You are on page 1of 24

8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 2:
Paghahambing sa Pagbuo ng
Eupemistikong Pahayag
(Panitikan sa Panahon ng Katutubo,
Espanyol at Hapon)

LU_Q1_Filipino8_Module2
AIRs - LM
FILIPINO 8 (Panitikan sa Panahon ng Katutubo, Espanyol at Hapon)
Unang Markahan - Modyul 2: Paghahambing sa Pagbuo ng Eupemistikong Pahayag
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Larry O. Barbasina at Junard E. Rivera


Mga Tagasuri: Digna M. Morion at Jomari B. Banut
Editor: Alvin D. Mangaoang
SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Jaime Z. Romero Jr.

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

LU_Q1_Filipino8_Module2
8

Filipino
Unang Markahan – Modyul 2:
Paghahambing sa Pagbuo ng
Eupemistikong Pahayag
(Panitikan sa Panahon ng
Katutubo, Espanyol at Hapon)

LU_Q1_Filipino8_Module2
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

LU_Q1_Filipino8_Module2
Sapulin

Mapagpalang araw mahal kong mag-aaral. Binabati kita! Napakahusay mo


sapagkat narating mo ang bahaging ito ng iyong paglalakbay sa mga aralin sa
Filipino 8. Sa nakaraang modyul, napag-aralan mo ang mga karunugang-bayan.
Alam kong naging siksik at nag-uumapaw ang iyong natutuhan tungkol dito.
Nakalulugod na makasama ka. Ngayon, alam kong sabik ka ng mag-aral at matutong
muli. Kung gayon ay maghanda ka na sa paggalugad sa mga araling ating pag-
aaralan sa modyul na ito. Nawa ay patuloy mong isagawa nang buong husay ang
mga inihandang gawain.

Ang Modyul 2 ay papaksa sa Paghahambing sa Pabuo ng Eupemistikong


Pahayag. Nahati ito sa dalawang aralin. Ang Aralin 2.1 ay pagtalakay sa mga
konsepto kaugnay ng Talinghaga, Eupemistiko o Masining na Pahayag. Pagkatapos,
tutukuyin mo at bibigyang kahulugan ang mga ginamit na matatalinghagang
pahayag sa binasang akda. Samantala, ang Aralin 2.2 naman ay pagtalakay sa
Paghahambing. Inaasahang ikaw ay makasusulat ng sariling bugtong, salawikain,
sawikain o kasabihan gamit ang paghahambing.

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:


Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs)
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na
pahayag na ginamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling kuwento, epiko
ayon sa kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan (F8PT-Ia-c-19); at
2. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain,
sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag). (F8WG-Ia-c-17)

Mga Tiyak na Layunin


1. Naibibigay ang kahulugan ng mga matalinghagang salitang ginamit sa
pahayag;
2. Natutukoy at nabibigyang kahulugan ang talinghaga, eupemistiko o
masining na pahayag sa akdang binasa;
3. Natutukoy ang paghahambing na ginamit sa pangungusap;
4. Naipakikita ang pagkakaiba ng wika ng kabataan noon at ngayon sa tulong
ng mga salitang hudyat sa paghahambing; at
5. Nakasusulat ng alinman sa salawikain, sawikain o kasabihan gamit ang
mga salitang naghahambing.

Alam kong sabik ka nang malaman ang mga ito kaya tara na’t magsimula na
tayo sa pag-aaral.

1 LU_Q1_Filipino8_Module2
Aralin
Talinghaga, Eupemistiko o
1.1 Masining na Pahayag

Simulan

Bago tayo magsimula sa ating aralin, alamin muna natin ang iyong inisyal na
kaalaman sa paksa sa pamamagitan ng pagsasagawa nang buong husay ng
sumusunod na gawain.

Gawain 1: Basahin ang Tula, Talinghaga’y Itala


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tulang “Sa Aking Mga Kabata” ni Dr. Jose
Rizal. Tukuyin at itala mo ang mga matatalinghagang salita o pahayag na
ginamit sa tulang “Sa Aking Mga Kabata” ni Dr Jose Rizal. Gayahin ang
pormat nito sa sagutang papel.

Sa Aking Mga Kabata


ni Dr. Jose Rizal

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig,


Sa kan’yang salitang kaloob ng langit.
Sanlang kalayaan nasa ring masapit,
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagkat ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayon at mga kaharian
At ang isang taoy katulad kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan”

Ang hindi magmahal sa kan’yang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagkat ang poong malaam tumingin
Ang siyang naggawad nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba


Na may Alfabeto at sariling letra
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

2 LU_Q1_Filipino8_Module2
Sa Aking mga Kababata
Mga talinghagang ginamit
ni Dr. Jose Rizal
“Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kan’yang salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid

Pagkat ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayon at mga kaharian
At ang isang taoy katulad kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan”

“Ang hindi magmahal sa kan’yang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya marapat pagyamaning kusa
Tulad sa inang tunay na nagpala’

“Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagkat ang poong malaam tumingin
Ang siyang naggawad nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba


Na may Alfabeto at sariling letra
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Gawain 2: Kahulugan Ko, Ibigay Mo!


