Professional Documents
Culture Documents
INTRODUKSIYON:
Magandang buhay minamahal naming mag-aaral sa ikawalong baitang, isa na namang mapanghamong
kabanata para sa inyong pag-aaral. Inaasahan naming inyong maipakikita angkahalagahan at pagmamahal sa
edukasyon. Sa ating asignaturang Filipino, sa unang markahan ay tumatalakay sa mga akdang pampanitikan sa
pahapyaw na kasaysayan ng mayamang panitikang Pilipino bago pa man dumating mga Espanyol hanggang sa
panahon ng Propaganda at ng mga Hapones.Ang Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol ay may sarili nang
panitikan.Tayo’y may kinagisnang tulang paawit gaya ng kundiman,kumintang,salawikain,sawikain bulong at
bugtong.Mayroon din tayong mga katunungang bayan at mga akdang tuluyang puno ng kababalaghan at aral na
lumaganap sa bansang naging patnubay ng ating pinuno sa kanilang pamumuhay. Inaasahan naming kayo ay
mawiwili sa araling ito. Ang mga paksa, babasahin ,gawain at mga pagsasanay sa kabanatang ito ay sadyang
iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging
interaktibo,makabuluhan,napapanahon,kawili-wili,nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag-iisip at
nakapaghahanda sa mga mag-aaaral sa mga pagsubok at realidad sa buhay.Sa unang Modyul ay inaasahang
mahuhubog at mapapaunlad ang inyong malikhaing pag-iisip at mga kakayahan base sa panukala ng DepEd’s
learning standards na nakaakla sa MELCs, na makikita sa ibaba.
Tara na at mag-aral!
UNANG LINGGO
UNANG PAKSA
KARUNUNGANG BAYAN
Naipamamalas ang mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang
Pamantayang Pangnilalaman
pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo, Espanyol at Hapon
Pamantayan sa Pagganap Nabubuo ang isang makatotohanang proyektong paturismo
- Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan
Most Essential Learning - Nabibigyang –kahulugan ang mga talinghaga, eupimistiko o
Competencies (MELCs) masining na pahayag na ginamit sa tula ayon sa: kasingkahulugan
at kasalungat na kahulugan
- Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain, o kasabihan
na angkop sa kasalukuyang kalagayan
Cross Cultural Understanding, Critical Thinking, Creativity or
21st Century Learning Skills
Innovation, Collaboration
Christian witnessing, Community Building, Academic Excellence,
Core Values
Social Responsibility
REFERENCES:
PRINTED:
Ikalawang edisyon Pinagyamang Pluma8 nina Ailene Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc, Carmela
Esgguera-Jose at Alma M. Dayag(awtor-koordineyto Hiyas ng lahi 8 nina Magdalena O Jocson,
Marites L. Tolos
ONLINE:
https://www.google.com/search?
q=Karunungnag+bayan&oq=Karunungnag+bayan&aqs=chrome..69i57j0i13l9.9179j0j7&sourceid=chro
me&ie=UTF-8
Q1 – FILIPINO 8 | 1
INTRODUKSIYON:
Ang iyong babasahin ay isang uri ng panitikan. Ang panitikan ay itinuturing na kayamanan ng ating lahi
dahil sa bahagi ito ng ating kalinangan at kasaysayan. Sinasabing ang panitikan at ang kasaysayan ay matalik na
magkaugnay. Sa pag-aaral ng kasaysayan ng isang lahi, laging bahagi nito. Ang damdamin, saloobin,
paniniwala, kultura at tradisyon ng bansang kalimitan ay masasalamin sa taglay nitong panitikan.
MAHALAGANG TANONG
1. Ano-ano ang maituturing mong kayamanan sa buhay?
2. Paano mo mapapahalagahan ang mga kayamang ito?
3. Paano makatutulong ang mga karunungang bayan sa buhay lalo na sa mga kabataan?
4. Sa anong paraan mo maipapakita ang pagmamalasakit sa mga karunungang bayan na maaaring nangyari
o mangyayari pa sa tunay na buhay?
MAIKLING PAGSASANAY
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng salitang may diin sa pangungusap.
CONTENT DISCUSSION:
Buong atensiyon ang hinihiling ng bahaging ito ng modyul upang malaman at maunawaan
mo ang tulang sumasalamin sa kahapon. Masasalamin sa araling ito ang mga karunungang bayan
na laganap parin ngayon.
Ang kalusugan ay
Kayamanan
Kung ating papansinin ang tula ay hitik ng Salawikain. Ang Salawikain ay kadalasang sinasabi ng mga
matatanda upang sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong mangaral at
akayin ang kabataan tungo sa kabutihang asal.
Sa makatuwid ang tulang iyong binasa ay makikitaan ng mga gabay o aral o kabutihang asal na dapat nating isa
buhay.
Q1 – FILIPINO 8 | 3
MGA AKDANG LUMAGANAP BAGO DUMATING ANG MGA ESPANYOL
Nabanggit sa unang araw na ang Pilipinas ay marami ng panitikan bago pa dumating ang mga Espanyol
at iba pang dayuhan. Ang mga panitikang ito ay lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo, ito ay sariling atin
na sumasalamin sa mga kinagisnan, paniniwala, tradisyon, kultura at kaugalian ng ating mga ninuno. Ilan sa
mga ito ay ang Karunungang-bayan (salawikain, sawikain, kawikaan at kasabihan), kuwentong bayan,
alamat at epiko.
