You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 8

SUMMATIVE TEST
IKATLONG MARKAHAN
(MODYUL 1 at 2)

I - Tama o Mali Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng wastong impormasyon
at MALI naman kung ito ay hindi. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Ang kahulugan ng salitang Renaissance ay “muling pagsilang” o rebirth.


2. Ang Renaissance ay sumibol sa bansang Italya dahil sa magandang kinalalagyan sa larangan ng kalakalan at
matatag na lipunan.
3. Ang unibersidad ay lugar kung saan ginanap ang palakasan.
4. Napaunlad ng Italy ang kanilang kabuhayan dahil sa tulong ng kalakalan.
5. Tumibay ang tiwala ng mga mamamayan sa simbahang Katoliko dahil sa Renaissance.
6. Ang mga Humanista ay mga iskolar na nangunguna sa pag-aaral ng karunungang klasikal ng Greece at Rome.
7. Ang mga kalalakihan lamang ang sumikat sa Italya sa panahon ng Renaissance.
8. Marami ang naging pamana ng panahong Renaissance sa iba’t ibang larangan sa kasalukuyan.
9. Ang Renaissance ay transisyonal na panahon ng Middle Age at Modern Age.
10. Natamo ng Renaissance ang rurok ng kaningningan sa larangan ng pagpipinta, eskultura, sining, agham at
arkitektura.

II- Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” sa panahon ng Renaissance?


A. Desiderius Erasmus C. Miguel de Cervantes
B. Francesco Petrarch D. William Shakespeare
2. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval tungo sa Modernong
Panahon?
A. Nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan.
B. Mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon.
C. Naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko D. Nagdulot ng mga pagbabago
na naging dahilan sa pagpapaunlad ng imbensiyon at agham.
3. Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance sa kasalukuyang panahon?
A. Nagdudulot ito ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko.
B. Karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanism.
C. Naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman.
D. Pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang larangan lalo
na sa agham.
4. Ano ang pinagkakaabalahang gawain ng mga tao sa Italy bago sumibol ang Renaissance?
A. mga gawaing pambahay
B. pagtuklas ng mga bagong lupain
C. pagpapaunlad ng kanilang agrikultura
D. mga gawain, aral at turo ng simbahan
5. Sinong sa mga humanistang babae ang may akda ng Dialogue of Adam and Eve?
A. Isotta Nogarola C. Sofonisba Anguissola
B. Laura Cerata D. Veronica Franco
6. Anong kasunduan ang nilagdaan ng mga bansang Portugal at Spain na nagtatakda ng panibagong line of
demarcation na siyang batayan sa mga lugar na maaari nilang galugarin?
A. Kasunduan sa India C. Kasunduan sa Versailles
B. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Tordesillas
7. Kanino ipinangalan ang kontinenteng America?
A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus
B. Bartolomeu Dias D. Ferdinand Magellan
8. Sinong manlalayag na Europeo ang unang nakatuklas sa Bagong Daigdig o New World?
A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus
B. Bartolomeu Dias D. Ferdinand Magellan
9. Ano-anong bansa ang unang nagpaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong ika-14 hanggang ika-15 siglo?
C. England at Portugal C. Netherlands at England
D. France at Spain D. Spain at Portugal
This study source was downloaded by 100000793636410 from CourseHero.com on 01-22-2022 00:04:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/113379083/ARALING-PANLIPUNAN-8docx/
10. Sinong hari at reyna ng Spain ang sumuporta sa ekspedisyon nina Columbus at
Magellan? A.Henry at Anne
B. William at Mary
C.Carlos at Elizabeth
D. Ferdinand at Isabella

11. Alin sa sumusunod na kagamitan ang hindi ginamit ng mga manlalayag na Europeo sa Panahon ng Eksplorasyon?
A. astrolabe C. compass
B. caravel D. hourglass

12. Ano ang tawag sa sasakyang pandagat na ginamit ng mga Europeo sa kanilang paglalayag sa Panahon ng
Eksplorasyon?
A. armada C. galleon ship
B. caravel D. steam ship

13. Sino ang nagpatayo ng paaralan na nakatuon sa pag-aaral ng nabigasyon na nakatulong upang maging mahusay
na mandaragat ang mga Portuges?
A. Bartolomeu Dias C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Prinsipe Henry

14. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga motibo ng Unang Yugto ng Kolonyalismo?
C. pagpapalawak ng kultura C. paghahangad ng katanyagan
D. paghahanap ng kayamanan D. pagpapalaganap ng Kristiyanismo

15. Sinong papa ang naglabas ng Papal Bull na naghahati sa mundo mula silangan hanggang kanluran na maaaring
tuklasin ng mga bansang Portugal at Spain?
A. Alexander VI C. John Paul II
B. Gregory VII D. Leo I

16. Anong kasunduan ang nilagdaan ng mga bansang Portugal at Spain na nagtatakda ng panibagong line of
demarcation na siyang batayan sa mga lugar na maaari nilang galugarin?
A. Kasunduan sa India C. Kasunduan sa
Versailles B.Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa
Tordesillas

17. Paano mo ilalarawan ang epekto ng kolonyalismo?


A. Pawang kabutihan ang dala ng kolonyalismo sa mga bansang nasakop ng mga Europeo.
B. Ang pananakop ng mga Europeo ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng pandaigdigang kalakalan.
C. Ang kolonyalismo ay nagdulot ng positibo at negatibong epekto sa mga bansang sakop ng mga
Kanluranin.
D. Nagdala ang mga Kanluranin ng mga sakit sa kolonya na naging sanhi ng maraming pagkamatay ng mga
katutubo.

18. Kanino ipinangalan ang kontinenteng America?


A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus
B. Bartolomeu Dias D. Ferdinand Magellan

19. Sinong manlalayag na Europeo ang unang nakatuklas sa Bagong Daigdig o New World?
A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus
B. Bartolomeu Dias D. Ferdinand Magellan

20. Ano-anong bansa ang unang nagpaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong ika-14 hanggang ika-15 siglo?
A. England at Portugal C. Netherlands at England
B. France at Spain D. Spain at Portugal

Goodluck and
God Bless!!!

This study source was downloaded by 100000793636410 from CourseHero.com on 01-22-2022 00:04:24 GMT -06:00
https://www.coursehero.com/file/113379083/ARALING-PANLIPUNAN-8docx/

You might also like