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga nasalungguhitang salita o mga salita sa mga
pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Kapagka ang baya’y sadyang umiibig, Sa kaniyang salitang kaloob ng langit.
Kahulugan: _______________________________________________________________

2. Sanlang kalayaan nasa ring masapit, Katulad ng ibong nasa himpapawid.


Kahulugan: _______________________________________________________________

3. Ang hindi magmahal sa kan’yang salita Mahigit sa hayop at malansang isda


Kahulugan: _______________________________________________________________

4. Kaya ang marapat pagyamaning kusa. Na tulad sa inang tunay na nagpala.


Kahulugan: _______________________________________________________________

5. Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa, Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Kahulugan: _______________________________________________________________

Makikita mo sa hulihang bahagi ng modyul ang susi sa pagwawasto. Magtsek


ka upang maitama mo ang iyong mga kamalian. Ngayon ay handa ka na sa pagkatuto
ng panibagong paksa. Ang susunod na bahagi ay pagtalakay sa mga konseptong
kaugnay ng talinghaga, eupemistiko o masining na pahayag. Maligayang
paglalakbay!

3 LU_Q1_Filipino8_Module2
Lakbayin

Binabati kita dahil nasagot mo nang maayos ang unang gawain. Nagagalak
ako sa iyong kahusayan! Ipagpatuloy mo na ang pagtuklas ng mga kaalaman sa
araling ito.

Isang katangian ng kulturang Pilipino, ang paghanap ng paraan kung paano


hindi masasaktan ang damdamin ng kapwa. Napakahalaga sa atin ang
pakikipagrelasyon. Kaya nga, maging noong unang panahon, gumagamit sila ng
matatalinghagang salita para mangaral o maiwasto ang ugali o kilos ng isang
nakababata o nakatatanda. Gumagamit din sila ng eupemistikong pahayag.

Matalinghagang Pahayag
➢ Ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng malalim na kahulugan.
Sinasalamin ng paggamit nito ang pagiging makulay, masining, kagandahan
at pagkamalikhain ng wikang Filipino.
➢ Hinuhubog nito ang ating intelektuwal na kaisipan.
➢ Kabilang sa mga daluyan ng matatalinghagang pahayag ang salawikain,
sawikain, kasabihan o kawikaan at tayutay

Eupemistikong Pahayag
➢ Sinasalamin ng paggamit ng mga pahayag na ito ang pagiging maginoo, at
pag-iwas ng mga Pilipino na makasakit ng damdamin ng kapwa. Kaya naman
sa pakikipagtalastasan ay gumagamit tayo ng mga matatalinghagang salitang
pamalit sa mga mararahas na salitang nakasasakit sa damdamin ng kapwa.
➢ Eupemismo ang tawag sa mga mahinahon, mahinay at hindi direktang salita
o pahayag na ipinapalit sa mararahas at hindi magandang salita o
nakahihiyang salita upang maiwasang makapanakit ng damdamin ng
kapuwa.

Mga Halimbawa ng Eupemistikong Pahayag


1. Para hindi mabigla ang kausap sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay,
maaaring sabihing: iniwan na niya tayo, kinuha ng Diyos, sumakabilang
buhay na siya, kapiling na siya ng Panginoon, tapos na ang kaniyang
paghihirap, maligaya na siya sa kabilang buhay.
2. Para maging mas malambot o mas magaan ang dating ng sasabihin:
a. Sa halip na sabihing “gutom na gutom na ako” gamitin ang sumusunod:
Hindi ba kayo nagugutom? Kumain na ba kayo ng almusal? Maganda
siguro, kumain muna tayo.
b. Sa halip na sabihing bulag, duling, bingi, pilay, maaaring sabihin ang
ganito: May kapansanan sa mata, sa tainga, sap aa at iba pa., Mahina ang
pandinig, walang paningin, nahihirapang lumakad, at iba pa.
c. Sa halip na mataba, pandak, pangit, sinasabi ang ganito: Medyo malusog
ka ngayon., May kaliitan nang kaunti., Hindi gaanong maganda, at iba pa.

Magaling mahal kong mag-aaral, Ngayon ay handa ka nang magsanay. Gamit


ang natutuhan sa aralin ay madali mo lamang maisasagawa ang mga inihandang
gawain sa susunod na bahagi ng modyul. Paghusayan mo!