1. Alamat- ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na legendus na
nangangahulugang “Upang mabasa”.Isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang alamat.Ang
mga ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay .Kalimitang ito ay nagtataglay ng
mga kababalaghan o mga hindi pangkaraniwang pangyayari.Ang karaniwang mga paksa ng mga alamat
ay ang ating katutubong kultura,mga kaugalian at kapaligiran.Narito ang ilang halimbawa ng mga
kilalang alamat.
Ang Alamat ng Tandang
Ang Alamat ng Paruparo
b. Sawikain o Idyoma- Ito ay mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga. Hindi tiyak ang
kahulugang ibinibigay nito sapagkat may natatago pa itong kahulugan patungkol sa iba’t ibang
bagay.
Halimbawa:
balat sibuyas- iyakin
butas ang bulsa-walang pera
nagbibilang ng poste-tambay
Anak-pawis-mahirap
May gatas pa sa labi-Bata
c. Kasabihan- Ito ay kadalasang mga tugmaang sinasambit ng mga bata at matatanda na katumbas ng
mga tinatawag na Mother Goose Rhymes. Ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa
kilos ng isang tao.
Halimbawa
Q1 – FILIPINO 8 | 4
Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t
3. Bugtong- Ito ay mga salitang may nakatagong kahulugan na kadalasang inilalarawan ang isang
bagay o pangyayari na kadalasang nilalaro sapagkat sinusubok nito ang talim ng utak ng isang
tao.
Halimbawa:
Nandiyan na si kaka, bubuka-bukaka (Gunting)
Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo (Pako)
Bugtong-bugtong, magkakarugtong (Kadena)
May tuktok, walang mukha (Kabute)
Kapag pinatay, humahaba ang buhay (Kandila)
Upang mas maintindihan pa ang aralin, narito ang buod ng aralin na iyong magiging gabay:
Karunungang-Bayan Kuwentong-Bayan
-Sumasalamin sa tradisyon,
kaugalian, paniniwala at
Salawikain pamumuhay sa katutubong
panahon.
-Nagbibigay-aral at kagandahang asal
-May mga pangyayaring hindi totoo
ngunit kinapupulutan ng aral.
Sawikain o Idyoma
(Kabilang dito ang alamat at
-Gumagamit ng talinhagang salita
epiko)
Kasabihan
-Panunukso o pagpuno sa kilos ng tao
Bugtong
-Larong ginagamitan ng katalinuhan
Q1 – FILIPINO 8 | 5
PAGSASANAY: Panuto: Tukuyin ang salawikain na kukumpleto sa pangungusap.Pilin ang sagot sa
mahabang kahon at isulat ang sagot ito sa patlang.
Ang kabuuan ng araling ito ay nalaman ang mga karunungang bayan na lumagana sa iba’t
ibang panahon na kung kaya’t ay ating binabasa at napapalawig pa sa kasalukuyan.Sa ating
tinalakay ay malaki ang naging gampanin ng mga karunungang-bayan sa paghubog ng paniniwala,
ugali at gawi ng ating mga ninuno noon. Ito ay naging gabay nila sa buhay upang makapamuhay
nang maayos at payapa lalo na sa pakikipagkapwa.Muli nating ibalik at lalo pang paunlarin ang
mga karunungang-bayang ito. Ipagpalagay na mangunguna ka sa isang adbokasiyang magbabalik o
bubuhay sa mga karunungang-bayang alam mong makatutulong sa pagkakaroon ng magandang
gawi at pag-uugali lalo nang mga kabataan sa kasalukuyan.
Q1 – FILIPINO 8 | 6
ARALIN 2
IKALAWANG PAKSA
KASANAYANG PANGWIKA(PAGHAHAMBING)
Most Essential Learning Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alin man sa bugtong,
Competencies (MELCs) salawikain, sawikain o kasabihan (eupimistikong pahayag)
INTRODUKSIYON:
MAHALAGANG TANONG
Q1 – FILIPINO 8 | 7
CONTENT DISCUSSION:
Ang araling ito ay mahalaga sapagkat dito nauunawaan ng mambabasa ang kabuuan ng
isang pahambing at kung paano ito ginagamit sa isang pangungusap. Ang panitikan noon ay mas
binabasa kaysa ngayon dahil na rin sa pagsulpot ng teknolohiya at iba pang pinagkakainteresan ng
mga kabataan. Sa katunayan di-masyadong pinapansin ng mga kabataan ang panitikan ngayon
kaysa mga kabataan noon. Gayunpaman, may ilang kabataan pa rin ang nagbabasa ng mga
panitikan, sa tulong ng teknolohiya, mayroong app na tinatawag na Wattpad kung saan dito
nakapaglilimbag ang mga manunulat ng kanilang gawa. Ito rin ay pareho ng pocketbooks na
kadalasang nasa uri ng nobela. Ngunit kung ating titignan, higit na malaman at mabulaklak ang
mga panitikan noon kaysa ngayon dahil na rin siguro kaunti na lamang ang gumagawa at
tumatangkilik dito. Ito ay patunay lamang na bilang kabataan, kailangan mong magbasa pa ng mga
panitikan nang hindi ito maibaon sa hukay.
Q1 – FILIPINO 8 | 8
Palamang- Mas magaling sa matematika si Arnold kaysa kay Bianca.
Sino ang mas magaling sa kanila? Sagot: Si Arnold
Pasahol-Di-gaanong magaling sa matematika si Arnold kaysa kay Bianca.
Sino ang mas magaling sa kanila? Sagot: Si Bianca.
