You are on page 1of 2

DIGMAAN SA PASIPIKO (1941-1942)

I. MGA PANGYAYARI
- Kasabay ng pakikipagdigma ng Germany, naghahanda naman ang hukbong Japan sa
pagsalakay sa Pasipiko subalit ang Punong Ministro ng Japan na si Hideki Tojo ay nagpunta kay
Embahador Saburu Kurusu upang tulungan si Admiral Kichisaburu Nomura sa
pakikipagtalastasan.
- Ang Germany at Italy ay tumulong sa Japan at nagpahayag rin ng pakikipagdigma laban sa
United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941.
- Noong ika-7 ng Disyembre 1941, sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor na isa sa mga himpilan
ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Tinawag na Day of Infamy ang araw ng iyon o
Araw ng Kataksilan o Kabuktutan

*ANG PAGSABOG NG PEARL HARBOR


-Pinalubog ang US Pacific Fleet at 5 barko ng US, at halos 200 amerikanong eroplano ang
nawasak.
-Dahil sa pagpapasabog sa Pearl Harbor, naghayag ng pakikidigma ang US kasama ang Britain
sa Axis Powers noong Disyembre 11, 1941.

*PAGSALAKAY SA PILIPINAS
-Matapos salakayin ang Pearl Harbor, sumalakay din ang Japan sa Pilipinas na isang bansang
nasa ilalim ng United States at winasak ang hukbong panghimpapawid sa Clark Field,
Pampanga.
-Pagkaraan ng limang araw, sinalakay naman nila ang Hilagang Luzon. Sa araw ding iyon,
pinalubog ang dalawang bapor pandigma, ang Prince of Wales at Repulse sa baybayin ng
Malaya.
-Lumaban ang mga Pilipino sa pamumuno nina Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang
Komonwelt at Heneral Douglas MacArthur.
-Tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila noong ika-2 ng Enero, 1942 ngunit ipinagpatuloy ng
mga Pilipino ang kanilang pagtatanggol sa Bataan at iba pang lugar sa Pilipinas.
-Bukod sa Pilipinas, sinalakay rin ng mga Hapon ang Thailand, British Malaya, Hongkong,
Guam at Wake Islands.
-Naging matagumpay naman sa pananakop sa Pasipiko ang Japan noong 1942 at nagtatag sila
ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.
* GREATER EAST ASIA CO-PROSPERITY SPHERE
-Isang samahan na itinatag ng mga Hapones
-Layunin nito na pagbuklurin ang mga bansang Asyano sa ilalim ng kanilang pamumuno upang
paunlarin ang aspetong panlipunan, pampulitika, pangkultura, at pangkabuhayan.
-Dahil dito, lumaki ang sakop ng Japan mula Aleutian Island hanggang New Guinea at Burma.

You might also like