You are on page 1of 17

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Industriyal

i
NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at
Industriyal
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Raz E. Ejercito


Editor: Maricel C. Orbeta, Germelina V. Rozon
Tagasuri: Gemma F. Depositario EdD
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes

Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera


Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental
Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin
Isang mapagpalang araw sa inyo!
Sa Araling ito, matutunghayan mo ang paksa tungkol sa Rebolusyong Siyentipiko,
Enlightenment at Rebolusyong Industriyal. Malalaman mo dito ang mga dakilang tao sa iba’t
ibang larangan at ang kanilang ambag na nagpabago sa kaalaman ng mga tao at siyang
naging tulay upang mapabuti ang buhay ng mga tao noon hanggang sa kasalukuyang
panahon. Nararapat lamang na bigyang pansin ang mga naiambag ng mga tao sa panahong
ito sapagkat napadali at napagaan nito ang buhay natin sa kasalukuyan. Ngayon simulan mo
ang pagbabasa sa modyul na ito.

Subukin
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik sa inyong kuwaderno.

1. Siya ang tinaguriang “Father of Railways”.


A. Clermont B. Stephenson C. Morse D. Watt

2. Naimbento ni Thomas Savery ang unang Steam Engine na ginamit sa _________


A. Pagsasaka C. pangingisda
B. Pagmimina D. pagbubungkal

3. Ang teorya ni Ptolemy, na ang mundo ang sentro ng solar system


A. planetary motion C. sinocentrism
B. geocentric D. heliocentric

4. Siya ang nagpaliwanag tungkol sa pwersang gumagabay sa paggalaw ng daigdig.


A. Copernicus B. Da Vinci C. Newton D. Kepler

5. Siya ang tinaguriang “Ama ng Modernong Chemistry”


A. Hooke B. Hobbs C. Boyle D. Harvey

6. Isinulong niya ang Separation of Powers ng tatlong sangay ng Pamahalaan.


A. Diderot B. Geoffrin C. Montesquieu D. Crompton

7. Ang kaisipang ito ay tinatawag na Teoryang ________________ o sun centered.


A. Geocentric C. heliocentric
B. Gravity D. enlightenment

8. Siya ang nakaimbento ng flying shuttle na nagpabilis sa paghabi ng tela.


A. Kay B. Crompton C. Diderot D. Arkwright

9. Pilosopong English na may-akda ng Leviatthan o halimaw sa dagat.


A. Hobbs B. Locke C. Harvey D. Hooke

1 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
10. Instrumento na naimbento Ni Galileo Galilie na ginamit niya pag-aaral sa kalangitan
A. teleskopyo B. gravity C. telegraph D. satellite

Balikan
Talahanayan ng Manlalayag

Sa nakalipas na Aralin, iyong natutunan kung paano simulang nagpalawak ng teritoryo


at nagkamit ng kapangyarihan ang mga bansang Kanluranin simula noong ika – 15 siglo.
Batay sa iyong natutunan, itala ang mga epekto ng kolonyalismo sa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

Epekto ng
Kolonyalismo

Tuklasin
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Pagkatapos sagutin ang pamprosesong
tanong. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

(slideshare n.d.)

2 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
Mga Pamprosesong tanong:

1. Ano ang mga nasa larawan?

2. Mahalaga ba ang mga bagay na nasa larawan sa kasalukuyang panahon?

3. Sa iyong palagay, paano kaya nakatulong sa pag- unlad sa sinaunang panahon ang
mga tuklas na ito?

Suriin
Ang Rebolusyong Siyentipiko
Noong Gitnang Panahon, ang Bibliya ang pangunahing pinagbatayan ng mga Europeo
ng kaalaman tungkol sa Daigdig. Noong una, naniwala ang mga tao na ang daigdig ang sentro
ng sandaigdigan na tinawag na GEOCENTRIC model ni Ptolemy, na ang mundo ang sentro
ng solar system. Ang paniniwalang ito ang pinabulaanan nina Nicolaus Copernicus, Johannes
Kepler, at Galileo Galilei.