4 LU_Q1_Filipino8_Module2
Galugarin

Isagawa nang buong husay ang mga gawain upang lalong mapayabong ang
mga kaalamang iyong natamo mula sa talakay sa aralin. Alam kong kayang-kaya mo
ito.

Gawain 3: Ibigay ang Kahulugan!


Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga nasalungguhitang pahayag sa loob ng kahon.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Agad namang inutusan ni Lam-ang na kumahol ang aso at tumahol nga


ito. Sa tahol naman ng kaniyang aso ay tila himalang bumalik sa dati ang
gumuhong bahay ni Ines. Lumabas si Ines at ang magulang nito upang harapin
si Lam-ang. Hiningi ni Lam-ang ang kamay ni Ines upang pakasalan. Hindi
naman tumanggi ang mga magulang ni Ines sa isang kondisyon.

- Ang talata ay hango mula sa epikong “Biag ni Lam-Ang”


1. Kahulugan: _______________________________________________________________

19
Sa lahat ng sulok at lahat ng panig
Ay siya ang laging lamang niring isip,
Matulog man ako’y napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.

- Mula sa Balagtasang “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”


Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes (1924)
2. Kahulugan: _______________________________________________________________

"Hindi po ako namatay, mahal na Sultan, sapagkat nakita ko po ang


aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang
nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang
kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil
ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang Sultan. "Nalalaman ng
lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat.”

- Mula kuwentong bayan ng mga Maranaw


na pinamagatang “Naging Sultan si Pilandok”
3. Kahulugan: _______________________________________________________________

202
Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
sa bait at muni't sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.

- Mula sa “Florante at Laura” ni Francisco Baltazar


4. Kahulugan: _______________________________________________________________

5 LU_Q1_Filipino8_Module2
220
“Dito nahubdan ang kababayan ko
ng hiram na bait na binalatkayo
kahinhinang asal na pakitang-tao
nakilalang hindi bukal kay Adolfo.

- Mula sa “Florante at Laura” ni Francisco Baltazar


5. Kahulugan: _______________________________________________________________

Gawain 4: Pag-isipan Mo!


Panuto: Sagutin nang buong husay ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Batay sa talakay ano katangiang taglay ng talinghaga?


2. Ano ang nalilinang sa paggamit ng matalinghagang salita o pahayag sa
paglalahad ng kaisipan.
3. Ano ang kabutihan ng paggamit ng eupemistikong pahayag sa pakikipag-usap
sa kapuwa?
4. Tunay bang sinasalamin ng mga talinghaga at eupemismo ang kaugalian at
paraan ng buhay ng mga Pilipino? Ipaliwanag ang sagot.
5. Bakit mahalagang pag-aralan at linangin ang paggamit ng talinghaga at
eupemistikong pahayag? Ipaliwanag ang sagot.

Binabati kita. Napakahusay mo! Hindi pa dito nagtatapos ang iyong


paglalakbay. Upang lalong mapaigting ang iyong natutuhan ay isagawa mo ang mga
gawain sa susunod na bahagi ng modyul. Alam kong magiging madali na lamang ito
sa iyo.

6 LU_Q1_Filipino8_Module2
Palalimin

Ang mga inihandang gawain sa bahaging ito ay lalong magpapaigting sa


kaalamang iyo nang natamo. Paghusayan mo pa.

Gawain 5: Magsuri at Magsulit!


Panuto: Balikan mo ang iyong sagot sa Gawain 1 sa bahaging Simulan. Ibigay mo
ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga itinala mong
matalinghagang pahayag sa bawat saknong ng tulang “Sa Aking Mga
Kabata” ni Dr. Jose Rizal. Gayahin ang pormat at isulat ito sa sagutang
papel.

Mga Kasalungat
Sa Aking mga Kabata Kasing-
talinghaga na
ni Dr Jose Rizal kahulugan
ng ginamit kahulugan
“Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kan’yang salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid
Pagkat ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayon at mga kaharian
At ang isang taoy katulad kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan”

“Ang hindi magmahal sa kaniyang


salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Kaya marapat pagyamaning kusa
Tulad sa inang tunay na nagpala’

“Ang wikang Tagalog tulad din sa


Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagkat ang poong malaam
tumingin
Ang siyang naggawad nagbigay sa
atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba


Na may Alfabeto at sariling letra
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong
una.

7 LU_Q1_Filipino8_Module2
Aralin

1.2 Paghahambing

Simulan

Napakahusay mo! Binabati kita sa ipinamalas mong kahusayan sa pagtapos


ng mga gawain sa Aralin 2.1. Inaasahan kong ipagpapatuloy mo ang maganda mong
nasimulan. Handa ka na bang maglakbay upang alamin at tuklasin ang nilalaman ng
ikalawang aralin? Sige, simulan mo na sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod
na gawain!

