagawa na kadalasan ay umaabot lamang sa limang buwan.

III-.Panuto: Itala ang mga sumusunod:


1. Limang Uri ng Estruktural na Kontemporaryong Isyu
2. Limang Pinaka nanganganib na species sa Kontemporaryong panahon

IV- Ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba ng salitang Unemployment at Underemployment sa


pamamagitan ng Venn Diagram.

Unemployment Underemployment

You might also like