Ang Pamamaraang Siyentipiko ay Pinaunlad


Sa simula ng ika 15 na siglo, ipinahayag ni Leonardo da Vinci
na “Ang agham ay walang kabuluhan at punung-puno ng kamalian
kapag hindi nagdaan sa eksperimento, ang ina ng Kasiguruhan.”

(Wikipedia.n.d.)

Ang Teoryang Heliocentric ni Copernicus

Ang Polish na Astronomer at Mathematecian na si Nicolaus


Copernicus, ayon sa kanya, ang araw, at hindi ang daigdig, ang sentro
ng sansinukob. Tinawag ang kaisipang ito na Teoryang Heliocentric o
sun-centered. Ayon sa kanya gumagalaw ang daigdig at iba pang
heavenly body paikot sa araw.
(Wikipedia.n.d.)

Si Kepler at ang Paggalaw ng mga Planeta

Winakasan naman ng German astronomer at mathematician na si


Johannes Kepler at ng kanyang three laws of planetary motion ang
paniniwalang gumagalaw ang mga planeta sa direksiyong pabilog sa araw.
Magkakaiba rin umano ang bilis ng pag-ikot ng mga ito—mas mabilis
habang papalapit sa araw at mas mabagal naman habang papalayo.
(Terry.n.d.)

3 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
Si Galileo, ang Dakilang Siyentista

Ang Italian astronomer, mathematician, at physicist na si Galileo


Galilei ang itinuturing bilang modernong siyentista. Noong 1609, naimbento
niya ang teleskopyo na kaniyang ginamit sa pag-aaral ng kalangitan. Gamit
nito napag- alaman niya ang sumusunod: gumagalaw ang daigdig paikot sa
araw; hindi perpektong bilog ang buwan, mayroon itong bundok at lambak ;
hindi lahat ng heavenly body ay gumagalaw paikot sa araw, katulad ng mga
buwan ng Jupiter.
(Wikipedia.n.d)

Si Newton at ang Gravity


Isaac Newton ay isang English mathematician at propesor. Gamit
ang pinaunlad niyang teleskopyo, binuo niya ang teoryang Law of
Universal Gravitation. Dito ipinaliwanag niya ang tungkol sa pwersa na
gumagabay sa paggalaw ng daigdig at iba pang heavenly body sa
kalawakan ang Gravity. Ipinaliwanag niya na kaya nanatili ang mga
heavenly body sa kanilang orbit ay dahil naghihilahan ang gravity ng araw
at iba pang heavenly body sa isa’t isa.
(Kneller.n.d.)

Ang Scientific Method


Isang mahalagang pag-unlad sa pagtuklas ng tao ng bagong kaalaman. Ito ay ang
sistematikong pagtitipon ng mga datos at pagsusuri ng ideya gamit ang sumusunod na
hakbang.

Step 1. Ask aquestion


Step 2. State a hypothesis
Step 3. Conduct an Experiment
Step 4. Analyze the Result
Step 5. Make a conclusion

Mga Siyentista at mga Imbensiyon


Rene Descartes Pinaunlad ang analytical geometry na naging instrumento sa
siyentipikong pananaliksik. Tanyag siya sa pahayag na “I think,
therefore I am”.

William Harvey Inakda ang On The Motion of the Heart and Blood, kung saan
isinasaad ; dumadaloy ang dugo sa buong katawan ; ang puso ang
nagpapadaloy ng dugo sa katawan.

Robert Hooke Natuklasan ang cell noong 1665 gamit ang kaniyang imbensiyong
microscope.

4 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
Robert Boyle Tinaguriang “Ama ng Modernong Chemistry”, ayon sa kanya,
binubuo ang lahat ng bagay ng mas maliliit na butil, na nagsasama
sa iba’t ibang paraan.

