You are on page 1of 4

ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

1. IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG Valdez, Jenny A. VIII-Darwin

2. Ano nga ba ang mga sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

3. Mga Sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

4. • Sa unang bahagi ng 1930 natamo ni Adolf Hitler ang kapangyarihan, nangako siyang sisirain niya ang
kasunduan sa Versailles na siyang sumira rin sa Alemanya. • Sinikap ng gobyernong Weinar ng Alemanya
na baguhin ang nilalaman ng kasunduang Versailles sa pamamagitan ng diplomasya.

5. 1. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria • Noong 1931, sumugod at inagaw ng Japan ang lungsod ng
Manchuria • Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan dahil sa maling ginawa nito. • Dahil dito,
tumiwalag ang Japan sa Liga ng mga Bansa.

6. 2. Pag- alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa • Tumiwalag ang Germany sa Liga ng mga Bansa noong
1933 sapagkat ayon sakanila, ang pagaalis at pagbabawal ng liga sa pagsasandata ng Alemanya ay isang
paraan ng pagaalis ng karapatang mag-armas. • Pinasimulan ni Adolf Hitler, lider ng Nazi ang muling
pagtatag ng sandatahang lakas ng bansa. • Layon ni Hitler na labagin ang Kasunduan sa Versailles na
naglagay sa Alemanya sa kahihiyang kondisyon. Binalak ni Hitler na muling manakop. • Nakipag alyansa
ang France sa Russia bilang sagot sa paghahanda ng Alemanya.

7. • Noong 1935, ipinahayag ng Alemanya na magtatayo sila ng hukbo na binubuo ng 550,000 tao. • Ang
pasistang Italya ay nagtatag din ng hukbo. • Pasismo- ideolohiya na naniniwalang mas malakas ang
estado kaysa sa mga mamamayan.

8. 3. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia • 1935 - Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italya ang
Ethiopia. • Nilabag ng Italya ang kasunduan sa liga ( Covenant of the League).

9. • Nagprotesta si Haile Selassie I, ang emperador ng Ethiopia sa Liga ng mga Bansa na kumondena sa
pananalakay. Inudyukan ng Liga ng mga Bansa ang kaniyang mga miyembro na huwag magbenta ng
armas sa Italya. Pero di nagtagumpay ang boycott dahil iilan lamang ang bansang sumunod dito. Hindi
nagtagal ang Ethiopia ay tuluyang naging kolonya ng Italya.

10. 4. Digmaang Sibil sa Spain • 1936 – Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain sa pagitan ng dalawang
panig: ang Pasistang Nationalist Front na pinamumunuan ni Francisco Franco at Sosyalistang Popular
Army. • Nanalo ang mga nasyonalista. • Marami ang nadamay sa digmaang sibil ng Spain dahil sa
pakikialam ng ibang bansa.

11. • Pinagtulungan ni Hitler at Mussolini ang tropa ng Pranses. Sa pagkapanalo ng nasyonalista na


pinangunahan ni Francisco Franco ay naitatag ang isa pang gobyerno sa kanlurang Europa. • Lalong
nagkalapit ang Alemanya at Italya dahil sa digmaan sa Espanya.
12. • 1936 – bumuo ng alyansang militar ang Italya at Alemanya na tinawag na Rome – Berlin Axis na
tinawag na Axis Powers sa pagsali ng Japan.

13. 5. Pagsasanib ng Austria at Germany ( Anschluss) • Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama
ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga kasapi ng Allied
Powers ( France, Great Britain, at United States). Dahil sa kasunduan sa pagitan ng Italy at Germany na
kinalabasan ng Rome – Berlin Axis noong 1936. Tumutol si Mussolini sa union kaya nawalan ito ng bisa
noong 1938.

14. 6. Paglusob sa Czechoslovakia • Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa
Sudeten na pagsikapan matamo ang kanilang awtonomiya. Dahil dito, hinikayat ng England si Hitler na
magdaos ng isang pulong sa Munich. • Nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga natitirang
teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa Alemanya.

15. 7. Paglusob ng Germany sa Poland • Huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang


Pandaigdig ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939. • Ang pagsakop na ito ay pagbaligtad ng
Germany sa Russia na kapuwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop – Molotov, isang kasunduan nang
hindi pakikidigma. Ang pagbaligtad na ito ay dulot ng sumusunod na pangyayari: • A. Hindi pagsali ng
Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechoslovakia. • B. Pagkainis ng Russia sa England nang
magpadala ito ng negosyador na hindi importanteng tao sa kasunduan ng Pagtutulungan.