TANDAAN: Kadalasan ginagamit ang salitang DI sa pahambing na pasahol tulad na lamang sa di-
gaano, di-gasino,di-masyado maliban sa di-hamak dahil ito ay palamang.
Paalala: Kapag ginagamit ang salitang sing, ito ay nagiging sim kung ang iuugnay na salita ay
nagsisimula sa b/p at nagiging sin naman kung ang salita ay nagsisimula sa d,l,r,s,t at sing naman
kung para sa mga salitang nagsisimula sa mga letrang hindi nabanggit. Ganito rin ang tuntunin
kung ginagamit ang magsing.
Halimbawa
Sing+ganda-Singganda
Sing+pait-Simpait
Sing+tangkad-Sintangkad
PANG-URI – ay salitang ginagamit natin upang maglarawan ng mga tao,hayop, bagay o pangyayari.Ito
ang mga salitang nagbibigay-turing sa mga pangngalan at panghalip.
Halimbawa ng Pang-uri:
1. Maganda si Catherine.
(Ang salitang maganda ay inilalarawan si Catherine)
2. Ang librong hawak niya ay makapal.
(Ang salitang makapal ay inilalarawan ang libro)
3. Masaya ang pista ng San Luis.
(Ang salitang masaya ay inilalarawan ang pista ng San Luis)
4. Ang lawak naman ng hardin na aming pinuntahan.
(Ang salitang lawak ay naglalarawan sa hardin)
5. Hindi gumuho ang aming bahay dahil matibay ang pundasyon nito.
(Ang salitang matibay ay naglalarawan ng salitang pundasyon)
Q1 – FILIPINO 8 | 9
PAGSASANAY!
Panuto: Isulat ang tsek (/) sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay patulad at ekis (x)
kung ang paghahambing ay di-patulad.
2. Paano ito nakatutulong sa mga mag-aaral na magamit ang mga pahambing na ito sa pagbubuo ng
mga pangungusap?
- Nakatutulong nag mga pahambing na magkatulad sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na
pahambing.Sa ganitong pagkakataon, naisasaayos nila ang mga pangungusap na sakto sa
pangungusap.
Q1 – FILIPINO 8 | 10
IKALAWANG LINGGO
PANITIKAN:ANG ALAMAT NG MARINDUQUE
GRAMATIKA: ELEMENTO NG ALAMAT
-Nakikinig at nagbabasa ng may pag-unawa upang mailahad ang
layunin ng napakinggan/binasa, maipaliwanag ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangyayari at mauri ang sanhi at bunga ng mga
Most Essential Learning
pangyayari
Competencies (MELCs)
- Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan
ng: paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda, dating
kaalaman kaugnay sa binasa
INTRODUKSIYON:
Likas sa tao ang paghahangad malaman ang kahulugan at pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
kanyang paligid.Sa ating sariling pamilya na lamang, natural lang sa mga bata na mga kuwento sa mga
magulang o sa mga lolo at lola tungkol sa kanilang nakaraan.Sa iba’t ibang sangay ng agham,tinatangka
nitong ipaliwanag sa isang lohika ,obhetibo at mapatutunayang pamamaraan ang ugat ng lahat ng
kalikasan.Sa antas ng lipunan,pinag-aaralan natin ang kasaysayan ng ating bayan upang higit nating
maintindihan ang kasalukuyan nating panahon.Kadalasan, ang mga aral ay ginagamit nating gabay sa
paghatak natin sa hinaharap.
Ang mga tanong sa ibaba ay ang iyong magiging gabay na tanong sa paggawa ng mga pagsasanay sa
araling ito.
1. Ano ang alamat?
2. Paano napapaunlad at nakatutulong ang alamat sa ating lipunan?
3. Kung ikaw ay gagawa ng isang alamat, anong alamat ang iyong gagawa?Ipaliwanag.
MAIKLING PAGSASANAY
CONTENT DISCUSSION:
Q1 – FILIPINO 8 | 11
Simulan nating basahin ang “Alamat Ng Pinagmulan ng Marinduque”, upang ating unti-unting
malaman ang iba’t ibang elemento ng alamat.
Q1 – FILIPINO 8 | 12
Hindi na matiis ni Mutya Marin ang paglait ng kanyang ama sa minamahal. Kaya minsan ay
ipinagtanggol ni Marin ang binata.
“Hari kong ama, utang na loob! Huwag ninyong hamakin ang aking kasintahan. Siya ang
tumutugon sa aking mga saligan sa buhay.”
Hindi pa nakatapos si Marin sapagkat si Datu Batumbakal ay nagsalita. “ikaw ay nabubulagan.
Ipagpaliban natin ang hinggil sa bagay na iyan. Sa iba nang araw natin pag-usapan.”
Napipi si Marin at siya’y hindi na nakaimik kaputok man.
Maluwat ding panahon ang lumipas na di pumapasok ang mang-aawit sa palasyo. Likha
palibhasa ng di-matingkalang kapangyarihan ng pag-ibig, si Mutya Marin ay sadyang nagliwaliw sa
kaparangan sa pagbabakasakaling matagpuan doon ang abang makata. Nakarating sya sa matulaing Ilog
Pansipit. Napadako si Mutya sa panig ng baybaying ilog na mapanganib. Dito’y maraming mga buwaya
na sumisila ng tao.
Nang sisilain na lamang at sukat si Marin ng isang mabangis na buwaya, ay siya namang
pagdating ng makatang kasintahan. Sa kabutihang-palad kapagkaraka’y buminit ang binata sa palaso.
Natudla ang buwaya kaya nasagip si Marin sa nakaumang na sakuna.
