You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: _________________________ Taon at Pangkat: ________ Iskor: ___


Paaralan: __________________________ Guro: __________________________

IKAAPAT NA MARKAHAN
Written Test No.2

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong. Piliin


ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang naging unang halal na Sekretaryo-Heneral ng mga Bansang


Nagkakaisa?
A. Franklin Roosevelt C. Trygve Lie
B. Ban-Ki Moon D. Winston Churchill

2. Ano ang tawag sa samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos


ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. ASEAN C. WTO
B. League of Nations D. United Nations

3. Ito ang kasulatan na binalangkas ni Pangulong Wilson noong


Enero 1918 na naglalaman ng mga layunin ng United States sa
pakikidigma?
A. Kasunduan sa Paris C. Zimmerman Note
B. Labing apat na puntos D. Treaty of Versailles

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI hangarin ng ng Liga ng mga


Bansa?
A. Maiwasan ang digmaan
B. Magkaroon ng panibagong mga alyansa
C. Mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan
D. Maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba

5. Ilang mga bansa ang orihinal na miyembro at nagtulong-tulong sa


pagbalangkas ng United Nations Charter o Karta ng mga Bansang
Nagkakaisa noong ika-26 ng Hunyo, 1945?

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 1


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
ARALING PANLIPUNAN 8
A. 50 C. 70
B. 60 D. 80

6. Sinong pinuno ng bansang alyado ang nagmungkahi na muling


magtatag ng isang samahang pandaigdig upang itaguyod ang
pakikipagtulungan at kapayapaan sa mga bansa?
A. Franklin Roosevelt C. David Lloyd George
B. Edward Grey D. Woodrow Wilson

7. Alin sa mga sumusunod na sangay ng Samahan ng mga Bansang


Nagkakaisa ang may tungkulin na nangangasiwa at nagpapatupad sa
mga gawain na may kaugnayan sa pagpapanatili ng pandaigdigang
ugnayan at kapayapaan ng mga bansa?
A. General assembly B. Secretariat
C. Security Council D. Trusteeship Council

8. Kailan napagtibay at naitatag ang United Nations?


A. Ika-24 ng Nobyembre, 1945 C. Ika-24 ng Hulyo, 1945
B. Ika-24 Oktubre, 1945 D. Ika-24 ng Mayo, 1945

9.Sa mga sumusunod na pahayag alin ang HINDI kabilang sa mga


alituntunin o batayan ng isang bansa upang mapabilang sa Samahan
ng mga Nagkakaisang Bansa o United Nations?
A. Ang pagiging kasapi ay magiging epektibo sa petsa ng resolusyon
para sa pagpapatibay ng kanyang pagiging miyembro.
B. Ang estado ay magsumite ng isang aplikasyon at sulat na pormal
na nagsasabi na tinatanggap nito ang obligasyon sa ilalim ng
charter.
C. Ang rekomendasyon ay ipapakita sa General Assembly para sa
pagsaalang-alang. Ang 2/3 na karamihan sa boto ay kailangan sa
Assembly para sa pagtanggap ng isang bagong estado.
D. Anumang rekomendasyon para sa pagpasok ay dapat matanggap
at sang-ayunan ng 7 na boto mula sa 15 na mga miyembro ng
estado

2
SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
ARALING PANLIPUNAN 8

10. Ang General Assembly na isa sa punong sangay ng United Nations


ay may gampanin na _________.
A. Nagbabalangkas ng mga batas na umiiral sa UN
B. Nangangasiwa at nagpapatupad ng mga pandaigdigang ugnayan
at kapayapaan
C. Nagbibigay Interpretasyon sa mga umiiral na batas ng UN at
pagpapasya sa mga kasong alitan ng mga bansa at karumaldumal
D. Namamahala sa aspektong pangkabuhayan, panlipunan, pang-
Edukasyon, siyentipiko, at pangkalusugan ng daigdig

11. Ang sumusunod ay mga probisyon sa lihim na kasunduan na


naratipika sa pamamagitan ng Kasunduan ng Versailles maliban sa
A. Pagbabayad ng Germany ng malaking halaga para sa reparasyon
B. Pagkawala ng lahat ng kolonya ng Germany
C. Pagbabawal sa Germany na gumawa ng mga armas
D. Paniniwala ng Germany sa labis na pang-aapi batay sa nakasaad
na mga probisyon

12. Saang lungsod ang pangunahing himpilan ng United Nations?


A. San Fracisco C. New York
B. Washington D. Chicago

13. Ilang bansa sa kasalukuyan ang miyembro ng United Nations?


A. 190 C. 196
B. 193 D. 199

14. Alin sa mga sumusunod ang TAMANG proseso ng pagtalaga ng


Sekretaryo-Heneral ng mga Nagkakaisang Bansa o United Nations?
A. Pagboto ng mga pinuno ng mga kasaping bansa
B. Pagtalaga ng General Assembly sa rekomendasyon ng Security
Council
C. Pagboto ng mga miyembro ng mga pangunahing sangay ng
Samahan
D. Pagtalaga ng mga empleyado ng United Nations

3
SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
ARALING PANLIPUNAN 8

15. Sa panukalang labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow


Wilson, ilan lamang ang napagkasunsuang ipatupad?
A. 12 C. 6
B. 8 D. 2

Inihanda ni:

Lolita D. Espineda
Guro sa AP8
Pasig City Science High School

4
SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
ARALING PANLIPUNAN 8

5
SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY
Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

You might also like