You are on page 1of 12

Filipino 8

Filipino – Ikawalong Baitang


Unang Markahan – Modyul 3: Mga Paghahambing
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat/Editor: Adela S. Cruz at Paul John S. Arellano
Tagaasuri: Josefina T. Salangsang – Puno ng Kagawaran sa Filipino
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Paul John S. Arellano
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 8
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Mga Paghahambing
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino Baitang 8 ng Modyul
para sa araling Mga Paghahambing !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino Baitang 8 Modyul ukol sa Mga


Paghahambing !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang


sumusunod:

Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain,
sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag)

Mga Layuning Pampagkatuto


* Naiisa-isa ang mga salitang ginamit sa paghahambing.
* Nakikilala ang dalawang uri ng paghahambing.
* Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinmang mga karunungang-bayan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto : Salungguhitan ang salitang ginamit sa paghahambing sa bawat


pangungusap at tukuyin kung anong uri ng paghahambing ito
(Magkatulad, Pasahol o Palamang).

__________1. Ang salawikain at kasabihan ay parehong may gintong-aral.


__________2. Di-hamak na masayang pag-aralan ang kultura natin kaysa sa iba.
__________3. Di-gaanong mahusay sa teknolohiya ang mga tao noon kaysa ngayon.
__________4. Higit na nakaaaliw malaman ang kultura ng mga katutubo noon
kaysa ngayon.
__________5. Di-gaanong masaya mag-feysbuk kaysa makipaglaro sa labas.
BALIK-ARAL

PANUTO: Tukuyin kung alin sa bawat pahayag ang halimbawa ng SAWIKAIN,


SALAWIKAIN at KASABIHAN.

1. Madaling maging tao, mahirap magpakatao. __________


2. Lumagay na sa tahimik ang aking kapatid.
3. Pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.__________
4. Ang edukasyon ang tanging bagay na di mananakaw ninoman. __________
5. Balat-sibuyas talaga ang kaklase ko, nanonood lang ng K-Drama, umiyak na.
___________

ARALIN

Bubuksan natin ang ating unang aralin sa wika at gramatika. Ito ay ang
Paghahambing. Madalas na nating gamitin ang paghahambing sa araw-araw
nating pakikipag-usap. Ngunit, ngayon ay susuriin natin ang istruktura at
kung paano ito gagamitin pa nang mas maayos.
Ang paghahambing ay ginagamit kung naghahambing tayo ng
dalawang magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya,
pangyayari, at iba pa. Maaari nating ipaghambing ang kalidad, bilang, bigat,
hugis, kulay, itsura, bigat, at marami pang iba.
May dalawang uri ng paghahambing. Ito ay ang Paghahambing na
Magkatulad at Paghahambing na Di-Magkatulad. Alamin natin ang bawat
uri nito.
Unahin natin ang Pahambing na Magkatulad.

Ang Paghahambing na magkatulad ay ginagamit kung ang dalawang


pinaghahambing ay may patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga
panlaping ka-, magka-, ga-, sing-, kasing-, magsing-, at mga salitang paris,
wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig/kahawig, mistula, mukha/kamukha.
Tingnan natin ang mga halimbawang ito:

para sa paggamit ng panlaping ka-, na nangangahulugan ng kaisa o


tulad.

Halimbawa: Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia.

para naman sa panlaping magka-, nangangahulugan din ito na


kaisahan o pagkatulad

Halimbawa: Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore.

Para sa Sing- (Sin- o Sim-) gaya rin ito ng ka- na ginagamit sa lahat ng
uri ng pagtutulad.

Halimbawa: Magkasingganda ang India at Singapore.

Tingnan naman natin ang pangalawang uri ng paghahambing, ang


Paghahambing na Di-Magkatulad.
Ang Paghahambing na di-magkatulad ay nagbibigay ng diwa na
pagkakait, pagtanggi, o pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.
Mayroon itong dalawang uri, Ang Pasahol at Palamang. Tingnan natin
ang mga halimbawa upang lalo nating maunawaan.
Sa Paghahambing na Pasahol, sinasabi sa pangungusap na may
mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.