“Salamat, Mahal! Ipinag-aadya pa ako ng ating mga anito!”
“Bakit ka nangahas na maglibot sa kagubatan? Di mob a alam na ikaw ay kagigiliwan ng nuno sa
punso? Kung magkagayon, hindi ka na makababalik sa palasyo.”
“Ewan ko ba! Hindi ako mapalagay kung hindi kita Makita. Maluwat nang hindi mo ako
sinisipot. Kay dali mong makalimot!” ang pagtatampo ng dalaga.
“May babala sa akin ang iyong ama.”
“Kung talagang tapat ka sakin, kung tunay ang iyong pagmamahal, hahamakin ang lahat. Kahit
kamataya’y iyong susuungin kung dahil sa akin.”
“Marin, tunay nga bang ako’y iyong minamahal? Ako isang dukkha, kumain dili. Bakit mo ako
itatangi? Si Datu Bagal ay mayaman. Si Datu Sagwil ay makapangyarihan. Si Datu Kawili ay marahas.
Bakit ako ang pag-uukulan ng iyong kalinga?”
“Ang puso ko’y iyong sinusugatan,” pakli ng dalaga.
“Sundin moa ng iyong mahal na ama. Ang datu ay ayaw sa akin. Ano nga naman ang iyong
mapapla sa isang mang-aawit na tulad ko? Maaari ka bang pakainin lamang ng aking mga tula?
“Hindi ang pagkain lamang ang nakbubuhay sa tao. Banal ang iyong kaluluwa.”
“Salamat, Marin! Nalalaman mo bang ang pakikipagkita mong ito sa aki’y ipinagbabawal ng
Datu?”
“Oo.”
“Nalalaman mo bang ang pagkikipagtagpo mo sa aki’y nangangahulugan ng pagtagpas sa aking
ulo? Baka pati ikaw ay maparamay.”
“Nababatid ko. Ako’y nakipagtagpo sa iyo upang minsan pa nating sariwain ang sumpang sa
ating dalawa ay walang mamamagitan kundi kamatayan!”
“Isinusumpa ko. Kita’y mamahalin hanggang langit.”
“Magmamahalan tayo hangga’t may daigdig. Magsadya ka mamayang gabi sa palasyo, sa
halamanang dati nating tagpuan. Mayroon akong ipagtatapat.”
“Umalis ka na at baka hanapin ka ng iyong ama.”
“Siya nga. Isa lamang aliping dalaga ang kasama.”
Inihatid ng binata ang dalaga hanggang sa tabi ng kabayanan. Nang kinahapuna’y ipinatawag si
Marin ng ama. “Bakit k aba nakikipagtagpo nang lihim sa dukkha mong kasintahan? Ito’y sinsay sa
Q1 – FILIPINO 8 | 13
aking mga kautusan at kaugalian ng balangay. Ang maharlika ay sa maharlika at ang alipi’y sa alipin.
Bukas na bukas din aking papupugutan ang iyong kasintahan.”
Hindi nakuhang makapagmatuwid ang dalaga. Alam niyang ang bawat sabihin ng ama’y
masusunod. Napakasungit ng datu! Pinasusian si Mutya Marin sa itaas ng tore. Nang dumating ang
tipanang oras ay walang makitang Marin sa halamanan. Hinanap ng binata ang dalaga.
Nakita niyang maliwanag ang tore kaya sinapantahang naroon ang hinahanap. Sumagi sa
kanyang hinala na namalayan ng datu ang pakana nilang pagtatagpo.
Ang mang-aawit ay nagpunta sa paanan ng tore nguni’t paano niya maaakyat iyon? Wala syang
mahagilap na lubid o anumang tali. Siya’y naupo at nag-isip. Namataan niya na may aninong
gumagalaw sa bintana at ilang saglit pa’y may naglawit ng lampara. Napag-alaman niyang si Marin ay
gising. Nahinuha niyang batid ni Marin na siya’y nasa paanan ng tore at naghihintay. “Dapat sana siyang
mag-ingat sa paglalawit ng ilaw sapagka’t baka mahalata ng bantay,”bulong ng makata sa sarili.
Samantalang ang binata ay nasa ganitong pagmumuni-muni, bigla siyang namangha nang makita
si Marin sa kanyang harapan. Ang dalaga pala’y naghugos sa tore sa pamamagitan ng lubid at mga
piraso ng damit na pinagbuhol-buhol.
“Giliw,” ang simula ni Marin,” bukas ay pupugutan ka.”
“Ako’y nakahanda. Pumapayag k aba?”
“Hindi maaari. Tayo ay magtanan habang may panahon. Mayroon akong kinasabuwat na mga
alipin na gagaod sa ating Bangka. Sa Wawa tayo hinihintay.”
“Saan tayo tutungo?”
“Tayo’y tatakas. Tayo’y pasasatimog…saanman..doon sa walang amang makapanghihimasok
sap ag-ibig ng anak.”
Ang dalawa’y nagtanan. Magdamag silang naglayag sa lawak ng karagatan. Nang-umaga. Nang
mag-aalmusal na, siyang pagkapansin ng datu na si Marin ay wala na. May nakapagsumbong na siya’y
tumakas. Inihanda at iniutos ng datung habulin nang mabilis na batil pandigmaan ang magkasintahang
tumalikod sa kaugalian ng balangay.
Nagpabalita si Datu Batumbakal sa tatlong datung tagasuyo ni Mutya Marin. Si Datu Sagwil ay
madaling tumugon.
