You are on page 1of 11

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 12: Dokumentaryong Pampelikula

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Maricel M. Licsi at Mylene B. Errua
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Criselda M. Baccay at Evangeline G. Morales
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 12 para sa Sariling Pagkatuto
Dokumentaryong Pampelikula
Manunulat: Maricel M. Licsi at Mylene B. Errua
Tagasuri: Salve Regina O. Piezas/Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 8 ng Modyul 12 para sa
araling Dokumentaryong Pampelikula !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8 Modyul 12 ukol sa Dokumentaryong


Pampelikula !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Kasanayang Pampagkatuto:
Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng
nagsasalita.

BALIK-ARAL

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na kasagutan na hinihingi sa


bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

a. paksa/tema
b. tauhan
c. layon
d. diyalogo
e. pagsusuri ng pelikula

____1. Ito ang linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.


____2. Ito ang nais ipabatid ng may-akda sa mga manonood.
____3. Ang gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento.
____4. Paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula.
____5. Ito ang diwa, kaisipan at pinakapuso ng pelikula.

ARALIN
KINABUHI
(Danny Cooke)
https://www.youtube.com/watch?
v=dCJg9PLxo5M&fbclid=IwAR3NVGg2o92FtGWSbdyTqz1gY
2T9xbi0maBUI147MbtpjUDe-VoHrrveHNA

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1: Gamit ang inverted pyramid, isulat ang pagkakasunod-sunod


ng mga pangyayari sa dokumentaryong Kinabuhi. Isulat ang sagot mula ibaba
paitaas.

Pagsasanay 2
Sa dokumentayong pampelikulang Kinabuhi ay kapansin-pansin ang ilang mga
isyung binigyang-pansin ng nagsagawa ng pagsusuri. Bilang pagpapatibay o
pagsang-ayon sa mga ito ay ilahad ang iyong sariling pagkiling tungkol sa
interes at pananaw ng nagsasalita. Isulat ang iyong sagot sa kahon.

1. Binigyang-pansin sa dokumentaryong pampelikula ang buhay ng mga


nagkokopra, kung paano nila pinipilit na mabuhay dahil sa
mababang kita na kanilang tinatanggap.
2. Mahalagang matutong magrebyu ng pelikula ang mga manonood
dahil malaki ang impluwensiya nito sa buhay ng tao.

3. Ang magandang pelikula ay nakapupukaw ng interes ng mga


manonood.

4. Sa pagsusuri, kailangang panoorin ang pelikula simula umpisa


hanggang wakas upang mabigyang-katwiran ang lahat ng mga
aspekto nito.

5. Ang pananalita o diyalogo ng mga karakter sa pelikula ay dapat na


maging angkop sa target na manonood.

PAGLALAHAT

PANUTO: Isulat sa loob ng kahon ang nangibabaw na damdamin gamit


ang emoticon matapos maunawaan ang nilalaman ng aralin.

https://emojipedia.org/facebook/
PAGPAPAHALAGA

Matapos mong masuri ang dokumentaryong pampelikula, Ibigay mo


ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng puntos mula 1-5. Lima
(5) ang pinakamataas at isa (1) naman ang pinakamababa. Isulat mo sa
ibaba kung bakit ito ang puntos na iyong ibinigay.

Puntos_______

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
______

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag mula sa napanood na dokumentaryong


Kinabuhi. Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay tama at M naman
kung ito ay mali.
_____1. Sa dokumentaryong Kinabuhi, ipinakita ang tunay na kalagayan ng mga
magkokopra sa ating bansa.
_____2. Malaki ang kanilang kinikita sa pagkokopra.
_____3. Ang Kinabuhi ay nangangahulugang Buhay.
_____4. Masarap ang pagkain ng mga magkokopra.
_____5. Masayang nagtutulungan ang bawat magkokopra.
SUSI SA PAGWAWASTO

SANAY 2
uro na ang
ahan sa
ay ng puntos
Sanggunian
Mga Aklat:
Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12)
AGA

ang
a
puntos
Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2015

Website:
https://www.youtube.com/watch?
v=dCJg9PLxo5M&fbclid=IwAR3NVGg2o92FtGWSbdyTqz1gY2T9xbi0maBUI147MbtpjUDe-
VoHrrveHNA

You might also like