Ang Enlightenment

Sa paggamit ng mga siyentista ng scientific method at pangangatwiran sa


pagpapaliwanag ng sangkatauhan, naisip din nilang gamitin ang katwiran upang subuking
ipaliwanag ang kaasalan ng tao, at iba pang aspeto sa buhay gaya ng edukasyon, relihiyon,
at pamahalaan. Nagbigay daan sa Period of Enlightenment o panahon ng rason o
kaliwanagan.
Thomas Hobbes, pilosopong English, may-akda ng Leviathan.
Ayon sa kanya, ang tao ay likas na masama, higit na mahalaga ang
kaayusan kaysa karapatan ng tao, ang pamahalaan ay dapat magtangan
ng nakakatakot na kapangyarihan ng tulad sa isang Leviathan o halimaw
sa dagat.
(Cavendish.,2013)

John Locke, may-akda ng “Two Treaties of Government.” Taliwas


kay Hobbes, ayon sa kanya, may kakayahan ang tao na matuto mula
sa karanasan at sa pagpapaunlad ng sarili; May tatlong likas na
karapatan ang tao buhay, kalayaan, at pagmamay-ari; lehitimo ang
kapangyarihan ng pamahalaang may pahintulot ng mamamayan.
(Kneller.1697)

Baron de Montesquieu, isang French na mananangol at


aristokrata. Siya ang may akda ng The Spirit of the Laws. Isinulong niya
ang Separation of Powers o paghihiwalay ng kapangyarihan ng tatlong
sangay ng pamahalaan: lehislatura, Ehekutibo, at hudikatura. Ang
pantay na kapangyarihan ng tatlong sangay ay paraan upang
maiwasan ang pagmamalabis. Ito ang Checks and balances.
(Wikipedia.n.d.)

Si Francois Marie d’ Arouet, higit na kilala sa sagisag-panulat


na “Votaire”. Binatikos niya ang pamahalaa, mga maharlika, at ang mga
alagad ng Simbahan, na nagpamalas ng kalupitan, paniniil, at
panatismo.
(The Philosophers Project n.d.)

5 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
Paglaganap ng Kaisipang Enlightenment

Naipalaganap ang mga kaisipang Enlightenment sa mga salon at sa pamamagitan ng


Encyclopedia. Ang Salon ay ang pagtitipong ginanap ng mayamang kababaihan sa Europe.
Dinaluhan ang salon ng mga siyentista, manunulat, pilosopo at alagad ng sining.

Isa sa mga nanguna sa mga pagtitipong ito si Marie


Therese Geoffrin, na siyang ring namuhunan sa proyekto
ni Dennis Diderot, ang Encyclopedia. Ang Encyclopedia
ay kalipunan ng mga akda ng mga naliwanagan tungkol,
halimbawa, sa agham, teknolohiya, sining, at Pamahalaan.
Marie Therese Geoffrin Dennis Diderot

(Natashamoura 2019) (Wikipedia n.d.)

Rebolusyong Industriyal
Ang mga kaisipang isinulong sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko ay naging daan
din sa pagkatuklas at pag-imbento ng mga makabagong makinarya na nagpabilis at
nagparami ng produksiyon sa Amerika at Europa. Isinilang ang Rebulosyong Industriyal na
naging daan sa pagkakaroon ng sistemang pabrika (factory system) at pag-unlad ng
Komunikasyon at Transportasyon.

Mga Imbensiyon sa Industriya ng Tela sa Great Britain


Isang Industriya na kinkitaan ng mabilis na pag-unlad ay ang Tela.

Imbensyon Taon ng Imbentor Kontribusyon sa Paggawa


Pagpatent

1733 John Kay Nagpabilis sa paghabi ng tela

flying shuttle
Nagpabilis sa paggawa ng yarn,
1764 James na gamit sa paghahabi ng tela
Hargreaves

Spinning Jenny
Gumamit ng enerhiya mula sa
1769 Richard tubig upang mapabilis ang
Arkwright spinning wheel

Water Frame

1779, walang Samuel Pinagsama ang spinning jenny


patent Crompton at water frame.

