You are on page 1of 26

8

FILIPINO 8
Unang Markahan – Modyul 1:
Aralin 1.1-Panitikan:
Karunungang-Bayan
(Salawikain, Sawikain at Kasabihan)
Gramatika: Dalawang Uri ng Paghahambing

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Panitikan sa Panahon ng Katutubo: Karunungang
Bayan (Bugtong, Salawikain, Kasabihan at Sawikain) / Dalawang Uri ng
Paghahambing
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga KARUNUNGANG BAYAN: (BUGTONG, SALAWIKAIN, KASABIHAN AT


SAWIKAIN) / TULA: Sa Aking Mga Kabata ay ginamit sa modyul na ito at
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban samodyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jenneth A. Garado, Sanny M. Pinto, Sarrah P. Sawit


Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Arnel L. Cañero, Punongguro III
Samuel C. Polestico, Katuwang ng Punongguro
Michelle A. Villajuan, School Learning Resource Coordinator
Mary Grace C. Dela Cruz, Puno ng Kagawaran III, FILIPINO

Inilimbag sa Pilipinas ng Holy Spirit National High School


Department of Education – NCR
Office Address: Sto. Ireneo St. Dońa Juana Ext. Brgy. Holy Spirit, Quezon City
Telefax: (8) 961-45-98
E-mail Address: hsnhs2015@gmail.com

2
ii
8

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 1:
Aralin 1.1- Panitikan:
Karunungang-Bayan
(Salawikain, Sawikain at Kasabihan)
Dalawang Uri ng Paghahambing

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap saFILIPINO 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay Gawain nanaglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang iyong maisaisip. Ito ay


narito upang matulungan ka na maging mahusay at maalam sa akdang
pampanitikan na mula sa Mindanao.Ang saklaw ng modyul na ito ay nagbibigay
pahintulot na magamit sa iba’t ibang pagkakaton sa iyong pagkatuto. Ang wikang
ginamit sa modyul na ito ay kinikilala ang iba’t ibang antas ng wikang alam ng
mga mag-aaral. Ang mga aralin ay inihanay upang makasunod pamantayang
daloy ng mga paksa sa aralin ng bawat baitang. Ngunit ang ayos ng modyul na ito
kung saan mo mababasa aymaaaring mabago sa batay sabatayang aklat na iyong
ginagamit.

Ang Nilalaman ng Modyul na ito ay:

 Aralin 1 – Karunungang Bayan: Bugtong, Salawikain, Kasabihan at Sawikain


Dalawang Uri ng Paghahambing

Matapos mong maisagawa ang mga gawain sa Modyul na ito, inaasahang ikaw ay:

1. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan


sa mga panyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. F8PB-Ia-c-22
2. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinmang sa bugtong, salawikain,
kasabihan o sawikain. F8WG-Ia-c-17
 Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, kasabihan o sawikain na
angkop sa kasalukuyang kalagayan.

v
Subukin

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang ng unahang bilang. Piliin
sa kahon ang tamang sagot.

___________ 1. Nagtataglay ng talinghaga at may nakatagong kahulugan

___________ 2. Paglalarawan ng isang bagay o panghuhula

___________ 3. Uri ng libangan na sinusubok ang katalinuhan na lumutas

___________ 4. Payak at simple ang mga salita. May sukat at tugma at kadalasang
nagtuturo ng kabutihang asal

___________ 5. Patalinghagang pahayag na naglalahad ng di-tuwiran.

a. Kasabihan b. salawikain c. bugtong

d. sawikain e. palaisipan

vi
Aralin Bugtong, Salawikain, Kasabihan
at Sawikain - Karunungang-
1 Bayan / Sa Aking Mga Kabata -
Tula

Balikan

Panuto: FACT o BLUFF


Ilagay ang FACT kung ikaw ay sang-ayon sa pahayag. BLUFF naman kung
hindi. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

_______________1. Ang pahayag na “butas ang bulsa” ay isang halimbawa ng


sawikain.
_______________2. “Matanda na ang nono, hindi pa naliligo” ay isang halimbawa ng
palaisipan.
_______________3. Ang salawikain ay nagpapaphayag ng magandang-aral at pag-
uugali.
_______________4. Ang sawikain ay patalinghagang pahayag nagsasaad ng tuwirang
kahulugan.
_______________5. Ang pahayag na “Kung ano ang puno ay siya rin ang bunga” ay
isang halimbawa ng kasabihan.

