You are on page 1of 22

Ang Paghahangad ng Spain ng

kayamanan Mula sa Silangan


Ang pagpapakasal nina haring Ferdinand V ng
Aragon at Reyna Isabelle 1 ng Castille noong 1469
ay naging daan upang ang Spain ay maghangad din
ng mga kayaman sa Silangan. Ang pinagsanib na
lakas ng kanilang kaharian ang naging daan sa
pagpapadala ng mga ekspedisyon sa Silangan na
ang una ay pinamunuan ni Christopher Columbus,
isang italyanong manlalayag.
Noong 1492 ay tinulungan si Columbus na
ilunsad ang kaniyang unang ekspedisyon
patungong India na dumaan pakanluran ng
Atlantiko. Ang kaniyang ekspedisyon ay
nakaranas ng maraming paghihirap gaya ng
walang kasiguraduhan na mararating nila ang
Silangan,pagod at gutom sa kanilang
paglalakbay,at haba ng panahon ng kanilang
inilagi sa katubigan. Ngunit naabot din niya ang
mga isla ng Bahamas na sa kaniyang
pagkakaakala ay ang India dahil ng kulay ng mg
taong doon ay gaya ng mga
taga-India kaya tinawag niya ang
mga itong Indians. Tatlong buwang
ang inilagi ng kanilang paglalakbay
ng maabot nila ang Hespaniola (sa
kaslukuyan ay ang mga bansa ng
Haiti at Dominican Republic) at ang
Cuba
Marami siyang natagpuang
ginto dito na makasasapat na
sa pangangailangan ng Spain
ngunit sa tingin niya ay di
parin niya tunay na narating
ang mga kilalang sibilisasyon
sa Asya
Pagbalik niya sa Spain ay ipinagbunyi ang
resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan
ng titulong Admiral of the Ocean Sea,
Viceroy,at Gobernador ng mga islang
kaniyang natagpuan sa Indies. Tatlong
ekspedisyon pa ang kaniyang pinamunuan
bago siya mamatay noong 1506. Narating niya
ang mga isla sa Carribean at sa South America
ngunit di siya nagtagumpay sa paghahanap ng
bagong ruta patungo sa silangan
Masusuri natin sa pangyayaring ito na may
kakulangan ang mga makabagong gamit ang
mga ginawang paglalakbay gaya ng mapa na
di pa maunlad. Noong 1507,isang italyanong
nabigador, si Amerigo Vespucci ang
nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo
ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito ng
lumaon ay isinunod sa pangalan ni Amerigo
kaya nakilala ito bilang America. Ito ay naitali
sa mapa ng Europe
Paghahati ng Mundo
Dahil sa lumalalang paligsahan ng pagpapadala ng mga
ekspedisyon ng Portugal at Spain humingi ang bansang
ito ng tulong sa Papa Rome upang mamagitan sa
kanilang mga paglalaban. Noong 1493 ay gumuguhit ng
line of demarcation ang Papa, isang hindi nakikitang
linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola
hanggang sa Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na ang
lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa
Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa
Silangang bahaging linya ay para naman sa Portugal
Si Pope Alexander 6 ang naglabas ng papal bull na nghahati sa
lupaing maaaring tuklasin ng Portugal at Spain
Nagduda ang mga Portuges sa naging Kinalabasan ng kanilang
pagtatanong kaya nagpetisyon sila na baguhin ang naunang
linya na dapat mapunta sa kanila at sa Spain. Nakikita nila na
baka lumawak ang paggagalugad ng Spain sa kanluran at
maaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa Silangan.
Sa pamamagitan ng kasunduan sa Tordesillas noong 1494.
Nagkasundo sila na ang line of demarcation ay baguhin at
ilayo pakanluran. Ipinakikita dito na noong panahong iyon ay
pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Spain ang bahagi ng
mundo na di pa nararating ng mga taga Europe
Ang paglalakbay ni Ferdinand Magellan
Taong 1519 ng nagsimula ang ekspedisyon ni
Ferdinand Magellan. Isang Portuges na ang
paglalakbay ay pinondohan ng Spain. Nilakbay ng
kanyang ekspedisyon ang rutang pakanluran
tungong silangan. Natagpuan nila ang silangang
baybayin ng South America o bansang Brazil sa
kasalukuyan. Nilakbay din nila ang isang makitid na
daanan ng tubig;ang Strait of Magellan ngayun,
pinasok ang malawak na Karagatang Pasipiko
hanggang marating ang Pilipinas
Isinilang si Ferdinand Magellang noong 1480
sa Sabrosa,Portugal. Si Ruide Magalhaes,ang
kaniyang ama at Alda de Mesquita,ang
kaniyang ina
Sa haba ng paglalakbay nakaranas sila ng
pag aalsa ng mga kasamahan at
pagkagutom.Ngunit nalagpasan nila ang
lahat ng ito at nakatagpo ng malaking
kayamanang ginto at mga pampalasa
Naging matagumpay din sila na madala sa katolisismo
ang mga katutubo. Sa pangkalahatan nagpatunay ang
ekspedisyon na maaring ikutin ang mundo at muling
makababalik sa pinanggalingan. Pinatunayan ito ng