6 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
Spinning Mule

1787 Edmund Nagpabilis sa paghahabi.


cartwright

Power Loom
(Cyccore n.d.)

Sistema ng Pabrika

Dahil malalaki ang naimbentong makina, kinailangan itong ilipat sa higit na malalaking
pagawaan, sa pabrika. Dito pinairal sa manggagawa ang estandardisasyon sa oras ng
paggawa 12-14 oras bawat araw at 6 araw sa isang linggo. Pag-unlad ng komunikasyon at
transportasyon
Sa pagdami ng mga imbensiyon, naghanap ang mga Europeo ng mas mura at
epektibong mapagkukunan ng enerhiya. Dito na naimbento ni Thomas Savery ang unang
Steam Engine noong 1689 at ginamit sa pagmimina. Pinaghusay ito ni Thomas
Newcomen, subalit si James Watt ang nagpakilala sa praktikal na gamit nito noong 1769 at
nakagawa siya ng mga sasakyang pinaandar ng steam.

Imbensiyon Taon Imbentor Paglalarawan

1803 Richard Ang kauna-unahang steam power


Trevithick locomotive, ngunit tatlong ulit lang
itong nagamit dulot ng kahinaang
teknikal sa disenyo.
Steam railway locomotive

1807 Robert Ang kauna-unahang steamboat


Fulton na tagumpay na nakapaglayag,
ang “Clermont”.

steamboat

1814 George Inimbento niya ang kauna-


Stephenson unahang steam-powered
locomotive, ang
“Bluchet “. Tinagurian siyang
“Father of Railways”.
Steam locomotive

7 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
1825 George Ang Stockton-Darlington Line ang
Stephenson kauna-unahang linya ng tren sa
Great Britain.

Stockton darlington line

1830 Samuel F.B. Sa larangan ng komunikasyon,


Morse mahalagang imbensiyon ang
Telegraph.
Telegraph
(Chegg n.d.)

Mga Epekto ng Rebulosyong Industriyal


• Nagkaroon ng urbanisasyon at pag-usbong ng mga lungsod.
• Nagkaroon ng maraming suliraning panlipunan, gaya ng kalinisan seguridad at
pabahay.
• Epekto sa paglaki ng agwat sa pagitan ng mayaman at mahihirap.
• Umusbong sa lipunan ang panggitnang uri:
- mga mamumuhunan
- may-ari ng pabrika
- mananalapi
- at propesyonal

Pagyamanin

Gawain A. Pamana at Kasaysayan:


Panuto: Magbigay ng isang pamana /imbensiyon sa iba’t ibang larangan. Tukuyin ang
kahalagahan o pakinabang nito sa kasalukuyang panahon. Isulat sa kuwaderno ang
iyong sagot.

PANAHON PAMANA/ KAHALAGAHAN


IMBENSYON
noon kasalukuyan

Rebulosyong
Siyentipiko

Enlightenment

Rebulosyong
Industriyal

8 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
Isaisip
Ang Bibliya ang pangunahing pinagbatayan ng mga Europeo ng kaalaman tungkol sa daigdig
noong Gitnang Panahon. Naniwala ang mga tao na ang daigdig ang sentro ng sandaigdigan
na tinawag na GEOCENTRIC Ang paniniwalang ito ang pinabulaanan nina Nicolaus
Copernicus, Johannes Kepler, at Galileo Galilei sa Rebolusyong Siyentipiko.
Sa paggamit ng mga siyentista ng scientific method at pangangatwiran sa pagpapaliwanag
ng sangkatauhan, naisip din nilang gamitin ang katwiran upang subuking ipaliwanag ang
kaasalan ng tao, at iba pang aspeto sa buhay gaya ng edukasyon, relihiyon, at pamahalaan.
Nagbigay daan sa Period of Enlightenment o panahon ng rason o kaliwanagan.
Ang mga kaisipang isinulong sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko ay naging daan din sa
pagkatuklas at pag-imbento ng mga makabagong makinarya na nagpabilis at nagparami ng
produksiyon sa Amerika at Europa. Isinilang ang Rebulosyong Industriyal na naging daan
sa pagkakaroon ng sistemang pabrika (factory system) at pag-unlad ng Komunikasyon at
Transportasyon.

