You are on page 1of 2

UNANG SUMMATIVE TEST SA IKALAWANG MARKAHAN - FILIPINO 8

Pangalan:____________________________Seksyon:_______________Petsa:______________Iskor:______
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga pangungusap at pagkatapos piliin
ang titik ng tamang sagot.
1. Ang may-akda ng Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.
A. Andres Bonifacio B. Manuel Luis Quezon C. Jose P. Rizal D. Apolinario Mabini
2. Ito ay binubuo ng bilang ng pantig ng bawat taludturan sa tula.
A. Sukat B. Tugma C. Saknong D. Kariktan
3. Sangkap ng tula kung saan ang mga salita ay may itinatagong kahulugan.
A. Aliw-iw B. Tugma C.Sukat D. Talinghaga
4. Isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya o taludtod.
A. Saknong B. Tugma C. Sukat D. Aliw-iw
5. Bakit naisulat ng may-akda ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”?
A. Dahil sa pagmamahal sa bayang -sinilangan. C. May pinaabutan siya nito
B. Dahil may minamahal siyang babae D. wala siyang magagawa

Bago tayo magsimula’y akin munang ninanais


Na batiin kayong dito’y naliliping matahimik
Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig
Na ang tao’y nabubuhay na may layo’t panaginip;
Datapwa’t sa ano mang hangad nila iniibig,
Ay mayroong mag-uudyok, o kaya ay umuugit;
Kung minsa’y ang ating puso, at kung minsan ay ang isip,
Kaya naman iba’t iba ang wakas na nasasapit
Hango sa “Alin ang Dapat Maghari sa Tao;
Ang Puso at Pag-ibig o Ang Isip at Katwiran?
Ni Bartolome Del Valle

6. Uri ng akdang pampanitikang binasa.


A. Duplo B. Batutian C. Karagatan D. Balagtasan
7. Ang nagsasalita sa hinangong akda.
A. May-akda C. Mambabalagtas ng puso at isip
B. Lakandiwa D. Mababalagtas ng isip at katuwiran
8. Ang paksang pinagtatalunan sa akda.
A. Isip at katuwiran C. Tagumpay o kabiguan
B. Dunong-pagmamahal D. Kabutihan o di-kabutihan
9. Ang pagpapakahulugan sa puso batay sa mga saknong na binasa.
A. Pagkain B. Pag-ibig C. Karangalan D. Kayamanan
10. Ang makatang tinaguriang “Siesni ng Panginay”
A. Andres Bonifacio C. Jose Corazon de Jesus
B. Apolinario Mabini D. Francisco Balagtas Baltazar
11. Ang unang Balagtasan na pinagtalunan at itinanghal sa Instituto De Mujeres.
A. Bulaklak ng Lahi C. Bulaklak ng Kalinis-linisan
B. Lahing Kalinis-linisan D. Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
12. Sankap ng Balagtasan na siyang nagpapakilala at nagiging tagapamagitan ng dalawang panig.
A. Lakandiwa B. May-akda C. Tagapakinig D. Mambibigkas
13. Elemento ng Balagtasan na kung saan ay nag-iiwan ng iba’t ibang larawan sa isipan ng mga tagapakinig.
A. Sukat B. Indayog C. Simbolo D. Talinghaga
14. Isang napakahalagang elemento ng Balagtasan na kung saan dito umiikot ang kabuuang akda.
A. Tono B. Sukat C. Paksa D. Simbolo
15. Tumutukoy sa paggamit ng mga salitang may malalim na ibig ipakahulugan tulad ng tayutay.
A. Sukat B. Indayog C. Simbolo D. Talinghaga
16. Bahagi ng pananalita ng salitang matahimik.
A. Pang-uri B. Pandiwa C. Panghalip D. Pang-abay
17. “Nanalig akong kayo ay mayroon ding pananalig.” Bahagi ng pananalita ng salitang may salungguhit.
A. Pang-uri B. Pandiwa C. Panghalip D. Pangngalan
18. “Ang pag-ibig ay isang damdaming sintigas ng bato.” Ang kaantasan ng pang-uri sa salitang may
salungguhit.
A. Payak B. Lantay C. Pasukdol D. Pahambing

19. Ang pahayag na nagsasaad ng pagsang-ayon


A. Subalit, ang kilos mo, ang kaugalian at ang iyong kaisipan.
B. Ahh…hangang ngayon ay mababakas pa ang mga latay ng iyong kahapon.
C. Malaya ka na nga sa salitang Malaya, isang tunay na Pilipino sa bayang Pilipinas.
D. Lumalaya lamang ang iyong katawan subalit naiwan sa likod mo ang mga latay na tumimo sa iyong
isip.

20. Ang imperpektibo ng salitang pagkalooban.


A. Kalooban B. Pinagkalooban C. Pagkakalooban D. Pinagkakalooban

21. Isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan
ng kilos ng katawan dayalogo at iba pang aspekto nito.
A. Tula B. Dula C. Balagtasan D. Kwento

22. Kilala bilang Ama ng Sarsuwela


A. Dr. Jose P. Rizal C. Diogracias del Rosario
B. Serverino Reyes D. Apolinario Mabini

23. Dulang may kantahan at sayawan at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga
kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.
A. Maikling kwento B. Balagtasan C. Tula D. Sarsuwela

24. Isa sa mga propagandistang humingi ng pagbabago sa pamamalakad ng mga kastila sa Pilipinas. Kilalang
Utak ng Himagsikan.
A. Dr. Jose P. Rizal B. Andres Bonifacio C. Marcelo del Pilar D. Apolinario Mabini

You might also like