Tuklasin

Gawain1: Larawan ng Kabayanihan

Panuto: Isulat sa patlang ang salita na kumakatawan ng tamang larawan upang


mabuo ang pahayag.

_________1. Hindi lahat ng kumikinang ay tunay na

lantay
_________ 2. Tuso man ang napaglalangan din.

_________ 3. Nakayuko ang reyna, hindi nalalaglag ang

_________ 4. Kung ano ang siya ang bunga.


1

_________ 5. Ang bago sumikat nakikita muna ang banaag.

Pokus na Tanong
1. Paano maiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan?

2. Paano magagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong,


salawikakin, kasabihan o sawikain?

Suriin

Talasalitaan
KROSWORD PUZZLE

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng salitang may


salungguhit na tinutukoy sa ibaba. Bilugan ang salita.

Pababa Pahalang
1. siyang naggawad sa akin 4. Tunay na nagpala
2. kaloob ng langit 5. Maalam tumingin
3. isang kahatulan

D N A G M A H A L M
E A T U N G I K U A
S G M A R U N O N G
I B A M E N D N A A
S I B I G A I G S L
Y G A T A G S K A I
O A G O L K I A N N
N Y A S O O L N S G

Unawain
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tulang sa ibaba.

Sa Aking Mga Kabata


ni Jose P. Rizal
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit,
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alinmang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita


Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,


Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba


Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunaday sa lawa noong dakong una.

Pag-unawa sa Binasa
1. Tungkol saan ang binasang tula?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, bakit inihalintulad ni Rizal ang wikang Tagalog sa
wikang Latin, Ingles, Kastila at salitang anghel? Pangatwiranan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Bilang isang mag-aaral paano mo maipakikita ang iyong tunay
pagmamahal sa bayan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Magbigay ng iyong sariling opinyon tungkol sa mga Pilipinong mas
tinatangkilik ang banyagang wika kaysa wikang Filipino?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Pumili ng isang saknong at ipaliwanag ang nilalaman nito.
___________________________________________________________________________
3
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Panitikan
Alam mo ba na….

TULA – Ang tula o panulaan ay isang uri ng sining at kabilang ito sa panitikang
Pilipino.
Ang mga unang tula ng Pilipino ay mga karunungang-bayan.
KARUNUNGANG-BAYAN – ito ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging
daan upang maipahayag ang mga kaisipan upang mapabilang ang bawat kultura
ng isang tribo. Kasama sa kabang-bayan ng karunungang-bayan ng ating bansa
bago dumating ang mga Espanyol ay bugtong, ang salawikain, kasabihan at
sawikain.
BUGTONG – Ito ay Isang pahayag na may kinalaman sa paglalarawan ng isang
bagay o mga bagay. Madalas itong nangangailangan ng katalinuhan at maingat na
pagninilay-nilay para mahulaan ang tanong.
Mga Halimbawa:

1. Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin (sombrero)


2. Isang señorita, nakaupo sa tasa (kasoy)

SALAWIKAIN – Ito ay karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago.


Karaniwang nasusulat nang may sukat at tugma kaya masarap pakinggan kapag
binibigkas. Maituturing din itong batas ng buhay sapagkat ito ay nagtuturo ng
aral.
Mga Halimbawa:

1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


2. Ang ginagawa sa pagakabata, kadalasan nadadala sa pagtanda.

KASABIHAN – Ang kasabihan ay kaiba sa salawikain dahil ito’y hindi gaanong


gumagamit ng mga talinghaga kaya’t payak ang kahulugan nito. Ang kilos, ugali
at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.
Mga Halimbawa:

1. Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.


2. Walang umaani ng tuwa, kundi sa hirap nagmula

SAWIKAIN – Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan


ay hindi komposisyunal. Ito ay isang paraan ng pagsasalita na hindi gumagamit
ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng iba at naglalahad ng
di tuwirang kahulugan.
Mga Halimbawa:

1. Pag-iisang dibdib ---- pagpapakasal


2. Kilos pagong ---------- mabagal
3. Butas ang bulsa ------ walang pera
4. Lantang gulay --------- sobrang pagod
5. Bukas ang palad ----- matulungin

Gawain 1:

BUGTONGAN NA!