ang barkong Victoria ay nakabalik sa Spain kahit pa
napatay si Magellan ng isa sa mga tauhan ng
katutubong si Lapu-lapu. Ito ang unang
circumnavigation o pag ikot sa mundo. Itinama nito
ang lumang kaalaman ng unang Europeo na ang
mundo ay patag. Naitala sa mapa ng iba pang
kalupaan sa Silangan kaya't lalo pang nakilala ang mga
yaman nito
Ang mga Dutch
Sa pagpasok ng ika 17 na siglo napalitan ng
mga Dutch ang Potuguese bilang pangunahing
bansang kolonyal sa Asya. Inagaw nila ang
Mollucas mula sa Portugal at nagtatag ng
bagong sistemang plantasyon kung saan ng
mga lupain ay pinataniman ng mga halamang
mabili sa pamilihan. Ang naging epekto nito ay
ang sapilitang paggawa na naging patakaran
din ng mga Español sa Pilipinas.
Nagkaroon din ng mga kolonya ang mga Dutch
sa North America. Pinangunahan ito ng English
na manlalayag na si Henry Hudson na
naglakbay para sa mga mangangalakal na
Dutch. Napasok niya ang New York Bay noong
1609 at pinangalanan itong New Netherland.
Noong 1624, isang trade outpost o himpilang
pangkalakalan ang itinatag sa rehiyon na
pinangalanag New Amsterdam. Ito ngayun ay
kilala bilang New York City
Kung ihahambing ang pananakop ng mga
Dutch sa America,mas nagtagal ang
kanilang kapangyarihan sa Asya dahil sa
pagkakatatag ng Dutch East India
Company o Vereenigde Oostindische
Compagnie (VOC) noong 1602. Ang mga
daungan nito ang nagbigay ng proteksyon
sa monopolyo ng mga Dutch sa paminta at
iba pang rekado
Ky Henry Hudson,ipinangalan ang ilog ng
Hudson sa Manhattan, USA
Nagtatag din ng pamayanan sa Africa ang mga
Dutch sa pamamagitan ng mga Boers; mga
magsasakang nanirahan sa my Cape of Good
Hope. Ngunit noong ika 17 siglo humina ang
kapangyarihang pangkomersiyo ng mga Dutch
at itoy pinalitan ng England bilang
pinakamalakas na imperyong pangkatubigan
ng Europe
Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas
ng mga lupain
Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan ang
pagtuklas at paglalayag noong ika 15 at ika 16 siglo.
Nawala sa dating kinalalagyan ang italy sa kalakalan na
kaniyang pinamumunuan sa Medieval Period. Naging
sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay dagat
ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders,
Netherlands,at England. Sa pagkakatuklas ng mga lupain,
higit na dumagsa ang mga kalakalan katulad ng Spices na
nagmula sa Asia. Sa North America, kape, ginto at pilak
sa South America, asukal at molasses at sa kanlurang
Indies, Indigo
Ang mga produktong ito ang nagpalawak sa
paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na galing
sa Mexico, Peru, at Chile. Ito ang nagpasimula ng
pagtatag ng mga bangko. Sa dami ng mga salapi ng
mga mangangalakal,kinailangan nilang may
paglagyan ng kanilang salaping barya. Kaya ang
salaping papel ang kanilang ginamit at ipinakilala
sa mga mangangalakal. Ang salapi ring ito ang
nagbigay daan sa pagtatag ng kapitalismo, ang
sistema kung saan mamumuhunan ng kaniyang
salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo o
interes
Noong panahong Medieval Period,
hindi alam ng mga ang pag-iipon ng
salapi. Nasisiyahan na sila kung sapat
na ang kanilang kita para sa
pangangailangan. Ngunit sa pag-unlad
ng kalakalan, dumami ang kanilang
salaping naipon. Hindi nila ito itinago.
Bagkus, ginamit nila itong puhunan
para higit na lumago pa
Epekto ng Unang Yugto ng
Kolonisasyon
Maraming mahahalagang epekto ang unang yugto ng
kolonisasyon, tulad ng sumusunod:
1. Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga, Español
at Portuguese ay nagbigay-daan sa malawakang
pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga
sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Ito rin ang nagpalakas
sa ugnayang silangan at kanluran
2. Nakapukaw ito ng interes sa mga makabagong
pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.
3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong
kanluranin sa Silangan
4. Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa
mga bansang nasakop tulad ng pagkawala ng
kasarinlan, paninikil,at pagsasamantala sa
kanilang likas na yaman
5. Nagkaroon ng pagbabago sa Ecosystem sa
daigdig na nagresulta sa pagpapalitan ng hayop,
halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan ng Old
World at New World
MGA NANGUNGUNA SA EKSPLORASYON
LUGAR NA
BANSANG
PERSONALIDAD TAON NARATING/KONTRI
PINAGMULAN BUSYON

Vasco Da
Portugal 1498 India
Gama
PREPARED BY:
ANA VEA DOROTEO😘😉

You might also like