Isagawa

Gawain A: Ako, Pamilya at Lipunan


Panuto: Ihayag ang inyong saloobin tungkol sa kahalagahan ng mga ambag ng sinaunang
siyentista na nagbibigay ng kaalamang nagagamit sa araw-araw na pamumuhay.
Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.
(5 PUNTOS – kung napakahusay ang ibinagay na sagot, 3 puntos kung mahusay
ang pagkasagot at 1 puntos kung malayo sa katotohanan ang ibinigay na sagot)

Bilang mag-aaral, paano mo magagamit ang kaalamang ito sa pang-araw-araw na


pamumuhay. Patunayan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Bilang bahagi ng pamilya, paano ito nakatutulong sa pang-araw-araw na gawain,


hanapbuhay at pakikitungo sa iyong pamilya? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________________________.

9 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
Bilang bahagi sa lipunan, paano mo magagamit ang iyong kaalaman para makatutulong ka
sa kaunlaran sa lipunan na iyong kinabibilangan? Patunayan.

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________________________.

Tayahin
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik sa inyong kuwaderno.

1. Siya ang tinaguriang “Father of Railways”.


A. Clermont B. Stephenson C. Morse D. Watt

2. Naimbento ni Thomas Savery ang unang Steam Engine na ginamit sa _________


A. Pagsasaka B. Pagmimina C. pangingisda D. pagbubungkal

3. Ang teorya ni Ptolemy, na ang mundo ang sentro ng solar system.


A. planetary motion C. sinocentricsm
B. geocentric D. heliocentric

4. Siya ang nagpaliwanag tungkol sa pwersang gumagabay sa paggalaw ng daigdig.


A. Copernicus B. Da vinci C. Newton D. Kepler

5. Siya ang tinaguriang “Ama ng Modernong Chemistry”


A. Hooke B. Hobbes C. Boyle D. Harvey

6. Isinulong niya ang Separation of Powers ng tatlong sangay ng Pamahalaan.


A. Diderot B. Geoffrin C. Montesquieu D. Crompton

7. Ang kaisipang ito ay tinatawag na Teoryang ________________ o sun centered.


A. Geocentric B. Gravity C. heliocentric D. enlightenment

8. Siya ang nakaimbento ng flying shuttle na nagpabilis sa paghabi ng tela.


A. Kay B. Crompton C. Diderot D. Arkwright

9. Pilosopong English na may-akda ng Leviatthan o halimaw sa dagat.


A. Hobbs B. Locke C. Harvey D. Hooke

10. Instrumento na naimbento Ni Galileo Galilie na gimait niya pag-aaral sa kalangitan


A. Teleskopyo B. Gravity C. telegraph D. satellite

10 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
Karagdagang Gawain
May Ginawa ako! Ikaw Rin Kaya?

Panuto: Gumawa ng isang Cartoon: Isulat sa Bondpaper ang iyong nabuong Cartoon.

Natutuhan mo ang epekto ng pag-usbong ng makabagong daigdig na nagbigay-daan


sa pagbabago sa makabagong panahon. Higit sa lahat, matindi ang naging pagbabago nito
sa ekonomiya, sa lipunan, at sa siyensiya. Damang-dama pa rin natin ang mga pagbabagong
ito hanggang sa kasalukuyang panahon. Kung gayon, ano ang iyong magagawa upang lalong
tumatag ang ating bansa at kayang harapin ang mga pagsubok na darating. Kagaya sa
nangyayari sa atin ngayon na mayroong pandemic, ang COVID-19.
Gumuhit cartoon na naglalarawan na kayang-kaya ng mga Pilipino na paunlarin ang
kanilang bansa, kahit nasa Pandemic COVID-19 na kinakaharap. Iguhit ito sa iyong Bond
Paper

Gawing gabay ang rubric sa ibaba para gawaing ito.