Ginagamit ang mga salitang Lalo, Di-gasino, Di-gaano, at Di-totoo


upang ipakita ang ganitong uri ng paghahambing.
Tingnan naman natin ang Palamang, dito, ay may mahigit na
katangian ang mga INIHAHAMBING sa bagay na pinaghahambingan.
Ginagamitan ito ng mga salitang Lalo, Higit, Mas, Labis, at Di-hamak.

Halimbawa: Higit na masaya ang naging pagdiriwang ng Pasko ngayong taon


kaysa noong nakaraang taon.

Kitang kita na nakalalamang ang naging karanasan niya ng Pasko ngayong


taon kaysa sa pinaghambingan na taon noong nakaraan.

Tingnan ang halimbawa,

Di-gaanong makulay ang kanyang drowing kumpara kay Ben.


Sa madaling sabi, ibinaba natin ang kalidad o katangian ng naunang drowing
kumpara sa pinaghambingan na drowing ni Ben.
MGA PAGSASANAY

Upang makatiyak kung naunawaan mo ang mga konseptong ito, magkaroon


tayo ng pagsasanay. Kung sa tingin mo ay hindi mo pa ito gaanong maunawaan,
balikan mo ang aralin.

Pagsasanay 1: Salungguhitan ang salitang ginamit sa paghahambing sa


pangungusap at tukuyin kung anong uri ng paghahambing ito.
( Magkatulad, Pasahol o Palamang ).

1. Ang COVID-19 at H1N1 ay parehong virus.


2. Di-hamak na masaya ang mga panahong walang virus kaysa
ngayon.
3. Di-gasinong mahirap mag-enroll ngayon kaysa dati.
4. Higit na maingat ang mga tao ngayong pandemic kaysa noon.
5. Di-gaanong maulan ngayon kaysa noong isang buwan.

Pagsasanay 2: Isulat sa patlang ang uri ng paghahambing na bubuo sa


pangungusap.

1. __________ matao ang mga mall ngayon kumpara noong walang pandemic.
2. __________ mabuti nang magsuot ng face mask tuwing lalabas kaysa
magkasakit.
3. __________ ng ibang mga virus, ang COVID-19 ay nakamamatay din.
4. __________ na delikado ang COVID-19 kumpara sa ibang mga sakit dahil
wala pang bakuna laban dito.
5. __________ halaga ang kalusugan ng tao at perang kinikita sa trabaho.

Pagsasanay 3: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang paghahambing sa


pangungusap ay Magkatulad. Lagyan ng ekis (x) kung ang
paghahambing ay Di-Magkatulad.

_____1. Kasimbata ng anak mo ang bunso kong kapatid.


_____2. Lalong maulan ang panahon ngayon kumpara noong nakaraang taon.
_____3. Napansin kong mas masisipag ang mga babae kaysa sa lalaki.
_____4. Ang ngiti niya ay kasintamis ng tsokolate.
_____5. Dahil may second shift na, di-gaanong maingay sa iskul ngayon kumpara
last year.
PAGLALAHAT

Panuto : Tukuyin kung TAMA o MALI ang sumusunod na pahayag upang mabatid
ang kabuoang natutuhan mo sa aralin.

1. Ang paghahambing ay ginagamit kung naghahambing ng tatlong magkaibang


antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari at iba pa. _______

2. Ang pahambing na magkatulad ay ginagamitan ng mga panlaping ka-, magka-,


ga-, sing-, kasing-, magsing-, at mga salitang paris, wangis/kawangis, gaya,
tulad, hawig/kahawig, mistula, mukha/kamukha. _______

3. Ang pasahol at palamang ay dalawang uri ng pahambing na di-magkatulad.


_______

4. Ang pasahol ay ginagamitan ng mga salitang: lalo, di-gasino, di-gaano, at di –


totoo. _____

5. Ang palamang naman ay ginagamitan ng mga salitang: lalo, higit, mas, labis, at
di-hamak. _____

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Kompletuhin ang pahayag sa ibaba upang mailapat mo sa iyong sarili ang
natutuhan sa araling ito.