Gawain 1: Hambingan, Alamin Mo!


A. Panuto: Tukuyin kung paano ginamit ang paghahambing sa sumusunod na
pangungusap. Subuking ipaliwanag ang sagot sa sariling pangungusap
sa iyong sagutang papel.

1. Parehong ipinanganak sina Maria at Ana na may gintong kutsara sa bibig.


2. Nilikha ang bawat nilalang na kawangis ng Diyos.
3. Tila porselana ang kaniyang kutis.
4. Siya’y langit na hindi kayang maabot nang kahit sino.
5. Sinlamig ng yelo ang kaniyang kamay.

B. Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na hambingan ay Magkatulad o Di-


magkatulad, kung ito ay Di-magkatulad tukuyin kung Pasahol o
Palamang. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Magkasinghalaga ang salawikain at kasabihan.


2. Magkasinghinay ang mga salitang ginagamit sa eupemismo at sawikain.
3. Di-gaanong marikit ang kasabihan kaysa sa salawikaing may angking tugma
at sukat.
4. Di-hamak na nakapagpatalas ng pag-iisip ang bugtong sa pagsagot ng mga
tanong kaysa sa sawikain.
5. Ang salawikain at sawikain ay parehong sumasalamin ng kagandahang asal
at nagbibigay aral sa buhay.

8 LU_Q1_Filipino8_Module2
Gawain 2: Tukuyin Mo!
Panuto: Gamit ang iyong natutuhan sa naunang aralin, basahin at unawain ang
bawat aytem. Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ito ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit
upang maiwasan ang makasakit ng damdamin.
A. Eupemismo B. Hyperbole
C. Metapora D. Personipikasyon

_____ 2. Ang eupemismo ay gumagamit ng _________ para di-tuwirang tukuyin


ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang
nagsasalita at kinakausap.
A. mabilis na salita B. mahirap na salita
C. malalim na salita D. matalinghagang salita

_____ 3. Sa halip na sabihing “namatay”, gamitin ang ________________.


A. nagpantay ang paa B. sumakabilang buhay
C. sumakabilang bahay D. parehong a at b

_____ 4. Siya ay isang maamong kordero. Ito ay nangangahulugang ___________


A. siya ay amo. B. siya ay maawain.
C. siya ay mabait na tao. D. siya ay tagapagbantay.

_____ 5. Ang dalagang anak ni Aling Sara ay di-makabasag pinggan, ang


pahayag na ito ay nangangahulugang _____________.
A. ang dalaga ay maalaga.
B. ang dalaga ay mahinhin.
C. ang dalaga ay naghuhugas ng pinggan.
D. ang dalaga ay tagapag-alaga ng kaniyang kapatid.

9 LU_Q1_Filipino8_Module2
Lakbayin

Alam mo bang…

Sa pagsulat at pagbuo ng mga karunungang-bayan, pangunahing binibigyang


tuon ang paggamit ng talinghaga? Sa pamamagitan nito, hindi tuwirang nailalahad
ang kahulugan ng mga pahayag at nahahamon ang kaisipang unawain ang
mensaheng nakapaloob dito. Sa pamamaraang ito, isinasaalang-alang ang paggamit
ng paghahambing bilang paglalarawan at pag-uugnay. Malahaga sa paglalarawan
ang pagtitiyak sa katangian ng isang tao, bagay, lugar at pangyayari. Kailangang
masagot kung ano ang pagkakaiba o pagkakapareho ng isa sa iba pa. Dito ginagamit
ang paglalarawang pahambing. Pahambing ang ikalawang kaantasan ng pang-uri.
Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalarawan ng dalawa o higit pang
katangian at/o kalagayan. Isa rin itong pamamaraan sa pag-uugnay nang maaaring
magkaiba o magkatulad na katangian at/o kalagayan. Paano nga ba gamitin ang
paghahambing sa pagbuo ng alinman sa mga karunungang-bayan? Ating alamin
ang mga uri ng paghahambing.

May Dalawang Uri ng Paghahambing

1. Paghahambing na Magkatulad – Ginagamit ito kung ang dalawang


pinaghahambing ay may patas o pantay na katangian. Ginagamitan ito ng
mga panlaping kasing-, sing-, magsing-, magkasing-, o kaya ay mga salitang
gaya, katulad, paris, kapwa at pareho.
• magka- nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad
Halimbawa: Magkakutis porselana ang kambal na sina Ana at Ena.
• sing- (sim-/sin-) – nagagamit sa lahat ng uri ng paghahambing na
magkatulad
Halimbawa: Simbilis ng kidlat tumakbo ang mga manlalaro.