RUBRIC SA PAGMAMARKA NG CARTOON

Pamantayan Paglalarawan Puntos Nakuhang


Puntos
Impormatibo/ Wasto at malawak lahat ang 12
Praktikalidad mga datos o impormasyon
Malikhain Sapat ang detalye at malinaw 8
ang paglalarawan, malinis at
maayos ito.
Paglalahad Nagpapakita ng 5
makatotohanang pangyayari
sa kasalukuyang panahon.
Kabuuan 25

11 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
Susi sa Pagwawasto
- maaring ang sagot ay iba-iba.
Isagawa 
- maaring ang sagot ay iba-iba.
Gawain A

Pagyamanin 
Pag-usbong ng lungsod at bayan 
A 10. palitan ng halaman, hayop, at sakit
A 9. Pagbabago ng ecosystem dulot ng 
A 8. Paglaganap ng sibilisasyong kanluranin 
C 7.
Kumalat ang kristiyanismo 
C 6.
C 5. Lumawak ang kaalaman sa heograpiya 
C 4. Pagsilang ng nasyonalismo 
B 3. Sumibol ang kapitalismo 
B 2. Pang-aalipin 
B 1. Dumaming produkto 
Pretest/ Posttest Paglawak ng kalakalan 
Balikan

Sanggunian

A. Aklat

Celia D. Soriano, Eleanor D. Antonio, Evangeline M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Maria


Carmelita B. Samson, RBS serye ng Araling Panlipunan, Kayamanan (Kasaysayan ng
Daigdig) Binagong Edisyon 2010

Mark Alvin M. Cruz, Mark Andrew F. Fietas, Michael M. Mercado, Vibal Group Inc., Seryeng
Araling Panlipunan K to 12, Kasaysayan ng Daigdig, Ikasiyam na Baitang, Edisyon 2014

Rosemarie C. Bilando, C. Manalo, Kallena Lorene S. Asis, Michael M. Mercado, Mark Alvin
M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina
Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan- Modyul ng mag-aaral, Unang Edisyon 2014

12 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
B. Website

Cavendish, Richard. 2013. April. https://www.historytoday.com/sites/default/files/2021-


03/Thomas_Hobbes.jpg.

Chegg. n.d. Chegg.com. Accessed January 11, 2022.


https://media.cheggcdn.com/study/02c/02c107eb-6117-410e-9458-90cb945840bf/image.

Cyccore. n.d. brainly.ph/question. Accessed January 11, 2022.


https://brainly.ph/question/13308942.

Kneller, Godfrey. n.d. https://www.biography.com/scientist/isaac-newton.

—. 1967. https://tinyurl.com/3pbex4as.

Natashamoura. 2019. Women N' Art. June 26. Accessed January 11, 2022.
https://womennart.com/2019/06/26/otd-marie-therese-geoffrin/.

slideshare. n.d. https://tinyurl.com/4t79zesm.

Terry, Sheila. n.d. https://tinyurl.com/2p99sufu.

The Philosophers Project. n.d. https://tinyurl.com/3mzw8mff.

Wikeipedia. n.d. https://tinyurl.com/2cjeaxdk.

Wikipedia. n.d. https://tinyurl.com/2cjeaxdk.

—. n.d. https://tinyurl.com/322yft8z.

—. n.d. Wikipedia. Accessed January 11, 2022. https://en.wikipedia.org/wiki/Denis_Diderot.

13 NegOr_Q3_AP8_Modyul4_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like