Ang mahalagang aral na natutuhan ko sa araling ito ay

Ang mga nabago sa aking pananaw at kaalaman matapos ang aralin ay


PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto : Tukuyin ang uri ng paghahambing na ginamit sa pangungusap kung ito


ay Magkatulad, Pasahol o Palamang.

__________1. Mas mainam na ang maging maingat kaysa magkasakit.

__________2. Di-gasinong masarap ang mga halamang gamot kaysa sa kemikal na


gamot.

__________3. Di-gaanong matao ang mga mall tuwing Huwebes kumpara sa araw ng
Linggo.

__________4. Mas mabuting magsuot ng facemask kaysa ikaw ay mahawa ng sakit.

__________5. Sina nanay at tatay ay magkasing-edad lang noong nagpakasal.

__________6. Si Sophia ay tulad lamang ng kanyang nanay na maganda.

__________7. Ang Lungsod ng Marikina at Pasig ay pareho lamang nasa ilalim ng


ECQ.

__________8. Mas mabuti nang mapuyat sa paggawa ng takdang-aralin kaysa


mapagalitan ng guro.

__________9. Di-hamak na magaan sa pakiramdam ang gumising nang maaga


kaysa mahuli sa pagbangon.

__________10. Higit na masarap ang matulog nang maaga kaysa magpuyat.

Sanggunian

1. Dayag, Alma G. et al., Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Ikalawang Edisyon.


Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2017

2. Tiongson, Pat C. et al., Batikan 8 . Quezon City: Educational Resources


Corporation, 2014
BALIK-ARAL
1. Kasabihan
MGA PAGSASANAY 2. Sawikain
Pagsasanay 1 3. Salawikain
Magkatulad1. Ang COVID-19 at H1N1 ay parehong 4. Kasabihan
virus. 5. Sawikain
Palamang 2. Di-hamak na masaya ang mga
PAGLALAHAT
panahong walang virus kaysa ngayon.
1. Mali
Pasahol 3. Di-gasinong mahirap mag-enroll ngayon 2. Tama
kaysa dati. 3. Tama
Palamang 4. Higit na maingat ang mga tao ngayong 4. Tama
5. Tama
pandemic kaysa noon.
Pasahol 5. Di-gaanong maulan ngayon kaysa noong PANAPOS NA
isang buwan. PAGSUSULIT
1. Palamang
2. Pasahol
Pagsasanay 2 Pagsasanay 3
3. Pasahol
1. Di-gaanong, Di-gasinong 1. / 4. Palamang
2. Mas 2. x 5. Magkatulad
3. Kahawig, Tulad, Gaya 3. x 6. Magkatulad
7. Magkatulad
4. Higit, Di-hamak, Labis 4. / 8. Palamang
5. Magkasing 5. x 9. Palamang
10. Palamang
PAGPAPAHALAGA
( nasa guro na ang kapasyahan sa pagbibigay ng
puntos )
PAUNANG PAGSUBOK
Magkatulad1. Ang salawikain at kasabihan ay parehong may
gintong-aral.
Palamang 2. Di-hamak na masayang pag-aralan ang kultura
natin kaysa sa iba.
Pasahol 3. Di-gaanong mahusay sa teknolohiya ang mga
tao noon kaysa ngayon.
Palamang 4. Higit na nakaaaliw malaman ang kultura ng
mga katutubo noon kaysa ngayon.
Pasahol 5. Di-gaanong masaya mag-feysbuk kaysa
makipaglaro
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like