You are on page 1of 4

Department of Education

CARAGA Region
DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
PROSPERIDAD IV
AURORA NATIONAL HIGH SCHOOL
Aurora, Prosperidad, Agusan del Sur
S.Y. 2020 - 2021

SUMMATIVE EXAMINATION QUARTER 3 in ARALING PANLIPUNAN 8

Name: __________________________________________ Section: ______________________ Score: ________


Subject Teacher: JESSELLY L. CASTRO – VALES Parent’s Signature: ______________________

“Believe in yourself and all that you are. Know that there is something inside you that is greater
than any obstacle”

General Instructions:
1. Chose the right answer. Pag mali ang sagot, ay mali na ito, huwag mo nang ipaglaban pa ang mali
dahil sa huli masasaktan ka lang.
2. Circle your answer clearly. Yung malinaw, hindi gaya ng feelings nyang hindi mo maintindihan.
3. No Erasures. Pag-isipan munang mabuti bago isulat, hindi lahat ng pagkakamali pwede pang itama
4. Do not Cheat. Wag tumulad sa EX mong akala mo loyal pero mabilis lang pala magpalit.
5. Finish the Exam in GIVEN TIME. Alam mo dapat kung kelan na dapat sumuko, pagtapos na, tapos na.

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang tinaguriang “Makata ng mga Makata” sa panahon ng Renaissance?


A. Desiderius Erasmus C. Miguel de Cervantes
B. Francesco Petrarch D. William Shakespeare
2. Bakit tinawag na transisyonal na panahon ang Renaissance mula sa Medieval tungo sa Modernong
Panahon?
A. Nagpasaya sa buhay ng mga Europeong mamamayan.
B. Mas pinalawig ang mga kaugalian at tradisyon sa Gitnang Panahon.
C. Naging panatiko ang mga Europeo sa turo at aral ng Simbahang Katoliko
D. Nagdulot ng mga pagbabago na naging dahilan sa pagpapaunlad ng imbensiyon at agham.
3. Alin sa mga pahayag ang hindi nagsasaad ng kahalagahan ng Renaissance sa kasalukuyang panahon?
A. Nagdudulot ito ng pagkakalito sa paniniwala ng mga katoliko.
B. Karamihan sa mga bansa ay binigyang halaga ang humanism.
C. Naging batayan ang sinaunang pag-aaral sa mga makabagong kaalaman.
D. Pinag-ibayo ang pagiging malikhain at paglikha ng mga bagong kaalaman sa iba’t ibang
larangan lalo na sa agham.
4. Ano ang pinagkakaabalahang gawain ng mga tao sa Italy bago sumibol ang Renaissance?
A. mga gawaing pambahay C. pagpapaunlad ng kanilang agrikultura
B. pagtuklas ng mga bagong lupain D. mga gawain, aral at turo ng simbahan
5. Sinong sa mga humanistang babae ang may akda ng Dialogue of Adam and Eve?
A. Isotta Nogarola C. Sofonisba Anguissola
B. Laura Cerata D. Veronica Franco
6. Alin sa sumusunod na kagamitan ang hindi ginamit ng mga manlalayag na Europeo sa Panahon ng
Eksplorasyon?
A. astrolabe B. caravel C. compass D. hourglass
7. Ano ang tawag sa sasakyang pandagat na ginamit ng mga Europeo sa kanilang paglalayag sa Panahon
ng Eksplorasyon?
A. armada B. caravel C. galleon ship D. steam ship
8. Sino ang nagpatayo ng paaralan na nakatuon sa pag-aaral ng nabigasyon na nakatulong upang maging
mahusay na mandaragat ang mga Portuges?
A. Bartolomeu Dias C. Ferdinand Magellan
B. Christopher Columbus D. Prinsipe Henry

9. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga motibo ng Unang Yugto ng Kolonyalismo?
A. pagpapalawak ng kultura C. paghahangad ng katanyagan
B. paghahanap ng kayamanan D. pagpapalaganap ng Kristiyanismo
10. Sinong papa ang naglabas ng Papal Bull na naghahati sa mundo mula silangan hanggang kanluran na
maaaring tuklasin ng mga bansang Portugal at Spain?
A. Alexander VI C. John Paul II
B. Gregory VII D. Leo I
11. Anong kasunduan ang nilagdaan ng mga bansang Portugal at Spain na nagtatakda ng panibagong line
of demarcation na siyang batayan sa mga lugar na maaari nilang galugarin?
A. Kasunduan sa India C. Kasunduan sa Versailles
B. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Tordesillas
12. Paano mo ilalarawan ang epekto ng kolonyalismo?
A. Pawang kabutihan ang dala ng kolonyalismo sa mga bansang nasakop ng mga Europeo.
B. Ang pananakop ng mga Europeo ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng pandaigdigang kalakalan.
C. Ang kolonyalismo ay nagdulot ng positibo at negatibong epekto sa mga bansang sakop ng mga
Kanluranin.
D. Nagdala ang mga Kanluranin ng mga sakit sa kolonya na naging sanhi ng maraming
pagkamatay ng mga katutubo.
13. Kanino ipinangalan ang kontinenteng America?
A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus
B. Bartolomeu Dias D. Ferdinand Magellan
14. Sinong manlalayag na Europeo ang unang nakatuklas sa Bagong Daigdig o New World?
A. Amerigo Vespucci C. Christopher Columbus
B. Bartolomeu Dias D. Ferdinand Magellan
15. Ano-anong bansa ang unang nagpaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong ika-14 hanggang ika-
15 siglo?
A. England at Portugal C. Netherlands at England
B. France at Spain D. Spain at Portugal
16. Ano ang pangunahing dahilan ng pananakop ng mga kanluranin sa Panahon ng Rebolusyong
Industriyal?
A. Lumaki ang populasyon ng kanilang bansa.
B. Upang mayroon silang mapagkukunan ng hilaw na sangkap.
C. Mayroon silang tagasuporta sa pagpapaunlad ng kanilang kultura.
D. Mayroon silang kaalyadong bansa na magbigay sa kanila ng proteksiyon.
17. Sino ang nagpakilala ng telegrapo na nakatulong sa pagpapaunlad ng sistema ng komunikasyon?
A. Eli Whitney C. Thomas Alva Edison
B. Samuel B. Morse D. Alexander Graham Bell
18. Ano ang isinusulong ng Teoryang Heliocentrism na ipinahayag ni Nicolaus Copernicus?
A. Umiikot ang araw sa aksis ng mundo.
B. Ang araw ang sentro ng Solar System.
C. Ang mundo ang sentro ng Solar System.
D. Ipinahayag na ang daigdig ay bilog at hindi patag.
19. Ano ang tawag sa yugto ng kasaysayan kung kailan umunlad ang mga kilusang intelektuwal na
naglalayong iahon ang mga Europeo sa kawalan ng katwiran at maling paniniwala noong Middle Ages?
A. Eksplorasyon C. Kolonisasyon
B. Enlightenment D. Paggalugad
20. Bakit nagdalawang isip ang mga astronomer na ilathala ang kani-kanilang mga bagong kaisipan?
A. Natakot silang mawalan ng trabaho.
B. Natakot silang baka mali ang kanilang imbensiyon o ideya.
C. Natakot silang bawiin ang kanilang lisensiya bilang siyentista.
D. Natakot sila sa persekyusiyon at ekskomuniksyon ng Simbahang Katoliko
21. Ano ang tawag sa pangkat ng tao na naniniwala at nagpapalaganap ng kaisipang pang-ekonomiya?
A. Aristocrats C. Physiocrats
B. Nobles D. Technocrats

