You are on page 1of 43

Magandang Araw !

Panalangin
Pagtatala ng Lumiban sa
Klase
Panimulang Gawain
Gawain 1: Interpret Mo
Unawain !

“WALANG MAGBUBUWIS KUNG


WALANG REPESENTASYON”
Rebolusyong
Pampulitika
at Panlipunan
Ikatlong Markahang Aralin
REBOLUSYONG AMERIKANO
(1775-1778)
“WALANGMAGBUBUWISKUNG WALANGREPESENTASYON”
Ang Rebolusyong Amerikano (1776-1783)
• Ito ay tumutukoy sa serye ng mga pangyayari, ideya, at pagbabago na naging
resulta ng pagdedeklara ng kalayaan ng 13 kolonya sa North America mula sa
imperyong British.
• isang digmaan sa pagitan ng Dakilang Britanya at ng orihinal na Labintatlong
mga Kolonya ng Britanya sa Amerika
• Humantong ito sa pagkakabuo ng United States of America
• Dahil sa hindi makatarungang pagpapataw ng buwis at kawalan ng kinatawan sa
Great Britain, sumiklab ang Rebolusyong Amerikano noong 1776
• Noong 1781, natalo ang puwersa ng mga British sa Yorktown at naging Malaya
ang America
Ang Labing tatlong kolonya ng
Great Britain
Dahilan/Mitsa ng Rebolusyong Amerikano

Walang Pagbubuwis Kung Walang Representasyon


Ang mga kolonya ay walang kinatawan sa
Parliamento ng British sa London kaya sila ay
nagprotesta sa pagbabayad sa labis na buwis na
ipinapataw sa kanila.

Ang kanilang naging paboritong islogan ay ang


“walang pagbubuwis kung walang representasyon”.
Dahilan/Mitsa ng Rebolusyong Amerikano

Noong 1765, ipinatupad ang Stamp Act sa mgakolonya.


Sa bisa nito, nagpataw ng buwis ang pamahalaang British sa mga
legal na dokumento, pahayagan at iba pang lathalain. Ikinagalit
ito ng mga kolonya.
Dahilan/Mitsa ng Rebolusyong
Amerikano
Declaratory Act
Nagpahayag ng karapatan ng Parlamentong British na gumawa
ng mga batas para sa kolonya

Townshend Revenue Act


Nagpapataw ng buwis sa salamin, lead, papel at tsaa. Na
kinalaunan ay pinawalang bias ang pagpataw sa mga buwis ng
produkto maliban sa tsaa. Bunsod ito ng Boston Massacre noong
1770. Isang engkwentro na ikinamatay ng limang Amerikano
nang pagbabarilin sila ng mga sundalong British.
Dahilan/Mitsa ng Rebolusyong Amerikano
Tea Act at Boston Tea Party
Taong 1770 din pinagtibay ang Tea Act, na nagpapahintulot sa
tuwirang Pakikipagkalakalan ng east India Company ng Great Britain sa 13
Kolonya.

Mariing tinyutlan ito ng mga Amerikano dahil para sa


kanila Paraan ito ng British upang magtatag ng monopolyo.

Bilang pagtuligsa, inakyat ng mga taga-Boston


(kapitolyo ng Massachusetts) Na nakadamit Indian
ang barkong British at itinapon sa Dagat ang 342 baul
ng tsaa. Tinagurian itong “Boston Tea Party”
Unang Kongresong Kontinental
• Samahan ng 13 kolonya laban sa Britanya

• Alyansa na naghahangad ng bumuo at gumamit ng mga radikal na pamamaraan upang labanan ang
puwersa ng Great Britain.

• Sa bawa’t kolonya ay bumuo ng magiging kabilang sa boluntaryong army at handang


makipaglaban sa pamamagitan ng digmaan.

• Binuo nila ang Unang Kongresong Kontinental na dinaluhan ng mga kintawan ng bawat
kolonya maliban sa Georgia.

• Binigyang diin ng grupo na sa pagkakataong iyon mula sa isang kilalalang kinatawan na si


Patrick Henry, na wala nang dapat makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia,
Pennysylvannia, New York, at New England.
Patrick Henry
Wala nang dapat makitang
pagkakaiba ang 13 kolonya. Dapat
na tandaan na sila’y nagkakaisa at
sama-samang magtataguyod para
sa kapakanan ng kabuuang
kolonya.

"Give me liberty, or give me death!"


https://www.slideshare.net/MaryGraceAmbrocio/rebolusyong-amerikano-105105808
Ikalawang Kongresong Kontinental
• “United Colonies of America”
• Ang Ikalawang Kongresong Kontinental ay muling
nagpulong sa ikalawang pagkakataon noong Mayo 1775 at
idenaklara ang pamahalaan na tinawag nilang United
Coloniest of Amerika (Pinagbuklod na mga Kolonya ng
Amerika).
• Ang hukbo ng mga militar ay tinawag na Continental
Army at ang naatasan sa commander-in-chief ay si George
Washington.
• Sinubukan ng hukbong militar na makuha ang Boston
ngunit natalo sila sa Digmaan sa Bunker Hill.
Intolerable Acts 1774
Isang batas na nagsasara ng daungan sa Boston hanggang hindi binabayaran ang
itinapong tsaa . Matapos maisabatas ang Intolerable Acts nagsimula na ang
digmaang Amerikanao Great Britain.
Ang Deklarasyon ng Kalayaan
• Bagamat hindi pa tapos ang digmaan, idineklarang malaya ng
Amerikano ang kanilang mga sarili noong Hunyo 4 1776.