Sa mga nagsihabol ay kasama si Datu Kawili na siyang gusting pagpakasalan kay Marin. Si Datu
Bagal ay sumama rin nang magdaan sa Mindoro ang mga Humahabol.
Anong magagawa ng munting sasakyang kinalululalan ng magkasintahan? Walang pagsalang
sila’y aabutin! Limang oras lamang ang nakalipas matapos makapag-almusal ang datu nang abuti ng
dambuhalang sasakyang humahabol ang mga nagsitakas.
Binuo ng magkasintahan ang kanilang sarili na sila’y di pabibihag nang buhay, kaya sinabi na
mangyari na ang dapat mangyari. Bilang pagmamatigas ng binata ay pinagkaisahan nilang magpatihulog
sa karagatan. Pinagtali ang dalawang kamay nang matibay na lubid at ito’y ikinabitsa mabigat na bato
upang sila’y magtuloy-tuloy sa kailaliman ng dagat.
Ganito nga ang nangyari. Nang iilan na lamang dipa ang agwat ng maliit na sasakyan sa
malaking sasakyang humahabol, ay magkayapos na tumalon sina Marin at ang binata. Tuloy-tuloy sa
kailaliman ng tubig dahil sa mabigat na pataw na nagsilbing sangkap ng kamatayan.
“Paalam, Batumbakal,” ang sabi ni Garduque.
“Paalam, Amang,” ang sabi ni Marin.
Hindi matagpuan ang magkasintahan. Para manding bulang hinigop ng buhawi.
Kinaumagahan, anong pagtataka ng mga nagsisihanap nnang Makita ang isang malaking pulo sa
dakong tinalunan ng magsinggiliw. Mula noon ay pinangalanan ang pulo na MARINDUQUE, galing
kina Marin at Garduque.
Q1 – FILIPINO 8 | 14
Nagsisi si Datu Batumbakal nguni’t huli na. Siya’y naging mapagmahal sa kanyang mga sakop.
Ang mga alipin at ang mga maharlika ay naging pantay-pantay sa dambana ng mga anito tungkol sa
pag-ibig at suliranin sa puso.
Ang MARINDUQUE ngayon ay isang pulong may maganda at matulaing tanawin. Pinilas ang
ganda kay Marin at hiniram ang tula sa dakilang mang-aawit.
ALAMAT
Ito ay isang salaysay na tuluyan at nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay o lugar. Karaniwang
hubad sa katotohanan ang mga kuwentong ito dahil ito’y mga likhang isip lamang ng ating mga ninuno
sa pagtatangka nilang ipaliwanag ng mga bagay-bagay sa paligid at bunga ng kawalan ng mga kaisipang
mapanghahanguan ng mga tumpak na paliwanag tulad ng agham at Bibliya.
Paano nga ba makasusulat ng isang alamat? Narito ang mga elementong matatagpuan sa isang alamat.
ELEMENTO NG ALAMAT
SIMULA
Makikita rito ang:
Tauhan- Gumaganap sa kuwento (bida at kontrabida)
Tagpuan-Saan at Kailan naganap ang kuwento, maaaring tag-init o tag-ulan, sa bakuran
o loob ng bahay.
GITNA
Makikita rito ang:
Saglit na Kasiglahan-panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan.
Tunggalian-Pagpapakita ng problema na kakaharapin ng tauhan maaaring sarili laban sa sarili,
sa kapwa o kaya sa kalikasan
Kasukdulan-Pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging
tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay.
Diyalogo-Pinakamahalagang bahagi ng kuwento dahil ito ang palitan ng usapan ng mga
tauhan.
WAKAS
Makikita rito ang:
Kakalasan-Unting-unting bababa ang takbo ng istorya.
Katapusan-ang resolusyon ng kuwento maaaring malungkot o masaya, pagkatalo o
pagkapanalo.
Q1 – FILIPINO 8 | 15
PAGSASANAY:
PANUTO: Suriin nag mga elemento ng alamat ayon sa mahahalagang pangyayari sa akda.Isulat ang
letra ng tamang sagot bago ang patlang.
A. tauhan B. tagpuan C. suliranin D. kasukdulan E. katapusan
Q1 – FILIPINO 8 | 16
IKATLO AT IKAAPAT NA LINGGO
PANITIKAN: BANTUGAN
Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa:
-paghahawig o pagtutulad
-pagbibigay depinisyon
Most Essential Learning
Naisusulat ang mga talatang:
Competencies (MELCs)
-binubuo ng mga magkakaugnay at maayos na mga pangungusap
- nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
- nagpapakita ng simula gitna at wakas
INTRODUKSIYON:
Ang iyong babasahing kuwento ay isang epiko. Ang epiko ay isang mahabang tulang pasalaysay na
inaawit o binibigkas na nagsasaaad ng kabayanihan at mahiwagang pangyayari sa buhay ng
pangunahong tauhan na karaniwang nagtataglay ng lakas na nakahihigit sa karaniwang tao.Ito ay
pakikipagsapalaran at pakikitunggali ng isang bayani laban sa kanyang mga kaaway.Kuwento ito ng
kabayanihang punong-puno ng mga kagilas-gilas na pangyayari at pagsubok na halos ay hindi
makapaniwala dahil sa mga pangyayari at tagpuang di kapani-paniwala.
Ang pamagat ng iyong babasahin ay “Bantugan” isang epikong-Romansang Malay kung saan may
paniniwalang napatatagal ang buhay kung ang kaluluwa ay paiingatan sa isang isda, hayop, bato o
punongkahoy.