16. PAGSIKLAB NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

17. • 1939 sinalakay ni Hitler at ng kaniyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo.
• Tinangka rin kunin ang Baltic Port at Polish Corridor mula sa Poland, tumanggi ang Poland kaya
nagkakrisis. • Setyembre 1, 1939 nang sumalakay ang Pwersang Nazi sa Poland. Nabatid ito ng Great
Britain at France kaya naman nagpahayag sila ng digmaan noong Setyembre 17, 1939.

18. • Hindi agad sumalakay ang Germany pagkatapos nilang masakop ang Poland, samantalang ang
hukbo ng Pranses at Ingles ang nag-aabang sa likod ng Maginot line. (Isang bakal at kongkretong moog sa
pagitan ng Pransiya at Alemanya). • Abril 1940, Ang Phony War (Phoney War) Sitzkrieg (digmaang
walang pangunahing operasyong militar sa lupa sa panig ng kanluranin). Ay biglang natapos dahil sa
pagsisimula ni Hitler ng Blitzkrieg (biglaang paglusob/lightning war). • Ang mga taga Norway ay lumaban
subalit sila ay madaling natalo. Ang mga taga Denmark ay hindi lumaban.

19. • Mayo 10, 1940 - biglaang sinalakay ng pwersa ng Nazi ang NEUTRAL na bansa ng BELHIKA,
HOLLAND at LUXEMBURG. Binomba ng eroplanong Aleman ng mga bansang tinawag na LOW
COUNTRIES at sinira ang paliparan, hatiran at tulay. • Umurong sa tabing dagat ng Dunkirk ang hukbo ng
Pranses. Ipinasya ng Punong Ministro ng England na si WINSTON CHURCHILL na umurong na ang hukbo.
Ngunit ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalo laban sa mga Alemanya ay itinuring na EPIKO NG
DUNKIRK. • Hunyo 10, 1940 nabigla ang France nang biglang dumating sa pintuan ng Paris ang mga
Aleman. Bumagsak ang Paris at ang pamahalaan ay inilipat sa BORDEAUX.
20. ANG UNITED STATES AT ANG DIGMAAN • Ang pagkapanalo ng pwersang NAZI sa Europa ay nagdulot
ng pangamba sa mga Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng England pati na sa layuning demokrasya.
• Pinagtibay ng Kongreso ang batas na LEND LEASE na nagsasabing ang U.S.A ay magbibigay ng
kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban ng kasapi ng Axis Power.

21. • Agosto 1941, sa baybayin ng Newfoundland ay nagpulong sina Pangulong ROOSEVELT ng USA at si
WINSTON CHURCHILL punong ministro ng England, gumawa sila ng kasunduang ATLANTIC CHARTER,
kasunduang "pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi, lahat ng mga bansa ng mga bansa ay mabubuhay
sa kapayapaan, malaya sa takot at di na muling gagamit ng pwersa."

22. ANG DIGMAAN SA PASIPIKO • Naghanda ang hukbo ng Japan sa pagsalakay sa Pasipiko. Ngunit upang
pigilan ito pinatigil ng USA ang pagpapadala ng langis sa Japan. • Nagkaroon ng pagpupulong ang
punong ministro ng Japan na si HIDEKI TŌJŌ, embahador na si SABURU KURUSU upang tulungan si
Admiral KICHISABURU NOMURA sa pakikipagtalastasan nang maiwasan ang krisis ng Amerika at Japan.
Ngunit habang pinaguusapan ang kapayapaan. Ang mga Hapon ay patuloy na naghahanda sa digmaan.

23. • Disyembre 7, 1941 nagsagawa ng pag-atake ang Japan sa Pearl Harbor sa Hawaii, ang base militar
ng Estados Unidos. 2000 ang namatay sa pag-atake. Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay
tinawag na “Day of infamy.” • Bago pa man bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, nakapasok na
ang mga sibilyang Hapones sa Pilipinas at nakontrol nila ang malaking bahagi ng pangangalakal at
pagluluwas ng mga katutubong produkto ng Pilipinas lalong lalo na sa Davao.