Panuto: Pagsamahin ang dalawang larawan na kumakatawan ng tamang


sagot sa bugtong. Isulat sa patlang ang buong salita.

1.Palda ni Santa Maria,


ang kulay ay iba-iba.

2. Usbong ng usbong,
hindi naman nagdadahon

3. Dalawang magkaibigan
mahilig mag-unahan

4.Ulan ng ulan,
hindi pa rin mabasa-basa ang tiyan
5. Dalawang suklob na pinggan,
punong-puno ng kayamanan.

GAWAIN 2
KASABIHAN
5
Panuto: Punan ang kahon ng tamang sagot batay sa kahulugan ng
kasabihang binabanggit sa bawat bilang.

1. Kung may isinuksok, may madudukot


M G T I D

2. Ang kalinisan ay tanda ng kasipagan

M A I A G

3. Ang anak na magalang ay


6 kayamanan ng magulang

R E O N A L E

4. Ang katotohanan, ay ang magpapalaya ng kasalanan


M T A T

5. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsumikap


P G U M K P

GAWAIN 3
SALAWIKAIN

Panuto: Piliin sa kahon at isulat ang letra sa patlang ang nais ipakahulugan
ng mga sumusunod na salawikain.
__________ 1. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama

_________ 2. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran

_________ 3. Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar din pagdating ng


panahon

_________ 4. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita

_________ 5. Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin

GAWAIN 4
6
SAWIKAIN

Panuto: Piliin ang tamang


kahulugan sa roleta ng mga sumusunod
na sawikain. Isulat sa patlang ang letra
na may tamang sagot.

__________ 1. Makapal ang palad

__________ 2. Anak-dalita

__________ 3. Bungang-tulog

__________ 4. Di-makabasag
pinggan
__________ 5. Kidlat-bihis

Pagyamanin

GRAMATIKA / WIKA

PAGHAHAMBING
ito ay paglalarawan ng antas o lebel ng dalawang katangian ng tao,
hayop, bagay, ideya o pangyayari.

May Dalawang Uri ng Paghahambing


1. Paghahambing na magkatulad
Ito ay ginagamit kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas
na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, magka-, ga-, sing-,
kasing-, magsing-, magkasing-o ng mga salitang paris, kawangis, gaya,
tulad, kahawig at kamukha.
Halimbawa:

a) Magkasing boses ang magkaibigan, kaya marami ang nalilito kapag sila
ay nagsasalita.
b.) Ang kanyang kaibigan ang siyang kawangis niya sa paghahanapbuhay ng
marangal.

2. Paghahambing na di-magkatulad
Kapag ang pinaghahambing ay may magkaiba o magkasalungat na
katangian. Ito ay maaaring:

2.1) Pasahol – kung ang inihahambing ay may mas mababa ang katangian kaysa
pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga salitang lalo, di-gaano di-totoo, di-
lubha o di- gasino.
Halimbawa:
a) Di-totoong ipinanganak siyang may kambal na ahas.
b) Di-gasinong matangkad si Allan kaysa kay Peter.

2.b) Palamang – kung ang inihahambing ay may mahigit na katangian kaysa sa


pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga panandang mas/higit, labis, di-
hamak
Halimbawa:

a) Labis ang kasiyahang nadarama ng isang ina kapag nakakatapos sa pag-


aaral ang anak.
b.) Mas higit na nangangailangan ng ayuda sa gobyerno ang mga nawalan ng
trabaho.

Pagsasanay 1

Panuto: Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bugtong, salawikain,


sawikain at kasabihan sa tulong ng salita/ parirala na ginagamit sa
paghahambing. Isulat sa chart ang kasagutan na makikita sa ibaba.
Pagsasanay 2 8
Panuto: Salungguhitan ang mga salita o pahayag na nagpapakita ng
paghahambing ng magkatulad at di-magkatulad. Isulat sa patlang ang M
kung magkatulad, DM naman kung di-magkatulad.

________ 1. Parehong mahusay sumulat ng tula ang magkapatid na babae.

________ 2. Di-hamak na masipag ang kanyang ina sa pagtitinda ng isda sa


palengke.

________ 3. Ang kapitbahay ni Noel ay kapwa maingay sa gabi.

________ 4. Si Marco ay kasinggaling ng kanyang tatay sa pagmamaneho ng


sasakyan.

________ 5. Ang ginawa niyang pagtakas sa pulisya ay lalong nagpahamak sa


kanya.