• Ang dokumento ay isinulat halos lahat ni Thomas Jefferson, isang


manananggol.

• Binigyang diin ng dokumento na ang dating mga


kolonya ay di na kasalukuyang teritoryo ng Britanya.
Sila, sa panahong iyon ay kinikilala na bilang malayang
nasyon sa katawagang Estados Unidos ng Amerika.
Mahalagang Pangyayari sa Dig
maan
Benjamin
Franklin
Iminungkahi na makipag- France
Alyansa ang sa 13
Kolonya laban sa Great Britain
Noong October19, 1781 nataloang puwersa ng mga
British sa
Yorktown,Virginia atnagingmalayaangAmerica.

Sa pamumuno ng British commander


na si Heneral Charles Cornwallis ay
tinangkang sakupin ng Great Britain ang
Timog Carolina
Ngunit sa pamamagiatn ng
magkasamang puwersa ng mga Amerikano
at Pranses ay natalo ang mga British sa
Labanan sa King’s Mountain noong huling
bahagi ng 1780 at sa labanan ng mga unang
bahagi ng 1781.
TREATY OF PARIS 1783
Nagpapahayag ng pagkilala ng Great Britain sa kasarinlan ng 13 kolonya
Pagtulong ng mga Pranses sa Labanan

Ang bansang France ay tradisyunal na


kalaban ng British at ang mga French ay
naging lihim na taga- suporta ng mga
rebeldeng Amerikano simula pa lamang
ng labanan.
PAMANA

Ang American Revolution ay


nagbigay- daansa pag-usbong
ng DEMOKRASYA sa North
America at sa daigdig sa pang
kalahatan

https://www.slideshare.net/MaryGraceAmbrocio/rebolusyong-amerikano-105105808
Rebolusyong
Pranses
“LIBERTY, FRATERNITY, EQUALITY”
( KALAYAAN, KAPATIRAN, PAGKAKAPANTAY-PANTAY)
Kalagayan ng Lipunang Pranses Noon
Ang lipunan sa France ay binubuo ng nobility, bourgeoisie, at mga
magbubukid at manggagawa.
Ang nobility ay kinabibilangan ng mga kaparian at aristokrasya (prebilehiyong
uri dahil sa kanilang dugo, lipi o lineage). Ang France ay sumasailalim sa absolute
monarchy o walang hanggang pamumuno at kapangyarihan ng hari.
Nagsimulang lumaganap ang oposisyon laban sa nobility hanggang sa
sumiklab ang rebolusyon.
Reign of Terror – Pinatay ang libo-libong pinaghihinalaang kalaban ng mga
rebolusyonaryo.
Kalagayan ng Lipunang Pranses Noon
Haring Louis XVI – 1789, hari ng France; Isang Bourbon na ang
pamumuno ay absolute o walang hanggan.
Absolutong Hari – Itinuturing na makapangyarihang pinuno ng
isang Nasyon sapagkat ginagamit ang Divine Right
Divine Right Theory – Paniniwalang ang kapangyarihan ng
isang hari ay nagmumula sa kanilang Diyos para pamunuan
ang bansa. https://www.biography.com/royalty/louis-xvi
Mga Salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong
Pranses
Kawalan ng katarungan ng rehimen
Oposisyon ng mga intelektwal sa namamayaning kalagayan
Walang hanggang kapangyarihan ng hari
Personal na kahinaan nina Haring Louis XV at Haring Louis XVI
bilang pinuno
Krisis sa pananalapi na kinaharap ng pamahalaan
 Bourgeoisie – Binubuo ng mga mangangalakal, industriyalista, aboado
at iba pang propesyonal na responsible sa pababayad ng buwis.
 Corvee – Hindi binabayarang paggawa, pagbabayad ng taunang buwis
sa mga panginoong maylupa na maaaring salapi o serbisyo ang ibayad.
 Proletariat – Manggawa sa lungsod
 Petite Bourgeoisie – maliit na mangangalakal

Tanong: Bakit kaya madaling nahikayat ang nasabing uri ng tao na


sumama sa mga kaguluhang panlipunan?
 Parlamens – Tumutukoy sa Korte na kontrolado ng mga
nobility.
 Estates-General – Sangay ng pamahalaan na binubuo
ng mga taong kumakatawan sa mamamayan ng France.
Personal na kahinaan nina Haring Louis XV at
Haring Louis XVI bilang pinuno
Haring Louis XV – Naluklok sa trono sa edad na limang
taon gulang lamang.
Andre Hercule Cardinal de Fleury – Guro ni haring Louis
XV; sa kaniya inasa ni Haring Louis XV ang pamumuno
sa France
Haring Louis XVI – Apo ni Haring Louis XV; Nagmana ng
https://www.smithsonianmag.com/histo
trono ni Haring Louis XV sa edad na 20 taong gulang ry/marie-antoinette-134629573/