MAIKLING PAGSASANAY
Nasubukan mo na bang umibig? Lahat tayo ay umiibig. Ang pag-ibig ay hindi lamang para sa
dalawang tao, ito ay para sa kaibigan, pamilya, guro at kaklase, kapwa pati na rin para sa Diyos ngunit
para sa iyo paano mo masasabi na ang pag-ibig ay totoo. Itala sa baba ang katangian ng isang tunay na
pag-ibig.
Q1 – FILIPINO 8 | 17
Pag-ibig
Ngayon, gaano mo kakilala ang iyong sarili? Isipin ang magaganda mong katangiang-pisikal
man o panloob na sa palagay mo’y nakabibighani o nagiging dahilan upang magustuhan ka ng mga tao
sa iyong paligid. Isulat mo ang iyong sagot sa loob ng puso.
CONTENT DISCUSSION:
Napakamakapangyarihan ng isang hari kaya’t halos kilalanin siya bilang diyos at anuman ang
kanyangiutos, mabuti man o masama, ay dapat sunduin ng kanyang mga nasasakupan.
Simulan na nating basahin.
BANTUGAN
Ganito ang simula ng Epikong Bantugan
“Sa alwangan imanto
Na aia dun mata tabu
Mara rampun a adar
O inia Onan o kampong
Sa ilian a Bumbaran.
May isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki. Ang
nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay
nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangiang higit sa kanyang nakatatandang kapatid na
si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe Bantugan ay
napakatalino. Mabilis siyang matuto kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na
kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.
Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang mapatay niyang mag-
isa ang isang malaking buwayang pumatay sa ilang taong-bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong-
bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.
“Napakalakas niya!” ang sabi ng isang matandang lalaki nang Makita ang patay na buwaya.
Q1 – FILIPINO 8 | 18
Paano nakaya ng isang taong ganito kabata na patayin ang buwaya? “Sinasapian siguro siya ng
mga diyos!” sabi naman ng isa.
“Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw!” sabi ng pinuno ng bayan.
Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging pinakamagaling na
sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa labanan. At lagi silang nagwawagi
laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo
ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay wala nang kahariang nangahas kumalaban sa kanila.
Kapayapaan at pag-unlad ang nanghari sa kaharian dahil sa natamo nilang respeto at pagkilala ng mga
kalapit na kaharian.
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali ang
hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta sa mga nasa ranggo. Nais nilang si prinsipe Bantugan
ang maging bagong hari. Kahit ang mga ordinaryong mamamayan ay nagsasabing si prinsipe Bantugan
ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.
“Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas. Kaya niya tayong protektahan laban sa mga
kaaway!” sabi ng isang matanda sa pamilihan.
“Sang-ayon ako sa iyo,” sagot ng matandang lalaki. Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan.
Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapat-dapat na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali
ang panganay sa kanilang dalawa. Siya mismo ang nagpatunay sa kanyang kapatid.
“Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya kung
paano magpatakbo ng gobyerno,” alam nya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At
marami siyang magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan.”
Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa pagitan
nina Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan ay hindi lamang matapang at
malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang babae sa kaharian ang nahuhumaling sa
kanya. Kahit ang mga babaeng gusto ng kanyang kapatid na si Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang
gayuma. Dahil sag alit at inggit, nagpahayag ang hari ng kautusan.
“Hindi ko gusto na nakikipag-usap ang kahit na sino sa aking kapatid na si prinsipe Bantugan.
Sino man ang makitang nakikipag-usap sa kanya ay ipakukulong o kaya ay parurusahan nang malubha.”
Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sariling parang
may nakahahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang kababaihan at kahit ang taong kanyang
minamahal. Walang gusting kumausap sa kanya sa takot na baka makulong at maparusahan ng hari.
Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito, nagpasiya ang prinsipeng lisanin ang kaharian.
Q1 – FILIPINO 8 | 19
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, dating kaaway ni Haring Madali, na si Bantugan ay
namatay ay dagli silang nagdala ng maraming kawal na sandatahan upang salakayin ang Bumbaran.
Nang sumalakay sina Haring Miskoyaw ay kasalukuyang nagdiriwang ang lahat dahilsa pagkabuhay ni
Prinsipe Bantugan.
Hindi alam ni Miskoyaw na nabuhay muli si Bantugan kaya nagkaroon ng padiriwang. Natigil
ang pagdiriwang at ang dalawang kaharian ay naglaban. Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at sa
pamamagitan ng kanyang kampilan ay pumatay ng maraming kaaway. Buong tapang na lumaban si
Prinsipr Bantugan ngunit nanghihina pa siya dahil kagagaling niya sa kamatayan, kaya siya ay nabihag.
Iginapos siya ngunit nang manumbalik ang kanyang lakas, nilagot niya ang gapos at siya’y nakawala.
Buong bangis siyang nakipaglaban hanggang sa mapuksa ang mga kaaway.
Pagkatapos niyang magtagumpay sa labanang ito ay dinalaw lahat ni Prinsipe Bantugan ang mga
kahariang karatig ng Bumbaran at pinakasalan ang lahat ng prinsesang kanyang katipan at umuwi sila sa
Bumbaran. Buong galak siyang sinalubong ni Haring Madali at nag-utos ng panibagong pagdiriwang.
Ang buhay ni Prinsipe Bantugan ay naging maligaya hanggang sa kanyang mga huling sandal.
Alam mo ba ang Epiko at Alamat ay may pagkakapareho, ating tingnan ang kanilang
pagkakapareho pagkatapos nito, ikaw ay inaaasahang makagagamit ng iba’t ibang teknik sa
pagpapalawak ng paksa: -paghahawig o pagtutulad -pagbibigay depinisyon –pagsusuri.