Ang maramihang sing- ay naipapakita sa pag-uulit ng unang


pantig ng salitang-ugat.

• kasing- (kasin-/kasim-) – ang paggamit at kahulugan ay katulad din


ng sing, (sin/sim). Pansining kapag ginamit sa pangungusap, ganito
ang huwaran ng pagkabuo: kasing + salitang ugat + ng/ni +
pangngalan + si/ang + pangngalan.
Halimbawa: Kasintalino ni ate si kuya.

• magsing- (magkasing-/magkasim) – ang pinagtutulad ay napipisan sa


paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Ang dalawang basketbolista ay magkasintangkad.

• ga-(gangga-) – nangangahulugan ng gaya, tulad, paris


Halimbawa: Gamunggo ang pawis na tumulo sa kaniyang mga noo.

2. Paghahambing na Di-magkatulad

10 LU_Q1_Filipino8_Module2
a. Pasahol – Ito ang pang-uri kung ang inihahambing ay may mas maliit o
mas mababang katangian. Gumagamit ito ng mga salitang tulad ng di-
gaaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino.

• Di-gasino – tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian


ng mga tao. Sinusundan ito ng alinman sa mga katagang
naghahambing kabilang ang gaya, tulad, para o paris na sinusundan
ng panandang ni.
Halimbawa: Di-gasinong malawak ang pang-unawa ng mama gaya ng
ale.

• Di-gaano – tulad ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay


lamang ginagamit.
Halimbawa: Di-gaanong mabilis ang takbo ng dyip na nasakyan ko
kahapon kaysa kaninang umaga.

• Di-totoo – nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa


karaniwang uri. Nagagamit itong pamalit sa di-gasino at-di-gaano.
Halimbawa: Di-totoong wala nang taong nagmamalasakit sa kapwa sa
panahon ngayon kaysa noong unang panahon.

• Lalo – nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na


katangian. Sinusundan ito ng katuwang na panghambing na kaysa kay
- kung ngalang tao ang pinaghahambing, /kaysa/ kaysa sa – kung
ngalang bagay/pangyayari.
Halimbawa: Lalong nakatatakot ang mga pangyayari sa paligid ngayon
kaysa noon.

b. Palamang – Ginagamit ang pahambing na palamang kung ang


ikinukumpara ay may mas mataas o nakahihigit na katangian.
Gumagamit ito ng mga salitang higit, lalo, mas, labis, at di-hamak.

• Lalo – Ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at hindi


kasahulan kung ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng
kalakhan, kataasan, kalabisan o kahigtan. Muli, katuwang nito ang
kaysa/kaysa sa/kay.
Halimbawa: Lalong nakamamangha ang ganda ng tanawin sa aming
bayan kaysa sa bayang ito.

• Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay – sa sarili nagsasaad ng


kalamangan kung ginagamit ito sa paghahambing.
Halimbawa: Higit na kapuri-puri ang pagdaraos ng SEA games
ngayong 2019 sa ating bansang Pilipinas kaysa sa nagdaang edisyon
ng pagdaraos nito dito.

• Labis – tulad din ng higit o mas


Halimbawa – Labis na kahanga-hanga ang ipinamalas na kabutihang
ipinamalas ng Pinoy surfer na si Roger Casugay sa pagsagip sa
katunggaling Singaporean surfer kaysa sa iba pang mga manlalaro.

• Di-hamak – kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri.


Halimbawa: Di-hamak ang positibong pagtanggap kay Lea Salonga
bilang Kim sa Miss Saigon sa kaniyang iniisip na pagtanggap sa kaniya.

11 LU_Q1_Filipino8_Module2
Ngayong nalaman mo na ang mga uri ng paghahambing. Kailangan
maunawaan mo naman kung paano ito gagamitin sa pagsulat at pagbuo ng mga
karunungang-bayan.

Galugarin

Gawain 3: Dugtong Bugtong, Bugtong Dugtong!


Panuto: Punan ng angkop na pariralang may paghahambing ang patlang upang
mabuo ang diwa ng bugtong. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang
sagot.