24. • 7:55 ng umaga, nilusob naman ng kanilang mga eroplano ang Clark Field Pampanga, at Nichols Air
Base sa Panay. Ang Davao ay binomba gayon din ang Baguio, Tarlac at Tuguegarao. • Disyembre 8, 1941,
nagdeklara ng digmaan si Pangulong Franklin Roosevelt. • Disyembre 9, 1941, binomba naman ang
Maynila.

25. • Disyembre 11, 1941, tumulong ang Germany at Italy at nagpahayag rin ng pakikipagdigma laban sa
United States. Samantalang ang Austria ay nakapaghanda kaya nabigo ang Japan na masakop ito. •
Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas at pagsakop ng Hapon sa Thailand, British Malaya, Hongkong, Guam
at Wake Island. Narating ng Japan ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko At noong 1942
nagtatag sila ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.

26. • Ika-26 ng Disyembre, Upang maiwasan ang higit pang pinsala at pansamantalang matigil ang
labanan ng mga Hapones ipinahayag ni MacArthur ang bukas na lungsod o OPEN CITY. Dahil maluwag na
nakakapasok ang mga Hapones sinira nito ang mga radyong shortwave, inagaw ang sasakyan, tirahan at
pagkain ng mga Pilipino. • Enero 2, 1942 tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila. Gumawa agad ang
Amerikano ng mga kagamitang pandigma bilang kapalit sa mga nawasak ng Japan.

27. • 1943 - nang nagsimulang magbago ang ihip ng digmaan para sa Alyadong bansa. Lumaban ang
Allies sa loob ng tatlong taon sa Europa, at Hilagang Aprika. • Sinalakay ng mga Alyado ang Sicily, ang isla
sa timog ng Italy sa pamamagitan ng paglagda sa kasunduang Cassibile noong Setyembre 3 at idineklara
noong Setyembre 8.
28. • Hunyo 5, 1944, isang sorpresang pag-atake ang kanilang isinagawa sa mga lupain na kontrolado ng
pwersang Axis sa Pransiya. Tinawag ito ng Allies sa code name na D – DAY. • Hunyo 6, 1944, habang low
tide inihanda ng Allies ang kanilang mga pwersa at pinasok ang dalampasigan ng Normandy sa Pransiya.
Pagsapit ng D-day, nagbagsak ng bomba ang sundalong Allies at nakontrol na nito ang dalampasigan.

29. • Noong Abril 16, 1945, nangyari ang labanan sa Berlin at ito ang pinakahuling labanan ng hukbong
Alemanya at USSR. Habang nangyayari ang labanan na ito, noong Abril 30, 1945, si Adolf Hitler ay
nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril sa ulo at kasabay niya rito ang asawa niyang si Eva Braun
na nagpakamatay sa pamamagitan ng Cyanide poisoning. Humina ang Alemanya sa pagkamatay ni Hitler
at marami sa kanila ay namatay. Sumuko ang mga Alemanya noong Mayo 7 ,1945 at bunga nito, nanalo
ang USSR. Pagkatapos nito, nagkaroon ng selebrasyon sa Europa mula Moscow hanggang Los Angeles na
tinawag na V – E Day ( Victory in Europe Day).

30. • Ang USSR ay nabigyan ng award sa kanilang tagumpay na “Heroes of the Soviet Union.” Noong
Agosto 6 at 9 ay nagsimulang magbomba ang mga hukbong amerikano sa lungsod ng Hiroshima at
Nagasaki. Ang bombing Little Boy ay ginamit sa Hiroshima at ang bombing Fat Man sa Nagasaki.
Maraming namatay sa mga Hapon hanggang sa sila ay tuluyang sumuko noong Agosto 15, 1945. Upang
mabigyan ng opisyal na katapusan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang dokumentong pagsuko ay
nilagdaan ng mga Hapon noong Setyembre 2, 1945. sa pagtatapos ng digmaan, 60 milyong tao ang
nasawi.

31. Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

32. Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig • Malaki ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-
arian. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay
kaysa sa Unang Digmaang Pandaigdig. • Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang Pandaigdig dahil sa
pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa.

33. Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig • Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni
Hitler, Pasismo ni Mussolini, at imperyong Japan ni Hirohito. • Napagtibay ang simulaing command
responsibility papa sa pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong military. •
Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang East Germany, West Germany, Nasyonalistang
China, Pulahang China, Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq, at iba pa.

You might also like