TAGPUAN TAUHAN
Ito ang nagbibigay ng linaw sa paksa o banghay Mapapansin na halos karamihan ng pangunahing
ng isang epiko. Dahil sa tagpuan ay higit na tauhan sa epiko ay nagtataglay ng kapangyarihan
nagiging malinaw kung bakit ganito mag-isip at bagama’t may ibang ordinary lamang ngunit dahil
kumilos ang tauhan at kung bakit ganito ang kaya nilang mamuno at magtanggol, ito ay
naging takbo ng pangyayari. kadakilaan at tinuturing na bayaning may
kakayahang kalabanin ang mga hamon sa buhay.
TALUDTURAN TUGMA
Ang pagpapangkat-pangkat ng mga Ang epiko ay gumagamit ng magkakahawig
taludtod ng isang tula ay tinatawag na tunog sa dulompantig ng mga taludtod.
na taludturan. Karaniwang apat na taludtod Tinatawag itong tugma.
ang bumubuo sa isang taludturan o
saknong.
Q1 – FILIPINO 8 | 20
PAGSASANAY!
(kawal) 1. Ang sultana ay nagpadala sa lahat ng dako ng mga batyaw upang malaman kung
may babaeng nakahihigit sa ganda niya.
(pinag-interasan) 2. Pinagnasaang pasukin ng sultan ang palasyong nakatayo sa loob ng kagubatan.
(nagtagal) 3. Hindi naglaon, ang madilim na balak ng asawa ay natuklasan ng sultan.
(layunin) 4. Ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pakay sa mahal na hari.
(kinalakihan) 5. Ang bata ay lubos na minahal at inaruga ng kanyang mga kinagisnang magulang.
Panuto: Basahin nag bawat pangungusap. Suriin kung anong elemento ng tula ang tinutukoy.Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang isang mahabang salaysayin na patula na sumasalamin sa kultura ng isang bansa.
a. Tula b. Epiko c. Salaysay d. Alamat
Q1 – FILIPINO 8 | 21
- Hindi maganda ang mainggitin sa kapwa sapagkat ang pagiging mainggitin ang siyang magpapabagsak
mismo sayo at siya pang dahilan ng kapahamakan sa iyong buhay.
7. Paano ito makakahadlang sa pagtatagumpay?
- Makakahadlang ito sa buhay na kung kaya’t ang kung ikaw ay mainggitin sa kapwa mo, tagumpay na
tinatamasa mo ngayon ay kulang pa. Gusto mong mas makaangat sa iba o kay naman ay gusto mong mas
lamang ka sa nakararami.
Ang epiko ay isang mahalagang akdang pampanitikan na patuloy paring lumalaganap sa ating lipunna.Sa
ating tinalakay ay may kinikilala tayong “superhero” ay hindi natatangi sa ting pamumuhay sa modernong
panahon.Ang iba’t ibang lahi mula sa iba’t ibang panig ng daigdig mula sa malayong nakaraan ay may kani-
kaniyang “superhero” na kanila ring tinitingala at hinahangaan.Kahit ang mga ninuno natin noong panahong
pre-kolonyal ay may kinikilalang “superhero” na nagpapakita ng mayamang kultura ng ating bansa. Kaya’t
sa pamamagitan ng media ay binibigyang buhay ang mga akdang ito upang maging kawili-wili at kapaki-
pakinabang ang pagbabasa ng mga nasabing akda lalo na ang epiko.
ARALIN 2
IKALAWANG PAKSA: MGA HUDYAT NG MGA SANHI AT BUNGA NG MGA
PANGYAYARI
-Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
Most Essential Learning (dahil, sapagkat, kaya, bunga, nito, iba pa)
Competencies (MELCs) - naibabahagi ang sariling opinion o pananaw batay sa napakinggang
pag-uulat
INTRODUKSIYON:
MAHALAGANG TANONG:
Q1 – FILIPINO 8 | 22
MAIKLING PAGSASANAY:
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na mga pangungusap. Bilugan ang bahaging tumutukoy sa
sanhi at salungguhitan naman ang bahaging naglalahad ng mga bunga ng pangyayari.
1. Sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas, kinilala siyang pinuno ng pook na Ibalon.
2. Namula sa dugo ng mga buwaya ang ilog Bicol dahil sa pagkapanalo ni Handiong sa labanan.
3. Si Handiong ang gumawa ng unang bangkang pandagat sa Ibalon. Dahil sa halimbawa niyang
ito, nahikayat ang mga tao na tumuklas ng sari-saring kagamitan.
4. Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang ipagtanggol ang kaniyang
nasasakupan.
5. Pinairal ni Hnadiong ang makatarungang batas tuloy nagkaroon ng dangal ang bawat
mamamayan. Kaya, mula noon si Handiong ang humaliling bayani ng epiko.
CONTENT DISCUSSION:
Q1 – FILIPINO 8 | 23
IKALIMANG NA LINGGO
PAKSA: SISTEMATIKONG PANANALIKSIK
- naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon
sa binasang datos
- nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong
Most Essential Learning
datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang
Competencies (MELCs)
Pilipino
- nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos
(una, isa pa, iba pa)
INTRODUKSIYON:
Mababatid mo sa bahaging ito ang isang mahalagang kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-
aaral ito ay ang sistematikong paraan ng pananaliksik. Mahalagang matutunan mo ang mga hakbang na
dapat maisagawa kung ikaw ay nananaliksik upang mas masigurado na tama at dumaan sa tamang
proseso ang iyong pananaliksik at nang hindi mapahamak.