_____ 1. _______________________, naaabot ng dalawang bolang itim. Sagot: Mata


A. Sinlaki ng bituin B. Sinlayo ng bituin
C. Sinliwanag ng bituin D. Singningning ng bituin

_____ 2. Hiyas kong taglay, ______________________. Sagot: Buhok


A. mas maikli pa sa kilay B. mas mahaba pa sa kilay
C. mas maikli pa sa balahibo D. mas mahaba pa sa balahibo

_____ 3. ____________________, kabayo kong niyog ang pinagdadaanan. Sagot:


Pangkayod ng niyog
A. Di-lubhang malaki B. Di-totoong malaki
C. Di-gaanong kalakihan D. Di-gasinong kalakihan

_____ 4. __________________, kaysa tanim kong upo. Sagot: Pipino


A. Di-hamak na pino B. Di-hamak na maliit
C. Di hamak na malaki D. Di-hamak na magaspang

_____ 5. __________________, nakaupo sa tasa. Sagot: Kasoy


A. Singganda ng ina B. Singganda ng lola
C. Singganda ng dalaga D. Singganda ng prinsesa

12 LU_Q1_Filipino8_Module2
Gawain 4: Anong Uri ng Paghahambing?
Panuto: Tukuyin ang uri ng paghahambing na nagamit sa pangungusap. Isulat ang
(PM) kung pahambing na magkatulad, (PS) kung pahambing na Di-
magkatulad na pasahol o (PL) kung pahambing na Di-magkatulad na
palamang sa iyong sagutang papel.

_____ 1. Mas makabago ang pananaw sa buhay ng mga milenyal ngayon kaysa
sa kabataan noong unang panahon.
_____ 2. Lubhang maganda ang El Nido Palawan kaysa ibang resort.
_____ 3. Di-totoong mataas ang sweldo ng mga kasambahay sa lalawigan kaysa
sa kasambahay rito sa lungsod.
_____ 4. Magkasinghusay sa matematika ang magkapatid na Dela Cruz.
_____ 5. Kasintapang siya ni Bonifacio sa pakikipaglaban sa mga kastila.
_____ 6. Higit na mataas ang presyo ng petrolyo ngayon kaysa noong nakaraang
lingo.
_____ 7. Kapuwa mapagmahal sa bayan sina Dr. Jose Rizal at Andres Bonifacio.
_____ 8. Lubhang kawawa ang mga biktima ng digmaan sa Lungsod ng Marawi
kaysa sa mga nasalanta ng bagyo.
_____ 9. Mas mababa ang bilang ng krimen ngayon kaysa sa nakaraang taon.
_____ 10. Parehong maganda ang pamamalakad ng kanilang mga direktor kaya
umasenso ang kanilang kompanya.

Gawain 5: Dugtungan Mo!


Panuto: Dugtungan ang usapang ipinakikita tungkol sa wika ng kabataan noon at
ngayon. Gamitin ang pang-uring pahambing sa maikling dula-dulaan. Isulat
sa sagutang papel ang iskrip at bilugan ang pang-uring pahambing na
ginamit.

Wika ng Kabataan Noon at Ngayon

Noong unang panahon, napakamabulaklak at matalinghaga ang wikang


ginagamit ng matatanda, hindi gaya ngayon, mga balbal na pananalita ang
ginagamit ng mga kabataan tulad ng werpa, petmalu, at lodi. Hindi agad
maunawaan ng matatanda ngayon ang wika ng kabataan dahil binabaligtad ang
salita.

Mag-aaral 1: Lolo, napakapetmalu mo naman po pala dati.


Mag-aaral 2: (Gaganap na lolo) Ano ang iyong sinasabi apo? Anong petmalu?
Mag-aaral 1: Ha, ha, ha, si lolo talaga. Dapat marunong na kayong sumabay sa
uso. Binaligtad na salitang malupit po ‘yun Lo.
Mag-aaral 2: (Lolo) Hay naku! Kayo talagang mga kabataan, napakarami ninyong
pinapausong salita.
Noong panahon namin, ang mga salitang ginagamit ay lubhang
Matalinghaga talaga kaysa ngayon.
(Durugtungan na ito ng mag-aaral)

13 LU_Q1_Filipino8_Module2
Palalimin

Natitiyak kong naunawan mo na nang mabuti ang aralin sa modyul na ito.


Ngunit nais kong ipagpatuloy mo pa ang paghasa sa iyong kagalingan.

Gawain 6: Karunungang-bayan, Isulat Mo!


Panuto: Gamit ang mga salitang pahambing ay bumuo ng alinman sa bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan. Pag-aralan ang pamantayan upang
makuha ang pinakamataas na marka.

Rubrik sa pagbubuo ng sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan.