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang akdang nakasulat sa ibaba. Pumili ng


isang saknong at ipaliwanag ang kaisipang nakapaloob nito.
`

Gawain 2
Bilang isang mag-aaral paano mo maipakikita ang pagtangkilik at
pagmamahal ng mga karunungang bayan? Sagutan mo ito sa pamamagitan ng
pagpopost sa wall ng facebook.

10
Isaisip

Sintesis:

Panuto: Ipaliwanag ang iyong mga natutunan sa pamamagitan ng


pagsagot sa chart na sa ibaba.

11
Isagawa

Kaya mo ito...

Gumawa ng sariling brochure na naglalaman ng mga karunungang bayan.


Ang layunin ng brochure na ito ay maipakilala ang mga kultura, tradisyon at pag-
uugali ng bawat lugar sa ating bansa.

Pinakamahusay Mahusay Umuunlad Nagsisimula


7 6 4 3
Nilalaman: Layunin
Angkop at may tiyak Ang tiyak na May tiyak na paksa Hindi malinaw ang
na tema. Makabuluhan tema at may ang presentassyon paksa ng
at may kaugnayan sa kaugnayan sa ngunit hindi lahat ay presentasyon at
paksa. paksa. may kaugnayan sa walang kaugnayan
tema. sa tema.
Kaugnayan:
Ang sinulat ay Ang sinulat ay Ang sinulat ay may Hindi angkop ang
nagpakita ng nagpakita ng angkop na paksa paksa at temang
pagkamalikhain. May pagkamalikhai lamang sinulat.
angkop na ugnayan ng n. Angkop at
paksa at tema. may
kaugnayan sa
paksa.

Brochure –
Ang brochure ay isang polyeto/pampleto; maninipis o maliliit na
babasahin hinggil sa sariling paksa at kadalasang binubuo ng isang buong papel
o bondpaper lamang ito. Ang babasahing ito ay nagbibigay ng impormasyon
tulad ng mga anunsyo o patalastas. Ito ay kadalasang nakatiklop, makulay at
may larawang nakalakip. Giinagamit ang brochure sa pagbibigay ng
impormasyon ng isang samahan, produkto o serbisyo upang ipaalam sa publiko
ang mga benepisyo nito.

Narito ang ilang pamantayan na dapat tandaan bago gumawa ng brochure.

Mga Pamantayan: Puntos

Orihinalidad 20

Pagkamalikhain 10

Gamit ng karunungang-bayan 10

Mga uri ng paghahambing 10

Kabuoan 50

12
13
Tayahin

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang sa unahan ng bawat bilang.

_____1. Hindi gaanong gumagamit ng talinghaga kaya’t payak ang kahulugan nito.

A. salawikain C. bugtong
B. kasabihan D. sawikain

_____2. Karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago.

A. bugtong C. kasabihan
B. sawikain D. salawikain

_____3. “Parang natuka ng ahas” ito ay isang halimbawa ng _____

A. salawikain C. kasabihan
B. bugtong D. sawikain

_____4. “Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga” ito ay isang halimbawa ng ___

A. bugtong C. kasabihan
B. sawikain D. salawikain

_____5. Ang kahulugan ng “itaga mo sa bato” ay ______.

A. Kampihan C. kalimutan
B. pakatandaan D. pabayaan

_____6. Ang ibig ipakahulugan ng pahayag na “di mahulugang karayom” ay ____

A. may tinik C. masikip


B. maluwang D. nag-uumapaw

_____7. Magkasingtangkad ang magkapatid na nagkahiwalay, Ito ay nagpapakita


ng paghahambing na ____________

A. magkatulad C. palamang
B. pasahol D. di-magkatulad

____ 8. Ito ay ginagamit sa paghahambing kung mas malaki o nakahihigit kaysa


pinaghahambingan.

A. palamang C. magkatulad
B. pasahol D. Di-magkatulad

14
_____9. Di-totoo ang ipinakakalat na balita tungkol sa kanyang kamag-anak Ang
salitang ginamit sa paghahambing sa pangungusap ay _____.

A. Di-totoo C. tungkol
B. balita D. kanya

____10. Ang pag-aaral ng mabuti ay higit na nakalalamang sa anumang


kayamanan. Ano ang salitang nagpapahayag ng di-magkatulad na palamang?