MAHALAGANG TANONG:
1. Ano sa tingin mo ang kahalagahan ng pananaliksik?
2. Paano nakatutulong ang pananaliksik sa iyo?
3. Paano makatutulong sa pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip ang pagkaunawa sa bagay na ito?
MAIKLING PAGSASANAY:
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang iyong kaalaman ukol sa salitang Pananaliksik.
Q1 – FILIPINO 8 | 24
CONTENT DISCUSSION:
Sa bahaging ito ng Modyul, layunin mong unawain ang mga pagbuo ng isang pananaliksik o pinal
na papel upang maisagawa ang iyong proyektong pang turismo.
SISTEMATIKONG PANANALIKSIK
Isang mahalagang kasanayang dapat matutuhan ng mga mag-aaral ay ang sistematikong paraan ng
pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o pagsisiyasat ng
isang bagay, paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap, pagpapakahulugan, pagbubuo, at pag-
uulat ng mga ideya nang obhetibo, matapat at may kalinawan.
1. Pagpili ng Paksa. Sa pagpili ng paksang isusulat, unang bagay dapat mong isaalang-alang ay
kung ito ba ay kawili-wili o naaayon sa iyong interes. Ikalawa, kailangang masiguro kung
kakayanin mong gawin ang pananaliksik, at huli ay ang pagpili ng paksang may sapat na
malilikom na datos.
2. Paglilimita ng Paksa. Mahalagang bigyang limitasyon ang paksang pipiliin upang hindi ito
masyadong maging masaklaw at matapos sa tamang panahon. Sa paglilimita ng paksa, gawing
batayan ang sakop ng grupong kinabibilangan,sakop ng anyo at uri at sakop ng perspektiba.
Halimbawa:
Paksa-Ang Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino
Nalimitang Paksa-Ang mga Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino sa Rehiyon 1
3. Paghahanda ng pansamantalang Bibliyograpiya. Sunod na gawin ang paghahanda ng
pansamantalang bibiliyograpiya. Tandaang ang paghahanda nito ay isang patuloy na proseso.
Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng mga aklat, artikulo,
peryodiko, magasin at iba pang nailathalang material maging sa internet. Siguraduhing ang mga
aklat o impormasyong isasama sa talaan ay may kaugnayan sa paksang tinalakay. Hindi
kailangang basahin nang masinsinan ang mga aklat o artikulong nasa talaan. Subalit, mahalagang
basahin ito nang pahapyaw upang matiyak ang kaugnayan nito sa paksa. Ito ang mga bagay na
dapat isaalang-alang sa paggawa ng pansamantalang bibiliyograpiya.
-pangalan ng awtor
-pamagat ng kanyang isinulat
-impormasyon ukol sa pagkakalathala
-mga naglimbag
-lugar at taon ng pagkakalimbag
-pamagat ng aklat
-ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman
4. Ang Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas. Ang pagbabalangkas ay isinasagawa upang
maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos.Makatutulong
ito upang mabigyan ng gabay at direksiyon ang pananaliksik sa simula pa lamang. Sa pagbuo ng
balangkas, kailangang isulat ang pangunahing ideya o pinakabuod ng pananaliksik na
isinasagawa. Isunod na ilista ang mga pantulong na ideya.Sumunod na tiyakin kung paano
ilalahad nang maayos ang mga ideya—kung ito ba’y kronolohikal o ayon sa
lugar at saka isaayos ang pormat.
5. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline. Dito na susuriing mabuti ang
inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay pang kailangang baguhin
o ayusin. Balansehin ang lagay ng bawat punto. Tantiyahin ang bawat bahagi kung nasosobrahan
o nakukulangan ng detalye.
6. Pagsulat ng Borador o Rough Draft. Mula sa iyong iniwastong balangkas at mga kard ng tala
ay maaari ka ng magsimulang sumulat ng iyong borador. Ang sulating pananaliksik ay dapat
magkaroon ng panimula na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin,
ang katawan na kababasahan ng pinalawig na balangkas at ang iyong kongklusyon na nagsasaad
ng buod ng mga natuklasan sa iyong pananaliksik.
Q1 – FILIPINO 8 | 25
7. Pagrerebisa. Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ng mga kamaliang
nagawa na kailangang maiwasto. Huwag madaliin ang pagrebisa upang maingat na maiwasto
ang bawat pangungusap at walang makalampas na mali. Dito pag-ukulan ng pansin ang
pagbaybay., kaangkupan ng pagkakagamit ng salita, ang gamit ng mga bantas at ang estraktura
ng mga pangungusap.
8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito. Manuskrito ang tawag sa pinal na sipi ng isang
sistematikong pananaliksik. Ito ay dapat na nakaayon sa pamantayan o istandard na ibinigay ng
guro. Bago ipasa ang pinal na gawa, tandaang repleksiyon ng sarili ang anumang ginagawa
kaya’t kailangang pagbutihin ang pagsulat bilang pagpapabuti rin sa sarili.
PAGSASANAY!
Basahin ang usapan ng magkaibigan at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
2. Tama bang magsaliksik sila para maragdagan ang kanilang kaalaman o hintayin nalang ang
guro sa mga ibibigay na impormasyon at kaalaman/ Bakit?
___________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
Q1 – FILIPINO 8 | 26
FINAL KNOWLEDGE: Generalization/ Synthesis/ Summary
Q1 – FILIPINO 8 | 27