Mga pamantayan 1 2 3 4 5
1. Angkop sa kasalukuyang sitwasyon ang sariling bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan.
2. Orihinalidad (Hindi kinopya at salin mula sa ibang wika.)
3. Matalinghaga at masining.
4. Kahusayan sa paggamit ng mga salitang pahambing.
Kabuoang Puntos

5 - Napakahusay
4 - Mahusay
3 - Mahusay-husay
2 - Hindi gaanong mahusay
1 - Kailangang paghusayan pa

14 LU_Q1_Filipino8_Module2
Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Anong mga salita o pahayag ang nagtataglay ng malalim na kahulugan


at sumasalamin sa pagiging makulay, masining, kagandahan at
pagkamalikhain ng wikang Filipino.
A. Eupemismo B. Kasabihan
C. Matalinghagang Pahayag D. Sawikain

_____ 2. Ano ang tawag sa mga salitang mahinahon ang ginagamit na pamalit
sa mga marahas, at hindi magandang salita o nakahihiyang salita
upang maiwasang makapanakit ng damdamin ng kapuwa?
A. Eupemismo B. Kasabihan
C. Matalinghagang Pahayag D. Sawikain

_____ 3. “Mabuti pang ibaon sa hukay ang alaala ng pandemya.” Ano ang
kahulugan ng nakasalungguhit na pahayag?
A. alalahanin B. ihukay sa lupa
C. huwag pansinin D. kalimutan na

_____ 4. “Butas na ang bulsa ng mamamayang Pilipino.” Ano kahulugan ng


nakasalungguhit na pahayag?
A. naiinis na B. nasira ang bulsa
C. wala ng pera D. yumayaman

_____ 5. Anong mga salita ang sadyang iniiwasang gamitin sa


pakikipagtalastasan upang hindi makapanakit ng damdamin ng
kapuwa?
A. Eupemistikong pahayag B. Masasakit na pahayag
C. Masining na pahayag D. Matayutay na pahayag

B. Panuto: Punan ng angkop na pariralang may paghahambing ang patlang upang


mabuo ang diwa ng salawikain at kasabihan. Isulat sa sagutang papel
ang letra ng tamang sagot.

_____ 6. “Ang tunay na kaibigan sa buhay ay kapilas, totoong mahalaga.


__________________.”
A. katulad ng isang ginto
B. katulad ng isang hiyas
C. katulad ng isang pilak
D. katulad ng isang diyamante

15 LU_Q1_Filipino8_Module2
_____ 7. “Ang pag-aasawa ay hindi biro, _______________________, na iluluwa
kung mapaso.”
A. tulad ng kanin
B. tulad ng sabaw
C. hindi tulad ng kanin
D. hindi tulad ng sabaw

_____ 8. “Ang batang matapat ay _________________ng lahat kaysa sa batang


mapagpaimbabaw.”
A. lalong kinaiinggitan
B. lalong kinagagalitan
C. lalong kinagigiliwan
D. lalong pinagtitiwalaan

_____ 9. “____________________ ang taong sa hirap nagmula kaysa sa mga taong


sa ginhawa nagmula.”
A. Higit na umaani ng salat
B. Higit na umaani ng tuwa
C. Higit na umaani ng pighati
D. Higit na umaani ng lungkot

_____ 10. “_________________ ang pag-asang manalo ng umaayaw kaysa sa mga


taong hindi umaayaw.”
A. Lalong mataas
B. Higit na mataas
C. Di-gaanong mataas
D. Di-gasinong mataas

_____ 11. “_________________ ng kalusugan ay ang kayamanan.”


A. Ang kabilang
B. Ang kakambal
C. Ang kapareha
D. Ang kapares

_____ 12. “Ang pagkakaibigan ay paghahanap ng ____________________.”


A. kasama na kadugo
B. kaanak na kadugo
C. kaanak ngunit hindi kadugo
D. katrabaho ngunit hindi kadugo

_____ 13. “Ang tunay na kaibigan ay _________________________ ang masasakit na


katotohanan sa iyong harapan at kayang sabihin sa iba ang
magaganda mong katangian.
A. lalong sasabihin
B. mas kayang sabihin
C. kapwa kayang sabihin
D. di-hamak na kayang sabihin

16 LU_Q1_Filipino8_Module2
_____ 14. “__________________ ang maglakad sa kawalan kasama ang kaibigan
kaysa maglakbay nang mag-isa sa liwanag at karangyaan.”
A. Mas magaan sa pakiramdam
B. Mas mabigat sa pakiramdam
C. Parehong mabigat sa pakiramdam
D. Di-gaanong mabigat sa pakiramdam

_____ 15. “Ang batang walang pinag-aralan ay ____________na ‘di makalipad.”


A. kapares ng ibon
B. kapares ng tutubi
C. kapares ng eroplano
D. kapares ng paruparo

C. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kaugnay na pahayag ng mga pangyayari o


sitwasyong nakalahad sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

HANAY A HANAY B
_____ 1. Itaga sa bato A. Duwag
_____ 2. Makapal ang palad B. Masipag
_____ 3. Hindi lahat ng kumikinang ay ginto C. Ina
_____ 4. Mahina ang loob D. Tandaan
_____ 5. Ilaw ng tahanan E. Matutong kumilatis ng
katotohanan sa
kasinungalingan. Hindi
lahat ng maganda sa
paningin ay makabututi
sa atin.