22. Sinong manananggol ang sumulat ng “Declaration of Independence” na nagpahayag ng kasarinlan ng


Amerika?
A. Baron de Montesquieu C. Jean Jacques Rousseau
B. Francois Marie Arouet D. Thomas Jefferso
23. Alin sa sumusunod ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan sa usaping pang-ekonomiko?
A. pagbibigay proteksiyon sa mamamayan
B. paghahati ng kapangyarihan ng pamahalaan
C. panatilihin ang kaayusan ng lipunan at pamahalaan
D. pagpapatayo ng ospital, pagpapagawa ng tulay at kalsada
24. Sinong pilosopo ang sumikat noong panahon ng Rebolusyong Pangkaisipan dahil sa pagsulat niya ng
mga akda na may temang kasaysayan, pilosopiya, pulitikaat drama gaya ng Candide at Zaire?
A. Francois Marie Arouet C. John Locke
B. Jean Jacques Rousseau D. Thomas Hobbes
25. Anong pangkat ng tao ang kabilang sa pangalawang antas ng lipunan sa France?
A. clergy B. commoner C. nobility D. untouchable
26. Alin sa sumusunod na rebolusyon ang tumutukoy sa mabilisang pagbabago ng isang institusyon o
lipunan?
A. Industriyal B. Pangkabuhayan C. Pangkaisipan D. Siyentipiko
27. Sinong pilosopo ang tahasang tumuligsa sa absolutong monarkiyang naranasan sa France noong 1700?
A. Baron de Montesquieu C. John Locke
B. Francis Marie Arouet D. Thomas Hobbes
28. Alin sasumusunod na akda ang nagiging daan sa paglaganap ng Rebolusyong Pangkaisipan sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig?
A. 28-Volume Encyclopedia C. Encarta Encyclopedia
B. British Encyclopedia D. Meriam Encyclopedia
29. Ano ang tawag sa pamahalaang pinamumunuan ng isang hari?
A. Imperyo B. Diktaturya C. Monarkiya D. Shogunato
30. Alin sa sumusunod na akda ang humihingi na bigyan ng pagkakataong makapag-aral ang mga
kababaihan upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay?
A. Encyclopedia C. The Spirit of the Laws
B. The Social Contract D. A Vindication of the Rights of the Woman
31. Anong kulungan ang sumisimbolo sa hindi makatarungang pamamalakad ng monarkiya sa France?
A. Bastille B. Burgundy C. Marseille D. Paris
32. Sinong hari ng France ang sobrang maluho at magarbo sa kanyang pamumuno kahit ang kanyang mga
nasasakupan ay naghihirap nang lubusan?
A. Louis XIII B. Louis XIV C. Louis XV D. Louis XVI
33 France?
A. Electric Chair B. Gas Chamber C. Guillotine D. Lethal Injection
34. Alin sa sumusunod na batas ang ipinatupad ng bansang Britanya na naglalayong madagdagan ang
buwis ng pamahalaan noong 1765?
A. Boston Tea Act C. Republic Act
B. Declaration Act D. Stamp Act
35. Saan ginanap ang Tennis Court Oath kung saan inilunsad ang National Assembly na naglikha ng First
Constitution of France?
A. Buckingham Palace C. Palace of Elysee
B. Luxembourg Palace D. Palace of Versailles
36. Ano ang pinakamagandang gawin upang matulungan ang paglago ng ekonomiya kung natuklasang
may mga ginto sa Australia?
A. Gawing sakahan ang lugar C. Palakasin ang turismo sa bansa
B. Magpatayo ng mga minahan D. Pangalagaan at huwag sirain ang kalikasan
37. Aling paglalahad ang malaking pakinabang ng mga naval base na itinatag ngUnited States sa mga
nasasakupan nito?
A. Pinahusay nito ang mga operasyong pandigma.
B. Pinayabong ang kaalaman sa mga yamang dagat.
C. Mabilis nitong napaunlad ang ekonomiya ng bansa.
D. Napangalagaan nito ang kapakanan ng mga mangingisda.

38. Ano ang pinakamahalagang layunin ng mga kanluranin sa mga bansang sinakop nila?
A. Pinaunlad nila ang mga bansang nasakop.
B. Nagkaroon ng hanapbuhay ang mga maralita.
C. Binigyan nila ng edukasyon ang mga katutubo.
D. Dito sila kumuha ng hilaw na sangkap gaya ng rubber.
39. Alin sa sumusunod ang isa sa mga pangunahing mekanismo sa paglunsad ng ikalawang yugto ng
pananakop?
A. Rebolusyong Pranses C. Rebolusyong Amerikano
B. Rebolusyong Industriyal D. Rebolusyong Pangkalikasan
40. Ano ang mahihinuha sa inilabas na Treaty of Paris sa pagitan ng France at Great Britain?
A. Wala ng sagabal sa pamamahala ng Great Britain sa India.
B. Mabilis ng uunlad ang France dahil binitawan na nito ang India.
C. Pahirapan na ang pakipagkalan ng Great Britain sa mga nasasakupan.
D. Ipinakita nito na mas makapangyarihan ang France laban sa Great Britain.
41. Aling pahayag ang nagpapakita ng masamang epekto ng imperyalismo?
A. Tumaas ang bilang ng mga nandarayuhan at napabuti nito ang ugnayan.
B. Nahihirapan ang mga dayuhan sa pagpasok sa ilang pook ng nasasakupan.
C. Sinira nito ang kulturang katutubo dahil sa pananaig ng kulturang Kanluranin.
D. Natutunan ng mga katutubo ang mga ideyang pangkalakalan mula sa banyaga.
42. Ano ang masamang epekto ng hindi makatuwirang pagtatakda ng mga hangganan sa ilang bahagi ng
Asya at Africa na naging pamana ng mga Kanluranin sa mga nasasakupang bansa?
A. Nahihirapan silang makamit ang mga pagbabago sa lipunan.
B. Pinahina at nilisan ng ibang mamamayan ang kanilang relihiyon.
C. Nagdulot ito ng migrasyon sa lipunan upang makahanap ng trabaho.
D. Patuloy ang hidwaan at kaguluhan lalong-lalo na sa mga hangganan.
43. Anong kontinente ang naging tanyag sa Europe dahil kay David Livingstone?
A. Africa B. Antarctica C. Asia D. Australia
44. Anong doktrina ang naglalaman na ang United States of America ay puwedeng magpalawak at
angkinin ang buong kontinente ng Hilagang America?
A. Bullionism B. Manifest Destiny C. Protectorate D. White Man’s Burden
45. Ito ay binansagang pinakamaningning na hiyas ng imperyong Ingles.
A. Australia B. China C. India D. New Zealand

“Don't quit. Suffer the pain of studying now and live the rest of your life after the exam enjoying the
rewards of a good score”

God Bless! Teacher Jesselly L. Castro-Vales


_chervalkiah_

You might also like