A. kayamanan C. higit
B. pag-aaral D. anuman

Karagdagang Gawain

Panuto: Mangalap ng iba pang halimbawa ng mga karunungang-bayan.


Ilagay sa short bond paper at ilagay sa short folder. Sundan sa ibaba ang pormat na
gagawin.
15

Susi sa Pagwawasto

Subukin Tuklasin
1. 1. D
2. 2. A 1. ginto
3. 3. C 2. matsing
4. 4. E 3. korona
5. 5. B 4. puno
6. 5. araw
Balikan
1. 1. Fact
2. 2. Fact
3. 3. Fact
4. 4. Bluff
5. 5. Fact
Gawain 3 Isaisip
Pag-unawa sa Binasa
Gawain 1.
1. Ang tula ay tungkol sa pagmam 1. E
Talasalitaan
ahal sa bayan at sa sariling wika  BUGTONG
2. Sapagkat kahit anong wika pa  - may kinalaman sa paglalarawan ng isa
ng bagay o mga bagay. Madalas itong n
man 2. A angangailangan ng katalinuhan at main
ang gamit mo kailangan mahalin 
1. Nagbigay
mo ito at gamitin. 
gat na pagninilay-nilay para mahulaan 
ang tanong. 
2. Bigay
3. Maipapakita ko 3. D KASABIHAN
ang pagmamahal sa bayan sa pam kaiba sa salawikain dahil ito’y hindi gaa
3. Desisyon
amagitan ng paggamit ng sariling  nonggumagamit ng mga talinghaga kay
a’t payak ang kahulugan nito. Ang kilos,
4. Nagmahal
wika at pagmamahal  4. C ugali
4. Para sa akin, may kanya-
5. Marunong
kanya namang opinyon kung bakit 
at gawi ng isang tao ay masasalamin sa 
mga kasabihan. 
ang iba ay gumagamit ng wikang  5. F SAWIKAIN - -pagpapahayag na ang kah
ulugan ay hindi komposisyunal. Ito
banyaga. 
ay isang paraan ng pagsasalita na hindi 
5. Pangatlong saknong:
Gawain 4 gumagamit ng mararahas na salita upa
Ang sariling wika ay mahalin at pa ng maiwasan ang makasakit ng iba at n
aglalahad ng di tuwirang kahulugan. 
gyamanin   SALAWIKAIN-patalinghaga na may kahul
1. A ugang nakatago. Karaniwang nasusulat 
nang may sukat at tugma kaya masara
p pakinggan kapag binibigkas.  
2. B Isagawa

3. E
Gawain 2
4. C
(sariling sagot ng mga mag-
5. D aaral)

Tayahin
Gramatika
Pagsasanay 1 1. B 6. C

(sariling sagot ng mga mag-


aaral) 2. D 7. A

Pagsasanay 2
3. D 8. A

1. M
4. C 9. B
Panitikan.
Gawain 1

1. bahaghari

2. sungay ng usa

3. dalawang paa

4. dahon ng gabi

5. langit at lupa

Sanggunian 16

1. Blanca, Celeste D. et al. Ang PITAK (Pandayan ng Isip, Talino, at Angking


Kasanayan Grade 8, Educational Resources Corporation, Quezon City, 2016

2. Dayag, Alma M. et al. Pinagyamang Pluma 8 (Kto12). Phoenix Publishing House.


Quezon City, 2013

3. Jocson, Magdalena et al. Panitikang Pilipino – Ikawalong Baitang, Filipino-


Modyul para sa Mag-aaral, Printwell, Inc.Mandaluyong City, Unang Edisyon, 2013

4.https://www.google.com/search?
q=bahag&rlz=1C1BNSD_enPH970PH970&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ah
UKEwiU1pWe1cPzAhWPCYgKHX3lC84Q_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=657&
dpr=1#imgrc=zwG6rYEr6fUccM

5.https://www.google.com/search?
q=king&tbm=isch&chips=q:king,g_1:clipart:OtJgb6qwBaU
%3D&rlz=1C1BNSD_enPH970PH970&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiC3KDN1cPzAhV
ew4sBHZyjBPgQ4lYoAnoECAEQFQ&biw=1349&bih=657#imgrc=MMC-io1pipyIvM
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Holy Spirit National High School
Telephone No: 961 4598
Telefax: (8) 961-45-98
Email Address: hsnhs2015@gmail.com

18

You might also like