Marie Antoinette – Asawa ni Haring louis XVI


Krisis sa pananalapi na kinaharap ng
pamahalaan
Noong 1783, itinalaga si Charles Calonne bilang ministro ng pananalapi.
Iminungkahi niyang ireporma ang mga batas sa pagbubuwis ng pagpataw ng buwis
sa mga nobility. Pinalitan siya ni Lomenie Brienne
Mahahalaang
Pangyayari
Ang Estates-general ay binubuo ng tatlong group:
1. First state – Mga kaparian
2. Second state – Aristokrasya
3. Third state - Pangkaraniwang Tao

https://www.slideshare.net/yajespina/rebolusyong-
pampulitika-151484624
Pagpapatawag ng Pambansang
Asembleya ng Estates-General
• Unti-unting naghirap ang mga bumubuo sa
ikatlong estate at hiniling nila na magkaroon ng
isang pagpupulong ng lahat ng mga
representante ng tatlong estates o tinawag na
Pambansang Asembliya noong 1789.

• Ipinaglaban ng mga nasa ikatlong estate https://www.slideshare.net/yajespina/rebolusyong-


pampulitika-151484624
ang pagkakaroon ng isang konstitusyon.
Tennis Court Oath
(1789)
• Muling nagkita-kita ang mga representante ng tatlong estates noong Mayo 1789
sa Versailles at nakontrol ito ng mga representante ng ikatlong estate.

• Tennis Court Oath – Naganap noong Hunyo 24, 1789 . Tumutukoy ito sa pangako
ng pagkakaisa ng mga kasapi ng National Assemby na hindi sila titigil hanggang sa
makabuo sila ng konstitusyon para sa France.

• Sabay-sabay na nanumpa ang mga miyembro ng ikatlong estate upang wakasan


ang pamumuno ni Haring Louis XVI.
Declaration of The Rights of Man
and the Citizens
• Agosto 1789 – Na nagsasaad na ang karapatan ng tao ay pang-
kalahatan o universal.
• Naisaalang-alang dito ang katayuan n mga kababaihan o ng mga
alipin
Unang Yugto ng Rebolusyong French
• 1792 – Kinontrol ng mga Jacobin, isang radikal na grupong
rebolusyonaryo na nagtatag ng Republika. Sa pamumuno ni
Maximilien Robespierre at sa tulong ng mamamahayag na si Jean-
Paul Marat. Ipinatupad nila ang paparusang kamatayan kay haring
Louis XVI at Marie Antonette.
• Radikal – Rebolusyonaryo o nagsulong ng ganap na pagbabago sa
France
Reign of Terror
(1793-1794)
• Bukod sa pagpatay sa hari at reyna, pinatay din ng mga radikal ang
lahat ng kaaway ng Republika sa pamamagitan ng Guillotine.
• Guillotine – Isang makinaryang inagamit sa pagpaparusa ng
kamatayan sa pamamaitan ng pagputol sa ulo ng nahatulan. Ito rin
ang kinamatay ni Robespierre dahil ito ang ipinarusa sa kanya ng
nag alsang mga tao.
Pagsikat ni Napoleon
• Noong 1799, naging pinuno ng Pransya si Napoleon Bonaparte
dahil sa kanyang popularidad at galing bilang heneral.
Bonaparte
• Ipinalaganap ni Napoleon ang kapangyarihan ng France sa
Austria, Spai, Prussia, Russi at Italy.

• Ipinatupad niya ang Napoleonic Code o Batas na nagtatauyod


ng pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan at makatuwiran
sistema ng pabubuwis

• Sinakop niya ang malaking bahagi ng Europa na naging dahilan


sa paglaganap ng mga kaisipan ng Rebolusyong Pranses tulad
ng “kalayaan, pagkapantay-pantay at kapatiran.”
https://www.slideshare.net/yajespina/rebolusyong-
pampulitika-151484624
PAMANA NG FRENCH
REVOLUTION
• Unang pagtatangka sa Europa na isagawa ang mga ideya ng
Enlightenment- Ang kalayaan, pagkapantay-pantay at
pagkakapatiran

• Pagwawakas ng kapangyarihan ng monarkiya at mga hari

• Pinaunlad ang damdaming makabayan at nasyonalismo


Mga Sanggunian:
• Mateo G.C, et.al (2012) Kasaysayan ng
Daigdig. Vibal Publishing House Inc.

• Cruz, M.A, et.al (2014) Kasaysayan ng


Daigdig. Vibal Group Inc.

• https://www.slideshare.net/yajespina
/rebolusyong-pampulitika-151484624
?from_action=save
https://www.slideshare.net/yajespina/rebolus
yong-pampulitika-151484624

You might also like