Mahusay! Nakatutuwa ang ipinamalas


mong talino at galing sa pagsasagawa ng mga
gawain. Ang kaalamang iyong natamo ay iyo
pang lalong payabungin sapagkat ang
karunungang-bayan, eupemistikong pahayag at
matatalinghagang pahayag ay tunay na
sumasalamin sa ating kultura at
pagkakakilanlan. Hindi pa dito magtatapos ang
iyong paglalakbay at paggalugad. Paghusayan
mo pa sa susunod na modyul na tatalakay
naman sa pag-unawa sa binasa. Ihanda mo ang
iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul 3:
Pag-unawa sa Binasa

17 LU_Q1_Filipino8_Module2
LU_Q1_Filipino8_Module2 18
ARALIN 2.1 (Talinghaga, Eupemistiko o Masining na Pahayag)
SIMULAN
Gawain 1: Basahin ang Tula, Talinghaga’y Itala Iba-iba ang sagot
Gawain 2: Kahulugan Ko, Ibigay Mo!
1. Biyayang bigay ng Diyos.
2. Mayroong taglay na kalayaan
3. Ang Pilipinong hindi pinahahalagahan ang sariling wika ay walang pagpapahalaga sa
sariling pinagmulan at pagkakakilanlan.
4. Tulad sa pagmamahal ng ina ay dapat nating mahalin, ingatan at pagyamanin ang
wika.
5.
Madaling nawala pagdating ng bagyo.
GALUGARIN
Gawain 3: Ibigay ang Kahulugan!
1. Paghingi ng pahintulot upang pakasalan ang kasintahan o pamamanhikan.
2. Kitang-kita ang pagkalugmok o pagkabigo.
3. Nabaliw
4. Walang alam sa buhay.
5. Nailantad ang masamang pag-uugali
Gawain 4: Pag-isipan Mo! Iba-iba ang sagot
PALALIMIN
Gawain 5: Magsuri at Magsulit! Iba-iba ang sagot
ARALIN 2.2 (Paghahambing)
SIMULAN
Gawain 1: Hambingan, Alamin Mo! Gawain 2: Tukuyin Mo!
1-5 Sariling Sagot 1. A
6. Magkatulad 2. D
7. Magkatulad 3. D
8. Di-Magkatulad na pasahol 4. C
9. Di-Magkatulad na pasahol 5. B
10. Magkatulad
GALUGARIN
Gawain 3: Dugtong Gawain 4: Anong Uri ng Paghahambing? Gawain 5:
Bugtong, Bugtong Dugtungan Mo!
Dugtong! Iba-iba ang sagot
1. B 1. PL 6. PL
2. B 2. PL 7. PM
3. C 3. PS 8. PL
4. A 4. PM 9. PS
5. D 5. PM 10. PM
PALALIMIN
Gawain 6: Karunungang-bayan, Isulat Mo! Iba-iba ang sagot
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B. C.
1. C 6. A 11. B 16. D
2. A 7. A 12. C 17. B
3. D 8. C 13. C 18. A
4. C 9. B 14. A 19. E
5. B 10. D 15. A 20. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat:

Remedios Infantado, Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan Baitang 8. Batayan


at Sanayang Aklat sa Filipino (Manila, Phillippines: Rex Pubishing, 2017), pp. 2-27

Aida M. Guimare, Pinagyamang Wika at Panitikan, Batayang Aklat sa Filipino (1253


G. Araneta Avenue cor Maria Clara St. Quezon City: Vibal Group, Inc., 2018), pp. 9-
12
Elektroniko:

“TAYUTAY – Mga Iba’t Ibang Uri at Halimbawa Ng Mga Uri” Maestro Valle Rey,
Nahango noong August 2, 2021, https://philnews.ph/2019/06/27/tayutay-uri-at-
halimbawa/

“Ang Matalinghagang pahayag” MinisterKingfishersPers, Nahango noong August 2,


2021, https://www.coursehero.com/file/83025777/Matalinghagang-pahayagdocx/

“Sa Aking mga Kababata ni Dr. José Rizal” kapitbisig.com, Nahango noong August
2, 2021, https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-by-dr-jose-rizal-
sa-aking-mga-kababata-ni-dr-jose-rizal-original-text-in-tagalog_616.html

“TAYUTAY: Halimbawa ng Tayutay, mga Uri ng Tayutay, Atbp.” Editorial Staff,


Nahango noong August 2, 2021, https://noypi.com.ph/tayutay/

19 LU_Q1_Filipino8_Module2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500
Telefax: 072-205-0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

You might also like